LOGINSa gabi na balak niyang sabihin ang kanyang pagbubuntis, gumuho ang mundo ni Alina Reyes nang matuklasan niyang niloloko siya ng kanyang boyfriend kasama ang isang mayamang heiress. Sa loob lamang ng isang araw, nawala sa kanya ang lahat—ang lalaking mahal niya, ang kanyang trabaho, at ang buhay na matagal niyang pinangarap. Buntis at nag-iisa, akala ni Alina ay wala nang mas sasakit pa sa kanyang pinagdaanan. Hanggang sa isang maulan na gabi, muntik na siyang mabangga ng isang luxury car na pagmamay-ari ni Alexander Vale, ang malamig at ruthless na billionaire CEO na kinatatakutan sa buong business world. Nakikita ang kanyang desperasyon, inalok siya ni Alexander ng isang deal na kayang baguhin ang kanilang kapalaran. Pakakasalan siya nito. Isang contract marriage—walang pag-ibig, walang emosyon, at pansamantala lamang. Ngunit nang maging Mrs. Vale si Alina, napasok siya sa isang mundong puno ng kayamanan, kapangyarihan, at mga taong gustong makita siyang bumagsak. Habang unti-unting nababasag ang malamig na pader sa pagitan nila, isang mapanganib na lihim ang maaaring sumira sa lahat. Dahil ang batang dinadala ni Alina… ay maaaring hindi pala anak ng lalaking iniisip ng lahat. Sa mundong puno ng pagtataksil at paghihiganti, ang tanong ay— ang contract marriage ba na ito ay magwawakas sa pagkawasak… o magiging pag-ibig na hindi nila inaasahan?
View MoreThree years na kami ni Marco, at this time, everything felt different. Iba. Better. Sa hita ko, maingat kong karga ang isang maliit na box ng chocolate cake na binili ko lang sa bakery sa kanto sa halagang 150 pesos. Simple lang ito, walang gold dust, pero alam kong paborito niya 'to. Pinag-ipunan ko 'to, kaya kahit papaano, worth it na rin.
Habang umaandar ang jeep, mahigpit ang hawak ko sa box para hindi ito tumalon sa bawat lubak ng kalsada. Ang kabilang kamay ko naman, pasimpleng kinakapa ang isang mas maliit pang box sa bulsa ko. Hindi lang ito basta regalo. Mas malaki ang halaga nito kaysa sa presyo ng cake. Mas makahulugan.
"Okay ka lang ba diyan, baby?" bulong ko, kinakausap ang tyan ko. "We're doing this. We're telling Papa today."
Bumaba ako ng jeep dalawang kanto bago ang condo ni Marco. Ayaw ko kasing makita niya agad ako o malaman niyang paparating na ako. Gusto kong i-surprise siya, bigla akong kakatok sa pinto. I wanted to see his face light up, that familiar smile na alam kong para lang sa akin.
Nasa elevator pa lang, lumakas na ang pintig ng puso ko.
Malapit na.
Ilang segundo na lang, magiging complete na ang family namin. Kaming tatlo. Ang sarap sa pakiramdam. Ang daming planong nabubuo sa isip ko. The nursery, names, first steps. Nagpatuloy ang pag-ikot ng elevator paitaas.
Paglabas ko, naglakad ako sa hallway, tahimik ang bawat step ko. Pinagmamasdan ko ang bawat unit, hanggang makarating ako sa dulo. Unit 20B. Marco's unit. Parang bumagal ang oras. Inayos ko ang dress ko, huminga nang malalim. Kinuha ko ang box sa bag ko, idinikit sa dibdib.
Nasa tapat na ako ng pinto, at nakakatuwa. Hindi siya naka-lock. Maybe he was waiting for me....
Nagkamali ako ng akala.
Isang maliit na boses ng babae ang narinig ko sa loob.
"Are you sure about this, Marco? Paano si Alina?"
Biglang tumigil ang mundo ko. Yung pintig ng puso ko, nag-slow motion. Hindi ako makahinga. Ang cake sa kamay ko, bumigat.
Kumunot ang noo ko. Sino 'to?
Then, Marco's voice. His deep, familiar voice, pero may kakaibang lamig.
"Alina? Oh, please. Wala 'yon. Just a distraction."
Napahawak ako sa bibig ko. Nagsisimula nang manghina ang tuhod ko. Pilit akong naghanap ng rason. Baka nagbibiro lang siya. Baka prank lang 'to. Kaso, narinig ko ulit ang boses ng babae, medyo pa-sweet.
"A distraction? But you spent three years with her. And she's always talking about you… About your future."
Nagpatuloy ang pag-ikot ng aking tiyan. Parang may pumilipit. Gusto kong tumakbo, pero parang dumikit ang paa ko sa sahig. Pinilit kong intindihin ang mga sinasabi nila. Ano ang future na 'yon? Hindi ba't future namin ang pinag-uusapan?
"Future?" Tumawa si Marco. Mapakla. "There's no future with her. She's too... plain. Too simple.”
Para akong sinampal ng isang libong beses. Plain? Simple? Lahat ng efforts ko, lahat ng pagmamahal ko sa kanya, nilibing niya sa dalawang salita.
"Then why are you with her?" tanong ng babae, medyo may pagdududa.
Hinihintay ko ang sagot ni Marco. Nanginginig ang kamay ko. Gusto kong marinig niya sabihin na ako lang ang mahal niya. Gusto kong sabihin niya na mali ang pagkakarinig ko.
Then, his voice, malinaw at matigas. Parang yelo.
"I'm marrying you because your father can make me rich. Alina is just a poor burden."
Ang cake. Ang cake na pinag ipunan ko, na puno ng pagmamahal, ng pangarap. Ito ang huling naramdaman ko sa kamay ko bago ito bumagsak.
THUD!
Sa isang iglap, nasa sahig na ang lahat. Wasak ang box at durog ang chocolate cake na bitbit ko. Wala na 'yung sorpresa; puro icing at mumo na lang ang natira sa harap ko. Parang ang pangarap namin, nagkalat din.
Biglang natahimik ang loob ng condo.
Yumuko ako, nanlalabo ang mga mata ko. Ang puso ko, parang unti-unting dinudurog. Naghalo ang amoy ng chocolate at ng sarili kong luha.
Naramdaman ko ang presensya nila sa pinto. Nakatingin sa akin. Sa akin na nakaluhod sa basag na cake.
Napaangat ako ng tingin. Si Marco, nakatayo roon, gulat ang mukha. Nasa tabi niya ang babae. Maganda siya. Hindi plain. Mayaman siguro. Nakasuot ng fitted dress, may hikaw na kumikinang. Parang ako, nasa slum area lang. Si Marco, nakatingin sa akin na parang hindi niya ako kilala.
Umigting ang panga niya. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya ako kayang salubungin sa mga mata.
Ang babae, ngumiti. Hindi ito ngiti ng pag-aalala. Ito ay ngiti ng pangungutya.
"Well, well. Look what the cat dragged in," matinis ang boses niya, parang matutulis na pako na dumidikdik sa utak ko.
Napakagat ako sa labi ko. Walang lumabas na salita. Tila bumara ang lalamunan ko.
"Alina… What are you doing here?" Marco, sa wakas, bumalik ang boses. Pero hindi ito ang boses na inaasahan ko. Malamig. Galit.
Napailing ako. Narinig niya ba ang sarili niya? Ako? Ako ang tinatanong niya kung anong ginagawa ko dito?
"Anniversary… natin," halos pabulong kong sabi, nanginig ang boses.
Nagpalipat-lipat ang tingin ng babae sa akin at kay Marco. Puno ng pagdududa ang mga mata niya.
"Anniversary?" sumbat niya. "Kaya pala you were acting weird all day, Marco."
Kinagat ni Marco ang labi niya. Hindi niya masagot ang babae. Hindi niya masagot ako.
"Ano'ng weird doon? Sinabi ko na ngang ayoko na sa kanya, 'di ba? Hindi ko naman kasalanan kung ayaw niyang maniwala."
Ang pagkalito ko, napalitan ng galit. Ang mga luha, biglang nag-init.
"Ayaw mong maniwala? Ako? Ako ang ayaw maniwala, Marco? Matapos ang tatlong taon? Tatlong taon na pinaniwala mo ako sa mga kasinungalingan mo?"
Hindi ko na kinaya. Tumayo ako, pero nanginginig ang mga binti ko. Wala akong pakialam sa cake na nagkalat sa sahig, sa basag na plato. Ang sakit. Ang sakit ng katotohanan.
Lumapit ang babae sa akin. Nakataas ang noo. Yung mga hikaw niya, kumikinang. Parang nagpapahiwatig ng kanyang pagiging superior.
"Do you really think a man like him would marry someone like you?"
Ang mga salitang iyon, parang lason na kumalat sa buong sistema ko. Pinuwersa ko ang sarili kong lumaban.
"At ikaw? Sa tingin mo, mamahalin ka niya? Ginagamit ka lang niya, hindi mo ba nakikita?"
Napangisi ang babae. Isang ngising puno ng pang-iinsulto.
"Oh, darling. At least ako, may silbi. May maibibigay ako kay Marco. Ikaw? Anong maibibigay mo sa kanya? Sarili mong kahirapan? Kung talagang mahal mo siya, iibigin mo ang kapakanan niya. Hindi ka magiging pabigat. Hindi ka magiging sagabal."
Napaatras ako. Ang bawat salita niya, parang sumasaksak sa akin. Ang utak ko, parang gustong sumabog. Ang sakit. Ang sakit na naging ganito ako kabilis na nalimutan. Ang sakit na naging ganito ako kabilis na naging "pabigat."
Tumingin ako kay Marco. Naghihintay ng kahit anong senyales ng pagsisisi. Ng kahit anong senyales na nagkamali lang siya. Walang-wala. Ang mga mata niya, blangko. Ang ekspresyon niya, matigas.
"Umalis ka na, Alina," mariin niyang sabi.
Ang boses niya. Ang boses na minsan ko nang minahal. Ang boses na minsan akong binulungan ng matatamis na salita. Ngayon, nag-uutos na umalis ako.
Hindi na ako nagsalita. Wala nang point. Wala nang maririnig. Wala nang maniniwala.
Tumalikod ako. Ang bawat hakbang, mabigat. Parang may pumipigil sa akin. Pero wala. Wala na si Marco. Wala na kaming dalawa.
Nararamdaman ko ang pagtingin nila sa likod ko. Pero hindi ko na sila nilingon.
Paglabas ko ng building, bumuhos ang ulan. Malamig. Parang ang mga luha ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang, kailangan kong lumayo. Kailangan kong tumakas sa sakit.
Napa-upo ako sa isang bench sa park. Basang-basa na ako. Pero walang pakialam. Mas basang-basa ang puso ko sa kirot.
Hinawakan ko ang bulsa ng jacket ko. Nandoon pa rin ang maliit na kahon. Kinuha ko. Binuksan.
Isang positive pregnancy test.
Isang maliit na stick. Dalawang guhit. Dalawang guhit na nagbabago sa buong mundo ko. Sa buong mundo namin sana.
Napahawak ako sa tyan ko. Ang aking munting lihim. Ang aking munting pag-asa. Ngayon, ano na? Paano na?
Ang ulan, bumuhos nang mas malakas. Parang nakikisama sa pag-iyak ko.
Niyakap ko ang sarili ko. Nanginginig. Hindi sa lamig. Kundi sa sakit. Sa takot. Sa galit.
"Anak," bulong ko, kinakausap ang tyan ko. "We're alone now. Just you and me."
Limang taon.Para sa nakararami, ang limang taon ay sapat na panahon upang makalimot, upang maghilom ang mga sugat, at upang magsimulang muli. Ngunit para kay Alina, ang bawat araw na lumilipas ay tila isang pahina lamang sa isang makapal na aklat ng pagtitiis. Ang kaniyang buhay sa maliit na bayan sa Cagayan ay naging payak ngunit puno ng sakripisyo. Ang kaniyang mga kamay na dati ay sanay sa kalyo ng paglalaba at pagluluto ng kakanin ay unti-unti ring nakahanap ng ginhawa nang makakuha siya ng trabaho bilang isang klerk sa munisipyo, salamat sa kaniyang sipag at pagiging matalino.Sa kabila ng hirap na kaniyang dinanas, tila hindi nagawang nakawin ng panahon ang kaniyang kagandahan. Sa katunayan, ang pagiging isang ina ay tila nagdagdag pa ng ningning sa kaniyang mga mata at kapanatagan sa kaniyang tindig. Sa edad na dapat ay nasa rurok ng kaniyang kabataan, si Alina ay nananatiling mukhang dalaga—may makinis na balat na tila hinalikan ng araw at isang aura na mahinhin ngunit matata
Third person POVAng madaling-araw sa probinsya ay may dalang kakaibang ginaw—isang uri ng lamig na nanunuot sa buto ngunit nagbibigay ng hudyat na kailangan nang bumangon. Habang ang buong baryo ay natutulog pa at ang mga manok ay nagsisimula pa lamang sa kanilang unang tilaok, gising na si Alina. Sa loob ng maliit at lumang kusina ni Lola Hering, tanging ang mahinang liwanag ng bumbilya at ang usok mula sa kumukulong malagkit ang nagsisilbing kasama niya.Ito na ang kanyang bagong realidad. Wala na ang mga silk sheets ng penthouse, wala na ang mga katulong na nag-aayos ng kanyang pagkain, at wala na ang boses ni Alexander na nag-uutos sa bawat sulok ng silid. Ang tanging naririnig niya ngayon ay ang mahinang hilik ng kanyang anak na si Nathan mula sa silid at ang tunog ng sandok na humahalo sa malapot na gata.Anim na buwan na ang lumipas simula nang isilang niya si Nathan. Sa loob ng anim na buwang iyon, mabilis na natutunan ni Alina kung paano maging isang kuta. Ang pagiging singl
Third Person POVAng simoy ng hangin sa probinsya ay malayo sa malansang amoy ng usok at aspalto ng Maynila. Dito, ang hangin ay may kasamang amoy ng basang lupa, tuyong dayami, at ang alat na nagmumula sa hindi kalayuang baybayin. Ngunit sa kabila ng kapayapaan ng kalikasan, ang loob ni Alina ay nananatiling isang magulong digmaan.Lumipas ang mga buwan na tila mga dahan-dahang patak ng ulan sa bubungang nipa. Namalagi si Alina sa lumang bahay ng kanyang Lola hering, isang matatag na istrakturang yari sa narra at kawayan na nakatayo sa gitna ng isang malawak na niyugan. Ito ang kanyang naging kuta, ang kanyang taguan mula sa mundong pilit siyang winasak.Hindi naging madali ang mga unang linggo. Sa isang maliit na baryo kung saan ang lahat ay magkakakilala, ang pagdating ng isang dalagang buntis na galing sa Maynila at walang kasamang asawa ay tila isang mitsa ng malaking sunog. Bawat lakad niya patungo sa poso o sa maliit na tindahan sa kanto, nararamdaman niya ang mga matang nakasu
Third Person POVAng mga buwan ay lumipas na parang isang mahabang panaginip na walang gisingan—isang malabo at madilim na siklo ng pagsikat at paglubog ng araw na hindi na binibilang ni Alexander Vale. Para sa ibang tao, ang panahon ay isang manggagamot, isang elementong dahan-dahang nagpapahilom sa mga sugat ng kahapon. Ngunit para kay Alexander, ang bawat segundo ay hindi nagdadala ng kagalingan. Sa halip, bawat patak ng buhangin sa oras ay tila isang matulis na pait na lalong nagpapalalim sa ukit ng pangungulila sa kanyang puso.Sa loob ng kanyang marangyang opisina sa itaas na palapag ng Vale Group headquarters, ang hangin ay amoy kape, lumang papel, at ang bigat ng hindi masabing pagsisisi. Nakaupo si Alexander sa likod ng kanyang dambuhalang desk na gawa sa mahogany. Nakatambak sa harap niya ang mga dokumentong nangangailangan ng kanyang pansin—mga kontratang nagkakahalaga ng bilyun-bilyon, mga ulat ng kumpanya mula sa iba't ibang panig ng mundo, at mga disenyong arkitektura. N












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.