Mag-log inBata pa lang ay naranasan na ni Yohann ang hirap ng buhay. Habang nasa kalye ay nakilala nito ang ama ni Martina na si Mang Antonio na tumulong kay Yohann na makakain. Hindi makakalimutan ni Yohann ang mag-ama at ang kabutihan ng mga ito hanggang sa naging isa na siyang matagumpay na doctor. Aksidenteng nagtagpo muli ang landas ni Yohann at Martina ng isugod sa hospital ang Tatay nitong si Mang Antonio. At sa mismong hospital na pagmamay-ari ni Yohann nadala ni Martina si Mang Antonio. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Yohann ang presensiya ni Martina ngunit hindi ito nagtagal dahil sa kasama nitong binata. Sa pagtatagpo kaya ng landas ng dalawa ay magagamot kaya ang ilang taong lumipas na hindi nawala sa isipan ni Yohann si Martina? Oh ito ang magiging daan para mabuo ang isang pagmamahalan na tinadhanang maramdaman nila sa isa't isa?
view moreYOHANN Magkayap kami ni Martina habang nakatitig sa tahimik na mga bituin sa langit. Ang sarap titingan ng mga ito sa malayo na para bang mga maliliit na ilaw na sinabog sa kalangitan. Nagniningning ang mga ito katulad ng nararamdaman namin ni Martina sa sandaling kapiling namin ang isa't isa. “Yohann…” Narinig kong tawag ni Martina sa pangalan ko. “Hmm? Why, sweetheart?” Hinaplos ko ang malambot at mabaha niyang buhok. “Bakit nandun ka sa bahay ng sumakit ang tiyan ko?” Curious nitong tanong sa akin. Inasahan ko na itatanong nito ang bagay na'yun pag-uwi namin ng bahay. “I always make sure that I see you everyday even if your not here beside me.” Seryoso kong sabi sa kanya. Aaminin ko na nakalimutan ko kung gaano ko siya kamahal dahil sa selos. Ang buong akala ko ay niloloko niya ako kasama ang Warren na'yun. Hindi ko matanggap na hindi niya akong mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya. “Ibig sabihin ay araw-araw kang na
MARTINA Halos magdadalawang buwan na rin ng magpaalam ako kay Yohann para lumayo sa kanya. Sa lumang bahay ako tumira kung saan naging komportable ako dahil alam kong kahit paano ay naalala ko ang mga pinagdaanan namin ni tatay. Masasabi kong naging magaan ang pakiramdam ko ng nakalipas na dalawanng buwan. Hindi nagparamdam si Yohann sa akin katulad ng pangako nito na maghihintay ito sa pagbabalik namin na mag-ina sa bahay namin. Tahimik kong pinagmasadan ang mga pasibol pa lang na bulaklak sa mga paso na nakahilera sa hagdan ng bahay namin. Hinimas ko ang tiyan kong nagsisimula ng magkalaman. Namimiss ko ang guwapong mukha ng daddy mo anak, maski ang amoy niya…gusto ko siyang maamoy ulit. Natatawa kong kausap sa anak namin. Bakit ko nga ba pinapahirapan ang sarili ko na makasama ang lalaking mahal ko? Dahil sa takot? Pag-aalinlangan? Oh sadyang hindi ko lang naintindihan sa umpisa na kapag nagmahal ka ay kasama na doon ang sakit at pa
MARTINA Nakatulog ako sa kahihintay kay Yohann kagabi. Umasa akong uuwi ito NG bahay at dito ito matutulog pero hindi iyon ang nangyari. Umasa ako at nabigo sa huli. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga posibleng bagay na maaaring mangyari kagabi habang magkasama si Yohann at Mariz. Pati ang sangol sa sinapupunan ko ay naapektuhan na ang mga nararamdaman ako ngayon na kagagawan ng ama nito. Hindi ako dapat magpatalo sa mga negatibong nararamdaman at naiisip ko ngayon. Dapat akong magpalakas at lumaban para sa anak ko,sa anak namin ni Yohann. Dahil sa nakikita kong sitwasyon namin ni Yohann ay mas mabuting protektahan ko ang anak namin sa sinapupunan ko at magagawa ko lamang ang bagay na'yun kung hindi ko muna sasabihin sa kanya ang katotohanan. Nagpasya akong gumayak para magpatingin sa doctor. Buti na lang at binigyan ako ang isang card ni Yohann para magamit sa mga pang gastos ko. Magwiwithdraw ako ng pera para gamitin sa
ALBERT We ate our dinner in one of the luxurious restaurants in the Metro. Finally, I got her. I have this feeling that she also likes me. I'm so happy to have her at the least expected time of my life. “You like this?” tanong ko sa kanya ng makita kong ubos na ang pagkain sa plato niya. Tumango siya kaya pinaglagay ko siya ng meat sa plato niya. I ordered a lot para makakain siya matapos naming magsolo sa bahay nito. Yes, palagi kaming nasa bahay niya pagkatapos naming mamasyal oh may puntahang ibang lugar. Pinaalala ko sa kanya ang huli naming pagkikita sa ibang bansa at nagulat siya ng sabihin ko sa kanya ang eksaktong araw at petsa kung kailan ko siya nakilala sa pamamagitan ni Yohann. Tumawa kami pareho habang inaalala ang ilang bagay pati ang pagkagusto niya kay Yohann na nagdulot sa akin ng selos. “That was before, okay? Ikaw na ang gusto ko ngayon.” Sagot ni Bridgitte sa akin na kinalungkot ko. “Gust
YOHANN Pagkatapos akong pakawalan ng mga tanod at humingi ng despensa ni Manong Antonio dahil sa ginawa ko raw na pagnanakaw ng mga dala-dalahan ng ale ay isinama niya ako sa maliit na turo-turo stand niya. "Maupo ka muna dyan, at ipaghahain kita ng mainit na sabaw at kanin." Bilin
YOHANN Maaga kaming gumising muli ni Tiyo Andres upang makakakuha ng pagkain namin sa maghapon. Tinuruan din niya ako ng ibang sideline na ginagawa niya para kumita ng pera. Mula sa mga namimili sa Divisoria ay maghahanap ako ng mga mamamili na gustong magpabuhat ng mga pinamili at katumbas
Ang bawat patak ng luha mula sa mga mata ni Yohann ang nagsilbing palatandaan ng lungkot na lumulukob sa kanyang puso ng mga oras na iyon. Siya lamang at ang kanyang Tiyo Andres ang tanging nasa harapan ng puntod ng kanyang ina. Namatay ito dahil sa sakit sa baga, katulad ng sa kanyang ama
MARTINA Pagkauwi ko galing ng trabaho ay namili pa ako ng mga stocks na pagkain sa bahay. Buti na lang at kahit papaano ay nakakaraos kaming mag-ama sa araw-araw kahit na mahirap ang sitwasyon namin. Hindi pa rin tuluyang gumagaling sa sakit sa puso si tatay at malaking halaga ang k






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.