Share

Chapter 6

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-02-13 19:22:17

Belle's POV

Matigas ang titig ni Adrian sa akin, pero hindi ako natinag.

Sa halip, mas inilapit ko ang sarili kay Damian. Naramdaman ko ang init ng katawan niya nang dumampi ako sa gilid niya, ang matigas niyang braso ay nakapulupot sa bewang ko na parang pag-aari niya ako.

Hindi ko alam kung bakit, pero nagustuhan ko ang pakiramdam.

Mabilis akong napalingon kay Adrian. Nandoon pa rin siya, titig na titig sa akin, at kahit hindi siya nagsasalita, rinig na rinig ko ang sigaw ng ego niyang natatapakan.

Hindi ko alam kung anong klaseng satisfaction ang dulot ng itsura niya ngayon—'yung parang hindi makapaniwala na ako, ang babaeng pinagpalit niya, ay kasama ngayon ng isang lalaking hindi niya kayang tapatan. Ang kaniyang tiyuhing si Damian.

Para akong biglang lumakas, biglang nagkaroon ng laban.

“Belle,” may lumunod na lambing sa boses ni Adrian nang sa wakas ay lumapit siya sa amin. “Hindi ko inaasahang makikita kita rito.”

Nilingon ko siya, isang pilit na ngiti ang ibinigay ko. “Small world, ‘di ba?”

Nilingon ko si Damian. Tahimik lang siyang nakatayo sa tabi ko, pero kita ko ang bahagyang pag-angat ng kilay niya habang pinagmamasdan si Adrian na tila isang insekto lang na madaling durugin.

Hindi ko rin napigilan ang mapansin ang paraan ng pagtayo ni Adrian. Hindi na ito kasing kumpiyansa noong kami pa. Parang hindi siya mapakali, parang kinakabahan siya.

At doon ko naisip.

Natatalo siya.

Sa unang pagkakataon, hindi ako ang lumalabas na kawawa.

Napansin ko ring hindi lang si Adrian ang hindi mapakali.

Nasa tabi niya si Yumi, ang babaeng ipinalit niya sa akin, nakapulupot ang kamay sa braso ni Adrian. Ang ganda niya, hindi ko maikakaila. Pero hindi rin maikakaila ang paraan ng pagdikit niya kay Adrian ngayon—mahigpit, para bang ipinapakita niyang siya ang panalo.

Pero sino ba talaga ang panalo sa amin?

Pinilit kong huwag ngumiti.

“Matagal na pala kayong magkakilala ni Damian,” sabi ni Adrian, pilit ang ngiti.

Bago pa ako makasagot, Damian spoke, his voice was smooth, but laced with something sharp. “Hindi niya kailangang ipaliwanag sa 'yo.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Adrian. Kita ko ang pagdilim ng mga mata niya, pero hindi siya nakasagot.

Napatingin ako kay Damian. Tahimik siyang nakatingin kay Adrian, pero ang presence niya ay punong-puno ng awtoridad, ng pangingibabaw.

At doon ko napagtanto.

Hindi lang ako ang talo ni Adrian ngayon.

Maging siya.

Dahil kahit anong gawin niya, Damian Villareal is the kind of man he could never be.

"Belle," muling tawag ni Adrian, ngayon ay mas mahina ang boses.

Pero bago pa siya makapagsalita ng kung ano pa man, biglang nagsalita si Damian.

“Enough,” madiin niyang sabi. Hindi siya tumitingin kay Adrian—direkta siyang nakatingin sa akin, at sa unang pagkakataon, naramdaman kong totoo ang bawat salita niya. Hinila niya ako paharap sa kanya, ang mukha niya malapit sa akin. “Let’s go.”

Bago ko pa maiproseso ang lahat, ginabayan niya ako palayo kay Adrian.

Ang huling nakita ko bago kami tuluyang umalis ay ang mukhang punong-puno ng pagkagulat at pagkatalo ni Adrian.

At alam kong iyon na ang huling beses na makikita niya akong nakayuko.

***

Tahimik akong nakaupo sa passenger seat habang dinadala ako ni Damian palayo sa restaurant. Gusto kong magsalita, gusto kong magpasalamat sa kanya, pero hindi ko alam kung paano sisimulan.

Si Damian ang unang bumasag ng katahimikan.

"Masaya ka?"

Nagulat ako. “Anong ibig mong sabihin?”

“Tinalo mo siya,” aniya, hindi inaalis ang tingin sa kalsada. “And by the look on your face, you enjoyed it.”

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung dapat ba akong mahiya sa naramdaman kong satisfaction kanina, pero alam kong hindi ko iyon maitatanggi.

Napabuntong-hininga ako. “Maybe. Pero hindi ibig sabihin no’n na wala na akong nararamdaman.”

Sa unang pagkakataon, lumingon si Damian sa akin. “You still love him?”

Umiling ako agad. “Hindi. Hindi na. Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi ako nasasaktan.”

Pinagmasdan lang niya ako, para bang sinusuri niya ang katotohanan sa mga salita ko.

Hanggang sa isang bagay ang hindi ko inaasahan.

Hinawakan niya ang kamay ko.

Hindi mahigpit, hindi rin pilit.

Para bang gusto lang niyang iparamdam na kahit anong nararamdaman ko ngayon, hindi ako mag-isa.

At doon ko naisip.

Baka sa isang kasunduang nagsimula sa peke… may ilang bagay ring magiging totoo.

***

Matapos ang tensyonadong tagpo sa restaurant, dinala ako ni Damian sa isa sa mga pinakamahal na hotel sa lungsod.

Pagpasok ko sa marangyang suite, hindi ko napigilang mapatitig sa paligid. Napakalaki ng kwarto—may sariling sala, isang dining area, at isang bedroom na may king-sized bed. Ang buong lugar ay sumisigaw ng yaman at kapangyarihan, isang bagay na tila likas lang kay Damian.

Napalingon ako sa kanya. “Bakit tayo narito?”

Hinubad niya ang kanyang coat at inilagay iyon sa sofa bago sumagot. “Para pag-usapan ang kasal.”

Napataas ang kilay ko. “Kailangan pa bang sa hotel? Pwede namang sa opisina mo.”

Hindi niya ako sinagot. Sa halip, lumapit siya sa minibar at nagsalin ng whiskey sa isang baso. "Gusto mo?" tanong niya habang inaalok ito sa akin.

Umiling ako. “Pass. Hindi ako sigurado kung kaya ko pang uminom pagkatapos ng nangyari kagabi.”

Bahagya siyang ngumiti—isang bihirang ekspresyon sa kanya. “Wise decision.”

Tahimik akong naupo sa sofa, sinusubukang huwag ma-conscious sa presensya niya. May kung anong nakakapangilabot sa paraan ng kilos niya—mabagal, kontrolado, at parang laging may alam na hindi ko pa nauunawaan.

“Ano bang gusto mong pag-usapan tungkol sa kasal?” tanong ko, binabasag ang katahimikan.

Uminom siya ng whiskey bago ako tinitigan. “Ang rules.”

Napakunot ang noo ko. “Rules?”

Tumango siya. “May mga bagay tayong kailangang linawin bago ang kasal. Ayokong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.”

Napalunok ako. May isang parte sa akin na kinakabahan sa kung anong klaseng ‘rules’ ang sinasabi niya.

“Fine,” sabi ko, pinipilit gawing matatag ang boses ko. “Ano ang mga rules mo?”

Umupo siya sa kabilang dulo ng sofa, ang tingin niya ay seryoso at hindi nagbibiro.

“Una—walang personal na damdamin.”

Napatigil ako.

Expected ko na iyon, pero bakit parang may kung anong sakit sa dibdib ko nang marinig ko ito mula sa kanya?

“Okay,” sagot ko, sinisikap na huwag ipakita ang nararamdaman ko.

“Pangalawa—walang pakikialam sa buhay ng isa’t isa kapag hindi tayo magkasama.”

Napakagat-labi ako. “Ibig sabihin?”

“May sarili kang buhay, may sarili akong buhay. Hindi kita tatanungin kung anong ginagawa mo sa oras mo, at hindi mo rin ako tatanungin sa oras ko.”

Hindi ko alam kung bakit, pero ang statement na iyon ay parang may matalim na tinik na tumusok sa puso ko.

“Okay,” sagot ko ulit.

“Pangatlo—kapag natapos ang isang taon ng kasal natin, tapos na rin ang lahat.”

Para akong natulala sa sinabi niya.

Alam ko na ang kasal namin ay isang kasunduan lang, pero bakit parang ang hirap tanggapin ng mga salitang iyon?

Isang taon lang.

Isang taon lang kaming magiging ‘mag-asawa’ bago kami tuluyang maghiwalay na parang walang nangyari.

“Understood,” sagot ko kahit may parte sa akin na hindi sigurado kung kaya kong panindigan ito.

Tahimik akong tumitig sa kanya, sinusubukang basahin ang ekspresyon niya. Pero tulad ng dati, Damian Villareal remained a mystery.

Matapos ang ilang sandali ng katahimikan, siya na ang bumasag nito. “Ikaw? May rules ka ba?”

Nagulat ako. Hindi ko inasahang tatanungin niya iyon.

Ipinatong ko ang mga kamay ko sa kandungan ko, nag-iisip ng mabilis. Dapat ba akong maglagay ng rules? Dapat ko bang protektahan ang sarili ko?

Huminga ako nang malalim bago nagsalita.

“Isa lang.”

Nagtaas siya ng kilay. “Ano?”

Tumingin ako sa kanya, siniguradong hindi nanginginig ang boses ko.

“Walang ibang babae habang kasal tayo.”

Hindi ako sigurado kung bakit iyon ang unang lumabas sa bibig ko, pero nang mabigkas ko na ito, alam kong hindi ko na ito mababawi.

Bahagyang tumahimik si Damian. Hindi ko alam kung nagulat ba siya o nainis. Pero pagkatapos ng ilang segundo, ngumiti siya—isang matigas at mapanganib na ngiti.

“Selosa ka pala,” sabi niya.

Napasinghap ako. “Hindi ako selosa!”

“Then bakit ka may ganitong rule?”

“Dahil kung papasukin natin ang kasal na ‘to, kahit peke lang, gusto kong panindigan natin ito. Hindi ko gustong makita kang may kasamang ibang babae habang dala mo ang apelyido ko.”

Para akong nagulat sa sarili kong sinabi.

Bakit ba parang ang possessive ng tunog?

Tinitigan lang ako ni Damian, para bang sinusuri niya ang reaksyon ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero pagkatapos ng isang mahaba at tahimik na sandali, tumango siya.

“Fine.”

Napakurap ako. “Fine?”

“Fine,” inulit niya. “Walang ibang babae habang kasal tayo.”

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong init na dumaloy sa katawan ko nang sabihin niya iyon.

Alam kong isang simpleng kasunduan lang ito, pero bakit parang ang bigat ng epekto nito sa akin?

Napatingin ako sa kanya, sa malamlam niyang mga mata, sa paraan ng pag-inom niya ng whiskey na parang wala lang sa kanya ang lahat ng ito.

At doon ko napagtanto.

Nag-uumpisa na akong matakot.

Hindi kay Damian. Hindi sa kasal namin. Kung 'di sa posibilidad na, bago pa matapos ang isang taon…

Baka mahulog ako sa isang lalaking hindi marunong magmahal.

Author's Note:

Hello, pwede po bang pa-like ng note ko, mag-iwan ng comments sa bawat chapter po kahit ano lang po for engagement ng book. Pwede rin kayong mabigay ng gems. Paki-rate na lang din po ang book. Malaking tulong na po 'yan sa book ko.

Deigratiamimi

Hello, pwede po bang pa-like ng note ko, mag-iwan ng comments sa bawat chapter po kahit ano lang po for engagement ng book. Pwede rin kayong mabigay ng gems. Paki-rate na lang din po ang book. Malaking tulong na po 'yan sa book ko.

| 68
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Cynthia Fernandez
uonga sana sa huli cla na
goodnovel comment avatar
Rosalina Perez
sana hindi boring basahin hanggang dulo maganda ang kwento
goodnovel comment avatar
Maximina Pineda
nkakachalenge ang takbo ng storya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Epilogue

    Damian's POV "Mommy! Daddy! Look at me!" Tumingala ako mula sa iniihaw kong barbecue sa garden at nakita ko si Alia, ang aming limang taong gulang na anak, na masayang umiikot sa damuhan suot ang kanyang pink na dress. Kumakaway siya habang nakataas ang maliit niyang kamay, hawak ang isang bulaklak. Napangiti ako at napailing. Ipinunas ko ang tuwalya sa aking mga kamay at lumapit kay Belle, na nakaupo sa garden bench, nakasandal habang hawak ang isang lemonade. "You okay, Wifey ?" bulong ko, hinalikan ko siya sa ulo. "More than okay," sagot niya habang nakatingin kay Alia. "Parang kailan lang, nasa tiyan ko pa siya." Tumingin kami sa isa't isa, parehong may ngiti sa aming mga labi — ang uri ng ngiting puno ng alaala, pagmamahal, at pasasalamat. Five years. Five wonderful, crazy, beautiful years. Matapos naming maging magulang, unti-unti naming inayos ang buhay namin sa paraang hindi mawawala ang paglalambingan at pagmamahalan namin ni Belle. Nagpalit ako ng trabaho setup — an

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 91

    Damian’s POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatitig kay Belle. Nakatayo siya sa gitna ng baby shower venue, suot ang pastel pink maternity gown, isang kamay nakapatong sa bilog na niyang tiyan, at ang isa ay nakahawak sa maliit na teddy bear na ibinigay sa kaniya ni Mommy bilang regalo. She was glowing. Radiant. Beautiful beyond words. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang maramdaman ang matinding pagmamalaki at pasasalamat. She's my wife. She's carrying our daughter. She's the woman who turned my world into something beautiful. Lumapit ako sa kanya at marahan siyang hinalikan sa noo. "Are you happy?" bulong ko. Tumango siya, habang kumikislap ang mga mata. "More than happy," sagot niya. Lumipas ang mga araw, pagkatapos ng baby shower, naging mas close pa kami ni Belle. Lagi akong nagpapahinga ng schedule para samahan siya sa mga checkups niya. Walang isang appointment ang pinalagpas ko. Gusto ko, bawat tibok ng puso ng anak namin sa ultrasound, n

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 90

    Belle's POVHindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan si Damian na abalang nag-i-sketch sa notebook niya. Para siyang bata na excited sa bagong laruan.“Naisip ko,” sambit niya, hindi inaalis ang tingin sa papel, “na gawing pastel pink and white ang theme ng nursery. Tapos lots of fluffy clouds and maybe stars sa ceiling.”Napatawa ako habang hinihimas ang baby bump ko. “Mukhang mas excited ka pa kaysa sa akin, Mr. Villareal.”Lumapit siya sa akin, hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang mga daliri ko. “Of course. Gusto kong maging perfect ang lahat para sa little princess natin.”Nag-set kami ng weekend para puntahan ang isang sikat na baby store sa city. Hindi namin sinayang ang oras — pagpasok pa lang, para kaming mga batang naglalaro sa loob.“Belle, look!” Tuwang-tuwa si Damian habang bitbit ang isang maliit na crib na may ukit ng mga bituin at ulap.Napangiti ako. “Ang cute! Pero… hindi ba masyadong maliit ‘yan?”“Hmp. Baby pa naman siya. Hindi naman siya agad lalaki

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 89

    Belle's POV “Hubby, look o…” Tinutok ko ang camera ng phone sa salamin habang naka-side view ako. “Mas halata na talaga si baby, ‘no?” Lumapit si Damian mula sa likod at niyakap ako, marahang hinaplos ang nakausling bahagi ng tiyan ko. “Ang ganda mo pa rin, kahit may bitbit ka nang laman ng langit.” Napangiti ako. “Flattering. Pero seryoso, hindi na kasya ‘yung mga fitted dress ko.” “Then we shop for maternity clothes today. Lahat ng gusto mo. Even ten pairs of comfy pajamas kung gusto mo.” Napahalakhak ako. “Ten agad?” “Gusto ko lang naman na komportable ka. Lalo na’t mas active na si baby ngayon.” Ilang beses ko nang naramdaman ang kakaibang paggalaw sa loob. Para bang maliliit na butterflies na kumakampay sa tiyan ko. Sa tuwing umaga, siya ang unang gumigising para lang ipagluto ako ng agahan. Laging may prutas, mainit na gatas, at isang espesyal na ulam depende sa cravings ko. Minsan sinigang sa umaga, minsan champorado na may tuyo. “Okay ka lang, Wifey?” tanong niya haban

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 88

    Belle’s POVNakahiga ako sa tabi ni Damian, nakabalot ang katawan ko sa kanyang mga bisig. Kapwa kami walang saplot, pero hindi malamig… dahil sapat ang init ng mga katawan namin para punuin ang buong kwarto ng init at damdamin.Ang ilaw ng buwan ay dumadaloy sa puting kurtina. Tumama ito sa mukha niya na parang spotlight—at sa sobrang gwapo niya, para siyang painting ng isang diyos ng pag-ibig na nilikha para sa akin lang.“Grabe ka,” mahinang bulong ko habang hinahaplos ang kanyang dibdib. “Parang hindi ka napagod.”Ngumiti siya, tamad at mapanukso. “How could I be tired? I'm with the woman I love… and the baby I already adore.”Hinimas-himas niya ang tiyan ko na bahagyang nakausli. Hindi pa ito halata, pero sa kanya—ito na ang pinakabanal na parte ng katawan ko."I still can’t believe it," he whispered, placing a soft kiss on my belly. "There's a little version of us growing inside you."“Do you want a boy or a girl?” tanong ko habang nilalaro ang buhok niya."Hmm..." kunwaring nag

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 87

    Belle’s POVPagkakain ko ng chocolate na ibinigay ni Damian, parang may mainit na dumaloy sa katawan ko. It wasn’t the usual kind of sweetness na dulot ng tsokolate. It was deeper… raw… almost like a fire igniting something dormant inside me.Unti-unti kong naramdaman ang panginginig sa laman ko, hindi dahil sa lamig kundi sa tila hindi maipaliwanag na init na gumapang sa balat ko. Napahawak ako sa gilid ng couch habang pinipigilan ang hindi maipaliwanag na kilabot na tila gumuguhit sa batok ko pababa sa spine. Every inch of me started to ache—but not in pain. It was desire. Craving. Hunger.Bumukas ang sliding door at agad kong narinig ang pagpatak ng tubig mula sa buhok ni Damian. Basang-basa siya, kagagaling sa shower, at habang naglalakad siya papalapit sa akin, may kung anong primeval energy ang naramdaman ko. Parang biglang tumahimik ang paligid. Tanging ang tunog ng kanyang mga hakbang at tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.He looked dangerous. Irresistibly dangerous.He wa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status