Share

Chapter 6

Author: Lycq Yeager
last update Last Updated: 2024-01-31 23:06:27

NATIGILAN AKO nang makita na binuksan ni Damon ang pintuan sa harap para sa akin. Akala ko may kasama kaming driver kasi formal ang date. Napatingin ako kay Mama sa hagdangang nakaabang habang kami'y umaalis. Si Papa ay busy pa sa isang meeting kaya si Mama lang ang nagpapaalam sa akin ngayong gabi.

"l drive my own car. Even on dates," malamig na sabi ni Damon nang mapansin yata ang pagkakatigil ko.

Napa-sigh ako ng malalim at dahan-dahang pumasok sa kanyang itim, at sobrang tinted na sasakyan. Muntik ko nang makalimutan na hindi siya katulad ko, lumaki na may driver. Kahit marunong siyang magmaneho, mas madalas pa rin akong may driver at bodyguard.

Now that I think about his status, I wonder where we'll live after our wedding? Sa bahay ba? Probably... I don't think my father will let me live somewhere else. Maaaring pinaparusahan niya ako ngayon sa pagpapakasal sa akin sa lalaking ito pero ang kaisipang bumukod ako ay wala sa bokabolaryo ng ama. We have lots of properties and after graduating, I told him I want to live alone in a condo, he didn't agree. Ngayon pa kaya? Maybe Damon will live in our mansion?

Sumulyap ako sa kanya, seryosong nagda-drive. Tahimik kaming dalawa at wala siyang music na pinapatugtog. I think about some party music, EDM, and chill, but I don't think he's the type. Or maybe it is?

Kasi saan nga ba kami nagkita sa gabing iyon kundi'y sa isang club.

"Don't you have music or something?"

Gumilid ang tingin niya pero agad ding binalik sa kalsada.

"Feel free to connect your playlist."

I took my phone out on my purse and started scrolling. Magtatanong sana ako kung ano ang gusto niyang music pero dahil wala naman akong pakialam sa isasagot niya, pumili na lang ako ng gusto ko at pinatugtog iyon. It's a chill music I usually hear in music festivals.

He tilted his head a bit as he watched the screen of his car flashing the song I'm playing. Bahagyang bumilis ang patakbo niya kaya nilingon ko siya. Bahagya kong hininaan ang music dahil napansin ko rin ang simangot niya.

"What's wrong? You don't like my music taste?"

Sumulyap siya sa akin nang tumigil ang sasakyan dahil sa isang traffic light.

"Iyan ba ang pinapakinggan mo kapag nagpa-party at nag-iinuman kasama ang mga kaibigan mo?" It wasn't just a question. I felt the insult etched around his tione

"It's not too loud, and it's not too slow. Why do you sound annoyed with it?"

"l was just asking a question."

"Why don't you put on a music you like then? Hindi iyong hahayaan mo lang tayong tahimik na bumabiyahe, it's boring and awkward."

Tuluyan na siyang tumingin sa akin. Looking annoyed, he didn't say a word. Pinaandar niyang muli ang sasakyan nang nag-green light na.

Umirap ako. "You won't because for sure you like old songs. That will suit you better," bulong-bulong ko pero sinigurado kong naririnig niya iyon.

Hindi pa rin siya nagsalita.

"You should like this, too. This is played in clubs and it seems like you're a frequent customer of some."

Medyo hindi ko napigilan ang sarili ko roon, ah. Hindi pa naman ako sigurado kung kaya ko nang pag-usapar ang tungkol sa gabing iyon. He glanced at me before he sighed and concentrated again on his driving.

"Pumupunta ako doon kapag bored ako. Hindi naman ako masyadong into music, so..."

I rolled my eyes. Gusto kong sabihin sa kanya na para lang siyang pumupunta doon para sa mga babae, pero huminto ako. Binago na niya ang direksyon ng kanyang sasakyan patungo sa malapit na malaking hotel. Ang ako ang pumili doon. Malapit lang ito sa aming bahay at hindi pag-aari ng aming kumpanya. May stocks kami dito pero iyon lang ang koneksyon namin. Sang-ayon si Damon sa aking piliin dahil nasa sentro ito, ibig sabihin, medyo mas maraming tao kaysa sa ibang mga hotel.

At dahil kailangan nga kaming makita, hindi na kami nagpabook ng private room. Sa malayong lamesa lang para pribado pa rin at hindi masyadong halata na sinadya namin iyon.

I looked at my phone and realized how annoying it is to see that I only have a few contacts on this new one. Bukod sa pamilya ay kay Damon lang ako may koneksiyon, parte ng gustong mangyari ni Papa.

Damon opened my door. The valet is waiting behind him. llang sandali kong tiningnan ang kamay niyang nakalahad. I almost smirked at how we both hate each other and yet, we have to do this. Nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya bago tuluyan nang lumabas sa sasakyan.

Gaya ng suot niya kaninang umaga, naka coat pa rin siya ngayon. With a white button down top and a black slacks. Although it looked like what he wore earlier this morning, I've got a feeling those are fresh clothes. At sa amoy niyang bagong ligo na nahaluan ng mamahaling perfume, alam ko ring umuwi siya galing sa trabaho bago tumulak dito.

Umuwi siya? Saan siya umuwi? May bahay siya?

He's rich, super rich. Mas mayaman sa akin. He probably had it some five years or so? Kaya siguro my father trusted him so much, he must work in a minimum of five years under his wing so I'm sure he has accumulated so much... fortune... in those years.

Parehong diretso ang tingin naming dalawa habang naglalakad sa restaurant. Marami agad ang halos mabali ang leeg katitingin sa amin. Pati siguro ang hindi naman talaga nakakapamilyar ay medyo naagaw ang pansin. Nauna siya sa paglalakad pero hawak niya ang kamay ko at nakasunod ako sa kanya. He's tall and he looked commanding so anyone would be intrigued by his presence.

"This way Mr. Montero," anyaya ng sumalubong na butler.

He uttered a cold "Thank you."

He did the usual formal courtesy with me even though I'm sure he would gladly leave me be. Plastik ko namang tinanggap ang pagiging gentleman niya kahit pa gusto kong barahin ng masasamang salita sa kalagitnaan ng mga niceties.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marrying The Billionaire   Chapter 90

    NANG nasa tamang palapag na, nasa pintuan niya na agad ako. I clicked the door bell and waited for his door to open. He opened it after seconds. His eyes darkened when he saw me standing outside. Nagtaas din ang kilay niya at isang beses na marahang pumikit. "Why are you here?" he asked, a ghost of a smile is hiding on his lips. "Ayaw mo ba ako rito?" sagot ko, nanatili sa labas ng pintuan niya. He then crossed his arms. Hindi niya ako pinapapasok. Nanatili ang tingin niya sa akin. "Nagpaalam ka ba?" I rolled my eyes. "Hindi na ako bata, Damon. I can do whatever I want whenever I want. My father is just being overprotective but it's already out of place. I'm not a teenager." He nodded and swallowed hard. "Hindi na kita ginising kanina. Your father also told me to just go home so..." Umiling ako sa inaasal ni Papa. "Yup. I got tired of waiting and I was exhausted so..." Nagtagal ang tingin naming dalawa bago siya tumango, para bang natauhan. "Hinatid ko Sina Tiya sa bahay kani

  • Marrying The Billionaire   Chapter 89

    PAGKATAPOS ng usapan namin sa study, Damon was also summoned. I have heard he's arrived a while ago. He's just waiting for my father's call. Kaya nang tinawag siya ni Papa at inasahan ni Papa na sila lang muna ang magkakausap, hinayaan ko na.I was also exhausted from all of what happened the whole day. Kaya sa pagod at paghihintay ko na matapos ang meeting nila, hindi ko na tuloy naabutan"Si Damon?" tanong ko nang bumaba.Natanaw kong nasa sala na si Mama at Papa. I assume that their meeting with him is done."Umuwi na," si Papa."He wanted to stay and wait for you for a while but your father here told him that you're exhausted for the day. Kaya minabuti niyang umuwi na lang para pagpahingahin ka,"Tumango ako at saglit na nag-isip. My father excused himself when his phone rang. Dumiretso naman ako sa kusina para kumuha ng tubig at saglit na magpahinga.Kalaunan, nang gumabi, I had dinner with my parents. My brothers were also invited and that was the time when my parents explained

  • Marrying The Billionaire   Chapter 88

    "IT'S NEGATIVE," kuya informed me.Natigilan ako saglit. The relief came afterwards. Although I have doubts, recent events and realizations made me renew my faith towards my father. Lalo na dahil kinausap niya mismo si Ashley Ortega, at na alam ni Mama ang tungkol dito.To know that the results were really negative was such a big relief."The positive tests were not published, as instructed.""Positive tests?""The one with a different sample, Ysa. Tama nga ang sinabi mo. She probably did get some samples from you "That was a speculation but it's different to hear it that way.Hindi ako makapaniwala na umabot nga'ng talaga si Fiona doon. I hated her to the bones but now that everything is revealed, I realized there was a part of me who hoped that she was credible. Desperate but still credible. But knowing this right now, it seems like everything is crumbling.She is desperate and she is a liar. Maybe, she didn't really want to hurt me that night, she only want my sample, but it was a

  • Marrying The Billionaire   Chapter 87

    AFTER what Damon has said, Papa stepped in and lorded the floor. Siya naman ngayon ang binuhusan ng tanong na kaswal niya namang sinagot. Halos paulit-ulit lang ang mga tanong ng reporters, naghihintay na magkamali sa isasagot pero dahil totoo lahat ng mga sagot ni Papa, hindi sila nakahanap ng butas.The press conference ended. Takot akong magbasa sa mga panibagong articles at tulala pa ako sa study ni Papa habang pinoproseso ang mga nasagot nila roon. Damon just revealed everything! I'm not planning to keep our relationship a secret but I was also shocked that it's that openHe wanted to protect me so he had to reveal the truth. Hindi ko nga lang alam kung paniniwalaan iyon ng mga tao but seeing that he has a good credibility from the press, they'd tone down for sure.Sa dami ng iniisip ko, hindi ko na halos namalayan ang nagdaang oras. Nagulat na lang ako nang pumasok sa study si Papa, kasunod si Mama at si Damon. Napatayo ako galing sa pagkakaupo sa swivel chair at agad na sinalub

  • Marrying The Billionaire   Chapter 86

    PAGKALABAS ng sasakyan ko, natanaw nga namin na may iilang ang nag-aabang sa lobby. Iniisip ko na paniguradong mas maraming nag-aabang sa condo ni Damon ngayon. Mas interesado ang mga taong malaman ang sasabihin niya dahil mas pinagkakatiwalaan siya kumpara sa akin.Tahimik ako sa biyahe. Damon couldn't stop watching me even as he drives the car. Sinalubong ako ng iilang kasambahay namin nang nakarating. Damon made sure that I went inside our house. At ibinalita sa akin na wala si Mama at Papa roon dahil maaga sila sa opisina. My father's conference will be moved today because of the news.Binalingan ko si Damon."Hintayin na Ianq natin si Mama at Papa rito para makausap natin."Damom shook his head. "I'll talk to your parents now, Ysa.""Pero Damon, ang daming media. For sure they will want your statement.""Then I'll give my statement."Tinitigan ko siya, punong puno ng pag-aalala."Don't worry, okay?""You haven't been in an intrigue this big. The media can be harsh and they twist

  • Marrying The Billionaire   Chapter 85

    I COULDN'T believe that I had such a good night sleep despite everything that happened that day. O siguro dahil nawala ang mga mabibigat na nakadagan sa isipan ko. The DNA test was done, I had a good conversation and a more open relationship with Damon... and I think that is enough, despite the chaos.Nga lang, kadidilat pa lang ng mga mata ko kinaumagahan, nakita ko na ang abalang mga mensahe sa cellphone ko. I saw missed calls from my cousins, which was unusual.Napabalikwas ako sa kama nang natanaw na tumatawag si Nics. Sinagot ko agad iyon."What?" I said."Awake, finally? Sorry to bring bad news to your morning but...""What?" I said in anticipation."Your father is busy answering the media's questions right now. Apparently, the nature of your relationship with Damon leaked. I traced it earlier this morning, Fiona Suarez was interviewed by an insider, kaya kumalat-""What?!" Napatayo ako.Nics filled me with the details. Ni hindi pa niya alam ang buong pangyayari pero kagabi raw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status