AS THE NEW Year comes, ay hindi naman din nila namalayan ang mabilis na pagtakbo ng mga araw. Nasa kalagitnaan na ng Enero at nagbalik na naman si Rosette sa eskwela. Masyado na namang hectic ang schedule niya pagdating sa school, trabaho at pagbabanda. Pero kinakaya naman niyang hati-hatiin ang oras. Lalo na kapag rest day niya na dapat ay pahinga niya na lang ngunit inilalaan pa niya sa pagko-compose ng bagong kanta. "Hindi ko alam kung ano ang mayro'n ka, Bigla na lang, may nadama sa'yo sinta..Kahit na alam kong mayro'n kang iba,Patuloy na ako'y umaasa.. Kinanta niya iyon nang kinanta hanggang sa matapos-- tumugtog siya nang tumugtog hanggang sa huling tono ng kanta. At tila ba kakaibang kasiyahan ang namayani sa kaniya."Ayos!" Hindi niya naiwasang mapasigaw sa kasiyahan dahil sa wakas ay nakatapos siyang muli ng isang kanta. Aaminin niyang inspirasyon niya ngayon si Fifth kung kaya't mas madali na lang sa kaniya ang umisip ng liriko ng kanta.Hanggang sa hindi niya namalayan
NAALIMPUNGATAN si Rosette nang makita ang sarili na walang saplot at tanging puting kumot lamang ang bumabalot sa kaniyang katawan. Pero mas naalimpungatan siya nang makitang mahimbing na natutulog si Fifth sa tabi niya. Pinagmasdan pa niya ang paligid at sigurado siyang wala sila sa sariling bahay nito. Dahil mukhang private room ang silid na iyon.Nang sandaling iyon ay napasilip siyang muli sa sarili niyang katawan at napahalukipkip dahil doon pa lang ay batid na niyang may nangyari sa kanila ni Fifth."Naku! Hindi p'wede," napapailing na wika niya sa sarili. Wari ay bigla na lamang nasira ang pangarap niya sa isiping baka magbunga ang nangyari sa kanila ni Fifth. Naisip niya rin na kamumuhian siya ng ina kapag nabuntis siya. At naiinis siya dahil hindi niya man lang namalayan ang nangyari kagabi nang dahil sa kalasingan. Isabay pa ang pagtanaw niya nang pagiging mababa sa sarili. Sa sobrang pagkainis ay mabilis siyang tumayo. Nakita niyang nagkalat ang kanilang damit at underwear
MAGKASUNOD na tawag ang natanggap niya mula sa talent manager nila na si Ms. Savana at kay Jed na hindi niya inaasahang magri-reach out sa kaniya. Matapos kasi siyang kumbinsihin ni Ms. Savana na 'wag iwan ang banda ay mabilis nitong ibinalita sa mga kabanda ang naging desisyon niya. "Jed.""Tumawag sa akin si madam at nakiusap siya na kumbinsihin kitang 'wag tuluyang iwan ang banda. Dahil ba sa tampuhan natin, kaya mo naisip na umalis na lang sa banda?" May tonong pagtatampo sa boses nito. "Jed hindi--" "Hindi mo na kailangang mag-explain, Rosette. At kahit na ilang beses mong i-deny ay parang gano'n pa rin ang dating dahil batid din ng mga kabanda natin na hindi tayo okay." "Sinabi nang hindi, e!" napalakas sa tonong sabi niya. At doo'y hindi niya na napigilan ang sarili niyang luha na pumatak. "A-akala mo ba ay madali lang sa akin ang desisyon na 'to? Jed, bakit ko naman bibitiwan nang basta-basta ang pangarap ko? Aber?" "Malay ko ba sa'yo kung bakit biglang nagbago ang desisyo
THE DAYS have been passed quickly. At hindi niya namamalayan na mag-iisang linggo na simula nang magdesisyon siyang umalis sa banda. At simula no'n ay tila nawala na sa direksyon ang buhay niya. Mabuti na lamang at napagbubuntungan niya pa rin ng panahon ang paglalaro ng gitara sa tuwing may bakanteng oras sa school. Para na rin kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Katulad ngayon na hindi naman pumasok ang professor nila sa isang major subject kung kaya't nagpasya na muna siyang mapag-isa sa may teresita ng building. Kung saan ay natatanaw niya sa baba ang gymnasium.Kasalukuyan niyang tinutugtog ang bago niyang ikinompose na kanta nang bigla siyang nilapitan ni Czarina. "Wow! Iyan 'yong bago n'yong song na nag-viral online, hah? Mas maganda pala pakinggan sa personal!" Kahit na narinig niya nang malinaw ang mga sinabi ni Czarina ay tila nagbingi-bingihan siya sa sinabi nito. In fact, she just wanted to be alone. Pero dahil nanatili siyang tulala sa kawalan habang tumutugtog n
IT WAS on the fourteenth day of February or the most awaited day of people who are in love with each other-- Valentines day. Ngunit para kay Rosette ay tila normal na araw lamang. Lalo na't mahigit isang linggo na rin silang hindi nagkikita ni Fifth. Of course, Fifth was insisting, pero sinadya niya talagang hindi sila magtagpo everytime binabalak nito na ihatid siya pauwi o kahit ang bisitahin man lang siya sa bahay at workplace. All the reasons were covered with lies, pero hindi naging rason 'yon para basta na lamang siyang sukuan ni Fifth. And what surprised her, was the braviest side of him. Tipong walang anong dahilan ang makakapagpapigil dito. Luckily, hindi naman niya pinahahalata sa lahat na lihim siyang nasasaktan everytime na iniiwasan niyang makita si Fifth. Nakakapagtrabaho pa naman siya nang maayos, nakakapag-focus sa studies at higit sa lahat ay nakakapagtugtog pa siya kahit sa bahay lang. But, of course, hindi niya maitatanggi sa sarili na nami-miss niya na si Fifth. "
FIFTH only mistake is he would comfortably expect that there was something special between him and Rosette. The truth is, their feeling is not really mutual, in which he was willing to take a risk despite of any single chance that they deserve. Batid niya na kahit hindi nito aminin ay may nararamdaman na rin ito para sa kaniya, patunay na lamang ang gabing sinabi nitong gusto siya nito sa kabila nang kalasingan. Ang kaso lang, 'di tulad niya ay tila takot namang sumugal si Rosette sa pag-ibig, lalo na't posibleng sa isang iglap ay bigla na lamang gumuho ang mga pangarap nito kapag nagbunga nga ang isang gabi nilang pagkakamali. Na para sa kaniya ay isang bagay na hindi niya basta-basta malilimutan. Nadatnan siya nitong tahimik lamang habang nagyoyosi sa may cabin. Of course, there's nothing change with his expression but one thing was he really sure, that his heart is so happy to see her watching him."Hinanap kita kung saan-saan, akala ko ay iniwan mo na talaga ko," may lungkot sa to
MABILIS NA tumakbo ang mga araw at hindi akalain ni Rosette ang malaking pagbabago na darating sa buhay niya. Ang bagay na kinatatakutan niya.Perhaps, it was a mixed emotion feeling and the moment of truth that she has been expecting. The cause and effect of her stupidity. For some reason, nagawa niyang mag-research sa mga karaniwang sintomas ng buntis. At tila ba sinampal siya ng katotohanan dahil ilan sa mga ito ay kaniyang nararanasan. Nahihilo, pagsakit ng ulo, sikmura at puson at paglakas ng kaniyang pang-amoy. May ilang pagkain din siyang hinahanap at may mga pagkain siya noon na paborito niya naman kainin ngunit ayaw nang panlasa niya ngayon.Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano niya iyon ipagtatapat sa kaniyang pamilya, lalo na sa kaniyang ina na batid niyang unang-unang madi-disappoint sa kaniya. Kasalukuyang paalis na no'n si Aleng Rosalinda ng kanilang bahay matapos niya itong tulungan ayusin ang mga panindang tsinelas. "O, anak, papunta na ako sa palengke, hindi ka
DALAWANG LINYA ang nakita ni Rosette sa unang beses na paggamit niya ng pregnancy test. At sa sarili ay hindi siya lubos na makapaniwala na nagbunga nga ang nangyari sa kanila ni Fifth. Takot at pangamba ang namayani sa kaniya. Hindi niya kasi alam kung paano siya magiging mabuting ina sa batang dinadala niya kung mismong siya nga ay naging pabaya sa pag-ibig.Pagkatapos pa nang natuklasan niya tungkol sa pagdadalang tao ni Eunice ay tila ba ayaw na niyang ituloy pa ang pagbubuntis na ito. Tutal naman ay wala pang kaalam-alam si Fifth at mas lalong hindi niya gugustuhin na malaman ito ni Fifth. Marahil ay si Eunice na nga ang panalo ngayon dahil handa naman itong maging ina ng magiging anak nito kay Fifth, hindi tulad niya na tila hindi pa rin matanggap. Bukod kasi sa katotohanang nagdadalang tao siya ay ang pakiramdam na unti-unti nang guguho ang lahat ng pangarap niya. Pakiramdam niya ay magiging hadlang ang batang dinadala niya sa kaniyang mga pangarap. At sadyang napakasakit nito s