Dumating ang araw kung saan nakaschedule ang live broadcast ng Apex. Kasalukuyang naglalagay ng make-up si Beatrice sa dressing room. Sinadya niyang pumili ng isang nakakaakit na damit para sa plano niya.Kanina lang ay maaga siyang dumating at hindi pa niya nakikita si Director Lin sa buong building kaya nakahinga siya ng maluwag. Kailangan maharang niya ang lalaki bago paman ito tuluyang makapasok sa loob o tuluyan na siyang mawawalan ng pag-asa.Nang makita niyang abala ang lahat, palihim siyang bumaba ng studio at nagpunta sa parking lot. Hindi naman siya naghintay ng ganun katagal dahil dumating din naman agad ang pakay niya.Nabigla naman si Director Lin nang makitang si Beatrice ang sumalubong sa kanya. "Miss Beatrice?"Matamis na ngumiti si Beatrice. "Hello po, Direk. Hinihintay na po kayo ng broadcast team sa loob," magiliw nitong tugon at iginiya na siya papasok sa loob ng building ng Apex.Mahina namang natawa si Director Lin at napailing pa habang naglalakad sila. "Bakit n
Gulat na napatitig si Beatrice sa papalayong likuran ni Graciella. Did she say Director Lin?Alam niyang nais ng lalaki na makatrabaho si Levine. At noong nasa premiere night sila ng pelikula niya, nabanggit nito na nais siya nitong makatrabahong muli. And Director Lin is one of the most successful directors in the industry with a number of telenovelas and movies that became a hit!Ngayong hindi na siya susuportahan pa ni Levine, nanganganib na ang connection niya. Baka mamaya hindi narin siya kunin ng director!Alam naman niya ang kalakaran sa entertainment industry. Paunahan lang. At wala siyang balak na makuha ng iba ang magagandang opportunities na naroon lalo na ni Levine. Baka mamaya ibigay pa nito kay Graciella ang roles na dapat ay sa kanya.Oras na ideklara nito ang suporta kay Graciella sa public then she's probably done!Hindi!Hindi siya pwedeng mahigitan ng ninuman lalo na ni Graciella!Biglang nakaramdam ng nerbyos si Beatrice. Ni hindi ma nga niya maalala kung paano siy
"Wag kang mag-alala, alam ko kung ano ang gagawin ko. Hindi ko nakakalimutan na bantay sarado parin ako ng mga netizens sa internet. Kahit na acting lang ang lahat ng ito, I will make sure this will be effective.""Wag ka na ngang makulit. Naiinis ako dahil sa masayang pagbati ng mga tao sa akin tungkol sa kasal! Kararating ko lang sa villa ng mga Nagamori and guess what? Grandma Hermania congratulated me at sinabi pa niyang masaya siya para sakin? That was the biggest insult I have received today!That fúcking old woman just like Graciella tapos sakin ang tabang ng pakikitungo niya! Nang batiin niya ako kanina ay nanayo ang lahat ng babahibo ko sa katawan!" Galit na asik ng babae at ibinaba na ang cellphone nito.Nakita ni Graciella na puno ng poot itong napatitig sa salamin. "That old woman should've died at that time. She was so freaking annoying!" Gigil nitong asik habang kausap ang sarili.Hindi naman kalakasan ang boses ni Beatrice pero dinig na dinig niya parin ang mga pinagsasa
Hindi pa nakuntento si Graciella at inilahad sa matandang babae ang kanyang cellphone. "Look, Grandma, they are all over the internet. Ang bilis ng pangyayari. Sinong mag-aakala na kasal na pala sila."Hindi naman inaasahan ni Hermania ang nakita niya. "H—hindi ba't si Levine ang gusto ni Beatrice?" Nalilito niyang tanong.Mahina namang natawa si Graciella. "Yun din po ang akala ko."Nahawa narin si Hermania sa tawa niya. "Ano ba naman itong bibig ko. Asawa mo na nga pala si Levine," anito bago ibinaling ang tingin sa kasambahay. "Papasukin mo sila agad."Tumango naman ang kasambahay at agad na tumalima.Ilang sandali pa'y lumitaw na si Beatrice habang nakaabrisyete sa braso ni Kevin Yoshida habang may isang matamis na ngiti sa labi."Magandang araw po, Grandma Hermania. Nandito po kami para bisitahin ka," magiliw nitong wika bago ibinaling ang tingin kay Drake. "Nandito rin pala si Levine," dagdag pa nito.Sinulyapan ni Beatrice ang reaksyon ni Graciella pero mukhang wala naman itong
Matapos nilang magpirmahan ng marriage contract ni Kevin, agad na naglabas ng article ang pareho nilang pamilya tungkol sa relasyon nila ni Kevin."The crisis is already resolved, Beatrice. Sa ngayon ay kailangan niyo nalang patunayan sa madla na kayo nga. Soon, you need to have a grand wedding para hindi na magduda ang mga fans."Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Beatrice. "About my contract?""Wag kang mag-alala, tutulungan kita tungkol diyan. Babalik din ang mga brand endorsement mo kalaunan. Just behave and let the issue die down for a bit."Nakahinga ng maluwag si Beatrice sa kanyang narinig. Kahit na hindi siya sang-ayon sa pagpapakasal niya, hindi naman siya makakapayag na mawala sa kanya ang limelight na ipinaglalaban niya! At wala rin siyang balak na hayaan ng iba na maagaw ang kasikatan nita. They can't look down on her!Kapag tuluyan ng na-boycott ang pelikula niya, malaki ang babayaran niya bilang damage. Napairap siya sa hangin at sa hindi sinasadya, nap
Dahil sa napakaraming nangyari sa premiere night ni Beatrice, tinanghali na ng gising si Graciella. Nag-unat muna siya bago dahan-dahang bumangon subalit halos mapatalon siya sa gulat nang makita si Drake na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa kanya."Were you watching me in my sleep?" Paos niyang tanong.Tipid na ngumiti si Drake bago naglakad palapit sa kanya at umupo sa gilid ng kama nila. "I'm sorry. I just can't help it. I'm afraid you will have a nightmare after the tiring night you have," masuyo nitong wika habang marahang inaayos ang nagulo niyang buhok.Napanguso naman siya bago yumakap sa lalaki. Nang makauwi sila kagabi ay hindi sila nag-usap tungkol sa nangyari sa premiere dahil nais ni Drake na magpahinga muna siya."Thank you for trusting me last night. Ang laki ng naitulong mo sa problema na kinasasangkutan ko kagabi."Marahan na hinagod ni Drake ang mahaba niyang buhok bago siya pinatakan ng isang magaan na halik sa tuktok ng kanyang ulo. "I am your husband, Graciella