Share

Chapter 2- To Meet Rosette Candelario

AFTER THE song performance of a girl she's been staring for a few minutes, he just stood up and look to her on backstage.

 

Pero agad siyang pinigilan ng mga guards na bantay sa resto bago pa man siya tuluyang makapasok sa may guest room. At dahil sa kalasingang hatid ng alak ay hindi naiwasang mapasigaw siya mula sa labas. Dahilan para mag-panic doon ang ilang mga customers at mga guests. Habang si Samuel naman ay to the rescue sa kaniya para siya'y pigilan. Aaminin niyang kahit lasing siya ay alam niya pa rin ang kaniyang ginagawa. Sa katunayan ay malinaw pa niyang nakikita ang mukha ng mga tao ro’n. Hanggang sa pinangko ng kaniyang tingin ang paglabas ng babaeng kanina lang ay hinahanap-hanap ng mata niya. Ang kaso ay hindi naman siya makabwelo sa paglapit dahil saktong hawak-hawak pa rin siya ng dalawang guards kung kaya't hindi maiwasan ni Samuel na mag-alala para sa kaniya. Hindi nito sukat akalain na kahihiyan ang dulot nang pagsasaya nila ngayon.

 

"Ano ba? Please let go of me!" sigaw ni Fifth sa dalawang guards na pilit niyang gustong kumalas mula sa pagkakahawak sa kaniya. At mas lalong hindi inaasahan ni Samuel na mas malakas ang pwersang ibibigay ni Fifth sa dalawang guards na may hawak sa kaniya. "I said bitiwan n'yo ako!" Nangibabaw ang boses ni Fifth sa kabuuan ng resto habang hindi maalis ang pagkakatingin ng mga tao sa kaniya. Gayundin ang babaeng nais niyang makilala. At nang magtama ang kanilang tingin nito ay walang alinlangan niya itong nilapitan. "You, I-i wanted to ask your name, miss." Halatang lasing na ang boses niya at pasuray-suray na rin siya sa paglalakad. Dahilan para lalong manaig ang pagtataka at pagkabigla sa kaniya ng babae.

 

Hahawakan na sana ulit ito ng mga guards subalit mabilis na pinigilan iyon ni Samuel. "No, I can manage, I'm his friend," sabi niya sa mga ito. At agad na nagsitanguan ang dalawang guards upang hayaan siyang umawat kay Fifth. Doo'y nakita niya ang pagtataka at pagkabigla sa mga mata no'ng babaeng ginustong lapitan ni Fifth. Habang hawak-hawak niya naman si Fifth. "Fifth, let's go outside, lasing ka na."

 

"Pero hindi ko pa nalalaman ang pangalan niya-- teka, miss!" Sa kabila nang kalasingan ay malinaw pa ring naririnig ni Fifth ang mga boses ng taong nasa paligid niya. Gayundin ang mukha ng mga ito kaya naman klaro niyang nakita kung paano umalis sa kanilang harapan ni Samuel ang babaeng nais niyang makilala.

 

And for the very first time, he's getting interested with a stranger. It sounds weird but the moment he had watched her on a stage, is the moment that he felt a strange happiness to himself.

 

"What a crazy night, bro! Mabuti na lang at kaibigan kita kundi hahayaan talaga kita ro'ng magmukhang kahiya-hiya!" ang sabi ni Samuel nang makabalik na sila sa kanilang k’warto. Animo'y umiikot naman ang kaniyang paningin dahilan para hindi niya na rin ma-control ang kalasingan.

 

Doo'y bumungad sa kanila si Ryan at bumanat pa ito ng pangangantyaw sa kaniya. "O, bakit ka naman nagpakalasing, Fifth?" Isinandal niya ang ulo sa may headboard ng sofa habang nagawa naman siyang timplahan ng kape ni Samuel. Hindi niya na binigyang pansin pa ang sinabi ni Ryan dala nang kalasingan. Hanggang sa mapailing na lamang itong nagtungo sa may kama.

 

"O, inumin mo 'yan. Ikaw naman kasi, hindi ko naman akalaing mapaparami ang inom mo. Pero dahil ako ang nag-aya sa'yo roon at kaibigan kita ay hindi dapat kitang pabayaan. Naku, 'wag lang sana itong makarating sa mga head directors natin at pareho tayong malalagot nito." Sinubukan niyang lagukin ang kape kahit mainit-init pa ito. Hanggang sa pagpawisan siya at unti-unting mahimasmasan.

 

"N-nakabalik na tayo? Nasaan na 'yung babae? Nalaman mo ba ang pangalan niya?"

 

"No, Fifth, halatang natakot sa'yo 'yung babae, lasing ka kasi. Kaya p'wede ba, next time, 'wag mo nang tatangkaing uminom nang marami, muntikan na kitang iwan doon nang dahil sa kahihiyan, e."

 

Napahalukipkip siya. "Shit! Ano bang ginawa ko?"

 

Tipid na napangisi si Samuel. "Nag-eskandalo ka lang naman sa bar. Kaya bukas na bukas din ay ayusin mo ang gusot na ginawa mo." Bahagyang napaawang ang kaniyang labi sa sinabi ni Samuel at bago pa man siya makapagsalita ay mas nilinaw ni Samuel ang posibilidad na kahantungan nang dahil sa ginawa niya. "Yes, Fifth. Mahirap na kapag nakarating pa ito sa ating head directors at mabigyan pa tayo ng notice. Whether a suspension or freeze salary man ‘yan, mahirap na.”

 

"Then what should I do?"

 

"Hanapin mo ang babaeng 'yon and say sorry." Hindi niya maintindihan pero naging laman ng kaniyang isipan ang mga huling sinabi ni Samuel bago pa man siya makatulog.

 

Naalimpungatan siya sa paggising kinabukasan at dala ng hang over ay agad siyang kumuha ng ice bucket sa freezer upang ihalo sa tubig at inumin. Tandang-tanda niya pa rin ang pagkakataong na-hipnotismo siya ng isang babae. Maging ang naging payo sa kaniya ni Samuel kagabi.

 

Napatayo siya upang kunin ang toothbrush sa bag at saka nagtungo sa banyo upang mag-toothbrush. Nadatnan niyang natutulog pa ang iba niyang mga kasama maliban kay Samuel na nagkakape na sa may sofa ng k'wartong 'yon.

 

"O, coffee?"

 

"No thanks, bro." At nakita nitong nagtungo siya sa may front door.

 

"At saan ka naman pupunta? Kagigising mo lang, hah?"

 

"I need to talk to her," desididong aniya nang hindi na hinintay pa ang kasagutan ng kaibigan. Wala namang nagawa pa si Samuel lalo na’t ito ang dahilan kung bakit gagawin niya ang bagay na iyon. Kaya sa puntong iyon ay sinuyod niya ang kabuuan ng resort kahit kagigising pa lang at wala pang kahit anong laman ang sikmura, maliban sa malamig na tubig na ininom niya.

 

He went to the front desk to get the information of all the guests in the resto.

And one name was supposedly capture his heart. He don't know but when he read the name of the band, Soul Magnificent, it has give him an odd feeling.

 

"Soul Magnificent? Is this the band performer in a resto bar last night?" Napatanong agad siya nang makitang nasa listahan ang pangalan ng banda na iyon sa mga guests.

 

"Yes, sir. Soul Magnificent is our seasonal guest every bermonths season."

 

"O, can I see them now?" Actually, ang babaeng pilit na pumapasok sa kaniyang isipan ang mas lalong nag-uudyok sa kaniya na makita ang grupong iyon. Umaasa siya na naroon ang babaeng inaasahan niyang makita sa likod ng band group na 'yon.

 

"Ay, sir, pakiusap po kasi ng vocalist ng band na hindi muna siya mag-i-entertain ng bisita ngayon since last day na nila today to perform."

 

"But why?"

 

"Masyado yatang na-trauma ang vocalist nila sa nangyari sa resto kagabi. Kaya minabuti ng banda na bigyan ng oras na mapag-isa ang vocalist na si Ms. Rosette Candelario. Bale, nasa guest room ng resto natulog ang mga ka-bandamate ni Ms. Rosette Candelario kaya ngayon ay mag-isa lamang siya sa kanilang room." Ilang beses pang nag-sink in sa utak niya ang pangalang iyon. At doon siya lalong naghinala na baka ito nga ang babaeng hinahanap niya. Kaya naisip niya na baka ito na ang tamang tsempo para mas makausap ito ng masinsinan.

 

"Where is her room?" he asked. And since he knew that it is the last day of Soul Magnificent to perform ay mas lalong tumindi ang kaniyang prinsipyo na mas makilala pa ang vocalist nito.

 

"But--"

 

"I don't care, I just wanna see her! I will pay you for this."

 

"O-on room twenty six, sir."

 

"Thank you," wika niya.

 

Nag-ipon siya nang maraming lakas ng loob habang paakyat siya ng elevator papunta sa may third floor. And a couple of silence has been through when he came on the third floor. He find the twenty sixth room and what a surprise when he saw his hands trembling.

Ngunit hindi naging dahilan ‘yon para hindi tumuloy sa kaniyang nais at dapat na gawin. Kaya naman pasimple siyang nag-door bell at kalauna'y bumukas ang pintong inaasahan niyang room ni Rosette Candelario. Sa tuwina ay hindi niya naalintana ang mabilis na pagkabog ng kaniyang dibdib nang bumungad sa kaniya ang babaeng nakita niya lang kagabi. It was Rosette. Pero hindi niya akalaing malakas na tinig ang ibubungad nito matapos nitong buksan ang pinto ng k'warto.

 

"Sinabi nang hindi muna ako tatanggap ng bisita, e!" Ngunit kasabay niyon ay ang mataman nitong pagtitig at katulad kagabi ay may pagtataka itong tumingin sa kaniya kasabay ang pagsalubong ng kilay nito nang makilala siya. "Teka, parang ikaw 'yong lalaking nag-eskandalo kagabi. Sandali, paano mo nalaman ang room ko at anong ginagawa mo rito?"

 

Parang nawala ang kaniyang hang over matapos na marinig 'yon at aaminin niyang mas dumoble ang kaniyang kaba kumpara kanina. Doo'y sinubukan niyang bumuo ng mga salita na siguradong magpapanatag ng kalooban nito na wala siyang masamang binabalak dito. "You woudn't believe me but I look for you since last night--"

 

"Dahil?"

 

"To say sorry to you," walang alinlangan niyang sabi. Kaya naman ilang segundo pa ang lumipas habang nanatili itong nakatitig sa kaniya.

 

Hanggang sa kusa na itong magsalita, "Hindi ko matatanggap ang sorry mo. Saka, malay ko ba kung kinukuha mo lang ang loob ko. P’wes, nandito ka na rin naman na kaya lilinawin ko na sa’yo na wala akong interes sa isang stranger na katulad mo.” Parang gusto niyang matawa sa isip kung paano naging pareho ang mindset nila sa isa't isa pagdating sa mga taong hindi naman kakilala. Pero tila nag-iba ang pananaw niya sa babaeng ito at iyon ang ipinagtataka niya sa sarili.

 

"So you are Rosette Candelario?" paniniguro niya na bahagyang nagpakunot ng noo nito. Marahil ay hindi nito inaasahan ang sasabihin niya, dahil matapos siya nitong sungitan ay nagawa niya pa ring magpakita ng interes dito.

 

"Ako nga. Pero-- are you a stalker?” Bahagya namang napakunot ang kilay niya sa ibinibintang nito. “Sabagay, pangalan ko lang naman yata ang gusto mong malaman, at ngayong alam mo na, makakaalis ka na, sir." Seryoso ang mukha nito bago pa man siya tuluyang pagsarahan ng pinto.

Sinubukan niya pa itong katukin habang sinasabi ang mga katagang, “I’m really sorry..” At kahit wala na ito sa harapan niya ay nanatili pa rin siyang nakatayo roon. It was a strange feeling that he is doing it for the very first time. And knowing first time would always been a hard thing.

 

-

Tulala pa rin siya habang nagtitimpla ng kape at nasa ganoong sitwasyon siya nang madatnan ni Samuel at ng iba pa nilang ka-trabaho.

 

"What happened last night?" simpleng pangangantyaw pa ni Ryan. Nasaksihan kasi nito ang nangyari matapos ihatid ni Samuel kagabi si Fifth na lasing na lasing.

 

"Teka, bakit pala kayo lumihis ng venue kagabi? Doon kami nag-bonfire habang nag-iinom," ang sabi naman ni Eunice.

 

"Akala ko kasi ay nandoon kayong lahat sa resto," pagpapalusot ni Samuel.

 

"Asus! Ang sabihin mo, dinamay mo pa si Fifth na maghanap ng babae, kita mo nagkaroon pa tuloy ng eskandalo nang malasing," wika ni Andrew na isa ring malapit na kaibigan nina Fifth at Samuel.

 

"You know me, Andrew. Pero mukhang mas matikas na 'to sa babae ngayon si Fifth, e," wika ni Samuel.

 

"O, well, hindi na mauulit 'yong eskandalo na nangyari kagabi," singit ni Fifth sa usapan. Kapagkuwa'y nagtaka ang mga ito sa sinabi niya. "Nakakahiya naman kung makikita ulit ako ni Rosette sa ganoong sitwasyon."

 

"Sandali, you are talking for the girl you're staring last night?" paniniguro ni Samuel sa kaniya. At doo'y dahan-dahan siyang napatango. "Nalaman mo na ba ang pangalan niya? Would you say sorry to her?" magkasunod pa na katanungan nito.

 

"Yes I did. But unfortunately, she refused my sorry at iyon ang nagtutulak sa akin para hindi ko siya sukuan. I wanna say sorry again for what I've did last night, at kahit ipagtulakan niya pa ako ulit ay hindi ko siya titigilan hanggang sa matanggap niya ang sorry ko."

 

No wonder how his words would become the center of laughter. And while his co-workers were laughing, he did not forget his motivation of getting to know more about Rosette Candelario.

 

 

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status