Xander's Point of ViewI told them to give her the simplest gown they have. Pero bakit lahat ng iyon ay umaangat sa tuwing suot ni Tin? Napakaganda niya sa lahat ng gown at kailangan ko pang pilitin ang sarili ko na sabihing hindi maganda ang mga iyon para lang palitan niya. And yet every gown, mas nagiging angat ang ganda niya.I was looking at my phone when she went out of the fitting room again. Parang ayaw ko na ngang tumingala."Last na ito Sir Xander. Bahala ka na sa buhay mo kapag hindi mo pa ito nagustuhan. Magsusuot na lang ako ng pamunas ng sahig para mas matuwa ka!" Natawa ako habang inaangat ang aking paningin mula sa cellphone. Naisip kong mas maigi na nga yatang basahan ang ipasuot ko para hindi siya mapan—..."Ano na? Ayaw mo pa rin ito? Ito na ang huling simpleng damit!" ika niyang nawawalan na ng pasensiya sa akin.Kumibot ang mga labi kong nakanganga nang bahagya. Kung hindi ko lang naramdaman na tila tutulo ang laway ko ay hindi ko pa iyon ititiklop. I was...Am
JUSTINE'S POINT OF VIEW "Sinasabi ko na nga ba!" Marahas na binitiwan ni Sir Xander ang kamay kong hawak niya. Kahit na ganoon ay hindi naalis ang ngisi sa labi ko. Mukhang pagkatapos ng tatlong taong kunwaring kasal namin ay baka mas mayaman na ako kay Sir Xander. "Wala bang ibang nasa utak mo kundi ang pera?" May yamot sa tinig na ika niya. "Pera ang bumubuhay sa tao, Sir Xander. Kung walang pera, baka namatay na ang nanay ko. Kung walang pera, baka hanggang ngayon, lubog pa rin kami sa putikan. Aminin mo man o hindi, Pera ang nagpapatakbo sa lahat..." ika ko. Sa nakikita ko sa mundo simula noong namulat ako sa hirap ng buhay ay napantanto kong pera ang mas importante. Lalo na sa katulad kong hindi naman ipinanganak na mayaman. Mahirap lang kami at kay hirap kitain ang pera. Pera na halos ipagkait sa amin dahil mahirap lang kami. "Money is the root of evil. Tingnan mo ang mga politiko dito sa Pinas, they become more evil because of their hunger for money. Kayamanan at kapangya
Xander's Point of View"Tin, can you make me a coffee..."Agad siyang tumayo at humarap sa akin nang mag-request ako ng kape. "Hot or cold Sir Xander?" aniyang parang waitress na nagtatanong ng order. "Hot..." sagot kong iniiwas ang tingin sa kanya dahil may importante akong binabasa ngayon. Kontrata iyon sa magiging boutique na ipapatayo namin."How hot, Sir Xander, high, medium or low?""Medium..." sagot ko kahit ang weird ng tanong niya. Parang steak lang na kailangan may nga level pa ng pagkakatimpla. "Black, with cream and sugar or just..."Tumaas ang tingin ko sa kanya na salubong ang mga kilay. What's with her today? Bakit parang kakaiba ngayon ang kinikilos niya?"You know what I prefer, right? Bakit kailangan mo pang tanungin?" medyo may inis na sa boses ko pero nagpigil pa rin ako. "Ah...sorry sir Xander, nakalimutan ko na. Medyo alam mo, makakalimutin na ako, tumatanda na eh..."Tinaasan ko siya ng kilay. Iniinis ba niya ako? Parang sinasadya niyang inisin ako sa araw
Justine's Point of ViewSa paglipas ng araw, marami akong natutunan sa pagtatrabaho sa kompanya. Hindi siya madali, pero kung talagang gustong matuto, kailangan ang sipag at tiyaga. At kailangan din ang makapal na mukha at malakas na kalooban. Kinakailangan ko talaga iyon. Dahil habang tumatagal, hindi mawala-wala ang pagkuwestiyon ng iba sa posisyon ko doon. Kung bakit ako naroon samantalang baguhan lang ako at medyo walang alam. Alam kong iyon ang iniisip nila dahil iyon ang parating naririnig ko mula sa kanila. Alam kong inilihim nila Grandma at Sir Xander ang totoong pinanggalingan ko. Ang pagiging higschool graduate ko lang at pagiging maid. Pinoprotektahan nila ang pero alam ko naman din sa sarili kong hindi ko nga iyon deserve. Sa ngayon. Dahil patutunayan ko sa lahat na kaya ko at deserve ko. Sa tamang panahon."Tin, I need you to photocopy these documents. Be careful with it..." utos ni Sir Xander.Kinuha ko ang dokumentong sinasabi ni Sir Xander. Kapag importanteng dokumen
Xander's Point of View Pinagtatakahan ko talaga ang naging reaksyon ni Tin. Bigla na lang siyang umiwas nang naroon ako. Hindi din nila sinagot ang tanong ko. What's with them? Para nila akong pinagkakaisahan na dalawa. Noon ko pa iyon napapansin. Mas pinapabiran masyado ni Grandma si Tin. On the other side, mukhang hindi naman ako nagkamali ng desisyon dahil nagustuhan talaga siya ni Grandma. Baka kung ibang babae, baka hindi ganito. Baka nawala na sa akin ang pagiging halili ni Grandma sa kompanya."I heard you enjoy your family time, Xander. Buti naman. Kailangan ninyo iyon ni Tin." Napatingin ako kay Grandma nang magsalita siya. Susundan ko sana si Tin pero napatigil ako. Hinarap ko si Grandma at pilit na ngumiti "Yeah. Next time, come with us Grandma..Mas kailangan mo ang mag-enjoy kasama ang apo mo sa tuhod..."Ngumiti si Grandma sa akin. "I will, apo. Nga pala, handa ka na ba sa gagawing family meeting sa susunod na buwan? Si Tin, we need to introduce her..."Napalunok ako.
Justine's Point of View Pagkatapos ng nangyari sa paggastos niya sa pera ko ay naging okay naman ang buong araw namin sa park. Kitang kita na na-enjoy naman ni River doon dahil hindi ito masyadong nag-a-alburoto. Panay rin ang ikot ng ulo nito na para bang gustong gusto ang nakikita. Pero siyempre, magpapatalo ba naman ako. Lubos din akong nag-enjoy sa pamamasyal namin. Lalo na at ang mga pagkain na pinadala sa amin ni Grandma ay napakasarap. Sana pala ay isinama namin siya para lalong masaya. Kailangan din ni Grandma ang fresh air. Next time, isasama namin siya. Habang nasa biyahe kami ay abala ako sa aking cellphone kakatipa."What are you doing?" sita ni Sir Xander nang tumigil kami dahil red light. Agad kong itinaas ang cellphone ko at iniharap iyon sa kanya. Ipinamukha ko ang halaga ng dapat niyang bayaran. "Iyan Sir, bayaran mo iyan agad. Cash ang gusto ko dahil kailangan ko iyon in case of emergency..."Napatitig siya roon."What? Ten thousand? Hey, I just got five hundred