Share

Chapter 3

Author: J. A. Cuñado
last update Last Updated: 2022-03-14 17:08:50

PARANG sinabuyan nang malamig na tubig si Claire nang marinig niya ang mga kataga ni Carlos. Nanlaki ang kanyang mga mata at dali-dali siyang napalapit sa binatilyo. “Ano? Bakit, Carlos? Anong nangyari?”

Kahit na si Carol na nagbubunyi dahil sa natamo nitong kaalaman sa salitang English ay biglang nabahala at napawi ang ngiti sa labi.

“Abala lang po kami sa paggawa ng araling bahay nang bigla na lang po mawalan ng malay si Sherry, Ate Claire,” pagbibigay-alam ni Carlos para tumalima na si Claire patungo sa silid ni Sherry.

Doon ay agad niyang niyukod si Sherry at binuhat. Tiningnan niya si Carol na halatang natataranta at hinudyatan ito. “Tumawag ka ng ambulansya...” Nang hindi pa rin kumilos si Carol marahil sa pagkabigla ay hindi niya na naiwasan ang pagtaas ng boses. “Carol, ngayon na!”

Napatuwid si Carol sa kinatatayuan at natatarantang dinukot ang cell phone nito sa bulsa. Lumuluha na dumayal sa emergency number at mahigit-kumulang na sampung minuto bago dumating ang ambulansya. Iniwan niya ang mga nag-aalalang bata sa pangangalaga ni Carol at isinama si Carlos.

“Sherry, gumising ka naman, oh...” nag-aalala na wika Carlos, hindi na napigilan ang paghikbi habang salat nito ang kamay ni Sherry.

Pinalis ni Claire ang luha at tinapik si Carlos sa balikat. “Huwag ka mag-aalala, Carlos. Gigising siya. Gigising si Sherry.”

Malamlam na tumingin si Carlos sa kanya at mas lalong napaluha. “Kasalanan ko po ito. Alam ko naman pong may dinadamdam si Sherry pero hindi ko po sinabi sa inyo. Iyon po kasi ang kagustuhan ni Sherry dahil tiyak na mag-aalala kayo at iyon po ang pinaka-ayaw niya.”

Lumuluha na tumingin siya kay Sherry pagkatapos ay umiling kay Carlos. “Hindi, Carlos. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Naiintindihan ko ang layunin mo. Pero, natitiyak ko na malakas na bata si Sherry at kanyang-kaya niya na lampasan ang problemang ito. Hindi ko hahayaan na mawala sa atin si Sherry.”

Tumango si Carlos at inihilig ang ulo sa kanyang balikat. Hinagod niya ang likod ni Carlos upang pakalmahin ito at palihim na nagdasal. Katulad niya ay nag-aalala rin si Carlos. Hindi niya na muna inisip ang gagastusin para sa pagpapa-ospital kay Sherry dahil mas importante ang kalusugan ng bata sa kanya kaysa sa pera.

Bandang alas-otso nang makarating sila sa ospital. Matiyaga silang naghintay sa resulta at natuklasan matapos ang pagsusuri na mayroong itong Cystic Fibrosis. Ang bata na si Sherry na palagi nakangiti ay mayroong tinatagong malubhang sakit at kung hindi maagapan ay maari itong bawian ng buhay. Nakuha daw nito ang sakit mula sa pamilya at dinadala na ng halos dalawamg buwan. Dahil sa sakit nito ay kailangan ni Sherry na mamalagi sa ospital dahil sa treatment at mga iilang surgery kundi ay manganganib ang buhay ni Sherry. At iyon ay isang hindi niya kayang masaksihan. Kahit may problema sa pera ay hindi nag-alangan si Claire na ipanatili si Sherry sa ospital para kalagayan nito.

Tumingin si Claire sa kanyang singsing at napaluha. Maaring makakuha si Claire ng pera sa pagsangla ng kanyang singsing ngunit hindi ito magiging sapat. Knowing how expensive treatment and surgery, it won't be enough... leaving her with no other choice but to consider Leon's proposal.

Magdamag siya na nag-isip tungkol sa. At kahit anong maisip niyang paraan para mabayaran ang bayarin para sa pampapa-ospital kay Sherry ay sa isang paraan lamang si bumabagsak, kay Leon. Hindi niya malamang ang dapat na maramdaman. Inis dahil wala siyang magawa at tuwa dahil kahit papaano ay mayroon siyang opsyon. At hindi niya ikakaila na suwerte pa rin siya sa benipisyo na iyon. Hindi lamang ito makakatulong kay Sherry kundi sa buong bahay-ampunan.

Tiningnan niya si Sherry at napapikit. Hindi niya makakaya na mawala ito sa piling niya. Ang mga batang iniwan sa kanya ng mayordoma ay nasa kanyang pangangalaga at hindi niya hahayaan na may mangyari sa mga ito. She will do everything to make Sherry better. She has to. Not just because it was her responsibility but because Sherry was her family.

However, it's too early to decide if she's going to marry Leon. Ang kanyang kalayaan na mismo ang nakalaan sa desisyon na iyon. Marahil maaring makahanap pa siya ng paraan. Maaring may dumating pa sa kanyang biyaya. Maghahanap siya ng trabaho. Isa sa umaga at ida sa gabi. Dodoblehin niya ang pagsisikap. Kapag may buhay ay magpag-asa, iyon ang lagi niyang pinapaalala sa sarili. Kaya naman hanggan't maari ay hindi muna siya magpapadalos-dalos at kailanamn pag-iisiapn niya na muna nang maigi ang mga posibilidad at maaring negatibong maidudulot ng pagpapakasal.

Umaga na nang makatulog si Claire dahil sa Carlos na ang nag-alo na magbabantay kay Sherry. Dahil sa sobrang pagod niya mula sa trabaho at sa mga pangyayari ay napahaba ang kanyang tulog at nagising ng hapon. She was staring at the sleeping Sherry when she started coughing non-stop. Wala itong tigil sa pag-ubo at naririnig niya kung gaano karahat ang bawat ubo ma ginagawa nito. That made her and Carlos panick and called for a doctor. Matapos maagapan ay pinabatid ng mga ito na kailangan ni Sherry ng surgery.

“I'm sorry but if we won't do it, we will lose Sherry...” dugtong ng doctor para magbigay sa kanya ng mas matinding pagkabahala.

Pakiramdam ni Claire ay masusuka siya sa kaba. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya napasabunot na lamang siya buhok at napaluha. Nasapo niya ang dibdib bago tumango-tango sa doctor.

“Do it, Doc. Do everything you can to save Sherry...” wika ni Claire.

Tumalima ang doktor at sinunod ang kanyang desisyon. Nang makita niyang nakatingin si Carlos sa kanya ay nginitian niya ito.

“Everything's going to be all right, Carlo...” pagtitiyak niya dito.

“But...”

“Ayos lang, Carlos,” pagputol niya dito sabay ngiti. “Magagawan ko iyon nang paraan. Hindi puwedeng mawala sa atin si Sherry. Pinangakuan ko siya ng matiwasay na kinabukasan. At kung ganoon din ang mangyari sa iyo ay hindi ako magdadalawang-isip na gawin din ang lahat ng ito. Pamilya ko kayo, Carlos, at bilang isang nakakatandang kapatid ninyo tunkulin ko na gawin ang lahat para sa inyong ikabubuti.”

Nakita niya ang pamumuo ng luha ni Carlos bago hinayaan na pagbagsakin mula sa mga mata. Humihikbi na niyakap siya ni Carlos nang mahigipit. “Maring salamat po, Ate. Hindi man kami sinuwerte sa pagkakaroon ng magulang, ngunit ibinigay naman po kayo ng Diyos sa amin.”

Dahil doon ay tuluyang napaluha si Claire. Batid niya ang pakiramdam ng mga batang. Lumaki rin siyang walang magulang at alam niya ang hirap sa ganoong sitwasyon. Ngunit, ipinapangako niya na habang nabubuhay siya ay may kaagapay ang mga ito. Na kahit wala itong mga naging magulang ay mayroon itong matatawag na pamilya. Pamilya na katulad niya at si Carol. Iyon ang layunin kung bakit siya ang pinili na pagbilinan ng mayordoma ng bahay-ampunan at hindi niya sasayangin ang tiwala nito. Kung nagawa ng pinakamamahal nilang mayordoma na palakihin sila nang maayos ay tiyak na magagawa niya rin iyon.

Pero kahit na gusto niya maging positibo sa lahat ng bagay-bagay, hindi niya pa rin maiwasan na mag-isio at mag-aalala. Oo, malakas ang kutob niya na magagawan niya ito ng paraan. Ang hindi niya alam ay kung hanggang kailan niya kaya. Tao rin siya at may kahinaan. The least thing she do is to act strong when she's honestly terrified. Natatakot siya na mawala si Sherry at hindi niya magampanan ang kanyang pangako sa lahat.

“May kailangan akong puntahan, Carlos. Pero bago no'n ay papapuntahin ko dito si Carol para magbantay kasama mo bago ako umalis,” pagbibigay-alam niya sa binatilyo.

Tumango si Carlos bilang pagsang-ayon. Ilang minuto ay dumating na rin si Carol na halatang nag-aalala dahil sa kasalukuyang pinagdaanan ni Sherry.

“Ano na ang gagawin natin? Hindi na puwedeng nasa bahay lang ako, Carol. Kailangan ko din magtrabaho para sa gastusin ni Sherry,” wika ni Carol at nag-aalala na tumingin sa kanya.

“I already have a plan, Carol. This way I can sustain Sherry's health needs and the orphanage,” sagot niya para matigilan si Sherry at kumunot ang noo.

“Anong plano mo?” tanong nito.

“Papakasalan ko si Leon,” sagot niya para manlaki ang mga mata nito sa sobrang pagkagulat at pagkalito.

“Leon?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Sinong Leon?”

Humugot nang malalim na paghinga si Claire. “Hindi ko pa kayang maikuwento sa iyo kasi kailangan ko ng umalis, Carol. Paalam na. Ikaw muna ang tumingin kay Sherry at sa mga bata. Babalik agad ako.”

Hindi na hinintay ni Claire ang tugon ni Carol dahil alam niyang tututol ito sa kanyang plano. Buong araw niya itong pinag-isipan at pagpapakasal lamang ang kanyang pag-asa. Alang-alang sa pakaban ng lahat sa bahay-ampunan ay handa niyang isuko ang kanyang kalayaan.

Gamit ang natitirang pera ay tumungo si Claire sa kompanya na pag-aari ng pamilya ni Leon, ang Leon's Fashion Line. Marahil wala sa ayos ang kanyang itsura kaya hindi siya pinapasok ng mga security guard sa napakagarbong establisyamento, at pinahaba lamang ang kanyang paghihintay sa labas.Ni hindi man lang siya ng mga ito pinaupo sa sofa para maghintay.

Dahil doon ay hindi na mapigilan ni Claire ang sobrang pag-alala dahil sa magiging resulta ng surgery ni Sherry. At hindi rin nakatulong ang kanyang niyerbos sa kung anumang paparating sa kanya nang sunod-sunod ang mensahe na ipinadala ni Carol sa kanya. She didn't need to see it because she knew it was an inquire about the marrige she have mentioned.

It was still hazy for her but she have no time to waste. She needed to see Leon.

She badly needs him this time.

Napasipat si Claire sa mga security guard na nagbabantay sa entrada at naisip na pumuslit na lamang papasok. At nang makahanap ng pagkakataon ay hindi iyon sinayang ni Claire at nagdire-diretso kahit pa man maari siyang makulong sa ginagawa. Kahit delikado at hindi makatarungan ay wala na siyang ibang magagawa kundi magmatigas. Kailangan niyang makausap si Leon hanggang maaga pa dahil kapag may mangyaring masama kay Sherry ay hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.

Tila para bang umayon ang tadhana sa kanyang ginawa nang marating ang top floor—kung saan hula niya lamang na doon ang opisina ni Leon—na hindi siya nabibisto. Iyon ang mga nababasa niya sa mga nobela kaya nagbakasakali siya at sumunod na rin ayon sa simbuyo. At hindi siya binigo ng sarili nang makita si Leon na kakalabas lamang nito sa malawak na opisina bago pa man siya kumatok.

“Claire?” tanong ni Leon, halatang napantastikuhan sa kanyang biglang pagdating.

Hinihingal na napahawak siya sa braso nito at desidido na napatango-tango. “I agree, Mr. Leon. I will marry you.”

HINDI magawa ni Leon na magalak sa pagsang-ayon ni Claire sa kanyang proposisyon na pagpapakasal gayong halatang may pinagdadaanan si Claire sa kasalukuyan. Obviously, Claire was in a hard situation. He could see it in her face that she is restless and without a choice. Kahit hindi niya pa tuluyang kilala si Claire bilang tao ay alam niyang may dahilan ito, na hindi ito katulad ng ibang babaeng nakilala niya para lamang sumang-ayon sa isang kasal.

“Okay,” sagot niya at inalalayan ito. Hindi niya na naiwasan na mag-aalala.

Claire looked like she didn't get enough sleep and she was sweating so bad. She’s so fragile that if anytime she would pass out, he wouldn't get shock because given the fact how vulnerable she is at the moment. Kung iba itong tao ay tiyak na pinagtabuyan niya na ito at pinalabas sa mismong establisyamento ng kanyang pag-aari, at sa hindi niya alama na kadahilanan ay imbes na gawin iyon kay Claire ay kabaliktaran ang kanyang ginawa.

Pinangko niya ito at ipinasok sa opisina. Laking pasalamat niya ng agad itong kumapit sa kanyang balikat at gulat na tumingin sa kanya bilang pagsisiyasat.

“Calm down,” marahang wika niya kay Claire para mas lalong matigilan ito at napantastikuhan sa kanyang ginawa.

Claire stiffened for a second before looking straight at him. “Y-You don't have to carry me. You could have motioned me to come in.”

Tumingin siya kay Claire at hindi niya na naiwasan ang mahinang pagtawa. Hindi niya inakala na may kakayahan pala itong pamulahan ng pisngi. Now that he can see her up close, he noticed that he has a very fair skin with two moles right under her lips. Bagay na bagay ang balat nito sa umaalon nitong itim na buhok at sa hugis almenderas nitong mga mata. Although Claire's hair was disheveled at the moment and she looked unstyled, he still appreciates how perfect her features to her personality.

She was indeed a determined and diligent person, a perfect quality that is good for a pretend wife to pull such a scheme for his own fortune. She was the only woman who prove to him how good she is for the job.

Ibinaba niya ito sa sofa nang bahagya ng kumalma at inilapit ang mukha dito habang nakangisi. “So, Ms. Claire Rivera, you agree to be my wife, huh?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marrying The Perfectionist Heir   Chapter 30

    “Can't we go any faster, Butler Lem?” tanong ni Leon habang nakatingin sa relong pambisig. “I really need for us to sprint to go home.”“This is the average speed that your mother has required me to use, Young Master. Forgive me but I cannot grant your wish this time,” wika nito at patuloy na nagmaneho sa madalang lamang na takbo.“But Claire...” nag-aalalang wika ni Leon, hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. “She's... she's—”“Are you worried about your wife, Young Master?” sansala na tanong ng butler habang pahapyaw na sumipat sa rear mirror.“Yes, I am worried about my wife,” diretsahang sagot ni Leon habang nanguyakoy ang kanyang tuhod.When his butler grinned from the mirror, that's when he realized what he said. So, he looked away, fixed his hair on one side before clearing his throat to regain his composure.“I am worried, yes. But not in

  • Marrying The Perfectionist Heir   Chapter 29

    “OF COURSE, you can!” Pilit na natawa si Claire para mapantastikuhan si Isabella sa kinatatayuan sa kanyang inakto. Nang tumikwas ang kilay nito ay pinagbuksan niya ito ng pinto.“Come in,” wika niya at sinikap na huwag ipahayag ang kaba.Nilampasan siya ni Isabella at nanatili siyang nakatalikod dito, nagdasal na sana ay walang mangyaring masama sa kanya o wala siyang masabi na kung ano para paghinalaan nito ang relasyon niya kay Leon. Hinanda niya ang matamis na ngiti bago hinarap si Isabella na ngayom ay seryoso na nakatitig sa kanya.“Oh, spare me with that smile. No matter how much you and Leon hides it, I know that you're just pretending,” wika nito para kumunot ang kanyang noo.

  • Marrying The Perfectionist Heir   Chapter 28

    “SHE’S avoiding me,” pag-uulit ni Leon habang pinapaikot-ikot niya ang ball pen sa pagitan ng kanyang mga daliri. Nang hindi nakinig si Klaus ay binato niya ito ng binilog niyang maliit na papel. “Can't you hear me? I said she's avoiding me.”“You've been saying that for seven days now, what do you expect me to react?” sarkastiko na tanong ni Klaus sabay walang gana na humarap sa kanya. “You know what, if she's avoiding you, so what? Who gives a fuck? That's what you wanted, right? Why don't you just get the hell on with it just like you always do? Claire is not that special, isn't she?”Seryoso na napatitig siya dito nang sandali bago naningkit ang kanyang mga mata. “I know what you're doing. You are using the reverse pychology to me. You are smart, Klaus. But I am

  • Marrying The Perfectionist Heir   Chapter 27

    NAGBAWI ng tingin si Claire nang sandaling magtama ang kanilang mga mata ni Leon. Mas isiniksik niya ang sarili kay Carol habang hinihintay nila ang yate na kanilang gagamitin para sa lakad sa araw na iyon. Kasalukuyan silang nakatayo sa boat ramp at simula nang dumating si Carol ay hindi siya humiwalay dito. As for her fight with Leon, she prefer to receive cold treatment from him rather than to be close to each other and with invalidated feelings.Nang huminto ang engrandeng yate sa tapat nila ni Carol ay sabay silang napahanga. Nalaglag ang kanilang panga at nanatili lamang silang nakatayo at nakatanaw sa mamahalin na yate. Sabay silang nagkatinginan ni Carol at nag-usap gamit ang mga mata. Kung kina Leon at Klaus ay ordinary bagay lang iyon, sa kanila ni Carol ay napalaking bagay na makasakay sila sa isang yate na tanging nakikita lamang nila sa pelikula.

  • Marrying The Perfectionist Heir   Chapter 26

    WALANG ingay na maririnig mula sa kanilang dalawa kundi ang tunog ng kanilang mahinang pagnguya at ang ingay ng plato sa tuwing sumasalimbay ang kubyertos sa pagitan ng kanilang pagkain. Sabay nilang inlapag ang kubyertos at nagkatinginan sa isa’t isa. Si Claire ang unang nagbawi ng tingin at itinuon ang atensyon sa tabing-dagat.Nanatili siyang nakatitig sa magandang tanawin hanggang sa narinig niya ang pagtikhim ni Leon. Nakuha nito ang kanyang atensyon kaya napatingin siya dito.“I’m sorry about last night,” wika nito para pilit siyang mapangiti.“No, Leon, you don't have to. You’re right about keeping my reputation unsullied. Forgive me about that, rest assured that you're family name remains clean,” wika ni Claire para mag-igtingan ang panga ni Leon.Nagbawi siya ng tingin at muling tumitig sa magandang tanawin kahit pa man tumatak sa kanyang isipan kung gaano umigting ang panga ni Leon. Sa mga oras na iyon ay nakita niya ang pagkabahala sa mata nito ngunit hind

  • Marrying The Perfectionist Heir   Chapter 25

    NAGPATUMBA si Claire sa kama at napatakip ng mukha. Her mind is fuzzy, she couldn't breathe properly, and she couldn't think of something else besides Leon's intense long stare and his scorching touch.What is she doing? Why did she make that inappropriate sound? Hell, she never even thought that she was capable of moaning because of someone's touch. Is that her fault though? Pinipigilan niya na huwag magpakita ng kung anong kaluguran sa kanilang ginagawa sa mga oras na iyon. She was on top of him with an erratic heart. It was normal for her to get anxious since it was her first time. However, she knew that Leon was supposed to grip her waist but what she didn't anticipate is how hard it is as if he was longing for something to happen.It can't help but arouse her. His touch didn't help her to stay still but did the opposite instead. Hindi niya na napagilan ang biglang pag-ungol at magulat sa ginawa nito. Parang nililiyaban ang kanyang katawan sa oras na iyon... kahit hang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status