Share

CHAPTER 3

TAMA 'di ba... Asawa ko?'

That phrase echoed in her head. Parang tinakasan siya ng kanyang kaluluwa dahil sa narinig niyang sinabi niyo. The whole church filled noise from the guest. Wala siyang pakialam kung ano na iniisip nilang lahat. Ang inaalala niya ay si Charles. He just went silent while throwing Trevor a deadly glare. 

"H-hon...let me explain—" Akmang hahawakan niya uli ang kamay ng nobyo nang bigla nito iniwas. 

"So totoo 'yong sinabi niya?" tanong nito sa kanya na pilit pinipigilan ang galit nito.

She can't say a word. Her tears started to fall while slowly nodded her head. Nanginginig ang buong katawan niya habang pinagmamasdan na bumago ang ekspresiyon ng mukha nito. Nagkaroon ng ingay ang hikbi niya nang galit na naglakad palabas ng simbahan si Charles. 

He was really mad at her. Inaasahan na niya na gano'n ang maging reaksiyon niya kapag nalaman nito ang kabobohang ginawa niya. She was about to chase him when a hand stop her from leaving the altar.

"Bitawan mo nga ako! Kailangan kong magpaliwanag sa kanya!" Pilit niyang binabaklas ang pagkakahawak nito sa braso niya. Masiyado itong malakas kaysa sa kaniya kaya bigo ring matanggal niya iyon.

"Let him be. He had all the rights to get mad after what he heard," he said. She can feel his cold stare at her.

"No! Bitawan mo ako! Kailangan ko siyang kausapin!"

Natigil siya sa kakapiglas nang makitang papalapit sa kanilang kinatatayuan ang mga magulang ni Charles. Mr and Mrs. Dickinson was been nice to her but not this time. Masama ang tingin nila hanggang sa makarating sila kung saan silang dalawa ni Trevor nakatayo. Parang namanhid ang buong mukha niya nang dumapo ang palad ng ginang sa kanyang pisngi. 

"You disappointed me, Maggie. I never know you can do this stupid thing on the wedding of my son!" Bakas sa boses nito na sobrang galit ito sa nangyari.

"T-tita...s-sorry po. Let me fix this mess, tita," pagmamakaawa niya. Tumingin siya kay Mr. Dickinson na nasa tabi lang ng ginang. "Tito...please."

Blangko ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. "We're calling off the wedding. You must face the consequences of what you did, hija. And Trevor..." He glanced to his son that was right beside her. 

Wala siyang narinig na sinabi nito sa binata. Tanging nakatitig lang ito sa kanilang dalawa. Ilang sandali lang ay naglakad na ang mag-asawang Dickinson palabas at nilisan ang simbahan.

Silence went through in the noisy crowd. It was all done. Halos hindi na tumigil sa kakatulo ang mga 

"You have to leave this place. Tapos na ang kasal-kasalan mo," untag ng binata sa kaniya. 

Masamang ang tingin na binalingan niya ito. His back was facing to her and he was about to leave. Unti-unti na ring nagsisialisan ang mga tao. Wala namang rason na manatili ang mga tao dito. Wala nang kasal na magaganap. And it was all thanks to Trevor.

"Kasalanan mo 'to! You've not just ruined this wedding but you also ruined my relationship. Ano bang kailangan mo sa akin at ba't mo kailangan sabihin ang bagay na nangyari dahil sa lintik na alak na 'yon!" paninisi niya rito. Lahat ng galit ay inilabas niya sa binata. Hindi naman mangyayari iyon kung hindi niya ito nakilala nang gabing iyon. 

"And you think it is right to marry him when in fact you are already married?" He snorted. "Someday you will thank me for ruining this wedding," sabi nito at iniwan siyang nakatayong mag-isa sa altar.

Her eyes landed on her family that was looking at her disappointedly. She don't know if they can give her the comfort that she needs right now. Umiiyak lang siya, hindi alintana na masira ang make-up na suot niya. Umalis na rin ang mga magulang niya kasama ang mga kapatid. Leaving her crying her heart out. 

*****

THE NEWS about her disaster wedding already reached the interest of the media. Pinatay ni Daphne ang T.V para hindi na niya mapanood ang balitang ilang ulit nang b-in-roadcast ang tungkol sa kasal niya. Madaling kumalat iyon dahil kilala ang pamilya ni Charles ng mga media. Palaging content ng magazines ang mga kompanyang pagmamay-ari nila. Kaya hindi nakakapagtaka na nalaman agad ng media ang tungkol sa kasal niya na ilang oras palang ang nakakalipas.

"Ang bilis talaga ng media 'pag chismis pero ang bagal naman kapag curruption sa pilipinas ang ibabalita," reklamo ni Kat. 

"Pinoy 'e. Hindi ka pa nasanay. Parang daily doze na ng mga 'yon ang chismis," sagot naman sa kanya ni Daphne bago naglakad papunta ng kusina ng condo nito.

Dumeretso siya sa condo ng kaibigan pagkaalis nila ng simbahan. Hindi niya kayang umuwi sa bahay nila pagkatapos nang ginawa niya. Wala siyang mukhang ihaharap sa pamilya niya lalo nang mskita niya kung paano na-disappoint ang mga magulang niya sa kaniya. Mr. Dickinson was right. She have to face the consequences of what she did. Kahit ilang ulit niya pang sabihin na kasalanan iyon ng lalaking 'yon, she can change the fact that it was also her fault.

 

"Wala talaga! Ayaw talagang sagutin ang tawag. Baka sign na 'to na kalimutan mo na siya." Inis na binagsak ni Hannah ang phone nito sa harap niya. 

"Hannah's right," sang-ayon ni Kat. "What if will ni God 'yon na masira ang kasal mo para 'di ka makulong sa katangan mo diyan kay Charles," dagdag pa nito.

Humugot siya ng malalim na hininga bago bigyang pansin ang sinabi ng kaibigan. "Alam niyong mahal ko si Charles. Marami na akong nagawa para sa relasyon namin na basta nalang mawawala. Charles is what I wish for. He was the one that help me to become a better person that I can be. Mababaliw ako kapag nawala siya sa akin." She bite her lips and tears started to fall again. 

"Aww~ don't cry na, my friend!" sabi ni Hannah at agad siyang niyakap para patahanin siya. "We don't want to make you feel bad but you know una palang hindi na kami boto kay Charles," dagdag niya.

She already aware that they don't like Charles from the very beginning. If for her he was making her a better person as she is but for them, they see him changing her into another person. Aware siyang sa loob ng anim na taong nang maging makasintahan sila ay naging sunod-sunuran siya dito. Tanga at martir nga siya. But she believe that the way Charles treated her is for her own good.

Bumalik na si Daphne sa Sala na may bitbit na mga bote ng San Mig sa mga kamy niya. Tig-iisa silang lahat pero agad niyang iniharang ang kamay para tumanggi.

"Ayaw ko niyan. Last time na uminom ako may hinding magandang nangyari saakin."

Daphne still put the bottle in front of her. "Hindi ka malalasing niyan. And I think you really need one. It's been a week that you looked so stress," sabi nito. 

"We know you, Maggie. Kahit lasing ka kung hindi talaga 'yon ang nakatadhanang mangyari ay imposibleng magiging ganito ka ngayon," dagdag pa ni Hannah.

Dinampot na niya ang bote at uminom para matahimik na sila. Tama nga sila. Kailangan niya ito ngayon para mahimasmasan siya. Isang linggo nang marami siyang iniisip. She was thankful that she has a friends like them. They somehow make her stable now that she can't go home. She was sure as hell that her mother were fuming mad at her if she step foot on their house. 

Hindi niya napigilang tumulo ang luha niya habang naaalala ang reaksiyon nila kanina. She wiped her cheeks to get rid of her tears. Nasama pa doon ang make-up niya sa palad niya. Hanggang ngayon ay suot-sout niya pa rin ang gown niya. Nagmukha na nga itong basahan habang suot niya iyon. Hinila lang siya nila Hannah para umalis na ng simbahan. 

She was glad na nandito sila. She can always lean on them. They've been known each other since high school but she first get close with Hannah because they are leaving in the same subdivision. Kaya mas close siya dito kaysa sa kanila nina Kat at Daphne. Nakilala niya si Kat sa isang event sa school nila noon nang dahil nagkaaway Sila ni Hannah. Daphne was the student council president that time at siya ang umawat sa amin. She didn't expect that they will turned out being her friends. Their meeting was so hilarious.

"But wait... I'm still can't believe that you was got married with the 'Great' Trevor Dickinson. He was hard as a rock. Paano mo napapayag na pakasalan ka?" Kat asked. 

Parang mga alitaptap na pinalibutan siya ng mga kaibigan dahil sa tanong ni Kat. 

Masama ang mukhang tiningnan niya ito. "Lasing ako no'n, okay? Nasa ilalim ako ng impluwensiya ng alak no'ng oras na 'yon," sagot niya. 

"Then we should thank that drink! If I were you, nagpapiyesta na ako dahil kinasal ako sa hottie na 'yon," Kat said with her eyes twinkling. 

"You also spend the night with him. I don't believe kasal lang ang nangyari," biglang sambit ni Hannah na ikinalaki ng mga matay niya.

She almost spurt the liquor on her mouth because she wasn't expecting that. Suddenly she remember the time she woke up wearing nothing beside of that guy. Even if she can't remember what she did, god knows that there's really happened between them. Unfortunately, she thinks that she already lost her virginity with that guy. 

Her friends jump in rejoice upon seeing her reactions. She didn't say anything but she know that they already have the answer.

"Oh yes! Fuck you ka ngayon, Charles! Hindi ikaw ang first!" sigaw ni Kat habang sumusuntok pa sa hangin.

"Hindi siya ang first! Hindi siya ang first..." they singing it in chorus while holding each other's hands.

Tinakpan niya ang magkabilang tainga gamit ang mga palad niya pero mas lalo ang lumakas 'yong boses nila. Kinuha niya ang mga nakakalat na throw pillow sa sahig at pinagbabato iyon sa kanila.

"Can't you see na miserable ako ngayon? Parang 'di ko kayo kaibigan kung magdiwang kayo dahil kay Charles napunta...virginity ko," naiiyak na saway niya sa kanila.

Hannah kneeled behind her and caressed her back. "Sorry na. We just want to lift up your mood. You know naman na all these years sinusubukan naming pataasin 'yang confidence mo,"

"Tama 'yang bestfriend mo," pagsang-ayon ni Daphne sa sinabi ni Hannah.

"But I'm curious..." Kat suddenly sit beside her and put her face near Maggie's ear. "...masarap ba ang isang Trevor?" 

Hindi na niya napigilang mag-landing ang kamay sa buhok ni Kat. Natatarantang pilit na pinaghiwalay nila Hannah ang kamay niya sa buhok nito. Nang matanggal ay nagawa pang humagikhik ni Kat. 

"Pangit mo ka-bonding. You should be thankful na depress ka ngayon kung hindi maha-Hannah version two ka sa'kin." Kat fixed her hair and sat beside Daphne which she can reach her again. 

She harshly wiped her tears with the back of her hand. "Mga siraulo kasi kayo."

Akala niya ay titigilan na siya sa kakatanong ng mga bagay na ayaw na niyang pag-usapan pero ang kulit pa rin ni Kat dahil tinanong uit siya kung masarap ba daw 'yon. Aside from the wedding that she finally remember, nagtataka siya kung bakit 'di niya maalala kung talagang may nangyari sa kanila. Ang tanging basehan niya lang ay parehong hubad silang natutulog sa kama ng hotel room na 'yon.

Napabuntong-hininga nalang siya. Minsan nagtataka nalang siya kung bakit naging kaibigan niya ang mga 'to. Imbes kasi na tulungan siya ay nagagawa pa nilang mag-usap ng gano'n. Pati si Daphne na dati sa libro lang mahilig ngayon nahihilig na rin itong makipagtsismisan dahil sa kanila. 

"That was Trevor 'Freaking Hot' Dickinson! CEO of Dickinson Group and his existence shouts dollars. Only exclusive people can meet him pero ikaw na commoner lang ay nagawa pang pakasalan niya at naka-score pa," Daphne exclaimed.

Hannah slaps her back. "Maka-commoner ka, Daphne! Baka nakalimutan mong famous 'yan."

"Yup! Famous 'yan! Famous...na commoner!" Kat said and then the three of them burst into laughing. Halos gumapang na sa sahig sina Hannah at Kat sa kakatawa. 

Wala talagang siyang maaasahan sa kanila. They are happy that Charles was finally out on the scenes. Natutuwa pa ata silang hindi natuloy ang kasal niya.

She stand up and leave them die in laughing. Narinig niya ang mga itong tinawag siya pero hindi niya pinansin at deretsong pumasok sa isa sa mga kwarto ng condo ni Daphne. Hinayaan niya nalang na bumagsak ang katawan niya sa kama at doon na tumulo ang mga luhang kanina pang gustong lumabas sa mga matay niya. Wala siyang pakialam na nanlalagkit na siya dahil sa suot niyang gown. She was more worried if she still has a face to show in the public. Paniguradong sira na ang image niya dahil na rin sa naibalita ito. 

Slowly, her eyelids start to weakened and she suddenly dozed to sleep. Even she was asleep, she still hoping that it was only a dream and she will wake up like nothing had happened. 

*****

"MAGANDANG umaga po, Ma'am Maggie! Bakit po kayo napadayo dito?" bati sa kaniya ng isa sa mga katulong ng pamilyang Dickinson.

Inayos niya ang suot-suot na shades at hoodie na sinuot niya para hindi siya mapansin ng mga medyang umaaligid sa mansiyon.

"Gusto ko sana makausap sila Tita at Tito."

"Nako po, Ma'am. Pinagbabawal pa po nila Sir Dom na magpapasok ng kahit sino sa mansiyon o kahit kayo po dahil sa baka pagkaguluhan na naman sila ng mga reporters. Bumalik nalang po kayo sa susunod," sabi nito.

"Sandali po, ate!" pigil niya nang akmang aalis na ito para bumalik sa trabaho. "Sige na po. Kailangan ko lang talaga sila makausap. Sige na po please," pamamakaawa niya sa katulong.

Nagdadalawang isip pa itong papasukin siya pero ilang sandali pa ay binuksan nito ang gate para makapasok siya. 

"Thank you po!" sambit niya bago naglakad papunta sa front door ng  mansiyon.

It's been two days since the incident happened. Nasa condo pa rin siya namamalagi at hindi pa rin siya umuuwi sa bahay ng magulang niya dahil takot pa rin siyang magpakita sa kanila hangga't hindi niya naaayos ang gulong ginawa niya. Maaga siyang pumunta sa mansiyon nagbabakasakaling makita doon si Charles. She has to do something to bring their relationship. She have to explain everything to him so that he can forgive her.

Hindi pa siya nakakarating ay namataan na niyang nakatayo ang asawa ni Mr. Dickinson. She can clearly saw her calm face but her eyes are dull. She can't read the expression of the lady as she stopped in front of her. 

"What are you doing here? I don't remember I told you that you are still allowed to go here after what you did?" Mrs. Dickinson said, coldly. "Guard! Guard—"

Mabilis na hinawakan niya ang kamay ng ginang para pigilan ito. "Please po, Tita. Gusto ko lang po talaga makausap si Charles. Gusto ko pong ipaliwanag ang lahat—"

"It's too late, Maggie. Charles has been missing for days since that scandalous wedding."

Maggie suddenly lost her strength. Mrs. Dickerson withdraw her hand from her hold, left her to enter the mansion standing there like a statue. Pigil ang hininga na nanatili siyang nakatayo lang doon at hindi gumalaw sa kaniyang pwesto. Hanggang sa makalabas siya ng mansion ay parang sirang plakang paulit-ulit na naririnig niya sa kaniyang isip ang sinabi ng mommy ni Charles.

'Hindi niya kailangan mawala nalang. I need to find him.'

*****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status