Three years na kami ni Marco, at this time, everything felt different. Iba. Better. Sa hita ko, maingat kong karga ang isang maliit na box ng chocolate cake na binili ko lang sa bakery sa kanto sa halagang 150 pesos. Simple lang ito, walang gold dust, pero alam kong paborito niya 'to. Pinag-ipunan ko 'to, kaya kahit papaano, worth it na rin.Habang umaandar ang jeep, mahigpit ang hawak ko sa box para hindi ito tumalon sa bawat lubak ng kalsada. Ang kabilang kamay ko naman, pasimpleng kinakapa ang isang mas maliit pang box sa bulsa ko. Hindi lang ito basta regalo. Mas malaki ang halaga nito kaysa sa presyo ng cake. Mas makahulugan."Okay ka lang ba diyan, baby?" bulong ko, kinakausap ang tyan ko. "We're doing this. We're telling Papa today."Bumaba ako ng jeep dalawang kanto bago ang condo ni Marco. Ayaw ko kasing makita niya agad ako o malaman niyang paparating na ako. Gusto kong i-surprise siya, bigla akong kakatok sa pinto. I wanted to see his face light up, that familiar smile na a
Last Updated : 2026-03-26 Read more