Share

Chapter 5

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-02-10 06:37:22

Belle's POV

Kinabukasan, nagising akong may matinding sakit ng ulo.

Napahawak ako sa sintido ko habang pilit inaalala ang lahat ng nangyari kagabi. Ilang saglit pa bago bumalik sa akin ang alaala—ang galit ko kay Adrian, ang panlilinlang niya, ang alak, ang misteryosong presensya ni Damian… at ang alok na bumago sa lahat.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Shit.

Pakakasalan ko si Damian Villareal.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ito panaginip. Hindi rin ito isang bagay na pwede kong balewalain.

Napatingin ako sa paligid. Nasa kwarto pa rin ako sa sarili kong condo, kaya kahit papaano, alam kong hindi ako gumawa ng desisyong hindi ko mapapanindigan. Pero ang tanong—matino ba talaga ang naging desisyon ko?

Halos wala pang isang araw ang lumipas mula nang mahuli ko si Adrian, pero ngayon, ikakasal na ako sa tiyuhin niya?

Napapikit ako nang mariin. Ano bang ginagawa ko?

Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng panghihinayang, biglang tumunog ang cellphone ko.

Damian.

Halos malaglag ko ang telepono ko nang makita ang pangalan niya sa screen. Napalunok ako bago dahan-dahang sinagot ang tawag kahit na nagtataka kung paano ako nagkaroon ng number niya.

"Hello?"

"Bumangon ka na," diretsong sabi niya, walang pasakalye.

Napakunot-noo ako. "Ha? Kagigising ko lang. Masakit ang ulo ko at -"

"May ipapadala akong driver. Kailangan nating pag-usapan ang mga detalye ng kasal."

Parang biglang lumamig ang dugo ko. "So, this is really happening?"

Narinig ko ang mababa niyang buntong-hininga. "I don’t make empty proposals, Belle Ramirez."

Hindi ko alam kung bakit, pero ang tono ng boses niya ay may kung anong epekto sa akin—parang isang matigas na pader na hindi mo basta-basta matitinag.

Huminga ako nang malalim. “Okay. Saan tayo magkikita?”

“Sa Villareal Tower. Be ready in an hour.”

Bago pa ako makasagot, pinutol na niya ang tawag.

Tangina.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ito na ang reyalidad ko ngayon. Pero wala nang atrasan.

***

Villareal Tower

Isang oras at kalahati ang nakalipas bago ako nakarating sa Villareal Tower, ang headquarters ng Villareal Group of Companies. Isa ito sa pinakamalalaking korporasyon sa bansa, at ang gusali nila ay walang duda na sumasalamin sa kapangyarihan ng pamilya nila.

Pagpasok ko pa lang sa lobby, agad akong sinalubong ng isang assistant.

"Ms. Ramirez?" tanong niya, magalang pero pormal.

Tumango ako.

"This way, please. Mr. Villareal is waiting for you."

Sumunod ako sa kanya, ang kaba sa dibdib ko ay lumakas sa bawat hakbang ko. Hindi ko alam kung ano ang aasahan ko sa meeting na ito, pero isa lang ang sigurado ko—wala na akong magagawa kung 'di panindigan ang desisyong ginawa ko kagabi.

Pagkapasok ko sa opisina ni Damian, agad akong sinalubong ng malamig niyang titig.

“Late,” malamig niyang sabi, hindi ito tanong, kung 'di isang obserbasyon.

Napangiwi ako. “Naipit sa traffic.”

Hindi siya nagkomento pa. Sa halip, itinuro niya ang upuang nasa tapat ng mesa niya. “Umupo ka.”

Tahimik akong sumunod, pero hindi ko maiwasang suriin ang opisina niya. Malawak ito, modern at minimalistic, pero may isang bagay na kapansin-pansin—walang personal na gamit sa paligid. Walang litrato, walang sentimental na dekorasyon.

Para bang ang buong lugar ay extension lang ng isang lalaking hindi nagpapakita ng kahit anong damdamin.

Tulad ni Damian.

“Ipagpapakasal na kita sa isang judge sa loob ng dalawang linggo,” biglang sabi niya, diretsong dumiretso sa usapan.

Napatigil ako. “Dalawang linggo?! Ang bilis naman.”

Tumaas ang isang kilay niya. “May problema ba?”

Napasinghap ako. “Damian, hindi ba dapat natin pag-isipan ‘to nang mas matagal? I mean, kasal ‘to. Kahit walang feelings ang namamagitan sa kasal na 'to, gusto ko pa rin maranasan ang masaya at memorable na kasal ko.”

Hindi niya ako pinansin. Sa halip, may inilabas siyang isang folder at inilagay iyon sa harapan ko.

"Basahin mo ‘yan," sabi niya.

Dahan-dahan kong kinuha ang dokumento. Pagbukas ko, nakita ko ang mga salitang Marriage Agreement sa itaas ng pahina.

Napakurap ako. "So, may kontrata talaga?"

"Of course," sagot niya. "Ayokong may grey areas sa kasunduang ‘to."

Ibinaba ko ang mga mata ko sa nilalaman ng dokumento.

Clause 1: Walang personal na damdamin ang dapat lumabas sa kasunduang ito.

Clause 2: Ang kasal ay magtatagal ng minimum na isang taon.

Clause 3: Walang paghahalo ng personal at propesyonal na buhay.

Clause 4: Anumang pagtataksil ay magbibigay ng karapatan sa kabilang partido na putulin ang kasal nang walang anumang legal na pananagutan.

Clause 5: Anumang media exposure ay kailangang pag-usapan muna ng parehong partido.

Napanganga ako. “Seriously? Parang business contract lang talaga ‘to.”

Hindi siya kumibo.

“Damian, kasal ‘to,” ulit ko, pilit siyang pinapaliwanag. “Hindi lang ‘to basta negosyo.” Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang aking kamay.

Ngumiti siya, pero walang init sa ekspresyon niya. "Para sa akin, walang pinagkaiba ang kasal at negosyo. Pareho silang transaksyong kailangang pag-isipan nang mabuti."

Tumahimik ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong humanga sa practicality niya o matakot sa kung paano siya mag-isip.

"Kung ayaw mo, pwede kang umatras," dagdag niya, parang wala lang.

Nagtagal ako ng ilang segundo bago sumagot.

"Wala akong balak umatras," sagot ko, marahan pero sigurado.

Nagtagpo ang mga mata namin. Sa loob ng ilang saglit, tila may lumalim na tensyon sa pagitan namin—isang hindi maipaliwanag na enerhiyang unti-unting bumabalot sa amin.

Tumango siya. “Then sign it.”

Napatingin ako sa papel sa harapan ko. Alam kong oras na para magdesisyon.

Sa isang malalim na hininga, kinuha ko ang ballpen. Itinakda ang sarili ko sa isang kasunduang maaaring baguhin ang buhay ko magpakailanman.

Sa oras na lumapat ang ballpen sa papel, alam kong wala nang atrasan.

Isinulat ko ang pangalan ko sa huling bahagi ng kontrata, ang tinta ay tila nagsisilbing rehas na bumabalot sa akin. Nang matapos ako, marahan kong ibinaba ang ballpen at hinayaang dumaan ang isang segundo ng katahimikan.

Kinuha ni Damian ang papel at walang emosyon itong pinagmasdan bago inilagay sa drawer ng kanyang mesa. “Good. Simula ngayon, ikaw na ang magiging asawa ko—kahit sa papel lang.”

Hindi ko alam kung bakit, pero sa pagbigkas niya ng mga salitang iyon, isang hindi maipaliwanag na lamig ang gumapang sa katawan ko.

"Ano na ang kasunod?" tanong ko, sinusubukang itago ang kaba sa boses ko.

"Preparations," sagot niya agad. “Dahil sa loob ng dalawang linggo, magpapakasal tayo, at kailangang mukhang totoo ang lahat.”

Napalunok ako. “Ibig sabihin…?”

Tinitigan niya ako, ang madilim niyang mga mata ay puno ng isang bagay na hindi ko mabasa. “Ibig sabihin, simula ngayon, matututunan mong maging isang Villareal.”

Pagkatapos ng meeting namin, nagpadala si Damian ng isang buong team upang ayusin ang kasal namin.

Nakatanggap ako ng schedule para sa mga fittings ng wedding gown, meetings with event organizers, at kahit isang session para sa “public image training” upang matutunan kong umakto bilang isang Villareal.

At higit sa lahat—kailangan naming magpanggap na isang tunay na engaged couple sa harap ng publiko.

Iyon ang dahilan kung bakit ako ngayon nakatayo sa harap ng isang marangyang restaurant, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko habang hinihintay si Damian.

Ang buong mundo ay walang kaalam-alam na isang malaking palabas lang ang kasal na ito.

“Belle.”

Napalunok ako nang marinig ang mababang tinig na iyon sa likuran ko. Dahan-dahan akong humarap at muntik nang hindi makahinga nang makita si Damian.

Naka-fitted black button-down shirt siya na naka-roll up hanggang siko, na nagpapakita ng maskuladong bisig niya. Naka-black slacks din siya na lalong nagbigay ng emphasis sa matangkad niyang pangangatawan.

At higit sa lahat, ang presensya niya ay tila isang bagyong kayang lamunin ang lahat ng nasa paligid.

Napalunok ako. Tangina, paano ko nga ba ito tatawaging asawa ko? Hindi siya mukhang tiyuhin ni Adrian.

“Tara na,” malamig niyang sabi. Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

Nag-aalangan ako, pero naalala ko ang sinabi niya. Kailangan naming magpanggap na engaged couple.

Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya. Mainit ang palad niya laban sa akin, mat kahit hindi ko gustong aminin, may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

Pagsapit namin sa loob ng restaurant, agad kaming sinalubong ng isang matandang babae—si Miranda Villareal, ang tiyahin ni Damian.

“Damian!” ngumiti ito, pero halata ang pagsusuri sa mga mata niya. “At ikaw siguro si Belle.”

Tumango ako at magalang na ngumiti. “Opo, Ma’am—”

"Hindi 'Ma’am,' hija. Tawagin mo akong Tita Miranda."

Napangiti ako nang bahagya. “Salamat po, Tita Miranda.”

Pero bago pa ako makapagsalita pa, biglang lumitaw sa paningin ko ang isang pamilyar na mukha.

Nanigas ako.

Si Adrian.

Nakatayo siya sa hindi kalayuan, hawak ang isang baso ng alak habang nakatingin sa amin.

At hindi lang siya nag-iisa.

Nandiyan ang babae niya—si Yumi, ang babaeng nahuli kong kasama niya sa condo.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa pagmamahal, kung 'di sa galit na pilit kong tinatago.

Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay ni Damian, na para bang binabasa niya ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung sadya o natural lang, pero dahan-dahan niyang ipinatong ang kamay niya sa beywang ko at marahan akong hinila palapit sa kanya.

Nang bumalik ang tingin ko kay Adrian, kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

At doon ako napangiti.

Mas lalong hinigpitan ni Damian ang hawak niya sa akin, saka bumulong sa tainga ko, “Ngayon mo ipakita na hindi ka na niya pag-aari.”

Huminga ako nang malalim, saka marahang tumango.

Kung ito ang larong gusto ni Damian, handa akong sumabay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Glenda Pineda
ganda ng kwento.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Epilogue

    Damian's POV "Mommy! Daddy! Look at me!" Tumingala ako mula sa iniihaw kong barbecue sa garden at nakita ko si Alia, ang aming limang taong gulang na anak, na masayang umiikot sa damuhan suot ang kanyang pink na dress. Kumakaway siya habang nakataas ang maliit niyang kamay, hawak ang isang bulaklak. Napangiti ako at napailing. Ipinunas ko ang tuwalya sa aking mga kamay at lumapit kay Belle, na nakaupo sa garden bench, nakasandal habang hawak ang isang lemonade. "You okay, Wifey ?" bulong ko, hinalikan ko siya sa ulo. "More than okay," sagot niya habang nakatingin kay Alia. "Parang kailan lang, nasa tiyan ko pa siya." Tumingin kami sa isa't isa, parehong may ngiti sa aming mga labi — ang uri ng ngiting puno ng alaala, pagmamahal, at pasasalamat. Five years. Five wonderful, crazy, beautiful years. Matapos naming maging magulang, unti-unti naming inayos ang buhay namin sa paraang hindi mawawala ang paglalambingan at pagmamahalan namin ni Belle. Nagpalit ako ng trabaho setup — an

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 91

    Damian’s POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatitig kay Belle. Nakatayo siya sa gitna ng baby shower venue, suot ang pastel pink maternity gown, isang kamay nakapatong sa bilog na niyang tiyan, at ang isa ay nakahawak sa maliit na teddy bear na ibinigay sa kaniya ni Mommy bilang regalo. She was glowing. Radiant. Beautiful beyond words. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang maramdaman ang matinding pagmamalaki at pasasalamat. She's my wife. She's carrying our daughter. She's the woman who turned my world into something beautiful. Lumapit ako sa kanya at marahan siyang hinalikan sa noo. "Are you happy?" bulong ko. Tumango siya, habang kumikislap ang mga mata. "More than happy," sagot niya. Lumipas ang mga araw, pagkatapos ng baby shower, naging mas close pa kami ni Belle. Lagi akong nagpapahinga ng schedule para samahan siya sa mga checkups niya. Walang isang appointment ang pinalagpas ko. Gusto ko, bawat tibok ng puso ng anak namin sa ultrasound, n

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 90

    Belle's POVHindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan si Damian na abalang nag-i-sketch sa notebook niya. Para siyang bata na excited sa bagong laruan.“Naisip ko,” sambit niya, hindi inaalis ang tingin sa papel, “na gawing pastel pink and white ang theme ng nursery. Tapos lots of fluffy clouds and maybe stars sa ceiling.”Napatawa ako habang hinihimas ang baby bump ko. “Mukhang mas excited ka pa kaysa sa akin, Mr. Villareal.”Lumapit siya sa akin, hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang mga daliri ko. “Of course. Gusto kong maging perfect ang lahat para sa little princess natin.”Nag-set kami ng weekend para puntahan ang isang sikat na baby store sa city. Hindi namin sinayang ang oras — pagpasok pa lang, para kaming mga batang naglalaro sa loob.“Belle, look!” Tuwang-tuwa si Damian habang bitbit ang isang maliit na crib na may ukit ng mga bituin at ulap.Napangiti ako. “Ang cute! Pero… hindi ba masyadong maliit ‘yan?”“Hmp. Baby pa naman siya. Hindi naman siya agad lalaki

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 89

    Belle's POV “Hubby, look o…” Tinutok ko ang camera ng phone sa salamin habang naka-side view ako. “Mas halata na talaga si baby, ‘no?” Lumapit si Damian mula sa likod at niyakap ako, marahang hinaplos ang nakausling bahagi ng tiyan ko. “Ang ganda mo pa rin, kahit may bitbit ka nang laman ng langit.” Napangiti ako. “Flattering. Pero seryoso, hindi na kasya ‘yung mga fitted dress ko.” “Then we shop for maternity clothes today. Lahat ng gusto mo. Even ten pairs of comfy pajamas kung gusto mo.” Napahalakhak ako. “Ten agad?” “Gusto ko lang naman na komportable ka. Lalo na’t mas active na si baby ngayon.” Ilang beses ko nang naramdaman ang kakaibang paggalaw sa loob. Para bang maliliit na butterflies na kumakampay sa tiyan ko. Sa tuwing umaga, siya ang unang gumigising para lang ipagluto ako ng agahan. Laging may prutas, mainit na gatas, at isang espesyal na ulam depende sa cravings ko. Minsan sinigang sa umaga, minsan champorado na may tuyo. “Okay ka lang, Wifey?” tanong niya haban

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 88

    Belle’s POVNakahiga ako sa tabi ni Damian, nakabalot ang katawan ko sa kanyang mga bisig. Kapwa kami walang saplot, pero hindi malamig… dahil sapat ang init ng mga katawan namin para punuin ang buong kwarto ng init at damdamin.Ang ilaw ng buwan ay dumadaloy sa puting kurtina. Tumama ito sa mukha niya na parang spotlight—at sa sobrang gwapo niya, para siyang painting ng isang diyos ng pag-ibig na nilikha para sa akin lang.“Grabe ka,” mahinang bulong ko habang hinahaplos ang kanyang dibdib. “Parang hindi ka napagod.”Ngumiti siya, tamad at mapanukso. “How could I be tired? I'm with the woman I love… and the baby I already adore.”Hinimas-himas niya ang tiyan ko na bahagyang nakausli. Hindi pa ito halata, pero sa kanya—ito na ang pinakabanal na parte ng katawan ko."I still can’t believe it," he whispered, placing a soft kiss on my belly. "There's a little version of us growing inside you."“Do you want a boy or a girl?” tanong ko habang nilalaro ang buhok niya."Hmm..." kunwaring nag

  • Marrying My Ex's Billionaire Uncle   Chapter 87

    Belle’s POVPagkakain ko ng chocolate na ibinigay ni Damian, parang may mainit na dumaloy sa katawan ko. It wasn’t the usual kind of sweetness na dulot ng tsokolate. It was deeper… raw… almost like a fire igniting something dormant inside me.Unti-unti kong naramdaman ang panginginig sa laman ko, hindi dahil sa lamig kundi sa tila hindi maipaliwanag na init na gumapang sa balat ko. Napahawak ako sa gilid ng couch habang pinipigilan ang hindi maipaliwanag na kilabot na tila gumuguhit sa batok ko pababa sa spine. Every inch of me started to ache—but not in pain. It was desire. Craving. Hunger.Bumukas ang sliding door at agad kong narinig ang pagpatak ng tubig mula sa buhok ni Damian. Basang-basa siya, kagagaling sa shower, at habang naglalakad siya papalapit sa akin, may kung anong primeval energy ang naramdaman ko. Parang biglang tumahimik ang paligid. Tanging ang tunog ng kanyang mga hakbang at tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.He looked dangerous. Irresistibly dangerous.He wa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status