LOGINLudwig Mad is an understatement because right now, I am furious. “Where did you take my wife, Tommy?” I hissed, teeth gritted. Nanggigil na niyupi ko sa mga kamay ko ang hawak kong beer in cans. Ilang araw nang kumikilos ang mga pulis pati na ang mga tauhan ko, pero hind pa rin nila natutunton kung saan dinala ng Tommy na ’yon si Alexa. “I swear, ako mismo ang tatapos sa buhay ng Sandico na ’yon kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko.” I grab another beer and gulp it down. “Hijo, malalim na ang gabi. Hindi ka pa ba magpapahinga?” Napalingon ako kay Lolo Alfred. Tinapik ako nito sa balikat. Nandito pa rin kami sa isla sa pag-asang nandito lang itinatago ni Tommy si Alexa. Pero mukhang mali kami. Dahil halos nahalughog na namin ang buong isla, hindi pa rin namin nahahanap ang asawa ko. “Hindi po ako makatulog.” Sa dalampasigan ako nakatingin pero dinig ko ang pagbuntonghininga ni Lolo Alfred. “Maging ako man. Pinakaiisip ko
Alexa Pilit kong iniisip kung saan ako posibleng dinala ni Tommy o Tonny. Hindi ko na alam kung sino ba talaga siya. I’m not sure if he has a dual personality or what. Kanina habang kausap ko ang alter niya, pakiramdam ko ay ibang tao nga siya. Wala akong kamalay-malay na ang taong pinagkakatiwalaan ko pala ay may itinatagong kakaibang pagkatao. Napapitlag ako ng bumukas ang pinto. Nagpaalam kasi ito kanina na magluluto ng makakain namin. “Hey! Kumain ka muna. Hindi ka pwedeng magutom.” Inilapag nito ang dalang tray sa mesa na naroon. Dahil hindi naman ako nakatali ay naglakad ako palapit doon. “Paano ako nakakasiguro na wala kang nilagay na kung ano sa pagkain na ’yan?” tanong ko sa kaniya. Nakita ko na saglit na natigilan si Tommy. “You’re hurting me, Alexa. Alam mo namang hindi ko maaatim na may mangyari sa ’yong masama, hindi ba?” “Iyong dating Tommy na kilala ko iyon.” Nagulat ako nang bigla niyang kunin an
Alexa Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na may humaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko. "Tommy?!" Kaagad akong nakaramdam ng kaba ng makita ko siya at ang kwartong kinaroroonan ko. "N-nasaan ako?" tanong ko sa kaniya habang bumabangon ako. "You don't have to know, Alexa. Pansamantala lang tayo dito habang inihahanda ko ang pag-alis natin." Kumunot ang noo ko sa naging tugon sa 'kin ni Tommy. "Ano'ng sinasabi mo? Pag-alis? Saan tayo pupunta? At tsaka bakit ako sasama sa 'yo? What's happening to you, Tommy?" I asked him. Pilit ko pa rin na isinasa-alang-alang ang pinagsamahan namin sa kabila ng ginawa niyang pagdukot sa 'kin. "I'm sorry, kung kinailangan pang umabot sa ganito, Alexa. Sana pala noong una palang ay inilayo na kita sa kaniya. He is not good for you," malumanay niyang tugon sa 'kin. Huminga ako ng malalim bago ako muling nagsalita. "Tommy, asawa ko si Ludwig. At magkakaanak na kaming dalawa. Kung anuman an
Alexa "Anak, ang lalim naman niyang iniisip mo." Tinabihan ako ni mama sa duyan sa ilalim ng puno sa gilid ng bahay namin. "Hindi pa po kasi nagre-reply o tumatawag si Ludwig, eh." Nakailang message at attempt na ako ng tawag sa kaniya. Pero wala pa rin akong nakukuhang response. Plus, itong hindi maipaliwanag na kaba na nararamdaman ko. "Baka may inaasikaso lang, anak Huwag kang masyadong mag-isip. Makakasama 'yan sa pagbubuntis mo," paalala ni mama sa 'kin. Napahawak naman ako sa tiyan ko. "Hindi ko lang kasi mapigilan na mag-alala, mama. Paano kung nakumbinsi siya ni Sydney na magbalikan sila?" Hindi ko na naitago ang takot sa boses ko. Niyakap naman ako ni mama. "Magtiwala ka sa pagmamahal sa 'yo ng asawa mo, anak. Sa tingin mo ba magbabago pa ang isip niya, pagkatapos ng mga naging pag-uusap natin kasama ang lolo mo. Nakita ko ang sinseridad niya." "Nakakainis naman kasi ang lalaking iyon, mama, eh! Hindi man lang mag-update kung ano na a
Alexa Kinabukasan, hindi ko inaasahan na mayroon kaming magiging bisita, from Manila. "Good morning." "Tommy?!" shock na bulalas ko. "What are you doing here?" tanong ng nasa likod ko na si Ludwig. As usual, hindi na naman maipinta ang mukha niya. "Kalma, okay?" bulong ko sa kaniya. "Hindi ka raw makontak nitong si Tommy, apo. Kaya sumunod na siya dito sa isla," sabi ni lolo. Napatingin naman ako kay Ludwig. Nasa kaniya kasi ang cellphone at laptop ko. "Nasa akin po kasi ang phone at macbook ni Alexa, lolo. Ayoko po kasi na ma-stress siya. Lalo na ngayon na buntis na siya." Pinigilan ko na mapairap. Obviously, sinadya niyang sabihin iyon at iparinig kay Tommy. I'm expecting a violent reaction from Tommy. Pero ngumiti siya sa akin. "Congratulations." Pagkatapos ay bumaling ito kay Ludwig. "Huwag kang mag-alala nandito ako dahil sa trabaho. May mga kailangan lang akong i-discuss at papirmahan kay Alexa." "I already ta
Alexa Me and Ludwig were in awe. Hindi kami makapaniwala na alam na ni lolo. Pero wala silang ginawa. Ni hindi kila pinakitunguhan ng masama si Ludwig ni minsan. Kaya takang-taka ako. "P-paano niyo po nalaman, lolo?" tanong ko. "Ako ang naglagay sa'yo sa sitwasyong kinasadlakan mo, apo. At gusto kong humingi ng tawad. Hinayaan ko na manatili ka sa tabi ni Ludwig. Kahit na alam ko na may ganoon siyang plano laban sa akin," tugon ni lolo. "Why did you let us stay married, kahit alam mo na ang tungkol sa plano ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Ludwig kay lolo. "Dahil umasa ako na magiging totoo ang nararamdaman niyo para sa isa't-isa. At nangyari na nga iyon," nakangiting turan ni lolo. Napasimangot naman ako. "Hinayaan niyo na apihin ako ng mokong na ito?" Natawa naman silang tatlo sa akin. "Sabi ng lolo mo, anak, may tiwala siya na malalampasan mo iyong mga pinagdaanan mo. Aaminin ko na noong una ay nagalit ako. Pero noong nakita







