Justine's Point of ViewNagtaka ako nang dalhin ako ni Sir Xander sa isang jewelry shop sa loob ng mall. Nang bumaba siya ay napasunod ako sa kanya. "Pick a ring for you," bulong niya sa akin nang nasa may pinto na kami ng jewelry shop.Napaismid ako at inikutan ko siya ng bola ng mga mata. Ako talaga? Hindi ba dapat siya?"Maghulos dili ka, Tin! Huwag ipokrita!" Saway ko sa aking sarili. Bakit nga naman ipipilian niya ako ng singsing? Kunwari lang talaga ito."Good morning, Ma'am and Sir," bati sa amin ng isang saleslady na sumalubong sa amin. Pero hindi sa akin nakatingin, kay Sir Xander at halata pang nagpapa-cute siya. Tinaasan ko ng kilay ang saleslady na napatingin sa akin. Sinimangutan pa ako."May bibilhan ka?" At tinarayan pa ako nang mawala na si Sir Xander sa tabi ko. Ang demonyo, ayun naupo sa lounge area sa jewelry shop."Singsing, bakit? May reklamo ka?" Hindi ako nagpakabog sa katarayan niya. Akala niya naman papaapi ako.Inirapan niya ako bago pumunta sa loob at kinu
Last Updated : 2025-08-04 Read more