Share

Chapter 2

KAHIHIYAN.

Iyon ang isang salita na maaring gamitin para i-describe ang mainit na gabi na 'yon kasama ang isang stranger. Talagang hot ang nangyari. Pero nang malaman niyang wala pa akong experience sa sex, nakakahiya. Mahirap siyang pigilang ituloy ang ginagawa, pero pagkatapos, parang nadismaya siya sa akin. Ayaw niya ng virgin, at feeling niya, masyadong weird.

"Pupunta na ako," sambit ko kahit na mahapdi pa at medyo hilo pa.

Shocked ang mukha niyang bumaling siya sa akin.

"Don't you wanna cuddle? This is your first time. Hindi ka ba fan ng aftercare?"

I realized it's that. He didn't wanna cuddle. He didn't want any connection with his one night stands. Kaya mas lalo lang akong nagmadali sa pag-aayos ng damit.

"No. I don't want that."

He chuckled. Nakahilata lang sa kama ng hotel habang natataranta na akong mag-ayos.

"Really? Won't you want to make it... a bit sentimental since it's your first time?" he said that playfully and with a hint of insult.

Nahihiya sa pagpapahiwatig niya ng kahinaan ko, sinubukan kong maging kaswal. Pagkatapos isuot ang mga damit, kahit pa gusot at hindi tuluyang naayos, nilingon ko siya.

"I may be a virgin, pero hindi ako desperada o pathetic. I went here with you thinking of good sex—"

"At naibigay ko naman 'yun, 'di ba?" mayabang niyang sabi.

Well, he's right. I give him that. Pero hindi pwedeng palampasin ang kanyang kayabangan. Akala ba niya ay superior siya dahil lang binigyan niya ako ng masarap na sex? At dahil diyan, akala niya puwede niya na akong insultuhin at pagkatuwaan dahil lang first time ko?

"It's really just sex para sa akin, para next time, I can explore more with other men."

Napawi ang ngiti sa labi niya.

"It was just my debut in this sexual world."

"Well, good luck with that," he said darkly, medyo halata ang iritasyon.

Ako naman ngayon ang matamis na ngumiti. "Thanks and have a good night. I'm leaving."

Nasa akin man ang huling salita, nakakahiya pa rin na ka-awa awa ang tingin niya sa akin. lyon ay dahil lang wala akong karanasan at pinili kong sa isang estranghero ang una ko. Maybe he was right, I was desperate. But at least not for sex and affection. I was desperate to take a hold of my freedom, something that would be taken away from me very soon. Bumalik sa akin ang takot na baka mawala ang kalayaan ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na ito'y isang hakbang para sa sarili kong kalayaan at hindi para sa pansariling kasiyahan.

Naiiyak akong tumatawag kay Luis. Sa bawat pagtawag kay Luis, pakiramdam ko'y paminsan-minsan, nahuhulog ako sa bitag ng emosyon ko. Dala na rin siguro ng pag-aalinlangan, napagtanto ko na baka maging way ito sa tunay na nararamdaman ko. Hindi ko masiguro kung makakamtan ko ang freedom na gusto kong makamtan, pero alam kong ito ang unang hakbang para makuha ko iyon.

My last attempt to rebel is to call him and see if what we can really do about all of these. Hindi ko ito naisip kanina siguro dahil magulo ang isipan ko. Ngayong nahimasmasan na, naisip ko ang mangyayari sa oras na sundin ko nga si Papa.

"Hello..." malambing na boses ang sumalubong sa akin. "Luis is asleep. Nasa tabi ko siya. Who's this?"

My lips trembled. Hindi ako makabanggit ng mga salita dahil sa narinig. Boses iyon ng isang babae! Why would a woman answer my call on Luis's phone? Napatingin ulit ako kung tama ba ang tinatawagan ko at mas lalo lang nasaktan nang nakitang kay Luis nga iyon.

Nang makita kong si Luis nga ang tinatawagan ko, biglang sumiklab ang inis sa loob ko. 

Bakit may kasama siyang babae?

Ang puso ko ay nagtataglay ng halong lungkot at galit. Hindi ko sinagot ang tanong ng babae sa kabilang linya.  

Ang akala ko ba grounded siya? Is he playing around?

Pinagloloko ako ng taong ito.

Who am I to get mad at him for playing around when I myself did something worse tonight? I claim to like him and I am considering him as my boyfriend and yet, I got physical with another man... a stranger! I chose a stranger over him! Sino sa amin ngayon ang mas makasalanan? Ako at wala akong karapatang husgahan siya sa ginagawa niya ngayon.

Hindi ko magawang magalit dahil mas sinisisi ko ang sarili ko kung bakit humantong sa ganito, ngunit alam ko rin sa sarili ko na nakagawa rin ako ng mali.

"O-okay. S-Sorry..." sa nanginginig na labi bago ko tuluyang pinutol ang tawag.

Hindi iyon ang unang pagkakataon na nasagot ng babae ang cellphone ni Luis. Madalas mangyari iyon. He's a playboy and that's one of the reasons why I can't really get into a serious relationship with him even when I like him. Sa kabila ng kanyang charm at kagwapuhan, palaging may pangamba ang puso ko na baka maging biktima rin ako ng kanyang pagiging playboy. Ayaw ko kasing masaktan, kaya kahit may nararamdaman ako para kay Luis, iniwasan ko ang malalim na connection.

Hindi ko alam kung paano ko bubuuin ang sarili pagkatapos ng pangyayaring ito. Binaba ko kaagad ang tawag kahit magsasalita pa sana ang nasa kabilang linya. Gigil na tiningnan ang spare phone habang nag-isip pa ng puwedeng gagawin pagkatapos dito. 

Kalaunan, natagpuan ako ng driver at bodyguard sa harap ng hotel na pinagdalhan sa akin ng lalaki. It was very near the club where I was. At siguro nakita nila ang sasakyan ko sa parking kaya hindi na nila tinigilan ang pagsuyod sa paligid.

"Miss Morata, kanina ka pa po pinapahanap ni Mr. Morata. Galit na galit ang iyong Ama."

Pagod, hindi na ako nagsalita. The guards seemed prepared if I'd run away again but I didn't. Imbes ay pumasok na ako sa sasakyan at nagpasabing uuwi na.

Thinking about that stupid night seemed very surreal. Did that really happen? Hindi na sana ako maniniwala ngayong nasa komportableng kama ako ng aking kuwarto sa mansiyon. Kung iisiping mabuti, parang bangungot lang ang lahat ng iyon. Pero sino ang niloloko ko? One small move and I can feel the slight tingle on my thighs, strained from last night.

Hindi ako puwedeng magkamali.

Gusto kong isipin na masaya naman iyon. I played around before, without the sex and I can say that last night was better than what I've expected. Pipiliin ko rin sanang isipin na ang lalaking nakasama ko ay isang typical straight-from-the-romance-books prince charming type. Pero ang totoo, tuwing naaalala ko ang nangyayari, naiirita at napapahiya lang ako!

So... no. He's not that man. Even if I want to sugarcoat these memories, in the end, I still remember the smug look on his face, his annoyance, and the disappointment when he realized I was a virgin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status