Nakahinga ako ng maluwag nang pumayag si Tamara sa suhestiyon ko na kailangan namin na tapusin at itama ang nagawa namin na pagkakamali. Hindi na namin dapat pa na dagdagan ang mga problema sa pareho namin na magulong buhay.
Nanatili si Tamara sa pagkakaupo sa kama at animo ay may sarili siya na mundo. Hindi na siya muli na nagsalita pa pagkatapos sa naging pagpayag niya kanina. Alam ko na may matindi na bumabagabag sa isipan niya ngayon. At sigurado ako na ito ang nabanggit niya na naging pagtakas niya sa kasal.
May parte ko na nais malaman ang totoo na istorya ng buhay niya, lalo na at nakikita ko sa mga ekspresyon ng mukha niya ang kaguluhan at takot. Tiyak ako na mas mabigat ang kinakaharap niya na problema kaysa ang sa akin na naloko ng nobya.
"Ayos ka lang ba, Tamara?" Nag-aalangan na tanong ko sa kan’ya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pakikisamahan ang babae na ito na paiba-iba ang emosyon bawat minuto.
Hindi siya sumagot at sa halip ay pagtango lamang ng kan’yang ulo ang ginawa. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at dumiretso na sa banyo. Hindi naman maaari na magtitigan na lamang kami sa buong maghapon. Kailangan namin kumilos upang maisaayos ang mga problema na ginawa namin kagabi.
Naisipan ko na maligo na rin habang si Tamara ay abala pa sa kan’yang pag-iisip. Habang nasa ilalim ng shower ay muli na nanumbalik sa akin ang mga katangahan at kalokohan na nagawa ko sa nagdaan na gabi.
Maski sa hinagap ay hindi ko naisip na magpakasal na lamang sa kung kanino na babae na aking makikita. Lahat ng patungkol sa buhay ko ay planado. Gusto ko lahat ay maayos at naayon sa plano na ibinigay ko para sa sarili ko.
Ngunit sa kauna-unahan na pagkakataon, tinanggal ko ang lahat ng inhibisyon ko sa aking sarili at naging pabigla-bigla ako. At dahil doon, isang nakakabigla rin na katotohanan ang kinakaharap ko ngayon.
I am fucking married! I have a wife! Isang asawa na wala akong kaalam-alam kung sino at ano siya.
Ang lahat ng ito ay dahil sa kagagawan ni Janine. Kung hindi dahil sa mga ginawa niya ay wala sana ako ngayon sa sitwasyon na ito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubusan na natatanggap ang mga ginawa niya sa akin. Paano niya nagawa na saktan ako ng gano’n na lamang?
Ang dami namin mga plano para sa isa’t-isa, and we were supposed to get married in a year, pero ang lahat ng iyon ay kan’yang itinapon para sa panandalian na kaligayahan. Sa isang iglap, nawala ang aking pangarap na bumuo ng isang masaya na pamilya.
Am I not good enough for her? Ito ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa aking isipan. Ano pa ba ang kulang sa akin para maghanap siya ng iba? Am I not pleasuring her enough? Hindi lang siya ang nawala sa akin nang lokohin niya ako, kung hindi, pati ang tiwala at kumpiyansa na mayro'n ako para sa sarili ko.
Pilit ko na iwinaksi sa aking isipan ang mga alaala ni Janine. May mas importante na bagay pa ako na dapat ayusin at intindihin kaysa ang balik-balikan ang sakit na idinulot niya sa puso ko.
Nang makatapos makaligo ay agad ako na nagpunas ng aking katawan. Napasapo ako sa noo ko nang maalala ko na hindi ako nakapagdala ng pamalit na damit dito sa banyo. At nasa labas lang naman ang asawa ko na sa tiyak ko ay magwawala na naman kapag nakita ako na halos hubad na.
Pero ano naman ang magagawa ko? Lagay naman na maghintay ako rito sa maghapon at hintayin siya na makauwi bago ako lumabas? Ayaw ko naman na muli na suotin ang damit na hinubad ko na.
Nang wala na akong iba na pagpipilian ay lumabas ako habang nakatapis ang tuwalya sa beywang ko. Sakto na paglabas ko ng banyo ay napatingin ako kay Tamara at nagtama ang mga mata namin dahil sa lumingon din siya sa akin.
Nakita ko pa ang panlalaki ng mga mata niya habang naiwan na nakabukas ang bibig sa gulat. Inaasahan ko nang ito ang magiging reaksyon niya, kaya bumilang ako ng limang segundo sa isipan ko at sigurado ako na aatungal na naman ang babae na ito.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.
"Hoy! Lalaki ka! Sino ang nagsabi sa’yo na maglakad ka riyan ng hubo’t-hubad? Aba! Mahiya ka sa balat mo, may ibang tao rito. Makapag-display ka riyan ng katawan mo, wagas na wagas. Bakit, porke’t marami kang pa-pandesal diyan, ano sa tingin mo, maaakit ako sa’yo ng gano'n na lang?"
Sinasabi ko na nga ba at hindi ako nagkamali sa hinala ko. Nagsimula na naman nga ang pag-atungal ng babae na bungangera.
"Nasaan ang hubo’t-hubad dito? Hindi ba at nakatapis ako ng tuwalya? At ano ang magagawa ko? Nakalimutan ko na narito ka pa pala. Pasalamat ka nga at nagtapis pa ako ng tuwalya, kung hindi, baka sigurado na hubo’t-hubad mo nga talaga ako na makikita."
"Manyak! Magbihis ka nga. Dumidisplay-display ka pa riyan."
"Magbibihis na naman talaga ako kung hindi ka umatungal na naman diyan na akala mo ay may ginagawa sa’yo. Huwag ka nga sigaw nang sigaw. Taga-bundok ka ba?" Naiinis na balik ko sa kan’ya.
Kahit na ano ang pilit ko na huwag maasar sa babae na asawa ko na, ay hindi ko magawa, kaya tama lang talaga ang desisyon namin na maghiwalay, dahil hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan namin kung mananatili kami na kasal sa isa’t-isa at araw-araw siya na magbubunganga ng ganyan sa akin.
"Paglakad mo nga riyan ay pakihagis mo ang palda ko." Napalingon ako sa kan’ya nang marinig ang pag-uutos niya sa akin.
"Inuutusan mo ba ako?"
"Bakit may ibang tao pa ba na naririto buhat sa atin? At isa pa, hindi utos iyon. Pakiusap ang pagkakasabi ko, kaya nga may paki, diba? Pakihagis ang palda ko." Pilosopo na sagot pa niya sa akin na lalo na nagpasalubong ng kilay ko.
"Wala ka bang mga paa?"
"Nakakayamot ka na ha! Pakisuyo na nga lang, diba, sabi ko? Ano ang gusto mo, tumayo ako para makita mo na naka-cycling shorts lang ako, gano’n? Manyak ka talaga!"
"Bakit hindi mo naisip na tumayo riyan kanina noon nasa banyo ako. Tapos ngayon, uutusan mo ako?"
Padabog siya na tumayo sa kama at nalaglag ang kumot na nakabalot sa katawan niya. At hindi ko maiwasan na mapatingin sa mapuputi na hita niya na iyon. Lumakad siya papunta sa may lamesa kung saan nakapatong ang palda niya.
Hindi ko maalis-alis ang tingin ko sa kan’ya. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa at hindi ko maiwasan na mag-init ang pakiramdam ko at ramdam ko ang unti-unti na nagigising na sensasyon sa akin. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan ko sa mga sandali na iyon ng isang unan ang bigla na tumilapon na naman sa pagmumukha ko sa ikalawang pagkakataon ngayon araw.
"What the fuck?!" sigaw ko.
"Pasalamat ka at hindi matulis na bagay ang ibinato ko riyan sa mga mata mo, kung hindi, bulag ka na sana ngayon. Napakabastos mo! Alam na alam ko ang tumatakbo sa isipan mo, buwisit ka!"
"Hoy, huwag mo ako na pinagbibintangan. Sumusobra ka na!"
"Ako, nagbibintang? Tingnan mo nga iyan nakaumbok diyan sa harapan mo. Pagbibintang ba ‘yan? Hmp! Magbihis ka na nga roon at kailangan natin mag-usap." Pagkasabi no'n, bitbit ang kan’yang palda ay diresto siya na pumasok sa banyo.
Naiwan ako na napakamot sa aking ulo. Walanghiya! Si junior naman kasi, nagpahalata agad, ayan at nakatikim na naman tuloy ako ng unan sa mukha. Pinulot ko ang ibinato sa akin na unan ni Tamara at inihagis iyon sa kama saka pumasok sa walk-in closet upang makapagbihis.
Maraming salamat po sa lahat ng suporta na ibinigay ninyo sa story ko na ito. Ito pa ay entry ko sa MBL contest ni GNPH. Kahit hindi po nanalo sa contest sapat na ang may mga nagbasa at sana po ay nagustuhan ninyo. Hindi perfect ang mga stories ko and I still have a long way to go, but the support that you are giving me warms my heart. Muli, maraming, maraming salamat sa suporta. Hanggang sa susunod po na kuwento. Pa-add din sa library ninyo and pa-support din po sa iba ko na story kay GN. The Invisible Love of Billionaire (Completed) My Back-up Boyfriend is a Mafia Boss (On-going) The Rise of the Fallen Ex-Wife (On-going) Falling for the Replacement Mistress (On-going)
Mikel Lucero and Tamara Ilustre had both never had a good and fulfilling family life. Pareho sila na pinagkaitan ng tadhana na maranasan ang isang masaya at tunay na pamilya. But that was before. Dahil ngayon ay binawi naman ng tadhana ang lahat ng paghihirap na ibinigay sa kanila noon. At bawing-bawi sila sa kasiyahan sa buhay pamilya na mayro’n silang dalawa ngayon. Hindi nila akalain na ang mga problema na tinakbuhan nila ay ang siya rin na magiging dahilan upang magtagpo at magbuklod ang mga landas nila. They were both tested on how far they could hold on to a fake relationship that they had started. And looking back, it started out as a fake marriage, but the emotions and feelings they both felt all throughout their married life were actually genuine. At paulit-ulit nila na ipaparamdam sa isa’t-isa, na kahit isang pagkakamali ang pagsisimula nila, patuloy rin iyon na magiging isang pinakamaganda na pagkakamali sa buhay nilang dalawa. Mikel ran away from problems, but he met and
The Lucero’s. That’s what we are. Kahapon lamang ay natapos na ang binyag ni Mirakel at pormal na rin namin siya na ipinakilala ni Tamara sa aming mga kapamilya at kaibigan. It was a joyous event that was shared with those special to us. Bidang-bida sa okasyon na iyon siyempre ang aming prinsesa na si Mira. It has been three months since our little princess was born. At sa loob ng tatlong buwan na iyon ay sinigurado ko na katulong ako ni Tamara sa bawat paghihirap at pagpupuyat niya. It was never easy for her, lalo na at breastfeeding mom siya, kaya lahat ng kaya ko na suporta ay ibinibigay ko sa kan’ya. Tamara and I are still slowly adjusting to being parents. A tough but very fulfilling job at that. And I wouldn’t trade it for anything in the world. At ipinapangako ko, I wouldn’t be anywhere near what my father is. Ang buong buhay ko ay ilalaan ko para sa mag-ina ko at sa iba pa namin na magiging anak sa hinaharap. Slowly now, the broken pieces of my life are being restored. At
"Diane, nasa opisina niya ba ang magaling na amo mo?" tanong ni Wyatt sa sekretarya ni Mikel na si Diane. "Ay, Sir Wyatt, oo, kadarating lang, pero aalis din agad at kukunin lang daw niya ang ilang mga dokumento na hindi nadala ni Sir Stan sa kanila kahapon." Inginuso pa nito ang direksyon ng opisina kay Wyatt. Tumango naman si Wyatt at isinenyas sa sekretarya na pupuntahan na niya. "Pasok na ako." "Huwag mo painitin ang ulo, Sir Wyatt, ha, good mood siya." "Ikaw talaga, Diane." Kumindat pa si Wyatt saka nagdiretso sa opisina ng pinsan niya. Hindi na siya kumatok pa at basta na lamang na pumasok sa silid. At doon ay naabutan niya si Mikel na nakasandal sa upuan nito at nakapikit. "You look exhausted. Sino ang pumagod sa’yo, ang reyna o ang prinsesa mo?" Dumilat si Mikel nang marinig ang boses ni Wyatt. "Ano ang ginagawa mo rito?" Balik-tanong niya na hindi na sinagot ang nauna na tanong ni Wyatt sa kan'ya. "To talk to you." Maangas na sagot ni Wyatt sa kan’ya na lumakad at umupo
Palakad-lakad sa pasilyo ng ospital si Mikel. Hindi siya mapakali sa kaka-isip sa kan’yang mag-ina. Kanina pa naipasok si Tamara sa loob at ang sabi ng doktora na maghintay na lamang siya. At sa totoo lamang ay sobra ang kaba niya ngayon. Not for himself but for his wife. Ganito pala ang kaba na nararamdaman ng mga asawa at ang halo-halo na emosyon na lumulukob sa kan’ya ngayon ay hindi niya talaga maipaliwanag. "Everything is going to be okay, Mikel." Lumapit sa kan’ya si Wyatt at tinapik pa siya sa balikat. Si Wyatt ang una na natawagan ni manang kanina na agad din na napasugod sa ospital nang malaman na manganganak na nga si Tamara. "She is a strong woman. She is well prepared for this." "It just feels so surreal that she is coming." sagot na lamang niya, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya talaga mapaniwalaan na lalabas na ang anak niya. "I’ve prepared for this day. Pero kanina, wala sa mga kahit na ano na plano ko ang nagawa ko, dahil sa pagkataranta ko. And everything I
Mahimbing na ang tulog ni Tamara nang pumasok si Mikel sa kanilang silid. Naging abala kasi siya matapos nila na maghapunan sa inaayos niya na gamit sa silid ng kanilang prinsesa. At dala marahil ng pagod dahil sa pamimili nila ni Tamara ng mga gamit ng bata kanina, ay hindi na siya nahintay pa ng asawa niya. Napangiti na lamang si Mikel na marahan na lumapit at tumabi kay Tamara. Wala sa kanilang plano ang magtungo sa mall at mamili, pero ano nga ba ang aasahan niya sa kan’yang asawa na lagi ay walang kaplano-plano at lahat ay dinaraan sa pabigla-bigla. Aba’y, kahit nga ang kasal nila noon ay naging pabigla-bigla, pero hindi niya na iyon pinagsisisihan pa sa ngayon. Itinawag pa nga niya sa doktora ni Tamara kung puwede pa ba na mamasyal at maglakad-lakad ang asawa niya, na sinang-ayunan naman ng doktora nila upang mas maging madali raw ang panganganak nito at hindi gaano na mahirapan. At kitang-kita niya ang saya ni Tamara kanina habang sila ay namimili. Inilibot niya ang kan’ya