Belle's POV
Dalawang araw pagkatapos naming lagdaan ang kasunduan, nagising ako sa katotohanang wala na akong atrasan. Lahat ay mabilis na umandar. Mga fittings, meetings with wedding planners, public appearances—parang isang malaking production ang kasal namin ni Damian. At ngayon, heto ako, nakatayo sa harap ng isang malawak na mansyon na tila isang palasyo, may hawak na isang bouquet ng puting bulaklak, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Ang unang pagtapak sa tahanan ng mga Villareal. Nasa tabi ko si Damian, naka-black button-down at slacks, mukhang business as usual lang sa kanya ang lahat ng ito. Pero para sa akin? Para akong ipapakain sa mga leon. "Bakit ko nga ulit kailangang gawin 'to?" bulong ko habang naglalakad kami papasok sa mansyon. "You're about to be my wife," sagot niya, malamig at direkta. "It's only natural that my family meets you." Napabuntong-hininga ako. Tama naman siya. Kung gusto naming maging kapanipaniwala ang palabas na ito, kailangan kong ipakita sa pamilya niya na nararapat akong maging isang Villareal—even just for a year. Pagkapasok namin sa grand hall, agad kong naramdaman ang malamig na atmosphere. Hindi ito tulad ng mga tipikal na bahay na puno ng init ng pamilya. Ang lugar na ito ay tila itinayo hindi lang sa marmol at bakal kundi pati sa pormalidad at kapangyarihan. Sa gitna ng napakalaking sala, nandoon ang pamilya ni Damian—ang mga Villareal. Sa unahan, nakaupo sa isang leather chair ang isang matanda pero makapangyarihang lalaki—si Don Hector Villareal, ang ama ni Damian. Ang presensya niya ay parang isang hari sa gitna ng kanyang kaharian. Ang bawat kilos niya ay puno ng awtoridad. Sa tabi niya, nandoon si Miranda Villareal, ang tiyahin ni Damian na nakilala ko na. Maganda ito sa kabila ng edad niya, may aura ng isang babaeng hindi mo pwedeng balewalain. At sa tabi ni Miranda… Nandiyan si Adrian. Parang nanlamig ang katawan ko sa oras na nagtagpo ang mga mata namin. Kasama niya si Yumi, ang babaeng ipinalit niya sa akin. Maganda siya, naka-eleganteng damit, pero kita sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Hindi ko alam kung bakit sila nandito. Pero isa lang ang sigurado ako—mas pinahirap nito ang sitwasyon ko. "Aba, napakaganda pala ng magiging asawa mo, Damian," sabi ni Don Hector, ang boses niya malalim at puno ng kontrol. "Bagay nga kayo." Bumaling siya sa akin, tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Tila sinusukat kung sapat ba akong maging bahagi ng pamilyang ito. "Anong pangalan mo, hija?" tanong niya. Pinilit kong ngumiti. “Belle po. Belle Ramirez.” Napangisi si Miranda. “Ah, so ikaw pala ang babaeng pinagpalit ni Adrian?” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Naramdaman kong nanigas ang katawan ko. Alam kong malalaman din ito ng pamilya ni Damian, pero hindi ko inasahan na ibabato ito sa akin agad-agad. Sa gilid ng paningin ko, nakita kong nanigas si Adrian, pero hindi siya nagsalita. "Miranda," malamig na putol ni Damian. "Hindi na kailangang pag-usapan 'yan." Napangiti si Miranda. "Oh, I was just stating a fact. Gusto ko lang sanang malaman kung paano ka napunta kay Damian matapos kang iwanan ng pamangkin ko." Napakuyom ako ng kamao, pero hindi ako bumigay. Bago pa ako makasagot, Damian took a step forward, placing a hand on my lower back. "Kung iyan ang iniisip niyo, let me clarify something." Bigla siyang tumingin kay Adrian, ang tingin niya ay parang isang hari na tumitingin sa isang aliping walang kwenta. "Adrian lost her. I won." Tumahimik ang buong kwarto. Si Adrian, kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat. Para bang hindi niya inaasahan na maririnig niya ang mga salitang iyon mula sa sariling tiyuhin niya. Maging si Don Hector, bahagyang nagtaas ng kilay, tila natuwa sa tapang ng anak niya. "Interesting," sabi ng matanda. "Mukhang may laban ka rin pala pagdating sa mga bagay na gusto mo, Damian." Nilingon ako ni Don Hector, at sa unang pagkakataon, may bahagyang pag-apruba sa mga mata niya. "You have spirit, Belle," aniya. "Pero hindi sapat ang tapang para maging isang Villareal. Siguraduhin mong kaya mong manatili sa mundo namin." Nagkatinginan kami ni Damian. At sa sandaling iyon, alam kong pareho naming alam—wala nang atrasan ito. Mula sa araw na ito, kailangan kong patunayan hindi lang sa kanila kung 'di pati sa sarili ko na kaya kong manatili sa tabi ng isang lalaking tulad ni Damian Villareal. At ang pinakamahirap na bahagi? Kailangan kong gawin iyon nang hindi nahuhulog sa kanya. Author's Note: Hello, pwede po bang pa-like ng note ko, mag-iwan ng comments sa bawat chapter po kahit ano lang po for engagement ng book. Pwede rin kayong mabigay ng gems. Paki-rate na lang din po ang book. Malaking tulong na po 'yan sa book ko.Hello, pwede po bang pa-like ng note ko, mag-iwan ng comments sa bawat chapter po kahit ano lang po for engagement ng book. Pwede rin kayong mabigay ng gems. Paki-rate na lang din po ang book. Malaking tulong na po 'yan sa book ko.
Belle's POV Pagkatapos ng matinding tensyon sa hapunan kasama ang pamilya Villareal, hindi ko alam kung paano ko nagawang panatilihing tuwid ang aking likod at hindi matinag sa matatalim nilang tingin. Ngunit sa sandaling umalis na kami sa mansyon, doon ko naramdaman ang bigat ng lahat. Pagkatapos naming magpaalam kay Don Hector at Doña Miranda, mabilis akong naglakad palabas, gustong-gustong makawala sa nakakapasong presensya nila. Damian, as usual, was calm and composed. Para bang sanay na siya sa ganitong eksena. Ngunit bago pa ako makasakay sa sasakyan ni Damian, isang pamilyar na boses ang pumigil sa akin. “Belle, sandali.” Napako ako sa kinatatayuan ko. Si Adrian. Ramdam ko ang paninigas ng buong katawan ko, pero hindi ko siya nilingon agad. Alam kong kung titingnan ko siya, may kung anong bahagi sa akin ang magagalit muli, maghahanap ng kasagutan, ng closure na hindi ko pa rin natatanggap. Ngunit hindi rin ako nagulat nang maramdaman kong lumapit si Damian sa tabi ko,
Belle's POV Kinabukasan, nagising ako sa malambot na kama, nakabalot sa mamahaling kumot, pero may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. Para akong bumangon sa isang panaginip—o bangungot, hindi ko pa alam. Ang una kong naalala? Ang mga mata ni Adrian habang tinatanggap niyang wala na akong balak bumalik sa kanya. Ang pagkahawak ni Damian sa baywang ko, na parang isang deklarasyon na ako ay pag-aari niya. Kahit alam kong peke lang ang lahat. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang bumangon. Masyadong tahimik ang paligid. Nang bumaba ako mula sa kwarto, bumungad sa akin ang pamilyar na tanawin ng modernong sala ng penthouse ni Damian. Nandun siya, nakaupo sa isa sa mga leather couches, hawak ang isang tablet habang nagbabasa ng kung ano. Naka-puting button-down siya ngayon, malinis at preskong tingnan, pero may bahagyang gulo sa buhok niya na nagsasabing hindi pa siya tuluyang nakapag-ayos. Napatingin siya sa akin nang maramdaman ang presensya ko. “Good morning,” aniya, walang emosy
Belle's POV Ang buong gabi ay tila isang malupit na laro—isang laban ng mga matang nagtatagisan, ng mga ngiting pilit pero puno ng kahulugan. Ngayon, narito ako sa loob ng restroom, nakapatong ang dalawang kamay ko sa marmol na counter habang pinagmamasdan ang sarili ko sa malaking salamin. Mukha akong composed, maayos ang makeup, walang bahid ng kahinaan. Pero sa loob, nagkakagulo ang damdamin ko. Ilang beses kong inulit sa isip ko: Hindi totoo ang kasal na ‘to. Pero bakit parang sa tuwing hinahawakan ako ni Damian sa harap ng ibang tao, parang nagkakaroon ng sariling buhay ang puso ko? Napabuntong-hininga ako at iniiling ang sarili ko. No, Belle. Hindi ka pwedeng mahulog. Nagpakatatag ako at inayos ang sarili. Wala akong choice kundi bumalik sa labas. Kailangan kong gampanan ang papel na ito. Nang lumabas ako ng restroom, hindi ko inaasahang may naghihintay sa akin. Si Adrian. Napahinto ako sa pintuan, hindi makapaniwala. "Belle," mahina niyang tawag, pero sapat na para b
Belle's POV Kinabukasan, maaga akong nagising sa malambot na kama ng penthouse. Nakasanayan ko na ang ginhawang dulot ng marangyang silid na ito, pero sa totoo lang, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng paninibago. Hindi ko pa rin matanggap nang buo na ito na ang buhay ko—isang buhay na batay sa kasunduan, hindi sa pagmamahal. Paglabas ko ng silid, nadatnan ko si Damian sa kusina, nakasuot ng itim na dress shirt na medyo nakabukas ang unang dalawang butones, at naka-slacks. Hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya kaayos kahit bagong gising. Hindi man lang siya lumingon nang bumati ako. "Good morning." "Good morning," sagot niya, abala sa pagbabasa ng kung anong dokumento habang hawak ang tasa ng kape. Lumapit ako sa counter at kumuha ng sarili kong tasa. Inipon ko ang lakas ng loob ko bago nagsalita. "May meeting ka ba today?" tanong ko, pilit na pinapanatiling casual ang tono. Tumango siya at saka tumingin sa akin. "Yeah. Actually, aalis ako mamaya. Pupunta ako ng US for
Belle's POV Limang araw na mula nang umalis si Damian, at sa loob ng panahong iyon, pilit kong iniiwasan ang sarili kong damdamin. Hindi ako pwedeng mahulog sa patibong ng emosyon, lalo na’t malinaw sa aming dalawa na isang kasunduan lang ang kasal namin. Kaya inabala ko ang sarili ko sa trabaho bilang bank teller. Huling linggo ko na sa bangkong ito bago tuluyang lumipat sa buhay na may pangalan nang "Mrs. Villareal." Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang mapansin na parang may bumabagabag sa akin. Habang abala ako sa pag-aasikaso ng isang transaction, napansin kong nagkaroon ng kakaibang tensyon sa paligid. Ang mga kasamahan ko sa bangko ay tahimik na nagbubulungan, at ang iba nama'y palihim akong tinitingnan. Nang lingunin ko ang entrance, doon ko siya nakita. Si Yumi Chan. At sa unang tingin pa lang, alam kong may masama itong binabalak. Dahan-dahan siyang lumapit sa counter ko, nakataas ang isang kilay at may mapanuksong ngiti sa kanyang mapupulang labi. Suot niya a
Belle's POV Muli akong napatingin sa mga rosas na nasa harapan ko. Masyadong perpekto ang lahat—mula sa pagkakaayos ng petals hanggang sa mamahaling pabangong nakahalong amoy sa bulaklak. Ang diamond bracelet na nasa loob ng eleganteng kahon ay hindi ko pa rin lubos maisip kung paano ko tatanggapin. Napalunok ako. May kakaibang init na lumukob sa puso ko, isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Damian had always been a mystery to me. Ikinuyom ko ang aking kamao at tiningnan si Adrian. Ano na naman ang ginagawa niya rito? Nagpalitan ng tingin ang ibang empleyado sa loob ng bangko. Ang ilan ay nagbulungan, ang iba naman ay diretsong tumitig sa akin, halatang naghihintay ng drama na maaaring mangyari. Sino ba naman ang hindi mapapaisip? Ilang minuto lang ang nakalipas nang may nagpadala sa akin ng isang napakagarang regalo, tapos ngayon, dumating si Adrian na may hawak ring bulaklak? Napalunok ako sa inis. Wala na ba siyang ibang oras para manggulo? Diretso ang lakad niya patungo sa
Belle's POV Tahimik ang buong bangko. Ang tensyon sa pagitan nina Damian at Adrian ay parang nagdudulot ng bigat sa hangin—isang hindi maiiwasang banggaan ng dalawang lalaki na parehong may papel sa buhay ko, pero may magkaibang kahulugan. Si Adrian, ang lalaking minsang minahal ko, pero nagdulot lang sa akin ng sakit. At si Damian, ang lalaking halos hindi ko pa lubos na kilala, pero sa kabila ng lahat, ay nagiging kanlungan ko sa hindi ko maipaliwanag na paraan. Nakatayo ako sa pagitan nila, ang puso ko’y bumibilis ang pintig habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Adrian—galit, pagkabigo, at isang emosyon na tila hindi ko lubos maunawaan. Hindi siya sanay na hindi nakukuha ang gusto niya. Hindi siya sanay na hindi ako bumabalik sa kanya. Ngunit ngayon, hindi na ako ang dating Belle na hinayaan niyang saktan at lokohin. Si Damian ang unang bumasag sa katahimikan. “I don’t appreciate other men bringing flowers to my wife,” aniya, malamig ang tinig. Napatingin ako sa kanya, nagul
Belle's POV Tahimik lang ako habang bumibiyahe kami pabalik sa penthouse ni Damian. Nasa kaliwang kamay ko pa rin ang wedding ring na ipinasuot niya sa akin kanina, at hindi ko mapigilan ang pagtingin dito paminsan-minsan. Maliit lang dapat ito na bagay, isang piraso ng alahas na ang layunin ay pagtakpan ang kasinungalingan namin. Pero sa kung anong dahilan, pakiramdam ko ay may bigat itong dala—parang isang hindi nakikitang tali na unti-unting humihigpit sa paligid ko. Alam kong hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Alam kong hindi dapat ako naaapektuhan. Pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko? “Something wrong?” tanong ni Damian mula sa tabi ko, hindi inaalis ang mata sa daan. Napalingon ako sa kanya at saglit na napagmasdan ang seryoso niyang mukha habang nagmamaneho—ang matigas na panga, ang matangos na ilong, at ang bahagyang kulubot sa kanyang noo na tila laging nag-iisip. Hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya ka kalmado. Gusto ko sanang itanggi, pero wala akong la
Damian's POV "Mommy! Daddy! Look at me!" Tumingala ako mula sa iniihaw kong barbecue sa garden at nakita ko si Alia, ang aming limang taong gulang na anak, na masayang umiikot sa damuhan suot ang kanyang pink na dress. Kumakaway siya habang nakataas ang maliit niyang kamay, hawak ang isang bulaklak. Napangiti ako at napailing. Ipinunas ko ang tuwalya sa aking mga kamay at lumapit kay Belle, na nakaupo sa garden bench, nakasandal habang hawak ang isang lemonade. "You okay, Wifey ?" bulong ko, hinalikan ko siya sa ulo. "More than okay," sagot niya habang nakatingin kay Alia. "Parang kailan lang, nasa tiyan ko pa siya." Tumingin kami sa isa't isa, parehong may ngiti sa aming mga labi — ang uri ng ngiting puno ng alaala, pagmamahal, at pasasalamat. Five years. Five wonderful, crazy, beautiful years. Matapos naming maging magulang, unti-unti naming inayos ang buhay namin sa paraang hindi mawawala ang paglalambingan at pagmamahalan namin ni Belle. Nagpalit ako ng trabaho setup — an
Damian’s POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatitig kay Belle. Nakatayo siya sa gitna ng baby shower venue, suot ang pastel pink maternity gown, isang kamay nakapatong sa bilog na niyang tiyan, at ang isa ay nakahawak sa maliit na teddy bear na ibinigay sa kaniya ni Mommy bilang regalo. She was glowing. Radiant. Beautiful beyond words. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang maramdaman ang matinding pagmamalaki at pasasalamat. She's my wife. She's carrying our daughter. She's the woman who turned my world into something beautiful. Lumapit ako sa kanya at marahan siyang hinalikan sa noo. "Are you happy?" bulong ko. Tumango siya, habang kumikislap ang mga mata. "More than happy," sagot niya. Lumipas ang mga araw, pagkatapos ng baby shower, naging mas close pa kami ni Belle. Lagi akong nagpapahinga ng schedule para samahan siya sa mga checkups niya. Walang isang appointment ang pinalagpas ko. Gusto ko, bawat tibok ng puso ng anak namin sa ultrasound, n
Belle's POVHindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan si Damian na abalang nag-i-sketch sa notebook niya. Para siyang bata na excited sa bagong laruan.“Naisip ko,” sambit niya, hindi inaalis ang tingin sa papel, “na gawing pastel pink and white ang theme ng nursery. Tapos lots of fluffy clouds and maybe stars sa ceiling.”Napatawa ako habang hinihimas ang baby bump ko. “Mukhang mas excited ka pa kaysa sa akin, Mr. Villareal.”Lumapit siya sa akin, hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang mga daliri ko. “Of course. Gusto kong maging perfect ang lahat para sa little princess natin.”Nag-set kami ng weekend para puntahan ang isang sikat na baby store sa city. Hindi namin sinayang ang oras — pagpasok pa lang, para kaming mga batang naglalaro sa loob.“Belle, look!” Tuwang-tuwa si Damian habang bitbit ang isang maliit na crib na may ukit ng mga bituin at ulap.Napangiti ako. “Ang cute! Pero… hindi ba masyadong maliit ‘yan?”“Hmp. Baby pa naman siya. Hindi naman siya agad lalaki
Belle's POV “Hubby, look o…” Tinutok ko ang camera ng phone sa salamin habang naka-side view ako. “Mas halata na talaga si baby, ‘no?” Lumapit si Damian mula sa likod at niyakap ako, marahang hinaplos ang nakausling bahagi ng tiyan ko. “Ang ganda mo pa rin, kahit may bitbit ka nang laman ng langit.” Napangiti ako. “Flattering. Pero seryoso, hindi na kasya ‘yung mga fitted dress ko.” “Then we shop for maternity clothes today. Lahat ng gusto mo. Even ten pairs of comfy pajamas kung gusto mo.” Napahalakhak ako. “Ten agad?” “Gusto ko lang naman na komportable ka. Lalo na’t mas active na si baby ngayon.” Ilang beses ko nang naramdaman ang kakaibang paggalaw sa loob. Para bang maliliit na butterflies na kumakampay sa tiyan ko. Sa tuwing umaga, siya ang unang gumigising para lang ipagluto ako ng agahan. Laging may prutas, mainit na gatas, at isang espesyal na ulam depende sa cravings ko. Minsan sinigang sa umaga, minsan champorado na may tuyo. “Okay ka lang, Wifey?” tanong niya haban
Belle’s POVNakahiga ako sa tabi ni Damian, nakabalot ang katawan ko sa kanyang mga bisig. Kapwa kami walang saplot, pero hindi malamig… dahil sapat ang init ng mga katawan namin para punuin ang buong kwarto ng init at damdamin.Ang ilaw ng buwan ay dumadaloy sa puting kurtina. Tumama ito sa mukha niya na parang spotlight—at sa sobrang gwapo niya, para siyang painting ng isang diyos ng pag-ibig na nilikha para sa akin lang.“Grabe ka,” mahinang bulong ko habang hinahaplos ang kanyang dibdib. “Parang hindi ka napagod.”Ngumiti siya, tamad at mapanukso. “How could I be tired? I'm with the woman I love… and the baby I already adore.”Hinimas-himas niya ang tiyan ko na bahagyang nakausli. Hindi pa ito halata, pero sa kanya—ito na ang pinakabanal na parte ng katawan ko."I still can’t believe it," he whispered, placing a soft kiss on my belly. "There's a little version of us growing inside you."“Do you want a boy or a girl?” tanong ko habang nilalaro ang buhok niya."Hmm..." kunwaring nag
Belle’s POVPagkakain ko ng chocolate na ibinigay ni Damian, parang may mainit na dumaloy sa katawan ko. It wasn’t the usual kind of sweetness na dulot ng tsokolate. It was deeper… raw… almost like a fire igniting something dormant inside me.Unti-unti kong naramdaman ang panginginig sa laman ko, hindi dahil sa lamig kundi sa tila hindi maipaliwanag na init na gumapang sa balat ko. Napahawak ako sa gilid ng couch habang pinipigilan ang hindi maipaliwanag na kilabot na tila gumuguhit sa batok ko pababa sa spine. Every inch of me started to ache—but not in pain. It was desire. Craving. Hunger.Bumukas ang sliding door at agad kong narinig ang pagpatak ng tubig mula sa buhok ni Damian. Basang-basa siya, kagagaling sa shower, at habang naglalakad siya papalapit sa akin, may kung anong primeval energy ang naramdaman ko. Parang biglang tumahimik ang paligid. Tanging ang tunog ng kanyang mga hakbang at tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.He looked dangerous. Irresistibly dangerous.He wa
Belle’s POVPagkapasok pa lang namin sa private villa sa Maldives, para akong nanaginip.Sa bawat sulok ng lugar ay puro pag-ibig—mula sa rose petals na nakabuo ng heart shape sa king-sized bed, hanggang sa champagne na nakahanda sa may terrace, at ang mala-paraisong tanawin ng dagat na parang may sariling kwento ng kasalan at pangarap.Nakahawak sa baywang ko si Damian habang iniikot niya ako sa loob ng villa. “Do you like it?” bulong niya sa akin, habang pinapadampi ang labi niya sa gilid ng aking tainga.“I love it,” bulong ko pabalik. “But I love you more.”Ngumisi siya at binuhat ako papunta sa kama. “Then allow me to show you how much I love you too, Mrs. Villareal.”Napatawa ako habang yakap-yakap ang leeg niya. “Again? Hindi pa ba sapat ang pagpapakasal?”“Never enough when it comes to you.”Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama, at sa gitna ng mga puting petals at linen sheets, pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko—parang ngayon pa lang niya ako ulit nakita.“You’r
Belle’s POV Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin—isang malaki, arkong salamin na may golden frame at nakapuwesto sa loob ng private bridal cabana na nasa mismong tabi ng dagat. I could barely recognize myself. The woman staring back had eyes glowing with peace, lips curved in a soft, dreamy smile, and cheeks radiating with something deeper than happiness—fulfillment. Naka-off shoulder na ivory silk gown ako na may manipis na tulle overlay, at sa ilalim ng aking kamay, ramdam na ramdam ko ang munting umbok ng aking tiyan. Our baby. Our miracle. "Iba talaga ang glow mo, Ma’am Belle," ani ni Tessa, ang aming makeup artist, habang pinaplastada ang mga baby hairs sa gilid ng aking mukha. "Baka babae 'yan, siguradong napakaganda!" Napatawa ako nang mahina habang patuloy sa paghimas sa tiyan ko. "Kahit ano pa, basta healthy siya. Pero kung babae, may kakumpetensiya na ako sa puso ni Damian." "Eh ‘di masaya!" sabay tili ni Tessa at ng isa pang stylist. "Pareho kayong princess!" Ti
Belle’s POV Mula nang malaman ni Damian na buntis ako, halos hindi siya mawalay sa tabi ko. Kung puwede lang niyang ipalagay ang kama niya sa loob ng OB-GYN clinic, siguradong ginawa na niya. Every check-up, every scan, every prenatal vitamin—he was always there. Lagi siyang nakaalalay, nakaagapay, at kung minsan, mas kabado pa kaysa sa akin. Dalawang linggo na mula nang kumpirmahin namin ang pagbubuntis, at ngayon ay isang espesyal na araw. Pauwi na mula sa business trip abroad si Mommy Darlene. Hindi niya pa alam ang balita, kaya sabik na sabik kami ni Damian na ibahagi ang surpresa—na magiging isa na siyang lola. Nasa loob kami ng malawak na family lounge ng ancestral mansion ng mga Villareal. Hawak ko ang isang piraso ng satin ribbon na nakatali sa maliit na gift box na may laman na baby onesie na may burdado: “See you soon, Lola!” Hinihimas-himas ko ang tiyan ko habang nakaupo sa sofa, sinusubukang pakalmahin ang kaba at kasabikan. Parang hindi pa rin ako makapaniwala mins