LOGINAlexa Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung paano mawasak ang lugar na kinaroroonan nina Ludwig at Lucas ng dahil sa malakas na pagsabog. “Boom! Wala na sila. Ewan ko na lang kung malaligtas pa sila sa pagsabog na ’yan.” Sabay halakhak ni Tommy. Lumuluha ang mga matang tiningnan ko siya ng matalim. Hindi na siya ang Tommy na nakilala ko at itinuring kong kaibigan. Ang nakikita ko sa harap ko ngayon ay ang Tommy na walang konsensya at kaluluwa. “N-Napakasama mo. . . L-Ludwig. . . Lucas. . . ” sa nanginginig na boses ay sambit ko. Tinanaw ko ang lugar na kinaroroonan ng dalawa. Sa lakas ng pagsabog ay imposibleng makaligtas sila. “They force me to do that, Alex. Kung umalis na lang kasi sila at hindi na tayo sinubukang pigilan, hindi na sana nangyari ’yan sa kanila. Ngayon, wala ng hadlang sa ating dalawa,” ngumisi siya habang patuloy ang pagpapaandar sa motorboat. “Sa akala mo ba mapapatawad kita sa ginawa mo? Kung hindi mo ako pakakawa
Alexa “Huh?” Nakarinig ako ng mga putok ng baril sa di kalayuan, kaya napabangon ako sa kinahihigaan ko. “Tommy? Ano’ng nangyayari? Tommy!” Kinalampag ko ang pinto. “Buksan mo itong pinto. Ano’ng nangyayari? Bakit may mga putok ng baril?” Nang wala akong makuhang sagot ay nagpunta ako sa may bintana. Imbes na matakot ay nakaramdam ako ng kaba. “Paano kung nandoon si Ludwig sa nagbabarilan?” Napahawak ako sa impis ko pang tiyan. “Wag naman sana. Wala sanang mapahamak at masaktan.” Dasal ko, kahit na alam ko na imposible ’yon. Nagulat ako at napalingon ng biglang bumukas ang pinto. “Kailangan nating umalis dito,” frantic na sabi ni Tommy. “Ano’ng nangyayari? Bakit may nagbabarilan?” tanong ko sa kaniya. “May mga masasamang taong nakalagpas sa patibong ko, pero siguradong hindi sila makakaligtas sa mga tauhan ko.” Ang kaninang nag-aalalang ekspresyon niya ay napalitan ng ngisi. Sinamaan ko siya ng tingin. “Sila Ludwig ba
Ludwig “Saan ba tayo pupunta?” naiinip na tanong sa 'kin ni Lucas. Halos isang oras na kasi kaming nag-b-biyahe. “Mag-drive ka lang at sundin mo lang si waze, okay?” tukoy ko sa app na nagtuturo sa direksyon na pupuntahan namin. “Nakailang turn right at turn left na tayo, eh. Baka naman pinagloloko lang tayo ng waze na ’to.” “Ang reklamador mo namang driver. Paano kita babayaran ng isang milyon?” “Uy! Seryoso ba ’yong isang milyon? Nagbibiro lang naman ako, ano. Hindi ka pala pwedeng biruin.” “Another one million, kung kaya mong makipagsuntukan at barilan.” Nakangising sabi ko sa kaniya. “Woah! Mukhang mapapalaban tayo sa pupuntahan natin, ah.” “Baka nga makapatay pa ko, eh.” Naikuyom ko ang kamao ko. Hindi na ako makapaghintay makaharap ang Tommy na ’yon. Mabuti na lang at magaling ang kaibigan kong si Miguel. Madali niyang na-locate ang location, kung saan tinatago ng lalaking ’yon si Alexa. “Relax! Isipin mo ang mag-ina mo.
Ludwig Mad is an understatement because right now, I am furious. “Where did you take my wife, Tommy?” I hissed, teeth gritted. Nanggigil na niyupi ko sa mga kamay ko ang hawak kong beer in cans. Ilang araw nang kumikilos ang mga pulis pati na ang mga tauhan ko, pero hind pa rin nila natutunton kung saan dinala ng Tommy na ’yon si Alexa. “I swear, ako mismo ang tatapos sa buhay ng Sandico na ’yon kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko.” I grab another beer and gulp it down. “Hijo, malalim na ang gabi. Hindi ka pa ba magpapahinga?” Napalingon ako kay Lolo Alfred. Tinapik ako nito sa balikat. Nandito pa rin kami sa isla sa pag-asang nandito lang itinatago ni Tommy si Alexa. Pero mukhang mali kami. Dahil halos nahalughog na namin ang buong isla, hindi pa rin namin nahahanap ang asawa ko. “Hindi po ako makatulog.” Sa dalampasigan ako nakatingin pero dinig ko ang pagbuntonghininga ni Lolo Alfred. “Maging ako man. Pinakaiisip ko
Alexa Pilit kong iniisip kung saan ako posibleng dinala ni Tommy o Tonny. Hindi ko na alam kung sino ba talaga siya. I’m not sure if he has a dual personality or what. Kanina habang kausap ko ang alter niya, pakiramdam ko ay ibang tao nga siya. Wala akong kamalay-malay na ang taong pinagkakatiwalaan ko pala ay may itinatagong kakaibang pagkatao. Napapitlag ako ng bumukas ang pinto. Nagpaalam kasi ito kanina na magluluto ng makakain namin. “Hey! Kumain ka muna. Hindi ka pwedeng magutom.” Inilapag nito ang dalang tray sa mesa na naroon. Dahil hindi naman ako nakatali ay naglakad ako palapit doon. “Paano ako nakakasiguro na wala kang nilagay na kung ano sa pagkain na ’yan?” tanong ko sa kaniya. Nakita ko na saglit na natigilan si Tommy. “You’re hurting me, Alexa. Alam mo namang hindi ko maaatim na may mangyari sa ’yong masama, hindi ba?” “Iyong dating Tommy na kilala ko iyon.” Nagulat ako nang bigla niyang kunin an
Alexa Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na may humaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko. "Tommy?!" Kaagad akong nakaramdam ng kaba ng makita ko siya at ang kwartong kinaroroonan ko. "N-nasaan ako?" tanong ko sa kaniya habang bumabangon ako. "You don't have to know, Alexa. Pansamantala lang tayo dito habang inihahanda ko ang pag-alis natin." Kumunot ang noo ko sa naging tugon sa 'kin ni Tommy. "Ano'ng sinasabi mo? Pag-alis? Saan tayo pupunta? At tsaka bakit ako sasama sa 'yo? What's happening to you, Tommy?" I asked him. Pilit ko pa rin na isinasa-alang-alang ang pinagsamahan namin sa kabila ng ginawa niyang pagdukot sa 'kin. "I'm sorry, kung kinailangan pang umabot sa ganito, Alexa. Sana pala noong una palang ay inilayo na kita sa kaniya. He is not good for you," malumanay niyang tugon sa 'kin. Huminga ako ng malalim bago ako muling nagsalita. "Tommy, asawa ko si Ludwig. At magkakaanak na kaming dalawa. Kung anuman an
Alexa "Anak, ang lalim naman niyang iniisip mo." Tinabihan ako ni mama sa duyan sa ilalim ng puno sa gilid ng bahay namin. "Hindi pa po kasi nagre-reply o tumatawag si Ludwig, eh." Nakailang message at attempt na ako ng tawag sa kaniya. Pero wala pa rin akong nakukuhang response. Plus
Alexa Kinabukasan, hindi ko inaasahan na mayroon kaming magiging bisita, from Manila. "Good morning." "Tommy?!" shock na bulalas ko. "What are you doing here?" tanong ng nasa likod ko na si Ludwig. As usual, hindi na naman maipinta ang mukha niya. "Kalma, okay?" bulon
Alexa Me and Ludwig were in awe. Hindi kami makapaniwala na alam na ni lolo. Pero wala silang ginawa. Ni hindi kila pinakitunguhan ng masama si Ludwig ni minsan. Kaya takang-taka ako. "P-paano niyo po nalaman, lolo?" tanong ko. "Ako ang naglagay sa'yo sa sitwasyong kinasa
Alexa I'm happy at the same time nervous. Magkakaanak na kami ni Ludwig. Hindi ko pa gaanong na-absorb ang pag-amin namin sa nararamdaman namin sa isa't-isa. May katiting na doubt pa nga ako sa kaniya. Tapos ito may bago na namang pagbabago sa relasyon namin. Hindi na lang kam







