RUTHLESS HUSBAND'S REGRET

RUTHLESS HUSBAND'S REGRET

last updateHuling Na-update : 2026-10-23
By:  Yeiron JeeIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
18 Mga Ratings. 18 Rebyu
99Mga Kabanata
7.3Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Magsisi man si Amelia ay huli na. Nagsisi siya na nagpabuntis agad at naniwalang siya lang ang mahal ni Liam. Ngunit mula nang bumalik sa bansa ang pinakilala nitong kaibigan ay nagbago ang lahat sa pagitan nilang dalawa. She is eight months pregnant at napaaga ang labor pero niwan siya ng asawa sa yacht at unang dinala sa hospital si Leslie. Lahat ng pag-asa at pagmamahal sa asawa ay parang naglaho kasabay ng unti-unting paglubog ng yacht. After three years, she is back with confidence and stong personality. Buhayin niya ang guilt sa puso ni Liam at iparamdam kung ano ang pakiramdam ng pagtaksilan, hindi maging priority at ipagpalit sa iba sa tulong ni Tristan.

view more

Kabanata 1

Chapter 1-Pagbabago

"Liam, breakfast is ready!" Masiglang tawag ni Amelia sa asawa. Ilang sandali pa ay bumaba na ito sa hagdan pero abala sa kausap nito sa phone.

"Sa bahay na ako kakain at naghihintay sina mommy." Mabilis na dinampot ni Liam ang coat na naka patong sa armchair na laging inihahanda ng asawa.

"Kahit tikman mo na lang ang luto ko at maaga akong gumising upang ipaghanda ka ng almusal." Pagpumilit niya sa asawa at gusto niya itong makasalo ngayong umaga.

Salubong ang nga kilay na tumingin si Liam sa asawa. "Kung nagsasawa ka nang gampanan ang pagiging asawa mo sa akin ay sabihin mo lang at kukuha ako ng katulong."

"No!" Mabilis niyang pigil sa asawa nang tumalikod na ito "Hindi iyan ang ibig kong sabihin, love. Gusto ko lang na maka salo ka sa pagkain dahil—"

"Enough, Amelia! Alam mong nagmamadali ako at hindi maaring paghintayin si Leslie dahil kailangan pa niyang uminum ng gamot." Naiiritang angil ni Liam.

Parang may tumusok sa puso ni Amelia dahil sa mga narinig. Puro na lang si Leslie ang inaalala ng asawa at hindi iniisip ang kaniyang damdamin. Puro na lang si Leslie na ang alam niya ay hindi naman malala ang kalagayan. Naiisip ng asawa ang pagkain ni Leslie at pag inum ng gamot pero siya ay hindi na. Ni hindi na nito naisip na kumusta ang pakiramdam niya o kung ok lang ba sila ng anak niyang nasa tiyan pa niya.

Napabuntong hininga si Liam nang biglang natahimik ang asawa. Nilapitan niya ito at niyakap. "Babawi ako sa iyo kapag gumaling na si Leslie. Tandaan mo, ginagawa ko ito para rin sa iyo, okay?"

Muling sumigla ang pakiramdam ni Amelia at nakangiting tumango sa asawa. Ayun sa asawa ay ayaw nitong isipin ng ina nito na pinipigilan niya ito. Gusto ni Liam na maging maganda ang tingin sa kaniya ang ina nito upang matanggap na siya nang buo. Nawala na yata sa isip nito nang sabihin sa kaniya noon na walang ibang mahalaga sa buhay nito kundi siya. Na wala itong pakialam kung itakwil ng sariling pamilya dahil siya na umano ang mundo nito.

"I have to go at baka late na akong maka uwi mamaya." Pagkasabi niyon ay nagmamadali nang umalis si Liam.

Malungkot na sinundan ng tingin ni Amelia ang asawa na lalabas na sa p***o. Ni hindi na nito nagawang tingnan siya at halikan dahil nagmamadaling umalis. Hindi ito ang unang pagkakataon na umalis ito ng bahay at naaksaya ang effort niya sa kusina.

Mag dalawang buwan na rin mula noong bumalik mula sa ibang bansa ang best friend nito. Ngunit sa kasamaang palad ay naaksidente ang mga ito at nagkaroon ng injury sa paa ang babae. Noong una ay naiintindihan niya kung bakit kailangan ng asawa na alagaan ang babae. Kasalanan umano kasi nito kaya naaksidente ang mga ito. Pero parang kalabisan na ngayon ang gusto ni Leslie at kinukuha ang lahat ng free time ni Liam.

Napabuntong hininga si Amelia at napa upo sa harap ng hapag kainan saka hinaplos ang maumbok na tiyan. May isang taon na silang kasal ng binata at naging masaya naman sila kahit hindi siya tanggap ng pamilya nito. Langit kasi si Liam at lupa siya. Gayon pa man ay alam niyang tunay siyang mahal ng asawa. Hindi siya nito pinilit na tumira sa mansion ng mga ito dahil natatakot din itong apihin ng ina nito saka kapatid.

"Baby, huwag kang malungkot at mahal pa rin tayo ng daddy!" kausap ni Ameila sa anak na nasa sinapupunan pa habang hinahaplos ang tiyan.

Walong buwan na siyang buntis at excited nang masilayan ang anak pag labas nito. Pero natigilan siya at naitanong sa sarili kung excited pa rin ba si Liam na makita ang anak nila? Maging ang pagbubuntis niya kasi ay hindi na rin naaalala ng asawa. Minsan ay hindi pa ito umuuwi at doon sa bahay ng mga ito natutulog umamo. Alam niyang sa bahay ng mga ito naka stay si Leslie kaya hindi niya maiwasang mag selos.

"Sure ka na magkaibigan lang sila? Alalahanin mo na sila ang itinatakdang ikasal ng kanilang parents noon." Bulong ng kontrabidang isipan ni Amelia sa sarili.

Malungkot na napabuntong hininga si Amelia. Hindi niya alam kung dapat pa rin ba niyang intindihin ang asawa at paniwalaan ang mga dahilan nito kung bakit kailangan nitong alagaan si Leslie.

"Mahal ako ni Liam at hindi niya ako pakakasalan kung may iba siyang mahal." Kausap pa rin niya sa sarili at pilit na itinatanim sa isipan na walang mali sa pagsasama nila ngayon ng asawa. Naniniwala siya na trial lamang ito sa pagsasam nila bilang mag asawa.

Pinilit niyang kumain kahit walang gana dahil kailangan ng anak niya ng tamang nutrisyon. Tama lang na tapos na siyang maglinis sa kusina nang makatanggap siya ng message mula kay Danica, ang kapatid ni Liam.

"Did you see this photos? She is my brother's true love and not you."

Naluluha na pinakatitigan ni Amelia ang larawan na pinadala sa kaniya ni Danica. Ang larawan ay kuha sa hapag kanina. Sinusubuan ni Liam si Leslie. Ang ikalawang video ay buhat ni Liam ang babae at isinakay sa wheelchair.

"No, hindi totoo ang sinabi niya. Binubuhat ni Liam si Leslie dahil may injury ang isang paa." Kausap ni Amelia sa sarili at ayaw paniwalaan ang sinabi ni Danica.

"May injury din ba ang kamay niya kaya sinusubuan ng asawa mo?" tanong ng kontrabidang isipan ni Amelia sa sarili.

Pakiramdam ni Amelia ay biglang pumait ang panlasa niya. Ang bitter ng pakiramdam niya dahil sa selos. Nakakaselos naman talaga dahil never siya nasubuan ni Liam kahit noong may sakit siya.

Kinastigo ni Amelia ang sarili at hindi na niya alam kung ano ba talaga ang dapat isipin sa asawa at kaibigan nito. Ilang sandali pa ay namalayan na lang niyang tumutulo na ang luha niya. Mabilis niyang pinunasan ang pisnging nabasa ng luha saka ibinaba na ang phone.

"Hindi mo dapat pinapansin ang message ni Danica. Alalahanin mo na ayaw niya sa iyo kaya lahat ay gagawin niya upang magkasira kayo ni Liam." Pang aalo ni Amelia sa sariling isipan.

Tumayo siya ng tuwid at ngumiti. Hindi siya dapat magpaka stress dahil makakaapikto sa anak niya. Tinawagan niya di Liam at bigla niya itong na miss. Ang saya niya at ang bilis nitong nasagot iyon kahit na kasama nito si Leslie. Nitong mga nakaraan kasi ay hindi sinasagot ang tawag niya kapag kasama nito si Leslie. "Babe—" hindi niya natapos ang nais sabihin at biglang nag salita ang binata.

"E ready mo ang isang silid diyan dahil pansamantala na diyan sa atin titira si Leslie." Utos ni Liam sa asawa.

Hindi agad nakasagot si Amelia sa asawa at parang may bumara sa lalamunan niya at sumakit din ang dibdib niya. Ito na ba ang sign na si Leslie na ang mahal ng asawa at hindi siya?

"Within one hour ay nariyan na kami. Ihatid ko siya bago pumasok sa opisina." Dugtong pa ni Liam bago pinutol ang tawag.

Pakiramdam ni Amelia ay tau-tauhan siya sa pamamahay ng asawa. Hindi manlang siya tinanong muna kung ok lang ba sa kaniya. Hindi rin hinintay ang sagot niya bago ibinaba ang tawag.

"Ano ang nangyari? Bakit dito titira ang babaing iyon?" naitanong niya sa sarili pero kusa rin humakbang ang mga paa paakyat sa hagdan.

"No, hindi ako dapat mag isip ng hindi maganda. Tiyak na may dahilan ang asawa ko at nagpapaliwanag siya mamaya." Pilit siyang ngumiti sa sarili saka nag pasyang ayusin ang guest room. Tatlo ang silid sa bahay nila at ang pinaka malaki ay room nilang mag asawa.

Nagmamadaling pinalitan niya ang cover ng kama saka unan. Pinunasan niya rin ang ilan sa gamit na naroon lalo na ang salamin. Hindi naman ganoon kalaki ang room saka walang gaanong gamit kaya madaling linisin. Pero napagod pa rin siya dahil buntis. Binuksan na rin niya ang aircon saka nag spray ng para sa room na pabango upang walang masabi ang bisita nila. Hindi pa siya nakapag bihis o linis ng katawan ay dumating na sina Liam. Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan upang salubungin ang asawa na tulak ang wheelchair kung saan naka upo si Leslie.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


RebyuMore

Ańàp>Śè
Ańàp>Śè
highly recommended
2026-10-14 00:18:53
1
0
Agusto Trese
Agusto Trese
more update Po author.........
2026-09-30 18:13:44
1
0
Shie Zhie
Shie Zhie
nice story
2026-09-30 03:56:55
1
0
Marylou S. Fernando
Marylou S. Fernando
umpisa pa lang gigil mo ko Liam hmp
2026-09-29 23:02:52
1
0
Joemarie Torillos
Joemarie Torillos
ai maganda tlga ang kwentong 2...️
2026-09-29 22:13:48
1
0
99 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status