Share

Chapter 2: Surprise!

Third Person's Point Of View

The cellphone that is silently placed in the side of the table suddenly rang. The girl who's close from it flinched and stopped from what she's currently doing. Naghugas pa muna ito ng kamay at tinuyo ito gamit ang apron na nakabalot sa damit niya.

Nang matapos matuyo ang kamay ay kinuha nito kaagad ang telepono at kitang-kita kaagad ang pagsilay ng matamis na ngiti ng dalaga nang mabasa ang caller.

"Hey, where are you?" someone from the other lined asked her.

Napangiti ito ng maalala kung gaano ka espesyal at kahalaga ang araw na ito para sa kan'ya, para sa kanila. Napatingin pa ito sa kaninang ginagawa niya bago ito sumagot.

"Oh, I'm currently at home right now," sagot niya pero tumigil pa muna siya ng saglit at kagat labing pinagmamasdan ang nakapulupot na bagay sa kan'yang leeg na animo'y yari ng diyamante dahil sa kinang at magandang disenyo nito. Kwintas, bigay ng kan'yang nobyo. 

"Ah, I see..." sambit ng lalaki sa kabilang linya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ng dalaga ang ngiti na kanina pang sumisilay sa kan'yang labi.

"Why?" mahinhin na tanong ng dalaga.

"Secret, punta ka rito mamaya sa condo ko," sagot ng lalaki sa kabilang linya.

"Oh my god, is he going to surprise me?"

Mas lumaki pa ang pagngisi ng dalaga sa kan'yang naisip. Animo'y kinikilig dahil sa sobrang pagpula ng kan'yang pisngi.

"Okay, babe. Pupunta ako riyan siguro after 3 hours?" patanong na sabi nito. "May ginagawa pa kasi ako eh. Okay lang ba?"

"Cool, see you later!" turan ng lalaki at binaba ka agad ang tawag. Hindi man lang nabigyan ng tsansa ang dalaga na makapagpaalam. 

"Pinatay?" malungkot na sabi ng dalaga nang mawala ang pangalan ng caller sa screen. "Psh, baka kinakabahan 'yon, hula ko talaga may surprise 'yon para sa 'kin. Oh my god, ano kaya?" ang kaninang malungkot na mukha ng dalaga ay napalitan ng pagkasabik.

Ilang minuto lang ay agad na itong bumalik sa kan'yang ginagawa. Nakangiti pa ito habang inuumpisahan ang kan'yang ginagawa sa pamamagitan ng paghihiwalay ng egg yolk at albumen. 

Samantala, makikita ang isang lalake na nakatayo at kaharap ang malaking bintana ng kan'yang kwarto at nakaharap ang telepono nito sa kan'yang tainga. Sa labas ay kitang-kita ng lalaki ang mga nagtatayuang malahiganteng building at ang napakagandang view nito.

"May ginagawa pa kasi ako eh. Okay lang ba?" tanong ng babae sa kabilang linya. 

"Cool, see you later!" sagot ng lalaki at ngumiti pa ito ng nakakaloko bago walang alinlangang binaba ang telepono.

"Sa wakas at makakalaya na rin ako sa 'yo," bulong ng lalaki at agad na humiga ng kama. Napabalikwas pa ito ng maalala ang kan'yang mga kaibigan na siyang puno't dulo kung ba't niya ginawa ito. 

"Ano kayang magandang gawin?" tanong ng isang lalaki sa kan'yang mga kabarkada.

"Ganito nalang Troy," biglaang sambit ng kaibigan ni Troy na nagngangalang Clyde. Kilala ito bilang pasimuno ng kalokohan sa barkada. "What if magpustahan nalang tayo?" 

Agad namang ngumisi si Troy sa narinig. "Ano naman ang pagpupustahan natin ha?" 

"May naisip ako," singit ng isa pa nilang kabarkada na si Mark. "Kita niyo 'yong babaeng 'yon?" turo niya sa isang babae sa 'di kalayuan na nakikipag-usap sa mga kaibigan.

Agad namang lumingon ang buong magbabarkada kung saan tinuro ni Mark ang babaeng tinutukoy niya. 

"Ay, si Solenn?" tanong ni PJ na kabarkada rin nila Troy. "Balita ko, model daw 'yan ah. Bigatin!" 

Nang marinig ni Mark 'yon ay agad siyang nagsalita. "Bigatin pala eh. Jowain mo na, Troy!" Agad namang bumulalas ng tawa ang magbabarkada.

"Sure ka? Boi, sa pagkakaalam ko ah, mapili raw sa lalaki 'yan! At saka halos lahat ng lalaki na nangligaw d'yan eh olats, pati nga 'yong anak ng artista, binasted eh," pagku-kuwento ni PJ.

"Ang dami mo namang alam PJ, die hard fan ka ba n'yan? Pagpustahan nalang natin 'yan!" si Clyde. 

"G ako," sambit ni Troy na siyang nagpangisi sa kan'yang mga kabarkada. "Kapag naging jowa ko 'yan, hulugan niyo ng 20K 'yong Gcash ko ah!"

"Pusta ako, hindi mo mapapaibig 'yan!" saad ni PJ na siya namang hindi sinang-ayonan ni Mark.

"Ako, pupusta ako mapapaibig mo 'yan," saad ni Clyde at itinaas ang kamay. "Pero dapat may twist, kapag nagawa mo, hindi lang 20K ibibigay ko sa 'yo."

"Ano bang twist 'yan?" tanong ni Troy kay Clyde.

"Make her fall in love with you and then make her heart turn into pieces..."

Napailing na lang si Troy sa naalala. "Tsk, lokong 'yon talaga," bulong niya. Bumuga pa muna ng hangin si Troy bago may hinanap sa listahan ng contacts niya. Pinindot niya ito at maya-maya lang ay may sumagot na ng tawag. 

"Hi, babe!" bati sa kan'ya ng babae sa kabilang linya. 

"I want to see you," panimula ng lalaki. Agad namang mahinhin na tumawa ang babae sa kabilang linya. 

"Gusto mo lang ba talaga ako makita? Wala ka na bang idadagdag d'yan?" paninigurado nʼya. "Ayaw mo rin ba akong makasama pati sa kama?" pilyang dagdag niya pa.

Napangisi sa kawalan si Troy sa kan'yang narinig mula sa babae. "That's the reason I want to see you, babe."

Saglit pang natahimik ang babae at in-end ang tawag. Nagulat ang lalaki nang ilang oras lang ang nagdaan ay may kumatok na sa kan'yang pintuan. Agad namang nagtungo ang lalaki para tignan kung sino ito at hindi nga siya nabigo sa bumungad sa kan'ya.

"Hello, my Troy baby!" 

Sa kabilang dako naman ay makikita ang isang dalaga na pawisan at halos buong kamay na ang may sugat. 

"Ayan kasi! Solenn, sabi ko naman sa 'yo dapat si Yaya Helena nalang inutusan mo para r'yan eh," sermon ng isang ginang na wari'y nasa mga around 40's na.

"Mom, hayaan mo na ako. I'm okay, I got this," pagpapakalma ng dalaga sa ina. "At saka sabi nga nila mas maa-appreciate ng tao kung pinagpaguran mo 'yong binigay mo."

"Nako hija ha, kahit na. Paano kung hindi ka na matanggap dahil d'yan sa mga galos at sugat mo? At saka, hindi ba't may shino-shoot ka pa? Paano kung palitan ka nila?" sunod-sunod na tanong ng ginang. 

Napabuga na lang ng hangin ang dalaga. "Mom, save your words for later. Kailangan ko ng maligo kasi kikitain ko na si Troy ngayon. Bye!" paalam ng dalaga. Tinanggal pa muna nito ang apron na suot-suot nito saka mabilis na tumakbo patungo sa kwarto nito para maligo. Naiwan na lamang ang ginang sa kusina na umiiling-iling habang pinagmamasdan ang gawa ng anak n'ya.

***

Solenn's P.O.V

"The number you dialed cannot be reach, please try again later," rinig ko pagkatapos kong i-dial ang number ni Troy, boyfriend ko.

Kasalukuyan akong narito at nakatayo sa harap ng pinto ng condo ni Troy at dala-dala ang surpresa ko para sa kan'ya. Favorite na favorite niyang kainin 'to, kahit saan kami magpunta, dapat may dala siya. At saka, matagal niya na ring nire-request sa akin 'tong red velvet cake kaso... hindi ko magawa-gawa dahil hindi naman ako maalam at marunong sa pagb-bake. I even watch some tutorials in the internet to make one.

Sandali ko pang inayos ang buhok at damit ko bago mag-doorbell. Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa ring Troy ang sumasagot. Nang mapagpasyahan kong pihitin ang doorknob ay bumukas nga ito, ibig sabihin ay may tao sa loob.

"Troy?" tawag ko kay Troy nang makapasok ako sa loob pero wala pa rin akong marinig na sumasagot. Saglit pa akong napahinto at iniikot ang mata sa loob ng condo niya... Ilang minuto lang ay nahinto ang mata ko sa kwarto ni Troy na nakabukas ng ilang metro.

"Baka nakatulog kakahintay sa 'kin," sabi ko sa sarili bago napagdesisyunan na lumapit dito. 

Nang akmang itutulak ko na ang pinto ay siya ring pagkarinig ko ng isang impit na ungol ng isang babae ngunit nawala rin. 

"Baka guni-guni ko lang," dedma na sabi ko sa isip.

Bumuga pa muna ako ng hangin bago naglakas- loob na itulak ang pinto. Hindi ko aakalain na sa simpleng pagtulak ko ng pinto ay siya ring dahilan ng pagkawasak ko.

Agad gumilid ng tubig ang gilid ng mga mata ko nang makita ang loob nito. Nabitawan ko pa ang dala-dala ko dahil sa nakita ko. Nananaginip lang ba ako?

Bangungot ba 'to?! 

I never thought that this would happen, hindi ko aakalain na pagtataksil pala ang bubungad sa 'kin!

I-It's Troy... It's Troy making out with another woman! Kitang-kita ng dalawang mata ko, sa harap ko pa mismo?! How dare they?

Napakawalang hiya nila! 

Lumapit ako sa kanila at handa na sanang sabunutan ang babae nang makita ko kung sino ito. 

"Ate Sol?" gulat na sambit ng babae at biglang nag-iba ang ekspresyon nito na animo'y hindi maproseso kung sino ang kaharap nito.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita kong mukha na kaharap ko. 

"I-Ikaw?! O-Of all people, Ariana? How come!? Tinuring kitang kapatid!" Sigaw ko sa kaniya. 

Ang sakit!

Both of my trusted people betrayed me!

"A-Ano 'to? Ano 'to Troy? Ito ba 'yong surprise mo? P-Prank ba 'to? Kung prank 'to, hindi ako natutuwa. P-Please Troy, huwag naman ganito oh. A-Alam mo namang mahal na mahal kita 'di ba? Sabihin mong prank lang 'to, please?" tanong ko kay Troy na nakayakap kay Ariana para protektahan ito.

Imbis na lapitan ako at pakalmahin ay nagawa n'ya pa talagang protektahan ang malantod na babaeng 'yan?

"T-Troy, sa isang taon ba nating magkasama, minahal mo ba ako ha? Naroon na ba siya sa isang taon na 'yon, nakikisama? Ano 'tong ginagawa n'yo? A-Alam n'yo bang pinagkatiwalaan ko kayo? M-Magpaliwanag ka, Troy," mangiyak-ngiyak na sabi ko. Hindi ko masabi ng maayos ang sinasabi ko marahil sa paghikbi ko.

"A-Ano? W-Wala lang ba sa 'yo lahat ng pinagsamahan natin? Hindi mo ba dedepensahan ang sarili mo? Hindi ka man lang ba magpapaliwanag? Troy, I-I deserve an explanation!" Sigaw ko ngunit wala akong nakikitang pagkaguilt na lumalatay sa mukha ni Troy. 

"S-Sabihin mo... sabihin mong mali lahat ng nakita ko, Troy. Alam mo namang malapit si Ariana sa 'kin 'di ba? B-Bakit s'ya pa?" utal-utal na tanong ko. "At ikaw," Baling ko kay Ariana at tinuro siya. "You're like a sister to me, Ariana. How come you chose to betray me? I treated you like my own sister for fuck sake!" Sigaw ko sa kan'ya.

Kaya pala... I thought they just have the same interests on things kaya magkasundo at close na close sila but the biggest plot twist is they also agreed to betray me, to hurt me!

It hates me seeing myself like this. Nagpauto at nagpasaktan and this is all because of this stupid fucking called 'love'. 

Love does really makes you go stupid and dumb, huh?

I was a fool and blinded by my love towards to Troy.

"I'm sorry, Ate Sol..." panghihingi ng tawad ni Ariana. Kunwari itong umiyak at humikbi.

Pakitang-awa ang gaga.

I laughed at her. "And you really have the nerve to call me 'Ate' after what you did? You fucking betrayed me, Ariana!" I blurted out.

Mas lumakas ang iyak at hikbi ni Ariana dahil doon. Kitang-kita ko rin kung paano naglilingkis ang mga mata ni Troy na tumingin sa 'kin at para bang handang-handa na akong patayin nito.

What the hell? 

At may gana pa talaga siyang magalit? Baliktad ata? Sa pagkakaalam ko dapat ako ang magalit eh. How dare he stare at me with anger in his face? 

"Will you please stop shouting at her? You want me to speak 'di ba? Gusto mo bang sabihin ko sa 'yo ang totoo?" tanong ni Troy na nakapagpakunot ng noo ko. 

Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa harapan ko. "Hindi kita minahal! Matagal na kami ni Ari, okay? Niloko lang kita! Ano, okay ka na ba?" 

Animo'y parang nabagsakan ako ng langit at lupa nang marinig ang sinabi niya. Nakakapanghina, hindi ako makagalaw at wala akong masabi.

Iba pa rin talaga 'pag narinig mo sa mismong bibig nila.

"At alam mo ba? Kaya kita niligawan dahil pinagpustahan ka namin ng mga kaibigan ko," dagdag niya pa dahilan upang mas lumakas pa ang hikbi at pagtulo ng luha ko.

"W-What? So for the 1 year that we're in a relationship, lahat ng pinakita mo, lahat ng pinaramdam mo, lahat ng 'yon... peke?" tanong ko at hinawakan ang ulo ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

Una, nakita ko ang pangbababoy nila ni Ariana. Pangalawa, nalaman kong may relasyon pala sila. Pangatlo, pinagpustahan lang pala nila ako? Ano pa? Baka may itinatago pa sila?

"A-Alam mo ba 'to?" Baling ko kay Ariana at tumango lang ito. Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinugod silang dalawa. Kating-kati ang kamay ko na sabunutan at saktan sila pero tinulak ako ni Troy na siyang dahilan ng pagkabagsak ko.

"Ano ba, Sol?! Dalawang buwan ng buntis si Ariana kaya tumigil kana!" Sigaw ni Troy sa 'kin. 

"A-Ano?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Ang sakit-sakit na, hindi ko na kaya. Kapag nagtagal pa siguro ako rito ay baka may malaman pa ako at daragdag lang sa sakit na nararamdaman ko. 

Pang-apat pala ay buntis si Ariana. Tsk, I bet hindi rin alam ni Yanna na buntis ang kapatid n'ya. 

Pinahid ko ang mga tumutulong luha sa pisngi ko at pinilit pakalmahin ang sarili. Tumayo ako at pinagmasdan silang dalawa. As long as I want to kick their assess off, hindi ko na ginawa dahil it's not worthy of my time, It'll just waste my energy for confronting them.

"Happy Anniversary, Troy!" I greeted him with a forced smile while my eyes are still tearing up. "Congrats ha, gulat na gulat talaga ako sa surprise mo! Sana masaya ka sa ginawa n'yong pangbababoy sa harap ko." dagdag ko pa at tumawa ng nakakaloka. 

Sa tingin ko ay mababaliw na ako dahil sa mga nalalaman ko, idagdag mo pa 'yong sakit na nararamdaman ko.

"I guess this is a goodbye, 'no?" malungkot na tanong ko at tumalikod sa kanilang dalawa. Ngunit tila hindi ako makakapayag na aalis lang ako ng ganito, aalis ng mahina, tinanggap ang pagkatalo at dala-dala ang sakit na dulot ng pagmamahal ko.

Huminto ako saglit at hinarap ulit sila. "Oh, silly me! May nakalimutan akong sabihin," sambit ko at umaktong nagulat. Nginitian ko pa silang dalawa bago nagsalita ulit. "Dahil nagawa niyo na ang gusto n'yo na saktan ako, ito lang ang mga masasabi ko..." Bumuntong-hininga pa muna ako bago ituloy ang gusto kong sabihin. Tinitigan ko sila ng matalim na sinisiguro kong guguhit at babakas ang takot sa mga mukha nila.

"I don't want to see your faces, never again... because if I'll bumped to both of you or see you then, I will make you pay for what both of you did to me. I promised, karma will find both of you and it'll both destroy you, just like how you destroyed me. Nagtagumpay kayong saktan ako, pero magtatagumpay din ako para pabagsakin kayo, not now but soon!" saad ko. 

Inilipat ko kay Troy ang tingin ko at nginitian siya ng matamis. "Oops, muntik ko ng makalimutang sabihin sa 'yo, Troy. Magsimula kanang mag-ipon para bayaran ang kotse na kinuha ko, regalo ko para sa 'yo iyon at sa 'yo nakapangalan 'di ba? May pending pa na 1.5 million 'yon, bayaran mo mag-isa mo!" huling mga salita ko bago tuluyang umalis sa condo ni Troy. 

Balang araw, makikita ko rin silang bumagsak habang ako, nasa pinakatuktok at tumatawa. 

I'll hope worst for the both of them. Heaven above knows how much I resented them and how much I hated them.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status