Share

Chapter 5 — Part 1: Arrange Marriage

Solenn's P.O.V

"I want you to pretend as my fiancé," I told him. I saw how his forehead furrowed.

He chuckled and turned serious after. "No way! I don't want to be committed with someone."

"What?!" I exclaimed. "But the people wants me to reveal my fiancé," I said to him.

He shooked his head and leaned at his chair.

"I said no and it's your problem. No one told you to tell them that I was your fiancé," he reasoned out. Because of the irritateness that I'm feeling, I stood up and grabbed my bag and faced him proud and tall.

"Then, wala na akong choice kung hindi magpatawag ng press conference at sabihin sa kanila ang totoo. Okay lang naman sa 'yo iyon 'di ba?" I asked him and I saw how his adams apple moved. He must not expecting it from me to say. "Well, I gotta go then. Bye!" I gave him a sweet smile before leaving his office.

Argh! I thought mapapapayag ko na siya but, no. That guy is getting in my nerves! Who the hell is he to say no to me? Nakakainis siya!

"Ngayon nga lang ako nakiusap sa ibang tao tapos—tapos... Argh!" galit na bulong ko sa sarili.

I saw Chase's secretary looking at me so I raised a brow but immediately left her. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makaalis ako ng building. Agad naman akong pumasok sa van na kanina pa naghihintay sa 'kin.

"How was it? Napapayag mo ba siya?" tanong sa 'kin ni Cara at umiling lang ako.

"Sayang, pero huwag kang mag-alala, maayos din natin lahat ng 'to," pagkukumbinsi n'ya.

I can't believe that the career that I've been taking care for half of my life will vanished just because of this scandal. Hindi rin naman ako makakapayag 'no. I was known for being a brave woman and not for being vulnerable. Kailangan makahanap ako ng paraan para tumigil na ang lahat ng 'to at nang hindi mawala ng tuluyan sa 'kin ang lahat.

"Oh, by the way Solenn, nabura na lahat ng video mo except for this one," she handed me her cellphone and I saw the video was locked but it can be played. "We can't hack his account and delete it but we're now searching for the owner of that video. Kapag nahanap na natin siya ay p'wede natin siyang kasuhan ng kaso."

I thanked her and the other staffs too. Kahit gaano ay napakalma ako at nabawasan ang galit sa dibdib ko nang marinig ang mga sinabi ni Cara.

"Hi, Chloe! Welcome to the Philippines, it's been a long time since I last interviewed you,"

Agad akong napalingon sa likod ko at nakitang nanonood ng interview si Diana.

Speaking of Chloe, she was a bit weird that night when we met each other. We've fought before yet she always stick to me at the bar. Wala naman akong maalala na n*****i kami—

"Oh my god!"

I covered my mouth from shock.

"What's wrong, Solenn?" pag-aalalang tanong ni Cara.

"Cara?" pagtawag ko sa kan'ya.

"What?" tanong n'ya.

"I remember it now," sambit ko habang nasa bibig pa rin ang kamay.

"Remember, what?"

"Chloe did something in my drink! It's so strange that she always stick to me that night when we fought in the past and didn't have the chance to settle it. 'Yon pala ay may nilagay siya na something maybe a drug in my drink so that I'll be out of my mind and won't remember anything." Napakuyom ako ng kamao dahil sa galit. "That freak! I remember it now. She was getting something from her pocket when she was preparing for our drink!"

"Kahit ngayon ay isip bata pa rin siya. Hindi pa ba siya nakakaget-over do'n sa away namin dati? Siya rin naman nagsimula no'n and besides, mga bata pa kami no'ng mangyari iyon," I ranted about Chloe to her. Cara and the others couldn't believed it.

"Is that true?" pagsisigurado pa ni Cara at tumango lang ako. "Then, we will find a proof that she really did it to you so that the blame will be on her."

"Pero baka malabo na rin, Cara. I know she planned everything well. Pero may malakas na kutob ako that the owner of that video who spread it is affiliated with Chloe, kapag nangyari na mahanap natin siya at mapaamin... tiyak magiging sagot 'yon para mapahupa natin ang scandal ko," suhestyon ko.

Mabuti na lang at pinagpala ako ng katalinuhan. Chloe wouldn't move and won't do something like drugging me if she didn't plan everything. Well, sisiguraduhin kong hindi s'ya magtatagumpay sa mga plano n'ya.

She's really determined to destroy me. Bakit nga ba? Because I'm better than her. She was jealous because people always compare her to me and people always compliments me and she will always receive insults, judgements, and hate.

We became friends when both of us met in the audition room. We were just kids that time and never think of competing each other not until people started to praise me and was known by many. She acted childish, she ended our friendship and started to hate me. Now I know how people really act if they hate or envy someone... They become crazy.

Third Person's P.O.V

"This is ridiculous," sambit ng isang babae habang malakas na tumatawa. "They even made a lie to cover her issue up."

"Solenn... Solenn... Solenn," Napasandal siya sa kan'yang swivel chair habang may paulit-ulit na binabanggit na pangalan. "Ang dating hinahangaan ng mga tao, pinandidirihan na ngayon ng lahat." Napuno ng tawa ang loob ng kwarto at nahinto lamang ito nang may pumasok sa loob, dala-dala ang tablet nito at tila may tinatagong tatlong rosas sa likod nito.

"Chloe, may masamang balita. You need to know this," ani ng isang lalaki na kakapasok lamang ng kwarto. Matangkad ito, maamo ang mukha at may laman ang katawan, halata ring nag-g-gym ito dahil bakat ang magandang hubog ng katawan nito sa kan'yang suot nitong puting damit.

"Kung nandito ka lang para pasamain ang loob ko Ian, p'wede ba, umalis ka na? Ang saya-saya ng araw ko tapos bu-buwisitin mo 'ko?" iritang tanong nito at sinamaan ng tingin ang lalaki.

"But... this is really important," pagpupumilit pa nito. Sa huli ay wala ring nagawa ang babaeng nagngangalang Chloe kung hindi ay makinig. Gustong-gusto n'ya talaga malaman kung anong sasabihin ng lalaki kanina pa ngunit pinapangunahan siya ng kan'yang takot. Takot, na malamang baka mabigo na naman ito sa kan'yang plano... kaya gano'n na lang ang pagtataboy nito kanina.

Inabot naman kaagad ni Ian ang dala-dala nitong tablet kay Chloe nang pahintulutan siya nito. "Nabura na lahat ng copy no'ng video sa lahat ng social media sites except iyong sa 'kin. The worst is... they're trying to hack my account and they're also trying to track me at baka kapag nalaman nila na ako 'yon, posibleng madawit ang pangalan mo." pagpapaliwanag ni Ian kay Chloe. Napakuyom ng kamao si Chloe at base sa mukha nito, magkahalong galit at takot ang nararamdaman nito ngayon.

Sinabunutan nito ang sarili at napasigaw sa galit. "This can't be!" Tumayo pa ito at hinarap ang lalaki. "Wala ka talagang silbi kahit kailan, Ian! You failed me! I thought maasahan kita pero anong nangyari? Mas lalo mo akong pinahamak! Leave! Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo simula ngayon. Magpakalayo-layo ka kung saan hindi ka nila makikita!" utos niya at kitang-kita ang panginginig ng mga labi niya habang binibigkas ang sinabi nito.

Hinablot nito ang kan'yang bag at tila may hinahanap sa loob nito. "Here. Lumayo ka na rito, pumunta ka kahit saan mo gusto, sa province or kahit overseas, wala akong pakealam kung saan basta makalayo ka lang! Kung maubos man 'yan, tawagan mo lang ang manager ko, siya na ang bahala na magbigay sa 'yo," Inabot nito ang pera kay Ian ngunit hindi ito tinanggap ng lalaki bagkus ay nalungkot ito sa kan'yang narinig mula kay Chloe.

"Don't you really care about me?" isang butil ng luha ang pumatak sa pisngi ng lalaki. Lumuhod ito sa harap ng babae at hinawakan ang kamay nito.

Si Chloe naman ay kaagad na inalis ang kamay sa pagkakahawak ng lalaki sa kan'ya. "Huwag mo akong dramahan Ian, dahil hindi ako naaawa sa 'yo. Oh? Ano naman kong wala akong pakealam sa 'yo eh iyon naman talaga ang totoo. I just used you and your feelings for me to manipulate you! Isn't it obvious? Kahit kailan talaga ay tanga ka!"

Napasapo ng noo ang lalaki at mahigpit na napakapit sa rosas na dala-dala nito.

"Ano iyong lahat ng sinabi mo sa 'kin noon? 'Di ba nagtapat ka ng nararamdaman mo at sinabing mahal mo ako? Chloe, ano iyon? Pinanghawakan ko 'yon," malungkot na saad ng lalaki at tuluyan ng nagsibagsakan ang luha sa mga mata nito. Dahan-dahan itong tumayo at pinahid ang kan'yang mga luha.

"Well, of course it's a lie, Ian! Gumising ka nga! Pa'no naman ako magkakagusto sa 'yo eh hindi nga kita type at hindi naman kita ka-level. I won't lower my standard if I know myself that 'I am the standard'. Palabas lang lahat ng mga sinabi ko, me myself even wants to puke that time because of what I am saying. Hindi kita gusto at hinding-hindi mangyayari 'yon, are we clear? P'wede ba tanggapin mo na 'yong pera at umalis na?" pagpapaliwanag ni Chloe sa lalaki at pilit na pinapaalis ito.

Sa huli ay wala ring nagawa ang lalaki at umalis na lang... pero bago ito umalis ay inabot n'ya pa ang rosas kay Chloe na kanina pang nakatago sa likod n'ya at binigkas ang mga salitang, "Mahal kita, paalam na" bago umalis ng tuluyan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status