Lumipas ang apat na araw at nagising na din si Samantha. Naging maganda ang response ng katawan niya. Unti-unti na din siyang nakaka recover. Habang ang kambal naman ay katulad niya at naging maganda din ang kalagayan ng mga ito. Nakasakay siya sa wheelchair ngayon habang tulak-tulak naman ng kapatid. Patungo sila sa private room ng kambal. Gusto niyang makita ang mga ito. Pagkapasok nila ay sumalubong ang nurse na nagbabantay sa mga ito. " Hello po Ma'am/ Sir! " bati nito sa kanila. Tumango naman at ngumiti si Samantha sa nurse. " How's my babies? " tanong ni Samantha habang tulak ng kapatid papalapit sa incubator ng mga anak. " They are getting better, Ma'am. Ang tapang po ng mga anak niyo. " saad ng nurse. Naka ngiti naman si Samantha na nakatanaw sa mga anak. " Hello! My precious babies! Mommy and Tito is here. " nasayang saad ni Samantha sa mga anak. " Hello, Kiddos! Get well okay? Para makauwi na tayo. " saad naman ni Sandro na naka alalay kay Samantha na nakatayo.Masayang-mas
KINABUKASAN ay maagang nagising at naghanda ang Ina nila David. Maaga itong nagluto ng mga paborito ni Samantha na dadalhin nila sa hospital dahil bibisitahin niya si Samantha lalo na ang mga apo niya. Habang busy siya sa paglalagay ng mga ulan sa lagayan ay pumasok na ng komedor ang asawa niya. " Good Morning, Hon! " saad nito sabay halik sa pisngi ng Ginang. " Good Morning! Umupo ka na doon at kakain na tayo para makaalis na tayo. " saad ng Ginang. Ilang sandali ay pumasok na din si Drew at sabay-sabay na silang nag umagahan. Pagkatapos kumain ay nagbihis na sila at umalis na papunta ng hospital. Habang nasa daan ay nagsalita ang Ginang. " Sana kasama natin si David para dalawin ang mga Bata. " saad nito. " Alam mo naman na ayaw ni Samantha at ni Sandro na makita si David. Hindi natin masisisi si Samantha kung ayaw niya na makalapit ang ama ng mga anak niya sa kanila dahil sa nangyari. Hayaan nalang natin sa ngayon dahil darating din ang tamang panahon sa lahat. Magiging maayos di
LUMIPAS ang tatlong araw at bukas ang nakatakdang araw ng alis nila Samantha. Busy naman ang Kuya niya at nasa kompanya ito. Inaasikaso nito lahat ng dapat asikasuhin dahil maaga ang flight nila bukas papuntang U. S. Ang gagamitin nilang sasakyan ay ang private plane ng Kuya niya. Sa mga lumipas na araw ay naka-usap din niya ang ama ng kanyang Kuya at sa tingin niya ay mabait ang Ginoo. Daddy na din ang gusto nitong itawag niya rito dahil wala itong anak na babae. Tumatawag ito at panay update sa kanila. Inaalam nito kung ano na ang nangyayari sa kanila. Sinabi din nito na huwag siyang mahiya dahil anak na din ang turing nito sa kanya. Excited na din ito na makilala ang kambal. Binibiro nga nito ang Kuya niya kung kailan ba daw ito mag-aasawa. Si Marie naman ay inaasikaso din muna ang mgabkakailangan at ang mga bilin niya para rito sa hospital. Si Doc. Franco muna ang pansamantalang mamamahala nito pero nakasubaybay pa din si Marie kung nasa U. S na sila. Habang siya naman ay kasaluk
Naging maayos ang panganganak ni Danica. Kasalukuyan nasa silid sila kasama ang magulang nila. Nakahiga na si Danica sa hospital bed at hinintay lang nila na magising ito. Nag-uusap ang kanilang mga magulang. Pinag-usapan din ng mga ito ang tungkol sa kasal nila ngayon na naka panganak na si Danica ay mapagtutuonan na nila ang tungkol sa kasal nila. Ilang oras ang lumipas ay nagising na si Danica. Agad niya itong nilapitan. " Love, are you okay? May nararamdaman ka ba? " tanong niya rito. Umiling naman ito bilang sagot. " Water please! " sagot nito. Kinuha naman niya ang bottled water na nasa gilid na naka patong sa bedside table. Binuksan niya iyon at inalalayan na uminom si Danica. Pagkatapos uminom ay nagsalita ito. " Where's my baby? " saad nito. " Ahhhmmm... Nililinasan pa siya ng nurse. Any minute dadalhin na siya rito, Love. " saad ni David. Tumango naman ito sa kanya. " Love, thank you for bringing our baby. Mahal ko kayo. " saad ni David sabay halik sa noo nito. " I love you
LUMIPAS ang ilang tatlong buwan ay na kasal na sila David at Danica. Madali lang napawalang bisa ang kasal nila Samantha sa tulong ng connection mayroon ang ama ni Danica. Naging magarbo ang kasal nila sa Simbahan at madaming mga bigating tao ang dumalo pero hindi dumalo ang Kuya niya. Alam naman niya na galit pa din sa kanya ang kapatid dahil sa nangyari. Naiintindihan naman niya ito. Sa mga lumipas din na buwan ay tuluyan ng naging maayos ang lagay ng kambal. Hindi na ito kailangan na isilid sa incubator. Masayang-masaya si Samantha dahil nahahawakan at nakakarga na niya ang mga anak. Ang dating tahimik na Bahay ng Kuya niya ang naging masaya dahil sa mga Bata. Tuwang-tuwa ang lahat sa kambal at giliw na giliw din dito ang ama ng Kuya niya na ama niya na rin. Kinumbinsi siya ng Ginoo na pumayag siya na legal na siyang aampunin nito. Pumayag naman siya para sa panibagong buhay. Ngayon ay Smith na ang apelyedo na dala niya at iyon din ang apelyedo na dala ng mga anak niya. Kinausap
Dumating din ang araw ng kaarawan ng anak ni David at Danica. Naging magarbo din ang kaarawan ng anak nila na si Dustin. Naiisip naman ni David ang kambal niyang anak kay Samantha. Hinihiling niya na sana ay nakasama niya din ang mga Bata sa kaarawan ng mga ito. Sana dumating ang panahon na makikita niya ang mga Bata. Labis siyang nangungulila sa kambal." Love, come here. Let's take a family picture. " tawag ni Danica sa kanya. Tumango naman siya at tinungo na ang pwesto ng mga ito. Pagkatapos magpakuha nila picture ay nag blow na ng candle sa cake ang Bata at kinantahan nila ito. Pagkatapos ay nagsimula nang kainan. Binuhat niya ang anak at lumapit sa mga magulang niya na nasa kabilang mesa. Si Danica naman ay inaasikaso ang mga kaibigan na bisita nito. " Apo, come to Mamita. " saad ng Ina niya at kinuha ang Bata. Umupo naman siya sa tabi ng ama katapat ang Kuya niya. Mayamaya ay nagsalita ang Kuya Drew niya. Kasama din nito ang fiance nito. " Dad, nagpadala na ba si Samantha ng vid
5 Years LaterNaging maganda ang takbo ng buhay nila Samantha sa ibang bansa. Maayos din ang hinahawakan ng negosyo at napalago pa niya iyon. Sa katunayan ay naging marami na ipinatatayo nilang mga branches nito sa iba't-ibang bansa. Pinag-iisipan niya din na magpatayo na rin ng Branch nila sa Pilipinas. It's time na siguro na bumalik sila ng Pilipinas. Sa katunayan ay ikinasal na si Marie at Kuya Leon niya two years ago and nasa Pilipinas na ang mga ito for good. May anak na sila na lalaki si Simon Venom. Isang taon na ito at napakakulit. Mana sa tatay niya ang kakulitan nito. Ang Kuya Sandro naman niya ay nahanap na ang babaeng nilalaman ng puso nito at kasal na din ito isang taon na. Buntis na din ang Asawa nito at malapit ng manganak. Ang daddy naman nila ay binawian na ng buhay noong dalawang taon na ang kambal. Inilihim pala nito sa kanila ang sakit nito dahil ayaw niyang mag alala kami. Nalaman na lang nila noong isinugod na ito sa hospital. Wala ng nagawa ang mga doctor noon d
Sa limang taon na lumipas ay hindi naging madali ang buhay ni David. Siguro ay karma na niya ito sa nagawa niya kay Samantha at sa mga anak nila. Hiwalay na sila ng Bahay ni Danica dahil napag alaman at nasaksihan niya ng panloloko nito sa kanya. Tama nga ang hinala niya noong isang taon pa ang ang anak nila na si Dustin. May karelasyon pala ito at binalikan nito ang ex-boyfriend nito. Kinumpronta niya ito noong nahuli niya ito sa akto at sinabi nito na nagawa lang niya dahil may pagkukulang siya. Totoo naman na nagkulang siya kay Danica dahil hindi na sila nag mamake love. Sa tuwing nag aaya ito nawawalan siya ng gana. Iwan ba niya pero iyon talaga ang nararamdaman niya. Sinabi pa nito na mahal nito ang ex-boyfriend at hindi na siya mahal nito kay nag file sila ng divorce papers. Nakapag file sila dahil wala nang hahandalang sa paghihiwalay nila. Ang ama kasi nito ay pumanaw na three years ago. At ngayon ay malaya na sila. Ibinigay sa kanya ni Danica ang anak nila. Umalis ito kasama