Share

Chapter 18- See You Again

"Dahil lang sa nangyari sa inyo ni Rosette ay aalis ka na rin ng banda?" tanong ni Jed sa kaniya matapos niyang sabihin sa mga ito na baka ito na ang huling araw na tutugtog siya sa banda.

"Jed, para saan pa ba ang saysay nitong pagbabanda ko kung wala na rin namang saysay ang buhay ko?"

Tinapik siya ni Jed, habang pinagmamasdan lamang sila nina Oliver at Jemuel. "Par, hindi naman sa pangingialam pero hindi mo dapat idinadamay ang pangarap mo nang dahil sa nangyari. Oo, katulad mo ay nasasaktan din kami sa nangyari sa inyo ni Rosette, kasi pareho namin kayong kaibigan, e. Pero, par, dapat tuloy pa rin ang buhay, tuloy pa rin ang pagtugtog."

Dahil doon ay tinanggap niya ang akap ng tatlong kaibigan, kung saan ay hindi basta-basta gugustuhin ng mga ito na tuluyan niyang iwan ang banda. "Par, p'wede ka namang magpahinga, e. 'Wag na 'wag ka lang susuko," dagdag pa ni Oliver.

"Alright! Let's get it on!" masiglang pagsang-ayon naman ni Jemuel.

And their rehearsal has become smooth as they
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status