Share

CHAPTER 10: Secret

HINDI ko na mabilang kung ilang ulit akong napalunok ng laway. Dahil sa pinaghalong kaba at hiya ay tanging pagtitig lang kay Raddix ang nagawa ko. Mukhang gano'n din naman siya, kahit naka-maskara ay alam kong nagulat din ito. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Inaamin ko, sa unang pagkakataon ay naranasan ko ang paghinto ng paligid ko, maging ang akala ko noong bato kong puso ay nagsimulang magharumentado. Oo, korni pakinggan pero totoo. Pakiramdam ko ay bigla akong naging abnormal! O, baka may biglang sumapi na masamang espiritu sa'kin ng hindi ko namamalayan?

Ahh, nababaliw na ako---

"You sounded like a dying goat."

Muli kong inangat ang tingin sa balcony na nasa itaas ko nang marinig ang pagsasalita ni Raddix. Pero ano raw? I sounded like a dying goat? A DYING GOAT?!

Aba, gago 'to ah---

"Don't do that again, oh please," natatawa nitong sabi at halatang nang-aaar. "I might die in so much cringe, wife."

Napaismid na lang ako at tiningnan siya ng masama. "
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status