Share

CHAPTER 9: Something Odd

WALA talaga akong balak magpakasal o ang pumasok sa isang relasyon. Itinataak ko na sa kasuluk-sulukan ng utak ko na hindi ako papasok sa dalawang bagay na iyan. Mas gugustuhin ko na lang magtravel o 'di kaya'y lumamon hanggang sa pagsawaan ko ang pera ko.

Pero lahat ng plano kong iyon ay tila pader na basta na lang gumuho. Mag-IISANG LINGGO na akong ikinasal sa Lord Raddix na 'yon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Parang araw-araw akong sinasampal ng katotohanang tuluyan ng nagbago ang buhay ko. Hindi ako sanay na mabasa ang ibang apelyido sa pangalan ko!

Bago ibuklat ang mata sa umaga ay taimtim akong nanalangin na sana ay panaginip lang ang lahat. Na sa pagmulat ko ng mata'y, nasa bahay ako... at ang ideyang kasal na ako ay isang bangungot lang.

PERO HINDI. Gustuhin ko mang lunurin ang sarili ko sa mga ideyang iyon ay wala ng silbi! Dahil huli na ang lahat. Hindi na mababago ang lahat. At ito ang reyalidad.

Napatitig na lamang ako sa kisame
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status