MasukUmuulan pa rin nang malakas nang makaalis si Alina sa condo ni Marco, ngunit hindi niya halos maramdaman ang lamig ng hangin. Mas malamig pa rin ang pakiramdam ng dibdib niya kaysa sa ulan na bumabagsak sa balat niya. Basang-basa na ang buhok niya at ang manipis niyang damit, ngunit wala siyang pakialam. Parang wala na rin namang saysay ang kahit ano sa sandaling iyon.
Mahigpit niyang hawak ang pregnancy test sa kamay niya na ilang minuto pa lang ang nakalipas ay pinaplano niyang ipakita kay Marco na may ngiti at pag-asa.
Ngayon, pakiramdam niya ay isa na lang iyong mabigat na sikreto na hindi niya alam kung paano haharapin.
Habang nakaupo ito sa isang bench, kasabay ng pagpatak ng ulan ay sabay nitong pinunasan ang mga luha sa pisng. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig niya kanina. Paulit-ulit na tumatak sa isip niya ang boses ni Marco.
“I’m marrying you because your father can make me rich. Alina is just a poor burden.”
Napapikit siya nang mariin.
“Hindi totoo ‘yon… hindi siya ganon,” mahina niyang bulong sa sarili, na para bang sinusubukan niyang kumbinsihin ang sarili niya.
Pero kahit anong pilit niya, alam niyang malinaw ang narinig niya.
Huminga siya nang malalim at nagpasyang bumalik.
Hindi puwedeng matapos ang lahat nang ganoon lang. Kailangan niyang sabihin kay Marco ang tungkol sa bata. Kahit ano pa ang nangyari, karapatan nitong malaman.
Mabilis siyang bumalik sa condo building. Nanginginig ang kamay niya habang pinipindot ang elevator button. Parang bawat segundo ay napakahaba.
Pagdating niya sa unit, hindi na siya nag-atubiling kumatok. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Si Marco ang bumungad sa kanya. Naka-sando lang ito at halatang hindi natuwa nang makita siya.
“Ano na naman, Alina?” malamig nitong tanong.
Napayuko siya sandali bago muling tumingin sa kanya.
“Marco… kailangan kitang makausap.”
Napabuntong-hininga ang lalaki. “Tapos na tayo, ‘di ba? Ano pa bang pag-uusapan natin?”
“Please… importante ‘to.”
Napatingin ito sa hallway na para bang nag-aalala na may makakakita sa kanila.
“Fine. Bilisan mo.”
Pumasok siya sa loob ng unit. Doon pa rin ang mga mamahaling gamit na dati ay ipinagmamalaki ni Marco sa kanya. Ngunit ngayon, pakiramdam niya ay parang hindi na siya kabilang sa mundong iyon.
Huminga siya nang malalim.
“Marco… buntis ako.”
Nanahimik ang buong sala. Para bang tumigil ang mundo sa sandaling iyon. Pagkatapos ay napatawa si Marco.
Hindi iyon ang uri ng tawa na may saya—kundi iyong may halong panlalait.
“Seriously?”
“Marco, hindi ako nagbibiro,” sagot ni Alina, nanginginig ang boses.
Ngunit umiling lang ang lalaki.
“Hindi ko anak ‘yan.”
Para siyang sinampal ng mga salitang iyon.
“Ano?” halos pabulong niyang tanong.
“Alina, huwag mo akong gawing tanga. Alam mo kung gaano kahirap ang buhay ko dati. Ngayong may pagkakataon na akong umasenso, bigla kang susulpot na buntis ka?”
“Hindi ako nagsisinungaling,” mabilis niyang sagot. “Ikaw lang ang—”
“Stop it.” Tinaas ni Marco ang kamay niya para pigilan siya. “Kung gusto mo ng pera, diretsuhin mo na lang.”
Namula ang mukha ni Alina.
“Hindi ako gold digger!”
“Talaga?” ngumisi si Marco. “Eh bakit ngayon mo lang sinabi? Kasi alam mong engaged na ako?”
Parang may bumara sa lalamunan niya. Hindi siya makapagsalita.
“Alina,” dagdag pa nito, “move on. Hindi ko problema kung kanino ka nabuntis.”
Hindi na niya napigilan ang luha.
“Marco… ikaw lang ang—”
“Lumabas ka na.”
Napatigil siya.
“Ayokong gumawa ng eksena ang fiancée ko kapag nakita ka dito.”
Para siyang piniga ang puso. Tahimik siyang tumalikod at naglakad palabas ng unit. Paglabas niya sa building, mas lalo pang lumakas ang ulan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang naglakad. Ang alam lang niya, pakiramdam niya ay nawalan siya ng direksyon.
Kinabukasan, kahit halos hindi siya nakatulog buong gabi, pinilit pa rin niyang bumangon at pumasok sa trabaho. Mabigat ang pakiramdam ng katawan niya, para bang may nakadagan na hindi niya maipaliwanag. Namumugto pa ang mga mata niya sa kakaiyak, ngunit pilit niyang inayos ang sarili. Hindi niya kayang manatili sa kama at isipin lang ang lahat ng nangyari. Kailangan niyang kumapit sa kahit anong natitira sa buhay niya.
Habang naglalakad siya papunta sa maliit na office kung saan siya nagtatrabaho bilang accounting assistant, pakiramdam niya ay parang may ulap na nakapalibot sa isip niya. Paulit-ulit na bumabalik sa alaala niya ang eksena kagabi—ang mukha ni Marco, ang malamig na tingin ng babaeng kasama nito, at ang pakiramdam na para siyang tinanggalan ng lahat ng mahalaga sa buhay niya.
Pagdating niya sa office, tahimik ang paligid. Naririnig niya lang ang mahinang tunog ng keyboard ng mga kasamahan niya at ang pag-ugong ng air conditioner. Pilit siyang ngumiti ng bahagya sa mga dumadaan, kahit pakiramdam niya ay anumang oras ay babagsak na naman ang luha niya.
Hindi pa siya nakakaupo nang tuluyan sa mesa niya nang biglang lumabas ang supervisor niya mula sa kanyang opisina.
“Alina, pumasok ka nga sa office ko.”
Medyo nagulat siya. Hindi naman siya madalas tawagin nang ganito kaaga.
“Po?” sagot niya, bahagyang naguguluhan.
“Sandali lang.”
Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papunta sa maliit na opisina ng supervisor. Habang papalapit siya, mas lalo siyang kinabahan. Hindi niya alam kung bakit, pero may kakaibang kaba sa dibdib niya.
Pagpasok niya sa loob, agad niyang napansin ang seryosong ekspresyon ng supervisor niya. Hindi ito katulad ng dati na madalas ay kalmado at mahinahon lang. Ngayon, parang may bigat sa mukha nito.
May hawak itong isang envelope.
“Alina… may dumating na order from management.”
Biglang kumabog nang malakas ang dibdib niya.
“Ano pong order?” maingat niyang tanong.
Napabuntong-hininga ang babae bago nagsalita, para bang ayaw nitong sabihin ang susunod na lalabas sa bibig niya.
“Effective today… terminated na ang employment mo.”
Parang biglang tumigil ang mundo.
Para siyang nabingi sa narinig.
“Po?” halos pabulong niyang sabi. “Bakit?”
Hindi siya makapaniwala. Kahapon lang ay normal pa ang lahat. Wala naman siyang ginawang mali sa trabaho niya.
Ibinaba ng supervisor ang tingin, tila nahihiya o naaawa.
“May complaint daw mula sa board,” mahina nitong paliwanag. “Personal request ng isang malaking investor.”
Unti-unting nanlamig ang buong katawan ni Alina.
“Investor?” ulit niya, halos hindi lumalabas ang boses niya.
Tumango ang supervisor.
“Ang pamilya Davenport.”
Parang may sumabog sa loob ng utak niya.
Davenport.
Iyon ang apelyido ng babaeng nakita niya kagabi.
Ang fiancée ni Marco.
Biglang nagsimulang magdugtong-dugtong ang lahat. Ang malamig na ngiti ng babae, ang paraan ng pagtingin nito sa kanya, at ang malinaw na babala na para bang sinasabi nitong wala siyang laban.
At ngayon…
Ito na ang resulta.
“Pasensya na, Alina,” mahina pang dagdag ng supervisor. “Wala akong magagawa. Galing mismo sa taas ang utos.”
Hindi siya agad nakapagsalita. Pakiramdam niya ay parang may malaking butas na nabuo sa dibdib niya.
Wala na siyang trabaho.
Wala na siyang boyfriend.
At ngayon, wala na rin siyang matitirhan dahil hindi niya kayang bayaran ang renta kapag wala siyang sahod.
Dahan-dahan niyang kinuha ang envelope na iniabot sa kanya. Nanginginig ang mga kamay niya habang hinahawakan iyon, ngunit pinilit niyang manatiling kalmado.
“Salamat po… sa pagkakataon,” mahina niyang sabi, kahit halos hindi niya marinig ang sarili niyang boses.
Paglabas niya ng office, pakiramdam niya ay parang iba na ang mundo. Ang mga taong nakikita niya kanina ay parang malayo na ngayon. Ang mga tunog sa paligid ay parang lumalabo.
Hindi niya alam kung paano niya nagawang iligpit ang kaunting gamit niya sa mesa—isang lumang mug, ilang ballpen, at ang maliit na picture frame na matagal nang nakatayo sa gilid ng computer niya.
Pagkatapos noon, tahimik siyang naglakad palabas ng building.
Paglabas niya sa labas, sinalubong siya ng mainit na sikat ng araw, ngunit wala siyang naramdaman na init.
Pakiramdam niya ay parang bangungot ang lahat.
Sa loob lang ng isang araw…nawala ang lahat sa kanya. Huminto siya sa gilid ng kalsada habang hawak ang tiyan niya.
“Anak…” mahina niyang bulong.
Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang kinabukasan.
Umuulan na naman. Mas malakas pa kaysa kagabi. Naglakad siya sa bangketa habang hinahayaan ang ulan na basain siya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta naglalakad lang siya. Hanggang sa bigla—
SCREEECH!
May malakas na tunog ng preno sa harap niya. Halos matumba siya sa gulat.... Isang luxury black car ang huminto ilang pulgada lang ang layo sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya. Kung hindi agad nagpreno ang kotse, baka nasagasaan na siya.
Bumukas ang pinto ng sasakyan. At may isang lalaking bumaba.
Matangkad. Naka-black suit. At may malamig na aura na parang kayang patahimikin ang buong paligid.
Hindi pa alam ni Alina… pero ang lalaking iyon ang babago sa takbo ng buhay niya.
Limang taon.Para sa nakararami, ang limang taon ay sapat na panahon upang makalimot, upang maghilom ang mga sugat, at upang magsimulang muli. Ngunit para kay Alina, ang bawat araw na lumilipas ay tila isang pahina lamang sa isang makapal na aklat ng pagtitiis. Ang kaniyang buhay sa maliit na bayan sa Cagayan ay naging payak ngunit puno ng sakripisyo. Ang kaniyang mga kamay na dati ay sanay sa kalyo ng paglalaba at pagluluto ng kakanin ay unti-unti ring nakahanap ng ginhawa nang makakuha siya ng trabaho bilang isang klerk sa munisipyo, salamat sa kaniyang sipag at pagiging matalino.Sa kabila ng hirap na kaniyang dinanas, tila hindi nagawang nakawin ng panahon ang kaniyang kagandahan. Sa katunayan, ang pagiging isang ina ay tila nagdagdag pa ng ningning sa kaniyang mga mata at kapanatagan sa kaniyang tindig. Sa edad na dapat ay nasa rurok ng kaniyang kabataan, si Alina ay nananatiling mukhang dalaga—may makinis na balat na tila hinalikan ng araw at isang aura na mahinhin ngunit matata
Third person POVAng madaling-araw sa probinsya ay may dalang kakaibang ginaw—isang uri ng lamig na nanunuot sa buto ngunit nagbibigay ng hudyat na kailangan nang bumangon. Habang ang buong baryo ay natutulog pa at ang mga manok ay nagsisimula pa lamang sa kanilang unang tilaok, gising na si Alina. Sa loob ng maliit at lumang kusina ni Lola Hering, tanging ang mahinang liwanag ng bumbilya at ang usok mula sa kumukulong malagkit ang nagsisilbing kasama niya.Ito na ang kanyang bagong realidad. Wala na ang mga silk sheets ng penthouse, wala na ang mga katulong na nag-aayos ng kanyang pagkain, at wala na ang boses ni Alexander na nag-uutos sa bawat sulok ng silid. Ang tanging naririnig niya ngayon ay ang mahinang hilik ng kanyang anak na si Nathan mula sa silid at ang tunog ng sandok na humahalo sa malapot na gata.Anim na buwan na ang lumipas simula nang isilang niya si Nathan. Sa loob ng anim na buwang iyon, mabilis na natutunan ni Alina kung paano maging isang kuta. Ang pagiging singl
Third Person POVAng simoy ng hangin sa probinsya ay malayo sa malansang amoy ng usok at aspalto ng Maynila. Dito, ang hangin ay may kasamang amoy ng basang lupa, tuyong dayami, at ang alat na nagmumula sa hindi kalayuang baybayin. Ngunit sa kabila ng kapayapaan ng kalikasan, ang loob ni Alina ay nananatiling isang magulong digmaan.Lumipas ang mga buwan na tila mga dahan-dahang patak ng ulan sa bubungang nipa. Namalagi si Alina sa lumang bahay ng kanyang Lola hering, isang matatag na istrakturang yari sa narra at kawayan na nakatayo sa gitna ng isang malawak na niyugan. Ito ang kanyang naging kuta, ang kanyang taguan mula sa mundong pilit siyang winasak.Hindi naging madali ang mga unang linggo. Sa isang maliit na baryo kung saan ang lahat ay magkakakilala, ang pagdating ng isang dalagang buntis na galing sa Maynila at walang kasamang asawa ay tila isang mitsa ng malaking sunog. Bawat lakad niya patungo sa poso o sa maliit na tindahan sa kanto, nararamdaman niya ang mga matang nakasu
Third Person POVAng mga buwan ay lumipas na parang isang mahabang panaginip na walang gisingan—isang malabo at madilim na siklo ng pagsikat at paglubog ng araw na hindi na binibilang ni Alexander Vale. Para sa ibang tao, ang panahon ay isang manggagamot, isang elementong dahan-dahang nagpapahilom sa mga sugat ng kahapon. Ngunit para kay Alexander, ang bawat segundo ay hindi nagdadala ng kagalingan. Sa halip, bawat patak ng buhangin sa oras ay tila isang matulis na pait na lalong nagpapalalim sa ukit ng pangungulila sa kanyang puso.Sa loob ng kanyang marangyang opisina sa itaas na palapag ng Vale Group headquarters, ang hangin ay amoy kape, lumang papel, at ang bigat ng hindi masabing pagsisisi. Nakaupo si Alexander sa likod ng kanyang dambuhalang desk na gawa sa mahogany. Nakatambak sa harap niya ang mga dokumentong nangangailangan ng kanyang pansin—mga kontratang nagkakahalaga ng bilyun-bilyon, mga ulat ng kumpanya mula sa iba't ibang panig ng mundo, at mga disenyong arkitektura. N
Third Person POVIlang buwan na ang lumipas. Para sa mundo, ang pagkawala ni Alina ay isa na lamang lumang tsismis na unti-unting natatabunan ng mga bagong iskandalo sa alta sosyedad, mga pabagu-bagong takbo ng stock market, at mga walang kabuluhang party. Ang balitang "ang asawa ng bilyonaryong si Alexander Vale ay naglaho" ay naging isang malamig na kwento na lamang sa mga tabloid.Pero para kay Alexander Vale, ang bawat segundo ay tila isang sariwang sugat na pilit binububuksan ng bawat hininga niya. Ang oras ay hindi naging gamot; sa halip, ito ay naging lason na unti-unting nagpapadilim sa kanyang mundo. Hindi siya tumitigil. Sa katunayan, ang paghahanap sa asawa ay naging sentro na ng kanyang buong pagkatao—isang mapanganib na obsesyon na unti-unting lumalamon sa kanyang katinuan, katarungan, at maging sa kanyang pisikal na pangangatawan.Sa loob ng kanyang malawak na opisina sa tuktok ng Vale Group headquarters, nakatayo si Alexander sa harap ng floor-to-ceiling window. Ang nag
Third Person POVDalawang linggo.Labing-apat na araw na ang lumipas mula nang maglaho si Alina na parang usok sa gitna ng gabi. Labing-apat na araw na ring tila gumuho ang pundasyon ng mundo ni Alexander Vale.Ang penthouse, na dati ay nababalot ng init dahil sa presensya ni Alina, ay tila naging isang dambuhalang nitso—malamig, bakante, at amoy pangungulila. Wala na ang halimuyak ng tsaa sa umaga. Wala na ang marahang yabag ng mga paa nito sa hallway. Higit sa lahat, wala na ang mahinang boses na narinig niyang kumakausap sa kanilang anak habang hinahaplos ang nakaumbok nitong tiyan.Ngayon, tanging ang ugong ng aircon at ang sarili niyang hininga ang naririnig ni Alexander.Nakasandal ang bilyonaryo sa sofa, ang kanyang tingin ay nakapako sa kawalan. Sa harap niya, sa ibabaw ng glass table, may isang tray ng pagkain na dinala ng maid dalawang oras na ang nakalilipas. Ang sabaw ay namuo na ang sebo; ang kanin ay tuyot na. Hindi niya ito ginalaw. Sa katunayan, halos wala na siyang ma







