Share

CHAPTER 4 (PART 1)

ISANG malakas na ingay ang umalingawngaw sa loob ng sala. Hindi mapakaling pabalik-balik siya sa paglalakad habang malalim ang iniisip. Padabog na lumapit sa kaniya si Hannah na kanina pa nahihilo sa kakapanood sa kaniya.

"Kapag hindi ka pa kumalma diyan, ikaw na ang itatapon ko. Pati inosenteng cellphone nadadamay," pagbabanta nito sa kaniya.

Napatingin siya sa nakakalat na parte ng cellphone niya sa sahig. She irritatedly messed her hair because of frustration. It almost an hour since she heard from Mrs. Dickinson that Charles has been missing. Pagkabalik niya sa condo ni Daphne ay ilang ulit niyang tinawagan ang number ni Charles pero tanging operator lang ang sumasagot sa kaniya. She ended up throwing her phone in the ninth times she's trying to call but she couldn't contact him.

A lone tears escape from her eyes. "Parang mababaliw... na ako. Nawawala ngayon si Charles ko siya makontak... Kasalanan ko kung... may masamang nangyari sa kaniya," she cried.

"Kahit ngayong gabi lang ay makalimot ako," Kat imitate the exact word that she said that night. "Kahit anong iyak mo diyan ngayon what you said that night is what you really want. Dahil kahit lasing ka nang gabing 'yon if you really don't want it to happen, hinding-hindi 'yon mangyayari," she added.

Napatigil siya sa kakaiyak dahil sa sinabi niyo. Kat may be harsh sometimes but all that come out in her mouth make sense. Sa kanilang apat ay ito ang mas may alam kung life situation ang pag-uusapan. Mas malalim ang word of wisdom nito kaysa sa kanilang tatlo.

"O' siya aalis na ako." Isinukbit nito ang dala-dalang designer bag sa balikat bago tumayo. Nakasuot ito ng kulay pula na maxi dress at nakaayos ng make up ang mukha nito. "Ba't ganyan kayo makatingin?" nagtatakang tanong nito nang mapansin niyang nakatingin silang lahat sa kaniya.

"You looked like you're going to wreck someone's wallet again," hula ni Daphne na kakalabas lang ng kwarto nito.

Kat snapped her fingers. "Natumpak mo 'te! Don't worry this time ibibili ko 'to ng alak ni Maggie." She winked her eyes and suddenly her lips form a wicked smile. 

She shook her head repeatedly. "Ayaw ko nga sabi ng alak!"

"Wala kang choice. Sampid ka lang dito," agad na sabat nito sa kaniya. "I'm gonna late na! See you later, ladies!" Lumapit sa kanila isa-isa si Kat para makipagbeso-beso sa kanila.

Nandidiring lumayo agad si Hannah pagkatapos nitong idikit ang pisngi sa pisngi nito. "Kapal ng make up mo, girl! Sure kang hindi children's party pupuntahan mo?" sabi ni Hannah habang pinupunasan ang pisngi nito.

"Inggit ka lang sa ganda ko. Gano'n 'yon!" Kat rolled her eyes at her. Nagtalo pa silang dalawa bago makaalis si Kat dahil may pupuntahan siyang date.

It looks like her mother set her up on a date with someone. Atat na kasi itong mag-settle down na ang nag-iisang anak kaya kung kani-kanino na niya nalang ito siniset-up na mga bachelor. Matigas ang ulo ni Kat. Wala pa talaga itong bala mag-asawa pero pumapayag nalang dahil kasiyahan daw iyon ng mommy niya.

Biglang pumasok sa isip niya ang pangarap ng mama niya sa kaniya. She thinks she just ruined her mother's dream. She wants her to have a grandios weeding but a drunk wedding was happened. Naiisip na niyang itatakwil na siya nito sa oras na uuwi siyang hindi pa rin naaayos ang gulong ginawa niya dahil lang nalasing siya.

"Hannah, pahiram ng phone mo," tawag niya kay Hannah.

"No!" she immediately answered. "Maraming important contacts at files na nakastore sa phone ko. Wala akong balak na masira ito," pagrarason niya.

"Sige na. Susubukan ko lang ulit na tawagan si Charles. Sige na please..." pakikiusap niya. Pinaglapat niya ang dalawang palad na parang namamakaawa sa kaniya.

Hannah was having a second thought if she will let her borrow her phone. She slowly fished out her phone in her pocket and handed it to her.

"Thank you!" She dialed Charles's number. She waited until the ring stop but no one answering her call. "Isa pa baka sagutin na niya ito," pakausap niya sa kaniyang sarili.

Nakatatlong tawag siya pero puro ang operator ang sumasagot. Napitid na ang konting pasensya na natitira sa kaniya. Akmang itatapon na niya ang phone na hawak niya nang biglang hinawakan ni Hannah ang kamay niya para pigilan siya sa balak niyang gawin.

"Sabi nang 'wag mong itatapon. Masasabunutan na talaga kita," she hissed before she grabbed the phone on her hand.

Nanghihinang umupo siya sa sofa at nagtakip ng mukha niya. Mababaliw na siya sa kakaisip ng paraan para bumalik na ang kasintahan niya to the point na maiiyak na lamang siya. Dalawang araw na siya walang sapat na tulog. Useless rin naman dahil hindi siya pinatulog ng mga nangyayari ngayon. 

She felt the left side of the sofa sinked. Hannah caressed her hair to stop her from crying. Daphne was not around. Sumabay na kasi ito kay Kat dahil kailangan nitong pumasok sa trabaho. Dalawang araw rin na 'di ito pumasok dahil hindi siya nito maiwan mag-isa sa condo nito. Napagalitan na ito ng daddy niya. 

"Tama na, sis. Kat was right. Walang magbabago kung iiyak ka lang. Kailangan mo rin harapin ito para maayos mo. Hindi nakakatulong ang pananatili mo dito at sayangin ang oras mo sa kakaiyak. Don't be a coward. Face it," payo ni Hannah sa kaniya. 

Namamaga na ang mga mata niya sa kakaiyak. Naguguluhan at natatakot pa rin siya. Ayaw niyang magpadalos-dalos sa mga desisyon niya. Paano kung may magawa na naman siyang hindi tama? Hindi na niya kaya pang harapin iyon. 

Umalis muna si Hannah sa tabi niya para ikuha siya ng mainom na tubig. She take a deep breath to calm herself. She feels so weak. She don't have the strength to come out and face it like what Hannah said. Duwag siya pero gusto niyang maayos iyon. Bumalik si Hannah dala 'yong tubig saka inabot sa kaniya. Agad niyang ininom iyon at kahit papano ay kumalma rin siya. 

"Okay ka na ba?" tanong nito sa kaniya.

Tumango siya. "Thank you." Nilapag niya ang baso sa mesa saka niyakap ang tuhod at dinukdok doon ang mukha niya.

Ilang minuto rin siyang nanatili sa gano'ng posisyon. Umangat ang ulo niya nang marinig na tumunog ang phone ni Hannah. Sa isiping baka si Charles ang tumawag ay agad siyang sumilip sa phone nito para tingnan.

"Hindi si Charles, Mags. 'Yong mama mo ang tumatawag," sabi niya sabay iniharap nito ang screen ng phone nito sa kaniya. She nodded when Hannah asked if she will going to answer the call. Nilagay nito sa loudspeak para marinig niya rin ang sasabihin ng mama niya.

"Hello po?"

"Alam kong magkasama kayo ng anak ko ngayon, Hannah." Parehong kinabahan silang dalawa nang marinig sa kabilang linya ang nakakatakot na boses ng mama niya. "Pakisabi sa kaniya na umuwi na siya dito. Kahit magtago pa siya habambuhay diyan, hindi niya matatakasan ang kahihiyan na ginawa niya. Kapag hindi pa siya umuwi ay ako na mismo ang pupunta diyan at kakaladkarin siya pauwi dito," banta ng mama nito. Hindi na sila hinintay na makasagot nang pinutol na nito ang tawag. 

"Natatakot ako, Hannah. Natatakot akong... makita 'yong galit saakin ni mama," nanginginig na sambit niya. 

"Ang sabi ko sa'yo. Lahat ng nakakaalam ng sitwasyon mo ngayon tama ang sinasabi nila. Wala kaming kaibigan na duwag. Matalino ka rin kaya alam kong magagawan mo ng solusyon 'yon. Basta 'wag mo lang papairalin ang emosiyon mo."

What Hannah said really hit her. Masyado niyang pinapairal ang emosiyon niya kaya hindi siya nakakapag-isip ng maayos. She can let this stay forever. Kailangan matapos na 'to.

"Okay gagawin ko 'yong mga sinasabi niyo pero hindi muna ngayon. Kailangan kong hanapin si Charles. Kailangan ko siyang makita muna para makausap siya," sabi niya. Nakapagdesisyon na siyang harapin ang problema niya. Tanging siya lamang ang makakaayos niyon.

*****

"HEY, Mags! Anong ginagawa mo dito?" tanong sa kaniya ni Brian ng makita siya nito sa labas ng opisina ng Gym nito. "Whoa! Are you stressed?" he asked when he noticed the dark circle on her eyes.

Nahihiyang napayuko siya para maitago sandali sa lalaki ang mukha niya. Nangitim kasi ang ilalim ng mga mata niya dahil magdamag siyang hindi pinatulog kakaisip kong saan hahanapin ang nawawala niyang kasintahan. 

Iginiya siya nito papasok sa loob ng opisina nito. "So...what brings you here?" tanong nito ulit. 

Umupo siya sa silya na nasa harap ng office table nito. "Pumunta ako dito hoping na alam mo kong nasaan si Charles ngayon. Close kayo 'di ba? I was sure na nakakausap mo siya ngayon." Bakas sa boses niya na desperado na siyang malaman kung nasaan na ito.

Brian shook his head. Bumagsak ang balikat niya dahil sa tugon nito. Parang unting-unti na siyang nawawalan ng pag-asa na makapagpaliwanag pa kay Charles. Lahat ng mga alam niyang kakilala ni Charles ay napuntahan na niya para tanungin kung alam nila kung nasaan ito ngayon.

"After that day, Mags, wala na akong nabalitaan kay Charles. I tried to contact him dahil nag-aalala na rin si tita sa kaniya but still I can't help too," ani nito.

She smiled, sadly. "Okay lang. Pero kapag may balita ka na sa kaniya pwede bang ipaalam mo agad sa akin?"  

"Of course. I will tell you."

Tumayo na siya at nagpaalam dito na aalis na. Isinuot niya ang shades na nasa bag niya para itago ang itsura niya. Mula ng makarating siya dito ay kanina pa siya pinagtitinginan ng mga tao doon. Hindi na siya nagtataka dahil may ideya na siyang alam na nang lahat ang nangyari sa kasal niya. May naririnig pa siyang nagbubulungan na matagal na niya daw niloloko si Charles.

Nagtitimpi lang siya na 'wag patulan ang mga iyon. Isa pa ay wala namang katotohanan ang pinagsaabi nila. Hindi siya dapat mag-alala dahil mas alam niya ng totoong nangyari.

'Alam mo ba talaga?' a small voice suddenly filled her mind. Marahas na iwinaksi niya ang kaniyang utak para mawala 'yon sa isip niya. 

She start to walked herself out of the Gym and waited for a taxi. A familiar gray maseratti stopped in front of her. Biglang nabuhayan siya ng loob ng maalalang sasakyan iyon na palaging ginagamit ni Charles. 

"C-charles?" nauutal na sambit niya.

Bumukas ang pintuan ng kotse pero gano'n na lang ang pagkadismaya niya ng makitang hindi iyon ang taong inaasahan niyang makita. Lumabas doon si Mr. Lawrence, butler ng mga Dickinson. Sa ikalawang pagkakataon ay bumagsak ulit ang balikat niya.

"A-anong ginagawa mo po dto, Mr. Lawrence?" kinakabahang tanong niya dito. May kakaibang presensiya ang lalaking kaharap niya. Nasa mid-forties na ang edad nito kaya sumisigaw sa itsura nito ang salitang awtoridad.

"Gusto kang makausap ni Mr. Dickinson. Naghihintay siya ngayon sa sainyo sa mansiyon," pormal na sagot nito sa kaniya.

Binuksan nito ang pinto ng back seat at sinabihan siyang sumakay doon. Sumunod na lang siya at ipinasok ang sarili sa sasakyan. Nanlalamig na ngayon ang mga kamay niya habang iniisip ang rason kung bakit gusto siyang makausap ng daddy ni Charles. Alam niyang may kinalaman pa rin doon ang tungkol sa dalawang anak nito. People think that she hooked both of his son because of the money. Kinakabahan siyang baka paniwalaan iyon ni Mr. Dickinson.

Habang nasa byahe ay inaaliw niya ang sarili para hindi siya masyadong makaramdam ng sobrang kaba. Sinubukan niyang mag-isip ng iba't ibang design ng damit pero sa huli ay pinukos niya na lang ang sarili sa kakatingin sa daan.

 Ilang sandali pa ay nasa mansiyon na sila. Nakakalat sa buong mansiyon ang mga maids at busy sa kanikanilang trabaho. Mahigpit ang hawak niya sa parehong kamay habang inililibot ang mata sa buong paligid. Huminto sila sa mismong gitna ng mansiyon. Tumuon ang mga mata niya sa malaking hagdan ng mansiyon kung saan naglalakad pababa ang mag-asawang Dickinson habang nakasunod sa kanilang likod ang matandang mayordoma. 

"Hello po, Tito...Tita," bati niya. Tumigil ang mga ito sa mismong harapan niya. Napayuko siya dahil pakiramdam niya ay hinuhusgahan na siya ngayon. Biglang nanliit siya sa kaniyang sarili.

"Hello, Maggie. Salamat dahil pinaunlakan mo ang aking imbitasyon para makausap ka," ani Mr.Dickinson.

Tipid na ngumiti siya dito. Napatingin siya sa gawi ng asawa nito na walang imik sa tabi nito. Mas nakaramdam siya ng awkwardness nang mga oras na 'yon. Sumunod lamang siya sa mga ito nang maglakad sila papunta sa likod ng mansiyon kung saan naroroon ang napakalawak na harden nila. 

Bilang lang sa daliri niya kung ilang beses siya nakakapasok at nakakalibot sa buong mansiyon at hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa ganda ng interior at exterior designs ng prastractura. Pinigilan niyang mapasinghap sa pagkamangha ang sarili dahil hindi iyon ang dahilan kung bakit siya naroroon.

"Take a seat." Mr. Dickinson pointed the chair in front of them. Agad siya umupo doon at lumapit ang ibang maids para ipaghanda sila ng meryenda. "Kumuha ka. My wife prepared that for you," untag nito sa kaniya.

She cleared her throat. "Bakit niyo nga pala ako pinapunta dito?" deretsang tanong niya.

Hindi agad ito sumagot sa kaniya ay sa halip tinawag nito si Mr. Lawrence na lumapit sa kaniya. The latter bowed down so that his boss could whisper on his ear. Tumango ito at nagmamadaling bumalik iyon sa loob ng mansiyon.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. We want you to know that our company was under fire because of that incident. Nagkalat iyon sa iba't ibang media and hindi lang ang reputasyon mo is at stake here. Our family became a laughing stock of all people at nadadamay na pati ang company namin."

"I know po, tito. Sorry if I didn't do something to make the issue gone. But gagawan ko na po ng paraan. Sa katunayan po yan hinaha—"

"You don't need to do that, Maggie." Mrs. Dickinson cut her off. She pursed her lips so that she could not say something.

A man in a suit suddenly entered the garden. Her eyes widen when she saw that guy again. She couldn't forget that blue eyes and playful smirk on his face that totally ruined everything on her plans. Lumapit ito sa mag-asawa para bumati bago lumipat ang paningin nito sa kaniya. 

He looks good in his office suit while his hair was been fixed by wax. He's not wearing his playful smirk but the way his eyes stared at her still gives her the unexplainable chills.

"Nice seeing you here....Mrs. Dickinson," he greeted her in his low baritone voice. 

Naikuyom niya ang kaniyang kamay habang nakapako pa rin ang mga mata sa lalaking tinawag siya sa pangalang dapat sa mga bibig mismo ni Charles nanggagaling. 

'What's the meaning of this? Bakit nandito sa harap ko si Trevor?'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status