Share

Chapter 4.1 - Change of Mind cont.

"Tamara, naka-jackpot ka na sa wakas! Ang guwapo ng asawa mo at ang ganda pa ng katawan. Parang modelo na, artistahin pa, kaso naman ubod ng sungit at nakakabuwisit ang pagkamanyak."

Ito ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko simula nang bumalik ang alaala ko sa lahat ng kalokohan na pinaggagagawa ko kagabi. Mga kalokohan na naglagay sa akin sa sitwasyon ko na ito.

Ano nga ba ang pumasok sa isipan ko at basta na lamang ako na nagpakasal sa isang tao na hindi ko kakilala? Tumakas ako sa isang kasal para lamang na mauwi rin sa pagiging kasal na. Kahit kailan talaga ay lapitin ako ng problema at kaguluhan. Kahit saan ako magpunta ay tiyak na may problema na nakabantay sa akin.

At simula pa kanina ay hindi na ako mapakali. Iniisip ko kung ano ang mas makakabuti na gawin ngayon sa aking sitwasyon. May ideya na tumatakbo sa aking isipan, pero sa hilatsa ng ugali ng lalaki na iyon ay hindi ako sigurado kung uubra ang nais ko.

Ano ba ang matindi na pinagdaraanan ng mokong na iyon at mukhang galit na galit sa mundo? Napakasungit at sobra ang pagka-mainitin ng ulo sa mga simple na bagay. Pero wala na ako na iba pa na pagpipilian. Kaya sa ayaw at sa gusto ko, dapat ko na ituloy ang plano na naisip ko.

Mabilis ako na naligo at mabuti na lamang dahil parang hotel itong bahay ng masungit na asawa ko, kung kaya’t may mga bagong stock ng tuwalya at mga sabon, isama mo pa ang toothbrush. Ganito ba talaga ang buhay mayaman? Lagi nang may nakahanda na mga gamit?

Nang makapagbihis ako ay lumabas ako ng kuwarto, ngunit wala na rito ang magaling ko na asawa. Malamang ay nakalabas na. Nagpabalik-balik ako ng lakad sa gilid ng kama at pilit ko na pinapakalma ang sarili ko. Mayro’n ako na isang misyon para sa araw na ito, at kailangan ko iyon na maipasa at mapagtagumpayan.

Inayos ko pa muna ang aming hinigaan dahil nakakahiya naman kung aasta ako na mayaman na akala mo ay may-ari ng bahay rito. Nang masiguro na maayos na ang kuwarto ay lumabas na ako ng silid.

Nang makalabas ng kuwarto ay agad na hinanap ng mata ko si Mikel. Tahimik na tahimik ang paligid kaya nagdiretso na lamang ako sa may sala at doon ay naupo. Saan ba nagsuot ang lalaki na iyon?

Ilang minuto pa ang lumipas ng maya-maya ay dumating na si Mikel na nanggaling sa labasan. May bitbit siya na plastic at agad ako na hinarap. "Baka gutom ka na, halika at kumain ka muna."

Tumayo ako at sumunod sa kan’ya sa may hapag-kainan at pinagmamasdan ko ang bawat kilos niya. Sabi ng matalik na kaibigan niya ay milyonaryo raw si Mikel, pero nakapagtataka na parang sanay na sanay siya sa mga gawain bahay.

"Ano na naman ang tinitingin-tingin mo riyan?" masungit na tanong niya sa akin.

Hindi ko namalayan na natitigan ko na pala siya dahil manghang-mangha ako sa mga ikinikilos niya. Kahit simple lang ang ginawa niya na paghahanda ng pagkain ay parang sanay siya na hindi nag-uutos.

Umupo siya at inabot sa akin ang isang styro ng pagkain. "Pasensya ka na at wala akong stock ng pagkain dito, kaya madalas na bumibili lamang ako sa may resort."

Nagkibit-balikat na lamang ako at agad na sinimulan ang pagkain. Aarte pa ba ako eh kanina pa talaga ako nagugutom.

Pagkabukas ko ng styro ay napangiti ako dahil sa nakita na kanin at ulam ang laman nito. Buti na lamang dahil kagabi pa ako hindi nakakakain at gutom na gutom na talaga ako. Big breakfast talaga ang nais ko.

"Gutom ka lang?" tanong niya habang sumusubo rin sa kan’yang pagkain.

"Oo. Gutom talaga ako. Wala akong kiber kung ma-turn off ka man sa akin dahil ang mahalaga ay malamanan ang sikmura ko na naghuhurumentado na kagabi pa."

"Simula pa lang nang ibuka mo ang bibig mo kanina na paggising natin ay turn-off na talaga ako sa’yo. Kaya hindi mo na kailangan sabihin ang bagay na iyon." Sinamaan ko siya ng tingin nang marinig ko ang sinabi niya.

Buwisit talaga ang lalaki na ito! Pero kailangan ko siya ngayon sa aking mga plano, kaya kailangan ko na magpakabait sa kan’ya. Tumikhim ako kaya muli siya na napasulyap sa akin. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang masimulan ang mga sasabihin ko sa kan’ya. "Mikel."

Napataas ang kilay niya nang tawagin ko ang pangalan niya. "Hmm?" ungol niya lamang habang patuloy sa pagkain.

"I changed my mind."

"Hmm?"

"Gusto mo ba na tagalugin ko? Ang sabi ko ay nagbago na ang isip ko. Ayaw ko nang makipaghiwalay sa iyo at gusto ko nang manatili tayo na kasal na dalawa."

"What?!" Dumagundong ang malakas na boses niya sa apat na sulok ng bahay na ito. Matatalim ang mata na hinarap niya ako, at kung nakamamatay lang ang tingin ay malamang sa malamang na kanina pa ako bumulagta rito. "What the hell?! Ulitin mo nga ang sinabi mo!"

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at matapang din na sinalubong ang mga tingin niya. "Sa ikatlong beses ay uulitin ko, kaya pakinggan mo ng mabuti ang sasabihin ko. Ang sabi ko ay ayaw ko nang makipaghiwalay sa'yo. I want to stay married to you!"

"Ano?! Baliw ka ba talaga na babae ka? Huwag mo nga ako idamay sa kakulangan mo ng turnilyo riyan sa utak mo. Ano ba ang kailangan mo? Pera? Fine. Kung iyon lang ang gusto mo, bibigyan kita. Kahit magkano ang kailangan mo at kahit ngayon din ay ibibigay ko sa'yo. Just let me walk away freely from this marriage bullshit!" Galit na galit na salita niya sa akin habang nakakuyom pa ang mga kamao.

"Hoy, hindi lang ako ang nabaliw kagabi. Tayong dalawa iyon, kaya dalawa tayong may kasalanan dito. Makapaghisterikal ka, akala mo naman ano ang ginawa sa'yo!"

"Kaya nga! Dalawa tayo na may mali. Kaya nga itinatama ko na ang mga pagkakamali na iyon. Ngayon sabihin mo, magkano ang kailangan mo para pumayag ka na maputol ang kasal na ito? Sigurado naman ako na pera-pera lang ang pag-uusapan natin dito."

"Hoy! Sumusobra ka na talaga! Oo, tama ka! Kailangan ko ng pera, pero wala akong balak na gamitin at humingi ng pera mo. Saksak mo iyan mga yaman mo sa lahat ng singit na mayro'n ka. Kaya ko na pagtrabahuhan ang pera na kailangan ko. Ibang tulong ang kailangan ko mula sa’yo, kaya puwede ba, bago ka maghurumentado riyan at mag-akusa sa akin ng kung ano-ano ay pakinggan mo muna ang sasabihin ko."

"The answer is no! Hindi ko na kailangan pa na pakinggan ka dahil iisa lang ang magiging sagot ko. No! Hindi ako papayag na ipagpatuloy natin ang kasal na ito."

Naiinis na ako sa pagkamakitid ng utak ng lalaki na ito na kaharap ko. Hindi pa nga ako nakakapagpaliwanag ay sobra na ang pagtanggi niya. Puwes, hindi kita susukuan. Lalo na at kailangan ko ang bagay na ito. Kailangan ko na manatili na kasal sa kan'ya, sa ayaw niya at sa gusto niya.

"Kailangan ko ng tulong mo, Mikel. Wala akong balak na isahan ka dahil milyonaryo ka. Hindi ko kailangan at lalo na wala ako na interes sa yaman mo. Kailangan ko lang talaga na manatili na kasal sa iyo."

"Manatili na kasal sa akin? Bakit?" Naguguluhan na tanong niya sa mababang boses.

"Mahabang istorya. Pero mayroon ako na proposisyon para sa’yo."

"Proposisyon? Ano na naman iyon?"

"Let’s stay married for convenience."

"Ano?"

"Ano ba iyan, kailangan lagi na uulitin sa'yo ang lahat? Hay naku, kailangan ko na manatili na kasal, kaya magkaroon tayo ng kontrata na mananatili tayo na kasal pero may kondisyon ang lahat para hindi mo naman isipin na iniisahan kita at ginagamit ko lang ang pagiging mayaman at milyonaryo mo."

"Bakit mo kailangan na manatili na kasal sa akin?"

Hindi ko na sinagot ang kan’yang tanong at sa halip ay muli na ipinaliwanag ang proposisyon ko sa kan’ya. "Contract marriage, Mikel. Ang kasunduan natin ay base sa kontrata lamang. Mananatili tayo na kasal hanggang sa papel lamang, at iyon lamang ang tangi na mag-uugnay sa atin. Puwede tayo na gumawa ng kasunduan para masiguro na wala sa atin ang matatali sa kasal na ito. Kailangan ko lamang na manatili na kasal habang inaayos ko pa ang ilan problema sa buhay ko."

Hindi sumagot si Mikel at nanatili lamang ang blangko na ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali na hindi siya pumayag sa nais ko. Kapag nangyari iyon, ay wala na ako na ibang pagpipilian pa kung hindi ang huwag pumirma sa balak niya na paghihiwalay namin.

Magalit man siya sa akin ay isasapalaran ko na ang lahat, makaligtas lamang ako sa ginawa ni Chad sa akin. Nakapagpasiya na ako. Hindi ko hahayaan na kuhanin sa akin ni Chad ang natitira na saya sa pagkatao ko. Nakakunot ang noo niya kaya nakahanda na ako na sumalungat at makipag-debate dahil sigurado ako na "hindi" ang magiging tugon niya sa akin.

"Okay. Pumapayag na ako sa nais mo. Let’s draft the contract then."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
anu nga ba ang totoong dahilan ni tamara kung bakit biglang nagbago ang isip nyang huwag ng makipaghiwalay kay mikel
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status