Share

Kabanata 13

Hindi agad nakapagsalita si Cordelia.

Tuwang-tuwa si Carter sa kabilang linya at sinabi niya na bukod sa mababayaran na nila ang medical bill ng nanay nila ngayon, nilipat rin ng mga Jenner ang nanay nila sa isang VIP ward na may propesyonal na tagapag-alaga at pinakabagong imported na gamot.

“Ate, mabait pa rin ang dad mo kay mom,” ang sabi ni Carter ng may ngiti sa kanyang mukha. “Sige na, ibababa ko na ang tawag. Kailangan ko nang pumunta sa revision session ko!

“Oo nga pala, huwag mong kalimutan yung pambayad ko para sa mga reference book ko. Ako na lang yung hindi pa nakakabayad sa klase!”

“Sige…” Ang bulong ni Cordelia, hindi niya maintindihan ang buong sitwasyon kahit na noong binaba na ni Carter ang tawag.

Nagkaroon na ba ng konsensya si Yelena? May nararamdaman pa kaya si William para sa nanay niya?

Nang maalala niya kung paano siya trinato ng mga Jenner noong bumalik siya para bumisita, hindi na siya umasa na makukuha pa niya ang $40,000 na wedding gift. Hindi niya ito inaasahan…

Nagmadaling bumalik si Cordelia sa loob ng kwarto at maingat niyang binalik ang pulseras sa kahon. Buti na lang ay hindi niya ito binenta!

Hinaplos niya ng mga daliri niya ang mga alahas sa kahon ng may ngiti sa kanyang mukha at kinausap niya ang kanyang sarili. “Iingatan ko kayong maigi simula ngayon. Wala akong ibebenta na kahit isa sa inyo, kahit kailan!”

Nakasilip si Marcus mula sa pinto, pinagmasdan niya ang kagandahan ng babae. Ngumiti siya at nakaramdam siya ng init sa kanyang puso. Pagkatapos ay tumingin siya sa kanyang phone.

Isang salita lamang ang nilalaman ng text ni Josiah—[Done].

[Hindi na masama. Bibigyan kita ng gantimpala.]

Noon pa man ay matipid na sa mga salita si Marcus at sumasagot lamang siya kapag maganda ang timpla niya. Ito ang unang beses na nakatanggap si Josiah ng mahabang sagot mula sa kanya.

Sa katapusan ng linggo, naglinis ng bahay si Cordelia habang nagsasanay naman si Marcus gamit ang punching bag sa harap ng bahay nila.

Habang pinakikinggan ni Cordelia ang mga suntok ni Marcus, natuwa siya. Kahit na hindi niya maintindihan kung bakit nahuhumaling si Marcus sa bayolenteng gawain na ito at hindi siya tumitigil sa pagsasanay araw-araw, hindi niya siya pinigilan. Sa halip, sinuportahan pa niya ito. Mas mabuti nang manuntok siya ng mga sandbag sa bahay kaysa sa makipag-away siya sa labas.

Papasok na sana si Cordelia sa kusina upang magluto pagkatapos niyang maglinis noong tumunog ang kanyang phone. Umalingawngaw ang nakakainis at galit na galit na boses ni Yelena noong sandaling sinagot niya ito.

“Cordelia, napakagaling mo talaga, hindi ba?! Nakipagrelasyon ka kay Mr. Bayer… Manang-mana ka talaga sa nanay mong p*ta!”

“Anong kalokohan ang pinagsasabi mo ng ganito kaaga?!”

Ayaw na ayaw ni Cordelia ng nasesermonan siya ng walang dahilan gaya ng makasalubong siya ng isang asong ulol. Ibababa na sana niya ang tawag noong narinig niya na suminghal si Yelena. “Kung hindi nangialam ang mga Bayer, paano mawawala kay dad yung lupa? Alam mo ba kung anong sinabi ni Mr. Bayer kay dad? Sinabi niya na nagtataka siya kung paano titipirin ni dad ang business partner niya dahil nanguripot siya ng husto sa wedding gift ng anak niya!

“Kaya nawala sa’min yung lupa na ‘yun! Wala na!

“Alam mo ba kung gaano kalaki ang effort ni dad sa project na ‘to? Nasa $150,000,000 ang tinatayang halaga nito! Ilang buwan ng pagsisikap ang nawala nang ganun-ganun na lang! P*ta ka! Kasalanan mo ang lahat ng ‘to!"

“Ano…” Naguluhan si Cordelia.

Sinong Bayer at anong lupa?

“Nababaliw ka na ba? Nagpunta ka sa ospital at binigay mo ang diamond necklace sa kapatid ko, at tinatanggi mo ‘yun ngayon at gumawa-gawa ka pa ng kung sinong Mr. Bayer? Ni hindi ko nga alam kung sino yung taong ‘yun!”

“Huwag ka nang magkunwari! P*ta ka! Kung umasta ka parang napakabait mo at nakakaawa ka, pero yung totoo isa kang p*ta na nang-aakit ng mga lalaki! Ilang lalaki na siguro ang nakatabi mo sa kama, tama ba? Napakaswerte ni Marcus na pinakasalan niya ang isang p*tang gaya mo!”

“Ikaw!” Nanginig sa galit si Cordelia at namula siya. Mahinhin siya, ngunit hindi ibig sabihin nun na duwag siya. Sa sobrang tagal niyang tiniis ang mga pang-iinis at pang-iinsulto ni Yelena ay napilitan na siyang lumaban sa halip na manahimik na lamang.

Subalit, sa pagkakataong ito, ni hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Hindi niya maintindihan kung anong kinakagalit ni Yelena!

Noong hindi niya alam ang kanyang gagawin, may humila ng phone niya mula sa likod. Sa gulat niya, napalingon si Cordelia at nakita niya ang galit na galit na mukha ni Marcus.

Ang sabi niya sa phone ng may malalim na tono, “Wala akong pakialam kung sino ka. Huwag kang bastos kapag kausap mo ang asawa ko!

“Kapag nakarinig ako ulit ng kabastusan na gaya ng sinabi mo kanina, mag-isip-isip ka na kung kakayanin mo ang magiging kapalit ng mga sinabi mo!”

Mararamdaman ang karahasan sa tono ng boses niya sa bawat salitang sinabi niya. Sapat na ang marinig ang mga sinabi niya upang kilabutan ang isang tao.

Biglang natahimik ang linya. Malamang ay nanahimik si Yelena sa sobrang takot.

Binaba ni Marcus ang tawag at binalik niya ang phone ni Cordelia sa kanya bago siya bumalik sa labas upang suntukin ang punching bag ng may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha.

Natulala ng ilang sandali si Cordelia, ngunit natuwa siya. Kailan man ay wala pang nagprotekta sa kanya ng ganun noon—si Marcus ang unang gumawa nito.

Hinubad ni Marcus ang kanyang boxing gloves at hinagis niya ang mga ito sa gilid pagkatapos niyang suntukin ang punching bag sa harap ng bahay nila ng ilang beses, at hiningal siya habang nakasimangot ang kanyang mukha.

Paglipas ng ilang oras, nakatanggap ng text si Josiah mula sa kanya. [Anong sinabi mo kay William Jenner?]

Pinag-isipan ni Josiah ang mga sasabihin niya at maingat siyang sumagot, [Ginawa ko lang ang sinabi mo, Z. Ang sabi mo pahirapan ko siya, ‘di ba?]

Noong pinadala niya ang sagot niya, tinawagan siya ni Marcus ng may boses na kasing lamig ng yelo.

“Inutusan kita na pahirapan siya. Sinabi ko ba sa’yo na banggitin mo ang tungkol sa wedding gift? Hmm?”

“Z, pero…”

Gusto niyang gumanti para sa asawa niya. Ano pala ang dapat na sinabi ni Josiah kung hindi niya babanggitin ang tungkol sa wedding gift?

“Josiah Bayer!” Nanggagalaiting nagsalita si Marcus. “Maganda na may utak ka, pero hindi pa fully developed yung sa’yo!”

Binaba ni Marcus ang tawag pagkatapos niyang sabihin iyon, at naiwang nagtataka si Josiah. Buti na lang, kasama niya si Fredric Constable, na kadarating lang mula sa Centrolis.

Bilang kababata niya, humalakhak ng malakas si Fredric pagkatapos ikwento sa kanya ni Josiah ang nangyari.

“Tama si Z tungkol sa’yo. Hindi pa fully developed ang utak mo!”

Inambahan siya ni Josiah.

“Isipin mo. Inipit mo si William Jenner gamit ng wedding gift at inagaw mo sa kanya ang lupa. Halatang-halata na kinakampihan mo si Cordelia Jenner, hindi ba? Anong mangyayari ngayon? Maging ang tagapagmana ng mga Jenner ay iniisip na may relasyon kayo ni Cordelia. At sa tingin mo ba matutuwa si Z na marinig ‘yun?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status