Share

Kabanata 14

Author: Breaking Wave
Hinampas ni Josiah ang sarili niyang hita, ngayon lang niya napagtanto na naghukay siya ng sarili niyang libingan.

“B-Bro… Fredric, kailangan mo akong tulungan!” Napangiwi si Josiah. “Wala akong balak na agawin ang asawa ni Z! Tsaka, hindi ko tipo yung mga inosente at mahinhin na babae na gaya ni Cordelia! May maluwag sigurong turnilyo sa utak ni Z kaya nagustuhan niya yung ganung tipo ng babae…”

Uminom si Fredric ng tsaa ng may misteryosong ngiti. Oo nga, hindi niya inasahan na ang malamig, at brutal na third heir ng mga Hamerton, na umiiwas sa mga babae, ay hindi lang basta naging si Marcus Grist kundi pinoprotektahan pa niya ang isang babae na gaya ni Cordelia Jenner.

"Hindi ba't sinabi ni Z na wala siyang pakialam sa kasal? Ginagamit niya lang 'yun para itago ang pagkatao niya…"

"At naniwala ka naman sa sinabi niya?" Inirapan ni Fredric si Josiah. "Hintayin mo lang. Sa tingin ko hindi ganun kasimple ang mga bagay tungkol kay Cordelia. Heh, walang nakakaalam kung gugustuhin pa ba ni Z na bumalik sa Centrolis pagdating ng araw!"

Pagkatapos ng tanghalian, umalis si Marcus, nagpaalam siya kay Cordelia na aalis siya.

Maliit lang ang nayon. Bago dumating si Cordelia, laging umaakyat si Marcus sa burol sa may daan ng nayon. Kaunti lang ang mga tao doon at sariwa ang hangin, kaya maganda ang lugar na ito para makapag-isa siya.

Madalas siyang pumupunta dito upang pagplanuhan ng maigi ang hinaharap.

Subalit, ngayong araw, hindi mapakali ang isip niya. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa mga tainga niya ang mga sinabi ni Yelena sa phone.

Huminga ng malalim si Marcus at nagdesisyon siyang umakyat sa tuktok ng burol nang biglang tumawag sa kanya mula sa likod. "Hoy, Marcus!"

Isang lalaki ang kumaway sa kanya habang tumatakbo siya paakyat sa burol.

Huminto si Marcus at bahagyang sumimangot.

"Nakita kita mula sa baba! Hindi ko inasahan na mabilis ka palang maglakad. Kinailangan kong tumakbo para maabutan kita!

"Oo nga pala, magaling ka na ba? Gusto mo bang ikuha kita ng mga gamot?"

Tumango si Marcus, sumagot siya ng walang gaanong emosyon, "Salamat, magaling na ako. Salamat sa tulong mo."

"Magkaibigan tayo. Ayos lang 'yun!"

Tinapik ng lalaki ang balikat ni Marcus, at magkasama silang umakyat sa burol.

Yung totoo, malaki ang utang na loob ni Marcus sa lalaki. Seth Stafford ang pangalan niya, at nagmula siya sa isang disenteng pamilya, isa sa iilang pamilya na mayaman sa nayon.

Si Seth din ang tanging university student sa nayon, at graduate siya ng med school. Noong taon na bumalik siya pagkatapos niyang grumaduate, nakilala niya si Marcus, na ginagamot ang kanyang mga sugat sa bahay. Mabait at masayahin si Seth. Siya lang ang tanging dumadalaw kay Marcus tuwing makalawa, nagbibigay sa kanya ng gamot, noong mga panahon na iniisip ng buong nayon na kakaiba siya at mahirap lapitan.

Nakaramdam ng kaunting kasiyahan si Marcus dahil sa hindi inaasahan na pagkakaibigan nila noong mga panahong iyon… ngunit di kalaunan ay naging problema ito para sa kanya.

Walang nakakaalam kung paano nalaman ni Seth ang tungkol sa relasyon sa pagitan ng mga Grist at mga Jenner, ngunit pinakalat niya sa lahat ang tungkol sa marriage pact sa pagitan ng dalawang pamilya. Naghihintay ang buong Jangasas upang tawanan ang mga Jenner. Kapag tumanggi sila na ipakasal ang anak nila dahil lang bumagsak na ang mga Grist, magiging isa nanaman ‘tong mainit na chismis sa business field at ang mga Jenner ang magiging pangunahing halimbawa ng isang pamilya na walang kredibilidad.

Dahil dito, napilitan ang mga Jenner na ipakasal si Cordelia kay Marcus kapalit ni Yelena.

“Oo nga pala, hindi pa kita natanong tungkol sa buhay ng bagong kasal!” Ngumiti ng masaya si Seth habang tinitingnan niya si Marcus. “Mukhang masigla ka ah. Alagang-alaga ka ng asawa mo, huh?

“Oo nga pala, ako ang wingman mo. Kailan mo ako ipapakilala sa kanya?”

Sinubukang ngumiti ni Marcus sa kabila ng inis niya, at mukhang pilit na pilit ito.

Noong dumating siya sa nayon na ito upang gamutin ang mga sugat niya, kinuha lamang niya ang pagkatao ni Marcus pagkatapos niyang malaman na wala na ang mga Grist at si Marcus Grist, base sa kanyang ID, ay kamukhang-kamukha niya.

Tinago niya ang tunay niyang pagkatao upang maihanda niya ang sarili niya at ang plano niya. Wala sa plano niya ang magpakasal!

Medyo mahirap pigilan si Seth kapag masyado siyang naging palakaibigan…

“Tama, ang dinig ko mabilis uminit yung ulo ng tagapagmana ng mga Jenner?” Ang tanong ni Seth, tumingin siya kay Marcus ng may pag-aalala. “Hah, kung sabagay, lumaki siya na nakukuha niya ang lahat ng gusto niya. Hindi na nakapagtataka na medyo mainitin ang ulo niya. Huminahon ka lang. Huwag mong subukan na labanan ang isang babae!”

“Mm, sige.” Ang sagot ni Marcus.

Kahit na hindi niya inaasahan ang kasal, nagpapasalamat siya na hindi ang tagapagmana ng mga Jenner ang pinakasalan niya. Kung si Yelena Jenner ang pinakasalan niya, baka sinakal na niya si Seth.

Dahil matagal na hindi nagkita ang dalawang lalaki, inimbitahan ni Seth si Marcus na uminom sa bahay niya. Noong nag-iisip si Marcus ng dahilan upang tanggihan ang imbitasyon ni Seth, may ilang matandang babae na tumakbo paakyat sa burol.

“Diyos ko, Marcus, nandito ka? Dalian mong umuwi!”

“Kung hindi may mangyayaring masama sa asawa mo!”

Ang magchismisan ang paboritong gawain ng mga matatandang babae sa nayon.

“Gah, masyadong maganda ang asawa mo. Naakit sa kanya ang mga lalaki sa isang tingin lang. Tapos may gana ka pang magpagala-gala sa burol na ‘to? Hindi maganda ang mangyayari kapag hindi ka nakabalik agad!”

Naalarma si Marcus at nagmadali siyang umuwi.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (15)
goodnovel comment avatar
Dette Zie
pa unlock pls bakit nawala Yung chapter natapos. ko na binalik sa una hahaysstttt
goodnovel comment avatar
Dette Zie
pa unlock po chapters 357 na po ako
goodnovel comment avatar
Sylvia Pimentel Puno
pa unlock pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1219

    Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1218

    Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1217

    ”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1216

    Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1215

    ”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1214

    [Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status