Share

Kabanata 1151

Huminto si Toph nang nagtaka siya. “Alitaptap? Anong ibig sabihin nun?”

Naningkit ang mga mata ni Zuko at nag-isip nang malalim. Ang paglitaw ng location tracking at ang signal na pinadala ay nangangahulugang hindi masyadong delikado ang kasalukuyang sitwasyon ni Lina. At ang salitang “alitaptap”...

Isang kampanteng ngiti ang lumitaw sa mukha ni Zuko. “Nasa Southeast Aciatic sila!”

“Ano?” Nabiglang sigaw ni Toph. “Sigurado ka diyan base lang sa isang salita?”

Tumango si Zuko. “Hindi ako nagkakamali. Siguradong sa Southeast Aciatic yun! Kahit na hindi sabihin ni Melvin kay Tito Nicholas, mahahanap natin sila!”

Nawala ang pagtataka ni Toph nang tinapik siya ni Zuko sa balikat at ngumiti. “Kung gusto mo nang makita si Renee, mag-impake ka na at sumama ka sa'kin!”

“Sige…”

Kalmadong naghanda si Zuko sabay kinausap si Tito Nicholas. “Wag mo munang iaatras ang mga tao mo. Maghihiwalay tayo sa dalawang grupo. Magpapatuloy ang team mo sa paghahanap dito habang aalis kami kaagad ni Toph.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hae_won
oh c'mon 1 chapter sa isang araw??
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status