Alexa's Pov Nakadipa ang mga kamay na lumanghap ako ng sariwang hangin sa tabing dagat. "Hay... Fresh air..." Na-miss ko talaga ang buhay dito sa isla. Maaga akong gumising para maglakad-lakad dito sa dalampasigan. Binabati ako ng mga nakakasalubong kong taga-isla. Ginagantihan ko naman sila ng ngiti at pangungumusta. Kahit malaki na ang pinagbago ng pamumuhay dito dahil sa mga livelihood program na pinondohan ni Lolo. Nanatiling simple at mabait ang mga tao rito sa isla. Kaya hindi ako papayag sa kung ano mang balak gawin ni Ludwig dito sa isla. Proprotektahan ko ang mga taga-isla. Isa pang rason para protektahan ko ang isla ay ang ala-ala ng kabataan ko at ni Papa. When Dad was still living, I was a small child. But I recall every memory I had with him. My father was a gentle and caring man. Just like Lolo Alfred. He was a decent person, which is why everyone on the island liked, adored, and admired him. Hindi marangya ang pamumu
Alexa's Pov I'm meant to be having a good time on the island. But everything was destroyed as a result of that idiot. He may wreck my mood or day in so many different ways. similar to yesterday He interrupted me while I was enjoying the shore and thinking back on my father's recollections. Wala naman akong balak maligo sa dagat pero napaligo ako ng wala sa oras. Ang saya-saya niya pa! Tuwang-tuwa talaga siya na sirain ang araw ko. Kailangan makaisip talaga ako ng matinding ganti sa kaniya. "Alexa, anak, may gusto ka bang kainin? Iluluto ko para sa pananghalian," Mama asked me. Para namang may lightbulb na biglang umilaw sa ulunan ko. At napangiti ako sa naisip ko. "Ahm... Na-miss ko po ang kinilaw, ginamos at gulay, Mama," paglalambing ko kay Mama. "Tamang-tama mayroon tayong sariwang isda at gulay. Mayroon ding ginamos sa ref. Gusto mo ba akong tulungan na magluto?" Mama said, then asked me. "Siyempre po, Mama!" Excited na kumapit ako sa
Alexa's Pov I can't help but laugh every time I remember Ludwig's facial reaction when he ate the kinilaw. I saw his face turn red as he ate the kinilaw I made. Halos maubos niya ang isang pitsel na tubig. Kung hindi lang nataranta si Mama sa pag-aasikaso sa kaniya, baka hindi na ako tumigil sa kakatawa. Tagumpay na sana ako sa naisip ko na ganti sa kaniya. Kaya lang napagalitan ako ni Mama. Bakit daw hindi ko alam na hindi kumakain ng maanghang ang asawa ko. Siyempre hindi ko naman aaminin na sinadya ko na pakainin si Ludwig ng maanghang. At ang isa pang nakapagpatigil sa pagtawa ko ay ang ginawa ni Ludwig. He kissed me in front of Mama. Iyon na lang daw kasi ang naisip niyang paraan para mawala ang anghang sa bibig niya. Napaka-bastard talaga! Si Mama naman kilig na kilig pa! Habang ako gusto kong ipakain kay Ludwig ang lahat ng kinilaw na isda na ginawa ko. Nakakainis dahil ang bilis niyang nakabawi sa akin. Kaya wala sana akong bala
Alexa's Pov That jerk always manages to ruin my day!He never runs out of ideas on how to make my blood boil. And it seemed that he was enjoying it. Nakakainis pa dahil kakampi niya na pati sina Mama at Lucas. Tuwang-tuwa sila na pagkaisahan ako. It seems na siya pa ang nag-e-enjoy sa bakasyon dito sa isla imbes na ako. At ang isa pa na nakakainis, bakit parang apektado ako masyado sa mga ginagawa niya? Lalo na sa ginawa niya sa akin noong nasa beach kami. Lalo na sa halik niya. Napahawak ako sa pisngi ko. Pakiramdam ko namula ako nang maalala ko ang ginawa niyang paghalik sa akin sa ilalim ng tubig noong isang araw. Hindi ako dapat naaapektuhan. Hindi pwede! Alam ko naman na parte lang ang lahat ng ito ng mga plano niya. Kaya hindi ako dapat magpaloko sa kaniya. Hindi ako pwedeng matalo. Nakasalalay sa akin ang isla at kompanya ni Lolo. "Pansin ko lang, Alex, sa halos isang linggo pa lang na bakasyon niyo rito ng asawa mo, mukhang may
Ludwig's Pov At first she tries to push me and resist my kisses, but later on, Alexa is already responding to my kisses. See? I am right My wife is already attracted to me. Pero natigilan ako. Why does it seem that I feel so happy with this confirmation to the point that my heart is racing? I was taken aback when Alexa grabbed the chance to push me and leave me there. Napapaisip na nasundan ko na lang siya ng tingin.***** Because of that kiss, nagkailangan kami ni Alexa. When Mama is present, though, we are forced to act civilly toward one another. Within a couple of days, we'll be returning to Manila. We made the choice to go to the Surigao tourist attraction for that reason. Kailangan naming sulitin ang bakasyon namin dito sa isla. Dahil pagbalik namin sa Manila, we are going back to our busy life. Mabuti na lang talaga alam ng assistant ko ang gagawin kapag wala ako. Kaya, I am confident of leaving my company for
Alexa's Pov We just got back here in Manila from Surigao. At ito ang bumungad sa pagbabalik namin. Ang walang delikadesang ex-girlfriend ni Ludwig. Ex na nga ba? May mag-ex ba na naghahalikan? At sa harapan pa ng asawa, ha. "Mauna na akong pumasok sa bahay, ha. Inform mo na lang ako kapag tapos na kayong maghalikan ng other woman mo," I said to him, saka ko sila tinalikuran. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Ludwig mukhang enjoy pa siya sa ginagawa nila ng babae niya, eh. Yes. Babae niya. Dahil kasal na siya kaya technically, other woman niya na ang babae na iyon. Naturingang kilalang modelo pero walang dignigdad. Imagine? She had the guts to kiss someone's husband in front of that man's wife and house. At ang lalaking 'yon naman bet na bet ang halikan nila! "Wait! Bakit nagseselos na asawa ang peg ko? Of course not! Maghalikan pa sila hanggang mapudpod ang mga nguso nila." Naka-ingos na binuksan ko ang kuwarto ko
Alexa's Pov Hah! Talagang nagpa-booked siya agad-agad ng hotel accomodation para sa kanila ng babae na iyon, ha. Miss na miss ang kabit niya? Iyon ba ang wala ng relasyon? Ganoon ba ang ayaw makipaghalikan? Eh, for sure, they are going to do more than that in that hotel. "Mapait ba masyado 'yang kape na nabili ko para sa'yo? Gusto mo'ng papalitan ko?" bothered na tanong sa akin ni Tommy. Kaya naman napabalik sa kasalukuyan ang isip ko. "Ay, sorry naman. Hindi na kailangan. Ayos naman ang lasa nitong kape. Pasensya ka na Tommy. May naalala lang kasi ako." Alanganin ang ngiti na hingi ko ng paumanhin sa kaniya. Nandito ako sa opisina ngayon. And Tommy welcome me with my favorite coffee from my favorite coffee shop. Hindi ko namalayan na hindi na pala maipinta ang mukha ko dahil sa narinig ko sa Ludwig na 'yon. I was about to confront him about something. But, I wasn't expecting na maririnig ko ang utos niya sa as
Alexa's Pov "What are you doing in this kind of place with that man?" Ludwig asked me with a grim expression on his face. Nakita niya na kami kaya wala na akong magagawa. Hindi na kami makakaalis o makakapagtago ni Tommy. He questioned again, giving Tommy a sneer, "Are you cheating on me with that man, my wife?" Para namang nagpantig ang tenga ko sa tanong na iyon. "Excuse me? Me? I'm cheating?" I exclaimed. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Ako pa talaga, ha. Sino kaya ang nasa hotel kasama ang ex niya?" sarcastic na tanong ko kay Ludwig. "At puwede ba? 'Wag mo ngang idamay si Tommy. Kinaladkad ko lang siya rito para samahan ako." "I'm sorry to interrupt, but I guess it's better if you two talk privately," Tommy suggested to us. "No! Hindi na kailangan. Mag-lunch na lang tayo bago bumalik sa opisina para makabawi naman ako sa pang-aabala ko sa'yo," I said to Tommy ignoring Ludwig na nakatayo pa rin sa tabi ng bintana
Alexa "Anak, ang lalim naman niyang iniisip mo." Tinabihan ako ni mama sa duyan sa ilalim ng puno sa gilid ng bahay namin. "Hindi pa po kasi nagre-reply o tumatawag si Ludwig, eh." Nakailang message at attempt na ako ng tawag sa kaniya. Pero wala pa rin akong nakukuhang response. Plus, itong hindi maipaliwanag na kaba na nararamdaman ko. "Baka may inaasikaso lang, anak Huwag kang masyadong mag-isip. Makakasama 'yan sa pagbubuntis mo," paalala ni mama sa 'kin. Napahawak naman ako sa tiyan ko. "Hindi ko lang kasi mapigilan na mag-alala, mama. Paano kung nakumbinsi siya ni Sydney na magbalikan sila?" Hindi ko na naitago ang takot sa boses ko. Niyakap naman ako ni mama. "Magtiwala ka sa pagmamahal sa 'yo ng asawa mo, anak. Sa tingin mo ba magbabago pa ang isip niya, pagkatapos ng mga naging pag-uusap natin kasama ang lolo mo. Nakita ko ang sinseridad niya." "Nakakainis naman kasi ang lalaking iyon, mama, eh! Hindi man lang mag-update kung ano na a
Alexa Kinabukasan, hindi ko inaasahan na mayroon kaming magiging bisita, from Manila. "Good morning." "Tommy?!" shock na bulalas ko. "What are you doing here?" tanong ng nasa likod ko na si Ludwig. As usual, hindi na naman maipinta ang mukha niya. "Kalma, okay?" bulong ko sa kaniya. "Hindi ka raw makontak nitong si Tommy, apo. Kaya sumunod na siya dito sa isla," sabi ni lolo. Napatingin naman ako kay Ludwig. Nasa kaniya kasi ang cellphone at laptop ko. "Nasa akin po kasi ang phone at macbook ni Alexa, lolo. Ayoko po kasi na ma-stress siya. Lalo na ngayon na buntis na siya." Pinigilan ko na mapairap. Obviously, sinadya niyang sabihin iyon at iparinig kay Tommy. I'm expecting a violent reaction from Tommy. Pero ngumiti siya sa akin. "Congratulations." Pagkatapos ay bumaling ito kay Ludwig. "Huwag kang mag-alala nandito ako dahil sa trabaho. May mga kailangan lang akong i-discuss at papirmahan kay Alexa." "I already ta
Alexa Me and Ludwig were in awe. Hindi kami makapaniwala na alam na ni lolo. Pero wala silang ginawa. Ni hindi kila pinakitunguhan ng masama si Ludwig ni minsan. Kaya takang-taka ako. "P-paano niyo po nalaman, lolo?" tanong ko. "Ako ang naglagay sa'yo sa sitwasyong kinasadlakan mo, apo. At gusto kong humingi ng tawad. Hinayaan ko na manatili ka sa tabi ni Ludwig. Kahit na alam ko na may ganoon siyang plano laban sa akin," tugon ni lolo. "Why did you let us stay married, kahit alam mo na ang tungkol sa plano ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Ludwig kay lolo. "Dahil umasa ako na magiging totoo ang nararamdaman niyo para sa isa't-isa. At nangyari na nga iyon," nakangiting turan ni lolo. Napasimangot naman ako. "Hinayaan niyo na apihin ako ng mokong na ito?" Natawa naman silang tatlo sa akin. "Sabi ng lolo mo, anak, may tiwala siya na malalampasan mo iyong mga pinagdaanan mo. Aaminin ko na noong una ay nagalit ako. Pero noong nakita
Alexa I'm happy at the same time nervous. Magkakaanak na kami ni Ludwig. Hindi ko pa gaanong na-absorb ang pag-amin namin sa nararamdaman namin sa isa't-isa. May katiting na doubt pa nga ako sa kaniya. Tapos ito may bago na namang pagbabago sa relasyon namin. Hindi na lang kami basta mag-asawa. Magiging magulang na kami. Okay lang sana kung walang Sydney na umaaligid sa paligid. "Ugh! Paano ko makokontak si Tommy kung ayaw niyang ipagamit sa 'kin ang cellphone at laptop ko?" Napanguso ako nang may maalala ako. "Hey! Bakit nanghahaba 'yang nguso mo?" tanong ni Ludwig sa 'kin pagkapasok niya sa kwarto. "Naalala ko kasi na may ipinakita kang picture ni Sydney kay Lucas kahapon." "And?" "Ibig sabihin may pictures ka pa rin ng ex mo sa cellphone mo?" Tinignan ko siya ng masama. At lalong nalukot ang mukha ko nang tumawa siya. "Hey! Huwag mo kong tignan ng ganiyan, okay? I just search for Sydney's social media account yesterday, para
Ludwig "Sigurado ako na siya 'yong nakita ko," frantic na sabi ni Alexa. Nagmamadali itong bumaba ng kotse habang palinga-linga sa paligid. "Hey! Calm down, okay? Search the whole area." Baling ko sa mga tauhan ko na naroon. "Kami na po ang bahalang mag-check sa buong paligid," ani ng isa mga tauhan ko. Saka tumalima ang mga ito sa utos ko. "Let's get inside the house. Pabayaan mo na ang mga tauhan ko ang maghanap sa kaniya. Kung si Sydney nga ang nakita mo," aya ko kay Alexa. "Siya 'yong nakita ko. We have to find her, Ludwig. Hindi natin alam kung ano pa ang plinaplano ng ex mo na 'yan. Kapag nalaman niya na magkakaanak na tayo, lalo siyang manggagalaiti sa galit." "I know. Hinahanap na nila ang babaeng 'yon. Pumasok na tayo sa bahay. Kakasabi lang sa'yo ng doktor, na bawal kang ma-stress, okay?" I said to her, trying to calm her. Mabuti na lang at nakinig naman siya. Pero bago pa kami makapasok sa loob ng bahay ay may taong dumating.
Alexa Napapakagat labi ako habang hinihintay namin ang result ng mga test na isinagawa sa akin. Nandito kami ngayon ni Ludwig sa mini hospital sa isla. Maaga palang ay narito na kami. Pareho kaming halos hindi makatulog kagabi. At aaminin ko na kinakabahan talaga ako sa kalalabasan ng test. This is all new to me. Kaya hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Wala akong morning sickness na naramdaman. Kaya hindi ako sigurado kung buntis na nga ba ako. Pero sinabi ng Ob na ganoon daw talaga minsan. Pero ang ibang sign ng pagbubuntis ay mayroon ako. "Nervous?" tanong ni Ludwig sa akin. Magkatabi kaming nakaupo sa upuang katapat ng mesa ng OB. "Hindi naman masyado. It's more of, natatakot ako?" pag-amin ko kay Ludwig. "Bakit ka natatakot? I'm here. You are not alone." "Oo nga. Pero hindi ko alam kung tama ba ang timing nitong pagbubuntis ko. Ngayon palang tayo nagsisimula. Ngayon lang natin naamin sa mga sarili natin na mahal na natin ang isa'
Ludwig "Wala pa rin bang update?" tanong ko sa tauhan ko habang nakamasid sa dagat. We decided to have a picnic by the beach. And Alexa is currently enjoying the sun and the waves. "Wala pa po, sir. But we are trying our best to locate Ms. Sydney's location. Masyado lang po talagang matinik magtago ang babae na 'yon." Naikuyom ko ang aking kamao sa naging tugon ng tauhan ko. "Siguraduhin niyo na hindi makakalapit sa pamilya ng asawa ko ang babaeng 'yon." "Yes, sir." Pagkaalis ng tauhan ko ay pabagsak akong naupo sa sun lounger. "May problema ba, hijo?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Lolo Ariston. Muli akong napatayo at lumapit sa kaniya. "Kanina pa po ba kayo riyan, lolo?" kabadong tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman ito at umiling. "Kadarating ko lang." Nakahinga ako ng maluwag sa naging tugon niya. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. May problema ba?" "Ahm, may maliit na problema lang po sa kumpanya
Alexa "Mama, pwede ba akong matulog sa tabi mo ngayong gabi?" Naglalambing na niyakap ko si mama. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagkunot ng noo ni Ludwig. Kaya napangisi ako sa isip ko. "Anak, ano ka ba naman? May asawa ka na. Nakakahiya naman kay Ludwig kung sa akin ka tatabing matulog." Napangiti ang magaling kong asawa sa sinabi ni mama. "Okay lang po 'yon sa kaniya. Namiss kita, eh." "Actually, it's not okay, mama," singit niya sa usapan namin ni mama. Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Kita mo na. Kayo dapat mag-asawa ang magkatabi. Sige na. Pumunta na kayo sa kwarto niyo at magpahinga." Napanguso ako. "Hindi mo ba ko namiss, ma?" "Aysus! Ngayon ka pa nag-inarte ng ganiyan Alexandra. Gusto niyo ba ng makakain bago kayo matulog?" "Ayos lang po kami, mama. Magpahinga na rin po kayo. Malalim na ang gabi. Shall we, asawa ko?" Inilahad sa 'kin ni Ludwig ang kamay ko. "Sige na, anak." Wala akong nagawa kundi abuti
Alexa Wala na akong nagawa nang marating namin ni Ludwig ang building ng kumpanya niya. Dinala niya ako sa may helipad, kung saan naghihintay na ang chopper na magdadala sa amin sa isla. Hanggang makasakay kami sa chopper ay hindi pa rin maipinta ang mukha ni Ludwig. "Ang pangit mo. Ngumiti ka nga," I joked, trying to make him smile. Pero lalo lang nagsalubong ang mga kilay niya. "So, pangit na pala ako sa paningin mo ngayon? Porke't nakasama mo lang ang Tommy na 'yon, siya na ang gwapo sa paningin mo ganoon ba?" Napanganga ako sa sinabi niya. "Seriously, Ludwig? Nagseselos ka talaga kay Tommy? Don't you trust me?" I asked him. "I trust you. Sa lalaki na 'yon ako walang tiwala." "But I trust him." "Then don't. Dahil hindi siya katiwa-tiwala." Ibinaling niya ang paningin sa labas. Napabuntong-hininga na lang ako. Hanggang makarating kami sa isla ay wala na silang kibuan. Pero inalalayan pa rin siya nito pababa sa chopper. May tauh