Share

Kabanata 141

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-04-23 22:18:52

Muli na namang natawa si Carlito. "Pinagloloko mo ba kami? Magkano ang bili mo nito sa tiangge? Nasaan ba ang resibo nitong regalo na nabili mo para magkaalaman tayo? Ilabas mo na..."

Nakaramdam ng inis si Drake dahil sa nakaririnding boses ng lalaking kaharap niya. Kung nandito lang si Owen, sigurado siyang mahahalata agad ng lalaki na bad mood na siya. At kapag nasa ganung emosyon siya, hindi siya mangingiming parusahan ang sinumang dahilan ng pagkayamot niya.

Nang makita ni Carlito na natahimik ang asawa ni Graciella, inaakala niyang nahihiya na ito kaya't hindi niya mapigilan ang sarili na matuwa at dinagdagan pa ang pang-iinsulto niya.

"Narinig kong isang driver kalang. Well, wala namang masama sa pagiging driver. Paano nalang kaming mga mayayaman kung wala kayo, hindi ba?" Natatawa nitong sambit.

"But a piece of advice boy, umayos-ayos ka naman at huwag mong pinagloloko ang mga tao dito. Kung wala kang pera, walang masama kung aamin ka. Katunayan, pwede kang lumapit sakin. May
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
yabang m carlito
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 297

    "And so? What will you do? Kill me? Make my business suffer like what you usually do with your enemies?" Kaswal na tinanggal ni Oliver ang suot niyang salamin kasabay ng pag-angat ng sulok ng kanyang labi. "And for your knowledge, makikialam talaga ako. Graciella is Kimberly's best friend like what you have said. Kung masasaktan si Graciella, mag-aalala ang kapatid ko. And I don't want that to happen!"Napakabait ni Graciella at hindi sila bagay ni Levine! "Alam mo ba, sinabi sakin ni Graciella kanina na wala siyang pakialam kahit na pagiging driver lang ang trabaho mo. Wala siyang pakialam kahit na mas mababa ka sa kanya basta magkasama lang kayong dalawa."Mahinang natawa si Oliver at napailing pa. "Sobrang bait mo sa paningin niya. Don't you think it's unfair on her side? Pero sabagay, wala ka mang pakialam diba? Dahil simula't sapul palang, wala ka naman talagang planong seryosohin siya dahil mahirap lang siya. Kung hindi ako nagkakamali, you saw her as nothing but a gold digger!

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 296

    Muling napatigil sa paglalakad si Drake at napatingala sa malaking portrait ng pamilyang Nagamori na nasa malaking bulwagan ng mansion. Hindi niya maipaliwanag ang kaba sa puso niya habang pinagmamasdan ang seryosong mukha ni Wilbert sa larawan.Malaki ang posibilidad na tama ang naiisip niya. Kabilang siya sa isa sa mga mayayamang pamilya hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa Asya and he knows too well how wealthy families works.Pero kahit na may ideya siya, hindi siya basta-basta nalang na pwedeng makialam sa nangyayari sa pamilya ni Grandma Hermania. At iisang bagay lang ang pwedeng gawin niya sa ngayon—ang magtanim ng dagdag na espiya sa loob ng mansion ng mga Nagamori para masiguro ang kaligtasan ng matanda mula sa sarili nitong anak!Huminga ng malalim si Drake bago siya nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa labas. Subalit ang hindi niya inaasahan, naroon parin pala si Oliver at mukhang hinihintay talaga siya. Parang trip na trip yata siya ng lalaking ito ng

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 295

    Hindi nakaligtas kay Drake ang mga mata ni Grandma Hermania na puno ng pag-aasam na malaman ang tungkol sa kanila ni Graciella. Pero ayaw niyang maging kumplikado ang sitwasyon. At ayaw niyang pangunahan ang lahat. Lalo pa't sigurado siyang may mahalagang bagay na itinatago si Graciella kagaya niya!Huminga siya bago kaswal na nagsalita. "Graciella is just a friend Grandma at kung nais mo talaga siyang makita, pwede ko siyang sabihan mamaya para makapagschedule tayo ng araw at oras."Biglang humupa ang kuryosidad sa sistema ni Hermania nang makita ang kalmadong ekspresyon ni Levine. Siguro masyado lang siyang nag-iisip ng kung anu-ano. Pero sa kabilang banda, nais niya talagang makita si Graciella kaya't tumango siya."Okay. Sabihin mo sa kanya na nais ko siyang makilala."Napaismid naman si Oliver.Friend?Really?Ang galing talaga ng Levine na ito!Kahit sa harapan ng matanda nakukuha pang magsinungaling! Ang kapal ng apog!Kanina pa naghahanap ng butas si Oliver para tuluyang amini

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 294

    "Sobrang liit pala ng mundo ano?" Natutuwang sambit ni Grandma Hermania nang maikwento ni Oliver na kilala nito si Graciella."Sinabi mo pa, Grandma. And she wasn't just beauty and skills. She also has a good heart," dagdag pa ni Oliver saka nginisihan si Levine na ngayon ay tahimik lang na nakikinig sa palitan nila ng salita ng ginang na Nagamori."Gusto kong makita at makilala ang babaeng iyon, Oliver," nagniningning ang mga matang sambit ni Grandma Hermania.Nakita ni Drake naas sumigla pa ang mukha ng ginang nang mapag-usapan nila ang asawa niya. Akmang sasagot siya bilang pagpayag subalit agad siyang inunahan ni Oliver."Don't worry Grandma Hermania. Ipapakilala kita sa kanya sa susunod. Sigurado akong magkakasundo kayo."Naningkit ang mga mata ni Drake sa narinig. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito? At bakit ito ang nagpresinta na ipakilala si Graciella kay Grandma Hermania gayong siya naman ang asawa ng babae?Sinamantala naman ni Oliver ang pagkakataon para mas lalo pang umuso

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 293

    Napangiti naman si Grandma Hermania sa narinig. Hindi man angkop ang sasakyan sa personalidad ni Levine ay natutuwa parin siya. "Hindi na. Si Levine na ang namamahala sa buong Dynamic kaya malamang sobrang abala siya."Mariin nang umiling si Oliver. "Naku Grandma, hindi po busy si Levine ngayon. Patambay-tambay lang nga yan eh. Alam mo bang hobby na ni Levine ang pagmamaneho ngayon? Yan na nga ang bagong trabaho niya eh. Pagiging driver."Puno ng panunukso ang tono ni Oliver. Kaya pang pagpasensyahan ni Drake ang isa o dalawang pangbubwisit nito sa kanya pero sumusobra na ang lalaki at hindi na niya kayang magtimpi pa kahit nasa harapan pa nila si Grandma Hermania."Oo nga no? Parang ikaw din patambay-tambay lang din. Sarado na ba ang restaurant business mo kaya marami kang libreng oras ngayon?"Tumalim ang titig ni Oliver kay Levine. Talagang ang restaurant business pa niya ang balak nitong puntiryahin gayong ayaw niya itong pag-usapan. Hindi pa naman maganda ang takbo ng negosyo niya

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 292

    "Nosy," ani Drake at saglit lang na sinulyapan si Oliver.Masyadong tipid kung magsalita si Levine. Isama mo pa ang malamig at arogante nitong tono na nakadagdag lang sa inis na nararamdaman ni Oliver sa lalaki.Dumiretso si Drake sa bungad ng mansion at hindi na muli pang tinapunan ng tingin si Oliver kahit sa gilid ng mga mata nito.Ang nakakainis lang kapag iinsultuhin mo ang isang tao ay kapag wala itong pakialam. Pakiramdam ni Oliver, para lang siyang nakipagsuntukan sa hangin. Nang makitang wala talagang pakialam si Levine ay agad itong sinundan ni Oliver subalit mabilis naman siyang hinarang ng dalawang bodyguards nito."Fúck you Levine! Baka nakakalimutan mong nasa balwarte tayo ng mga Nagamori. Wala kang karapatan na harangan ako dahil hindi naman ikaw ang pinunta ko dito!"Subalit parang walang narinig si Levine at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi naman natinag ang dalawang bodyguards na humarang sa kanya kaya't sinamaan niya ito ng tingin."Padaanin niyo ako!""Mahigpit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status