Walang maramdaming kahit na katiting si Lucilia mula sa asawa. At kinamumuhian siya ng anak niyang lalaki dahil gusto nito ng ibang nanay. Hanngang sa mapagod at mapuno na si Lucilia ay nakipaghiwalay siya sa asawa. Iniwan niya ito. Umalis siya kasama ang anak na babae. Nagpatulong siya para ma divorce sa asawa sa pinakasikat at high paid na lawyer na si Donovan, na best friend ng asawa niyang si Nolan. Matagal ng gusto ni Donovan si Lucilia pero naunahan siya ni Nolan. Pero ngayon ay hindi niya na palalampasin ang pagkakataon na mapasakanya si Lucilia. Kaya gumawa siya ng kasunduan na tutulungan niya si Lucilia na ma divorce sa asawa kung papayag itong magpakasal sa kanya pagkatapos. Papayag ba si Lucilia? Makukuha ba ni Donovan si Lucilia? Abangan ang kwento nina Donovan at Lucilia...
View MoreDumating si Lucilia sa Shangrila hotel, kung saan kasalukuyang ginaganap ang birthday celebration ng anak niyang kambal.
Basang-basa si Lucilia dahil bumuhos ang malakas na ulan habang naglalakad sila papunta sa venue. Nakasuot ng raincoat ang anak niyang si Lilo at binalot naman niya ng plastic ang dalang cake para hindi ito mabasa. Samantalang siya ay sumuong nalang sa ulan. Nagulat pa ang lahat ng buksan niya ang pintuan ng hotel. Lahat nagsitinginan sa kanya at nagbulong-bulungan. "Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ng isang babae. "Mukha siyang basang sisiw." Natatawang saad naman ng isa. "Ano bang ginagawa niya rito?" Tanong rin ng isa. Gustong ipamukha ni Lucilia na birthday lang naman ng mga anak niya kaya siya narito pero hindi niya nalang ito pinansin. Bakit parang gulat na gulat sila eh ako naman ang ina ng mga birthday celebrant? Tanong ni Lucilia sa isip niya. Nabaling lang ang attention ni Lucilia sa harap ng magsalita ang asawa. "Anong wish mo, anak?" Tanong ni Nolan kay Leland. "I want tita Lilah to be my mother!" Masiglang saad ng bata. Parang tinurok ng maraming karayom ang puso ni Lucilia sa narinig mula sa anak. Natawa naman si Lilah na nasa tabi lang ng anak niya. "Ano ka ba naman hindi pwedi iyan kasi may mommy ka naman eh." Natatawang saad ni Lilah. "Then dad would divorce mom para ikaw na maging mommy ko." "Bakit mo naman gustong magkaroon ng bagong mommy?" Tanong pa ni Lilah. "Because daddy likes you." "Saka napaka controlling ni mommy kaya ayaw ko na sa kanya." Nakangusong saad ni Leland. Noon pa man ay ramdam ni Lucilia na hindi siya gusto ng anak. Pero pinagtitiisan niya nalang ito dahil bata pa. Umaasa siya na magbabago ito habang lumalaki. At sa seven years na pagsasama nila ng asawa ay hindi niya naramdaman na mahal siya nito. Simula nung iluwal niya ang kambal ay natulog na sila sa magkahiwalay na kwarto. Alam ng lahat na childhood sweetheart sina Nolan at Lilah. At marahil nga ay mahal pa ni Nolan ang babae. "I like you to be my mom because daddy likes you. And that's my birthday wish." Saad pa ni Leland. Napangiti naman si Lilah na parang na touched sa sinabi ng bata saka ito niyakap at hinalikan sa noo. Nanigas si Lucilia sa kinatatayuan. Simula pagkabata ay ayaw na ayaw ni Leland ng physical contact especially sa kanya pero ngayon nakikita niya ang anak na kayakap ang babaeng ninanais nitong maging kanyang ina. Durog na durog ang puso ni Lucilia sa nakikita. Namumuo na rin ang luha sa mga mata niya. "Mommy." Tawag sa kanya ni Lilo. Pinilit niyang ngumiti saka hinarap ang anak. "Anong birthday wish mo, anak?" Nakangiting tanong ni Lucilia. "I only want you, mommy." Saad ni Lilo. "How about your daddy and Leland?" Umiling lang si Lilo saka niyakap si Lucilia. "Don't cry na mommy, hayaan mo po pagsasabihan ko si Leland na huwag ng lumapit kay tita Lilah." Saad pa nito. Napangiti nalang ng lihim si Lucilia. Pero nakapag desisyon na siya. Pagod na siyang maging invisible sa buhay ng asawa at anak niya. Kaya gusto na niya itong tapusin ngayon din. Hinawakan niya ang kamay ni Lilo saka sila naglakad palapit kina Nolan, Leland, at Lilah. "Lucil." Gulat na saad ni Lilah. "What happened? Bakit basang-basa ka?" Tanong nito pero hindi siya pinasin ni Lucilia. Tinanggal nito ang supot ng cake saka ito inilagay sa mesa at hiniwa. Nag bake siya ng cake na may desinyong mukha ng kambal. Siya palagi ang gumagawa ng cake ng kambal kasi may allergy si Leland sa gatas at dairy. Ibinigay niya ang hiniwa na cake kay Leland. "Ayaw ko niyan." Saad ni Leland saka itinapon sa sahig ang cake. "Itong cake ni tita Lilah ang gusto ko." Saad pa nito saka kinain ang cake na dala ni Lilah. "Allergic ka sa gatas, Leland." Suway ni Lucilia. "Allergic siya sa dairy kasi hindi mo naman siya pinakakain nun. Kung palagi mo siyang pinakakain nun edi mawawala na yung allergies niya." Saad ni Lilah. "Tita Lila is right." Saad ni Leland habang kumakain ng cake. Nasaktan si Lucilia sa ginawa ng anak. Hindi niya akalaing ipapahiya siya ng sarili niyang anak. Anak na iniluwal, inalagaan, at minahal niya ng limang taon ay ngayon pinagtutulakan na siya palayo. Pinunasan niya ang luha niya saka nagsalita. "Wish granted. Simula ngayon hindi mo na ako mommy." Saad ni Lucilia. Napatingin naman sa kanya si Leland. "Lucil!" Saway ni Nolan. "Papatulan mo ang sinasabi ng bata?" "Mag divorce na tayo. Magkita nalang tayo sa Regional Trial Court bukas ng alas tres ng hapon." Saad ni Lucilia saka hinila si Lilo palabas ng hotel. "Lucil!" Tawag ni Lilah. "Hayaan mo siya." Saad ni Nolan. "Kailangan mo siyang pigilan at suyuin." "Suyuin? Nagpapatawa ka ba, Lilah? Huwag kang mag alala pag uwi namin nakabantay lang yun sa may pintuan. Siya ang manunuyo at mag mamakaawa sa akin at hindi ako." Saad ni Nolan saka uminom ng wine at nakipag usap na sa mga kaibigan. Pagkatapos ng party ay nakatulog si Leland sa couch habang nagliligpit yung mga tao sa paligid. Nagising nalang ito dahil sobrang nangangati na ito. "Daddy!" Iyak ni Leland. Napalingon naman si Nolan na busyng nakikipag usap. Nilapitan niya ang anak at nakitang kamot ng kamot ito sa buong katawan. "What happened?" Tanong ni Nolan. "Ang kati po." Naiiyak na saad ni Leland at medyo nahihirapan na ring huminga. Tiningnan ni Nolan ang leeg ng anak at may mga rashes na nga ito. "It's your allergies." "Kasalanan ito ni mommy kung sana pinapainom at pinapakain niya ako ng dairy eh hindi ako magkaka allergies." Uniiyak na saad ni Leland. Kinarga ni Nolan ang anak saka nag drive pauwi. Ine-expect niya na sasalubungin sila ni Lucilia sa pintuan nila pero hindi ito nangyari. Ang sumalubong sa kanila ay si manang Esther, ang kasambahay nila. "Nasaan ang asawa ko?" Tanong ni Nolan. "Wala po dito si madam at young lady, sir. Umuwi po sa tahanan ng mga magulang niya." Saad ni manang Esther. "What?!" Gulat na tanong ni Nolan. Hindi siya makapaniwala na umalis talaga si Lucilia at iniwan sila. Sinubukan niyang tawagan ang asawa pero hindi nito sinagot ang tawag niya. "I can't believe her. May allergies na ang anak niya pero wala lang siyang pake?!" Galit na saad ni Nolan sa sarili. "Manang Esher, get Leland's medicine!" Utos nito. "Naku sir hindi ko po alam kung nasaan." Nakatanggap naman ng matalim na titig si Manang Esther mula kay Nolan. "Anong hindi mo alam?" Galit na saad nito. "Si madam naman po kasi ang nag aasikaso ng mga medisina ng kabal." Paliwanag ni Manang Esther. Nasapo nalang ni Nolan noo niya sa inis."Calixta?" Gulat na gulat na tanong ni Donovan. Hindi siya makapaniwala na makikita niya ngayong ang kaisa-isang babaeng naging fling niya Nung college days niya."Donovan?" Gulat din na Tanong ni Calixta nang Makita si Donovan.Nagtataka namang napatingin si Lucil kay Donovan at dun sa babae."Kilala mo siya?" Tanong ni Lucil kay Donovan. Biglang Hindi nakapagsalita si Donovan at pinagpapawisan na rin siya ng malamig."Kilala mo ba ijo, si Calixta? Secretary siya ni Sebastian." Saad Naman ng mama ni Selene."Magkaklase po kami Nung college, ma'am." Saad Naman ni Calixta. Napalunok bigla si Donovan nang sabihin iyon ni Calixta. Ayaw niyang malaman ni Lucil na may namagitan sa kanila ni Calixta noon.Alam niyang matagal na iyon pero sa muli nilang pagtatagpo Ngayon ay ayaw na niyang hungkatin pa ang nakaraan. Naisip ni Donovan na mas maigi nalang ilibing nalang ang kahapon."Halika, Calixta, at sabayan mo kami sa pagkain." Pag aaya ng mama ni Selene. Tatanggi pa sana si Calixta pero na
"Talaga, bumalik na ang alaala mo?" Tanong ni Lucil. Nakangiti namang tumango si Donovan."Kailan pa?""Nung araw na naaksidente Tayo. Dun bumalik 'yong alaala ko. Hindi ko lang nagsabi Sayo Kasi naging Malala 'yong kalagayan mo at nakalimutan ko na ring sabihin ang tungkol dun dahil sa mga nangyari." Paliwanag ni Donovan. Agad na niyakap ni Lucil si Donovan sa sobrang tuwa niya."Masaya Ako para sayo, hon.""Naalala na rin kita sa wakas. Pasensiya na at medyo natagalan Bago kita maalala muli.""Wala 'yon, ang mahalaga ay bumalik na Ngayon ang memorya mo at naalala mo na ulit Ako.""Sa lahat ba Naman nang nakakalimutan ko ay 'yong babaeng pinakamamahal ko pa talaga.""Kahit papaano ay may maganda rin palang naidulot 'yong aksidente na 'yon. Dahil dun bumalik ang alaala mo. Disaster pero somehow blessing din.""Nakakalungkot lang dahil nawala 'yong first baby natin." Malungkot na Saad ni Donovan."Baka Hindi talaga para sa atin 'yong baby na 'yon. Tanggapin nalang natin.""Gawa nalang
"Eh Ikaw, bakit ang hilig mong manisi ng iba? Bakit Hindi mo rin Makita na may kasalanan at pagkukulang ka rin Naman?" Hindi na napigilan pa ni Selene na sabihin ito.Natigilan at Hindi agad nakapagsalita si Lucil dahil dito. Hindi niya inasahan na sasabihin ito sa kanya ni Selene."Ikaw 'yong mommy nila pero palagi mo Silang iniwan sa akin. Ako 'yung walang anak sa acting dalawa pero Ikaw pa itong nagbubuhay dalaga dahil iniaasa mo Naman sa akin 'yong mga anak mo. Lucil, may Sarili din Akong Buhay. Hindi Naman pwedi na Ikaw at 'yong mga anak mo lang lagi ang intindihin ko." Paglalabas ni Selene ng hinanakit niya.Natahimik nalang si Lucil, Hindi niya alam na may kinikimkim palang ganito si Selene."Yong nangyari kay Leland, sa totoo lang Hindi ko lang kasalanan 'yon, kasalanan mo rin 'yon! Pagod na pagod Ako Nung mga oras na iyon pero iniwan mo sa akin si Leland. Akala ko hahanapin mo si Lilo pero Hindi, dahil nagsaya lang kayo sa labas ni Donovan. Ako dahil sa pagod ko Hindi ko nama
Hindi na napigilan pa ni Lucil na maging emosyonal sa pinag uusapan nilang dalawa ni Wilden. "Kasalanan niya kung bakit nawala 'yong baby namin Kasi matigas ang ulo niya. Kung nakinig lang sana siya sa akin edi sana Hindi kami naaksidente at Hindi sana nawala 'yong baby namin." Umiiyak na usal ni Lucil."Pero Wala Naman nang magagawa kung magsisisihan kayo. Kahit habang Buhay mo pang kamuhian si Donovan sa pagkawala ng baby niyo ay Wala ring magagawa iyan. Hindi na maibabalik ang Buhay ng baby niyo. Pero 'yong relasyon niyong mag Asawa ay pwedi niyo pang maayos.""Lucil, huwag mong hayaan na kainin ka ng Galit mo. Please ayusin niyo 'to. Patawarin mo na si Donovan. Alam kung Hindi niya ginustong makunan ka."Umiiyak na umiling si Lucil."Hindi ko siya kayang harapin ni ang makasama ulit sa iisang bubong.""Kaya ba bumalik ka kay Nolan?""Ano? Wilden, huwag mo Akong pinagbibintangan ng kung ano-ano.""Nakita ng dalawang mata ko na masaya kayong kumakain sa labas kanina. Ikaw, si Lilo,
Habang patuloy na umiinom sa loob ng Isang bar si Donovan ay may lumapit sa kaya na Isang magandang babae."Donovan?" Tawag ng babae. Napalingon naman dito si Donovan at napangiti siya ng makilala 'yong babae."Michelle! Anong ginagawa mo dito?" Saad ni Donovan."Ikaw nga dapat ang tinatanong ko niyan eh. Ano bang ginagawa mo dito at tanghaling tapat naglalasing ka?" Umupo ito sa tabi ni Donovan.Siya si Michelle Guardian, Isa ring lawyer kagaya ni Donovan. Nagtatrabaho sila ni Donovan sa Isang law firm kaya magkakilala Silang dalawa. Pagmamay ari rin niya ang bar na ito at Hindi lamang alam ni Donovan."May problema ba kayo ng Asawa mo?" Tanong pa ni Michelle. Pero sa halip na sumagot ay uminom lang ng alak si Donovan."So may problema nga kayo? Sige na mag kwento ka na, nakikinig Ako."Nakatingin lang sa kanila mula sa likod si Wilden na Hindi pa pala umuwi."Iniwan na niya Ako." Saad ni Donovan. Nanlaki Naman ang mata ni Michelle dahil sa gulat."Bakit? Ano bang nangyari?" "Nabali
Tumuloy muna sa Isang hotel sina Lucil, Selene, at Lilo pansamantala. Habang nag-a-unpack ng mga gamit nila sina Selene at Lilo, si Lucil Naman ay nakatulala habang nakaharap sa glass window ng kwarto niya."Bes, sigurado ka bang Hindi mo 'to pagsisisihan?" Tanong ni Selene. Pero Hindi sumagot si Lucil, nakatingin parin ito sa labas.Dumaan pa ang mga araw at palagi paring nakatulala si Lucil. Halos Hindi na siya makausap. Kapag mag Isa lang siya ay palagi rin siyang umiiyak dahil sa pangungulila kay Leland at sa baby na Hindi pa niya nakikita. Parang nawalan na rin siya ng ganang mabuhay. Kada gabi hinihiling niya na sana Hindi na siya magising kinabukasan. Kaya sobra siyang naiinis kapag bumabangon siya tuwing Umaga dahil Hindi nangyari ang gusto niyang mangyari.Ngayong araw ay nasa loob lang ng kwarto niya si Lucil. Nakasandal sa glass window at umiiyak habang nakamasid sa baba.Maya-maya ay bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Lilo."Mommy, are you crying again?" Tanon
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments