LOGINMabigat ang katahimikan sa loob ng sasakyan habang mabilis na minamaneho ni Donovan ang itim nitong SUV sa gitna ng gabi. Nasa passenger seat si Lucil, mahigpit ang hawak sa cellphone habang paulit-ulit niyang iniisip ang note na ipinadala ng lalaking humahabol kay Daphne.“Return my son. Or next time, it won’t be a toy.”Hindi siya mapakali. May kung anong mali. At habang tumatagal, mas lumalala ang pakiramdam niya.“Hindi pa rin sumasagot si Daphne?” tanong ni Donovan habang nakatingin sa daan.Umiling siya.“No.”Tahimik ulit. Mabilis ang takbo ng sasakyan pero parang kulang pa rin iyon para habulin ang kaba sa dibdib nila.Maya-maya biglang tumunog ang phone ni Lucil.Unknown number.Agad silang parehong napatingin doon. At sa isang segundo, parang parehong huminto ang paghinga nila.“Don’t answer yet,” seryosong sabi ni Donovan.Pero bago pa man niya maibaba ang phone, muling tumawag iyon. Paulit-ulit. Parang pinipilit talaga siya.Dahan-dahang sinagot ni Lucil ang tawag.“Hello?
Mahigpit ang hawak ni Lucil sa manibela habang mabilis niyang binabaybay ang daan papunta sa Ferrer Law firm. Halos hindi niya maramdaman ang sarili niyang paghinga. Paulit-ulit tumatakbo sa isip niya ang malamig na boses ng lalaking tumawag.“Tell your husband to stop hiding what belongs to me.”Nanlamig siya nang maalala iyon. At mas lalo siyang kinabahan dahil malinaw na isang bagay, kasama na si Donovan sa gulong hindi naman nito ginawa.“Damn it…”Mas diniinan niya ang silinyador. Hindi niya alam kailan nagsimula. Hindi niya alam kung anong eksaktong sandali siya tuluyang bumigay. Pero habang papunta siya kay Donovan ngayon, wala nang natitirang pagdududa sa puso niya. Hindi niya kayang mawala ito.Pagdating niya sa headquarters ng Ferrer Law firm, agad siyang bumaba ng kotse. Nagulat pa ang mga empleyado nang makita siyang halos tumatakbo papasok.“Ma’am Lucil—”“Where’s Donovan?”“Sir is in the executive meeting room—”Hindi na niya hinintay matapos ang sasabihin ng receptioni
Halos hindi natulog si Lucil. Madaling-araw na pero gising pa rin siya, nakaupo sa malamig na sahig ng condo niya habang nakasandal sa sofa. Tahimik ang buong unit, pero parang hindi tumitigil ang ingay sa loob ng isip niya.Paulit-ulit bumabalik ang mukha ni Daphne. Ang pag-iyak nito. Ang pag-amin nito. At higit sa lahat, ang mukha ni Donovan noong gabing umalis siya. Basang-basa sa ulan. Humahabol sa sasakyan niya.Umiiyak habang nagsusumamo siyang makinig muna.Napapikit si Lucil habang mahigpit na napahawak sa dibdib niya.“God…”Ngayon niya lang tuluyang naiintindihan. Hindi pala siya niloko ni Donovan. At ang pinakamasakit, hindi man lang niya ito binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.Tatlong taon. Tatlong taon niyang iniwan ang lalaking walang ginawa kundi mahalin siya.Biglang tumunog ang cellphone niya. Napatingin siya rito. At nakita niya ang pangalan ni Donovan sa screen.Nanigas siya. Matagal bago niya iyon sinagot.“Hello.”Tahimik sa kabilang linya sandali. Parang nagul
Hindi agad nakaalis si Donovan matapos umiyak si Lucil.Tahimik lang itong nakatayo sa likod niya habang pilit niyang inaayos ang sarili niya. Nakatalikod siya rito, parehong kamay nakahawak sa gilid ng mesa habang pilit pinapakalma ang mabilis na tibok ng dibdib niya.Nakakahiya. Hindi siya umiiyak. Hindi siya mahina.Pero bakit ngayong kaharap ulit niya si Donovan, parang bumabalik siya sa dating Lucil na handang ibigay lahat para sa lalaking ito?“Lucil…”“Please leave.”Mahina lang ang boses niya pero ramdam ni Donovan ang pagod doon.Matagal muna itong hindi nagsalita. Pagkatapos, dahan-dahan siyang narinig na huminga ito nang malalim.“I’ll go.”Tahimik.“Pero isang beses ko lang sasabihin ‘to.” Bumaba ang boses nito. “Hindi ko anak ang batang kasama ni Daphne.”Napapikit si Lucil.Tatlong araw na ang nakalipas mula nang makita niya si Daphne. At hanggang ngayon, sariwa pa rin iyon sa isip niya.Pagkasara ng pinto ng opisina niya matapos umalis si Donovan, saka lang siya napaupo
Hindi nakaalis agad si Donovan. Tahimik lang itong nakatayo sa harap ng mesa ni Lucil habang pareho silang nilalamon ng bigat ng mga katotohanang ngayon lang lumabas matapos ang tatlong taon.At si Lucil, hindi pa rin makagalaw. Pakiramdam niya, may humahampas na ingay sa loob ng ulo niya kahit tahimik naman ang buong opisina.“The baby wasn’t mine.”Paulit-ulit na umiikot iyon sa isip niya. Tatlong taon niyang kinamuhian si Donovan dahil doon.Tatlong taon niyang pinilit kalimutan ang lalaking pinakamamahal niya dahil naniwala siyang ipinagpalit siya nito.At ngayon? Ngayon sasabihin nitong lahat ng sakit na iyon ay nakabase sa kasinungalingan?“Say something,” mahina niyong sabi ni Donovan.Napatawa si Lucil. Pero walang saya roon.“Anong gusto mong sabihin ko?”“Anything.”“Fine.” Tinaasan niya ito ng tingin. “I hate you.”Hindi natinag si Donovan. Parang matagal na nitong inaasahan iyon.“You already said that three years ago.”“Because it was true.”“Is it still?”Natigilan siya.
Hindi nakatulog si Lucil nang gabing iyon.Madaling-araw na pero gising pa rin siya, nakaupo sa harap ng malaking bintana ng condo niya habang tanaw ang ilaw ng siyudad. Tahimik ang paligid, pero magulo ang isip niya.Sa mesa sa harap niya naroon pa rin ang marriage certificate nila ni Donovan.Tatlong taon.Tatlong taon niyang pilit kinalimutan ang lalaking minsang naging buong mundo niya.Pero ngayong nalaman niyang legal pa rin silang mag-asawa, parang lahat ng pilit niyang nilibing ay isa-isang naghuhukay pabalik sa kanya.Napapikit siya.At kasabay noon, bumalik ang alaalang matagal niyang iniiwasan.Ulan. Malakas na ulan. At si Donovan na umiiyak habang hinahabol ang sasakyan niya.Mahigpit siyang napahawak sa baso ng wine.“Lucil! Please!”Parang naririnig pa rin niya ang boses nito.Basang-basa si Donovan noon habang paulit-ulit nitong kinakatok ang salamin ng sasakyan niya. Halos mawalan ito ng balanse habang pilit humahabol.“Makinig ka muna!”Pero hindi siya lumingon. Hindi
"Ako, baka match kami ni Eli." Saad ni Lucil. Gulat Naman na napatingin sa kanya si Donovan."Sigurado ka?" Hindi makapaniwalang Tanong ni Donovan."Oo,"Sa sobrang tuwa ni Donovan ay niyakap niya agad si Lucil."Pero bakit?""Anong bakit?""Bakit mo gagawin 'to?""Donovan, anak mo si Eli at dahil
Tulala si Lucil habang nakaharap sa mesa na punong-puno ng ibat-ibang putahe na niluto niya. Malamig na ang mga ito dahil kanina pa siya tapos magluto. Si Lilo ay tapos na ring kumain kaya natutulog na ito sa kwarto niya sa taas. Si Lucil Naman ay naghihintay parin kay Donovan kahit na ang sabi ni
Pagkarating nila sa Manila ay dumeritso muna sila sa bahay at nagpalit muna ng damit si Donovan saglit. Pagkatapos ay bumaba na ulit ito dahil dadalhin na nila si Eli sa hospital.Sasama pa sana si Lucil pero Hindi pumayag si Donovan."Hon, mas mabuting dito nalang kayo sa bahay ni Lilo, magpahinga
Gulong-gulo ang isip ni Lucil. Parang kailan lang ay nagkakabati palang Silang dalawa ni Donovan pero may panibago na Naman Silang problema.'Ano 'to, niloko niya Ako?' Tanong ng isipan ni Lucil. Hindi na niya alam kung Anong dapat gawin. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan niya."Paanong nangy







