He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband

He Cheated with My Bestfriend, I'm Sleeping with Her Husband

last updateLast Updated : 2026-09-11
By:  Blue SodaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
2views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Anim na buwan akong naniwala na ako ang babaeng pinakamamahal ng asawa ko. Sa bawat halik niya, bawat bulaklak na iniuuwi niya, at bawat matatamis na salitang paulit-ulit niyang ibinubulong sa akin, naniwala akong sapat na ako. Hanggang sa matuklasan kong sa loob pala ng anim na buwan, may ibang babae siyang minamahal. At ang mas masakit? Ang babaeng iyon ay ang best friend ko. Ang dalawang taong pinagkatiwalaan ko nang higit sa lahat ang siya ring walang awang dumurog sa puso ko. Kaya nang dumating si Dante Rios sa harapan ko dala ang mga ebidensyang magpapatunay sa pagtataksil ng asawa niya, nakita ko ang pagkakataong pareho naming hinihintay. Paghihiganti. Isang paraan para iparamdam kina Rayver at Hanna ang sakit na ipinasa nila sa amin. “Sleep with me. Hindi tayo magpapanggap. Gawin nating totoong affair. Pareho naman tayong niloko, so why not give them a taste of their own medicine?” Matagal niya akong pinagmasdan bago niya ako hinila palapit. “Kailan natin sisimulan ang plano?” Nagkasundo kami sa isang simpleng kasunduan. Walang attachment. Paghihiganti lang. Pero hindi namin inasahang ang dapat sanang isang laro ay magiging dahilan para tuluyan naming mawala ang kontrol. Sa bawat gabing magkasama kami, lalo kong nakakalimutan kung bakit kami nagsimula. Sa bawat halik, bawat yakap, at bawat sandaling ipinaparamdam niyang gusto niya ako, lalo akong nahuhulog. Hanggang sa hindi na paghihiganti ang dahilan kung bakit hinahanap-hanap ko si Dante. Pero habang nakaluhod sa harapan namin ang dalawang taong minsang sumira sa aming pagsasama, biglang nagbago ang plano ni Dante. Hindi na simpleng paghihiganti dahil gusto niya ako. At ang pinakanakakatakot? Gusto ko na rin siya. Pareho kaming nagsinungaling. Sa larong nagsimula bilang paghihiganti, pareho naming natagpuan ang isang pag-ibig na hindi namin dapat hinayaan. At ngayon, handa kaming magkasala para dito.

View More

Chapter 1

Chapter 1

VIVIAN

“May relasyon ang asawa ko at ang asawa mo, alam mo ba ‘yon?”

Naibuga ko ang soda bago ko pa man ito mainom. Mabilis kong ibinaba ang tall glass sa mesa at ilang beses na kumurap habang nakatitig kay Dante Rios. Baka mali lang ang narinig ko. Baka may ibang ibig siyang sabihin. Hindi ako kayang lokohin ni Rayver. Mahal ako ng asawa ko. Alam ko iyon. Isa pa, malaki ang tiwala ko sa kanya.

“Mr. Rios,” maingat kong sabi. “Hindi magandang biro ang sinasabi mo.”

Hindi man lang gumalaw ang mukha ni Dante. “Mukha ba akong nagbibiro?”

Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng mesa. By the looks of it, he was ready to commit murder. Seryosong-seryoso ang mukha niya at kalkulado ang bawat galaw. Pero kahit na, hindi ibig sabihin na paniniwalaan ko agad ang ibinibintang niya kay Rayver.

“Lilinawin ko lang, ha, mahal ako ni Rayver,” mariin kong sagot. Pinilit kong huwag ipahalata ang panginginig ng boses ko. “Hindi niya ako kayang gaguhin.” 

Bahagyang bumuntong-hininga si Dante. “I thought the same thing about Hanna.”

Napatigil ako. Tatlong buwan na ang nakalipas nang marinig niya ang katotohanan tungkol sa sarili niyang asawa. At ngayon, parang biglang bumigat ang hangin sa pagitan namin.

“Hanna? Are you referring to a certain Hanna Lagdameo?”

“Oo, siya nga. Wala nang iba.”

Kahit pangalan lang niya ang narinig ko, parang may malamig na kamay na humaplos sa puso ko. Si Hanna Lagdameo ang matalik kong kaibigan mula highschool. Ang babaeng kasama ko sa halos lahat ng mahahalagang yugto ng buhay ko. Siya ang umiyak sa kasal ko. Siya ang paulit-ulit na nagsabing napakaswerte ko kay Rayver. Siya rin ang halos araw-araw na tumatawag sa akin para kamustahin ako. Halos magkapatid na ang turingan namin.

“Hindi,” mahina kong sabi. “Hindi puwede.”

“Vivian—”

“No.” Umiling ako. “Hindi mo puwedeng sabihin sa akin ‘yan na parang ordinaryong bagay lang.”

Tinitigan niya ako nang diretso at saka mabagal na umiling. “Hindi ko sinasabing madali itong paniwalaan.”

“Because it isn’t true.”

“Hindi mo ba napansin?”

Napakunot ang noo ko. “Napansin ang alin?”

“Ang mga pagbabago sa kilos ng asawa mo. Mga bagay na dapat sana'y matagal mo nang napansin.”

“Wala nga.”

“Sure na wala?”

“Oo,” iritableng sagot ko. “Ang kulit mo rin, e.”

“Six months na, Vivian.” Humilig siya nang bahagya sa upuan. “Anim na buwan ka nang niloloko ng asawa mo pero di ka man lang naghinala?”

“Hindi ko siya pinaghinalaan kahit kailan.”

“Not even once?”

“Hindi kailanman.” Napairap ako at pilit na pinakalma ang sarili. “I trust my husband.”

“Apparently, too much,” banat ni Dante. 

Napatingin tuloy ako sa kanya. “I don't have time for this shit.” Tumayo ako at itinulak ang upuan palayo. “It wasn’t nice meeting you, Mr. Rios. Uuwi na ako.”

“Vivian.”

Hindi ako lumingon.

“Get back here.”

“Shut up. Bakit naman kita susundin?”

“Sit down.”

Ayoko talaga pero napahinto ako. Hindi malakas ang boses niya. Wala ring galit sa tono nito, pero may bigat iyon na hindi ko maipaliwanag. Parang hindi iyon pakiusap. Isa iyong utos. At sa kabila ng galit ko, bumalik ako sa upuan. Hindi ko rin alam kung bakit. Hay, nababaliw na yata ako. Umayos ako ng upo at pilit na umiwas sa mga mata niya.

“Six months ago,” umpisa niya, “may napansin ka bang pagbabago sa relasyon ninyo ni Rayver?”

Hindi ako agad nakasagot. Sa halip, nagsimula kong balikan sa isip ang mga nakaraang buwan. At doon ko napansin ang mga bagay na dati ay wala lang sa akin. Ang madalas na pagbisita ni Hanna. Noong una, isang beses lamang siya sa isang linggo. Pagkatapos ay naging dalawa. May mga linggong halos doon na rin siya natutulog. At halos sa bawat pagbisita niya, palaging present si Rayver. 

Noon, wala akong nakitang kakaiba.Sa katunayan, natutuwa pa nga ako. Akala ko mas lalo lamang kaming naging close. Akala ko gusto niya akong makita at kaya siya madalas pumunta. Iniisip ko pa nga noon na baka nami-miss niya ako. At si Rayver naman, wala ring ipinakitang dahilan para pagdudahan ko siya. Nanatili siyang mapagmahal. Araw-araw akong binibigyan ng mga bulaklak. Madalas may kasama iyong maliliit na card na puno ng matatamis na mensahe. Kapag nasa trabaho siya, bigla na lang magpa-pop up ang message niya sa phone ko. 

I love you. 

I miss you.

You mean everything to me.

Para bang wala akong dahilan para magduda. Pero may isang bagay na hindi ko kayang itanggi. Tatlong buwan na kaming walang sex. Tatlong buwan na rin mula nang huli kaming magtabi nang ganoon. Naalala ko ang gabing minsan akong nagtangkang lumapit sa kanya.

“Pagod lang ako, baby.” Iyon ang sabi niya. “Bigyan mo lang ako ng konting panahon. Kapag natapos itong project, makakabawi rin ako. Isang taon na lang. Pagkatapos no’n, makukuha na natin lahat ng pinaghirapan natin.”

Pinaniwalaan ko siya. Wala akong dahilan para hindi maniwala. Kaya hinayaan ko. Inintindi ko siya. At sa bawat halik niya bago matulog, lalo kong pinaniwalaan na mahal niya ako. He kissed me every night. And all that time, he was lying to me. Napapikit ako. Sobrang sakit na parang may humihigpit sa dibdib ko.

Ayokong isipin. Ayokong alalahanin. Muli kong binuksan ang mga mata ko at hinarap si Dante .

“Sabihin na nating may nagbago sa amin ni Rayver,” maingat kong sabi. “Hindi pa rin ibig sabihin no’n na totoo na agad ang sinabi mo.”

Hindi siya sumagot, pero kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng slacks niya. 

“Then look at this.”

Inilapit niya ang screen sa akin. Una, hindi ko naintindihan ang pinapanood ko. Madilim ang kuwarto. May ilang ilaw lamang mula sa paligid.

VIP room iyon sa loob ng isang elite bar. Pagkatapos ay nakita ko sina Rayver at Hanna. Magkadikit. Naghahalikan. Parang may biglang sumuntok sa sikmura ko. Nanlamig ang mga kamay ko pati na rin ang talampakan ko. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa screen habang pinapanood silang dalawa. Hindi iyon mukhang aksidente. They were kissing like they had done it before. Like it was normal. Like they belonged together.

“Kuha ‘yan last week,” malamig na sabi ni Dante.

“No.”

Hindi ko namalayang umiling ako. “This can't be real.” Itinulak ko palayo ang cellphone niya. “Nasa New York si Rayver noong nakaraang linggo. Business trip.”

“Alam ko rin ang tungkol do’n.”

“But he called me…every night.” Tinitigan ko siya nang mataman. 

Hindi nagsalita si Dante. 

“Hindi mo naiintindihan,” dagdag ko, mas nanginginig na ang boses. “Nag-vi-video call kami gabi-gabi hanggang makatulog ako. Imposible ‘tong sinasabi mo.”

“I know about that too.” Muli niyang kinuha ang cellphone. “At iyon ang dahilan kung bakit kailangan mong makita ang buong picture.”

Napakunot ang noo ko. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Your husband planned this carefully.” 

Lalo akong nasaktan sa sinabi niya.

“Kung may duda ka pa rin,” patuloy niya, “may paraan para ikaw mismo ang makakita kung sino ang nagsisinungaling.”

Pinunasan ko ang gilid ng mata ko bago pa tuluyang tumulo ang luha. “Ano’ng gusto mong sabihin?”

“May sinabi ba sa’yo si Rayver kaninang umaga?”

“Anong sinasabi mo? Naguguluha ako…”

“Ang ibig kong sabihin, sinabi ba niyang aalis siya bukas?”

Nanigas ako sa kinauupuan at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Apat na araw na business trip,” dagdag niya. “Tama?”

“Paano mo nalaman ‘yon?”

“Because Hanna told me the same lame alibi.”

Napatitig ako sa kanya at nagpatuloy siya sa pagsasalita. 

“Sinabi niyang pupunta siya sa nanay niya nang apat na araw.” Tumahimik siya sandali. Pagkatapos, mapait na ngumiti. “Kalokohan. Hindi siya pupunta sa in-laws ko.”

“Dante…baka naman paranoid ka lang?”

“Magkikita sila, alam ko.”

Parang biglang nawala ang hangin sa paligid ko, lalo nang sabihin niya ang bagay na ayokong marinig. 

“May private suite na ni-reserve si Rayver sa isang exclusive resort sa Laguna. Silang dalawa lang. Ano sa palagay mo ang pwede nilang gawin sa loob ng apat na araw?”

Hindi ko na halos marinig ang sumunod niyang sinabi at tila umikot ang paligid ko. Napahawak ako sa mesa habang pilit kong pinatatatag ang sarili ko. Imposibleng mag-rosaryo sila sa loob ng apat na araw na ‘yon, ‘di ba? Biglang bumalik sa isip ko ang mukha ng asawa ko kaninang umaga. Mainit pa ang katawan niya mula sa pagkakatulog nang yumuko siya at hinalikan ako sa noo.

“Mami-miss kita bawat segundo, baby.”

Iyon ang sinabi niya at ngumiti pa nga siya.

“Sumama ka sa akin bukas ng gabi,” sabi ni Dante. “Makikita mo mismo kung sino sa atin ang nagsasabi ng totoo.” Sandali siyang tumigil. “At kung tama ako…”

Hindi na niya kailangang tapusin. Naintindihan ko na. Hindi ko maalala kung paano ako pumayag. Ang alam ko lang, tumango ako ng paulit-ulit. 

That night, I barely remembered how I got home. Pagpasok ko sa bahay, parang may malaking bigat na nakadagan sa dibdib ko. Hirap akong huminga. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na baka hindi iyon totoo. Baka edited ang video. Baka pinagdudugtong-dugtong lang ang footage. Baka gusto lang akong siraan ni Dante. Baka naiinggit siya sa relasyon namin ni Rayver. Maraming dahilan. Maraming posibilidad na para sirain ang isang tao. Kailangan kong maniwala roon. Dahil kung hindi…

“Alam kong mahal ako ni Rayver,” bulong ko habang pinipigilan ang pag-iyak. “Mahal niya ako.”

Iyon na lang ang kaya kong panghawakan. Maya-maya, narinig ko ang pagbukas ng p***o. Dumating si Rayver na may hawak siyang bouquet ng red and pink roses.

Mga bulaklak na madalas niyang ibigay sa akin.

“Para sa’yo ‘to, baby.”

Iniabot niya ang bouquet bago ako yakapin. Mahigpit. Mainit. Pamilyar. At sa sandaling iyon, parang may tuluyang nabasag sa loob ko. Tingnan mo siya. Ito ang asawa mo. Hindi ka niya kayang lokohin. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ako.Tumugon ako sa halik niya. Pero habang ginagawa ko iyon, may hinahanap akong senyales ng pagloloko. Kahit maliit na sign lang. Anumang bagay na magsasabi sa akin na tama si Dante .Pero wala akong nakita. Wala akong naramdaman. Tinanong niya ako kung kumusta ang araw ko.

“Okay lang,” sagot ko.

Nagsinungaling ako.

Ngumiti ako sa kanya na para bang hindi gumuho ang mundo ko ilang oras lamang ang nakalipas. Nang gabing iyon, muli akong gumawa ng paraan para mapalapit sa kanya. Lumapit ako sa kama at idinikit ang katawan ko sa kanya. Marahan kong hinaplos ang dibdib niya. Pero hindi nagtagal, hinawakan niya ang kamay ko. At muli niya akong pinigilan. Tatlong buwan na niyang ginagawa iyon. He rejected me, just as he had every time over the past three months.

“Baby…” Malambing ang boses niya. “Pagod lang talaga ako.” Tinitigan niya ako bago bahagyang ngumiti. “Kapag natapos na ‘tong kontrata, babawi ako sa’yo. I’ll make it up to you.”

Hindi ako sumagot.

“I’m yours every night. Pangako ko ‘yan.”

“Okay,” mahina kong sagot. “Naiintindihan ko.”

“Mahal na mahal kita.”

“I know…”

Hinalikan niya ang noo ko. Pagkatapos, tumalikod siya at pumikit. Nanatili akong gising pero tahimik na nakatitig sa dilim. Makalipas ang ilang minuto, narinig ko ang magaan niyang paghinga, halatang mahimbing na siyang nakatulog. Hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawang matulog nang ganoon kapayapa samantalang matagal na niya akong niloloko?

O baka…baka wala talaga siyang ginagawang masama. Baka si Dante ang nagsisinungaling at gawa-gawa lang niya ang lahat. Kumapit ako sa ideyang iyon na para bang kapag binitiwan ko iyon, tuluyan na akong mawawasak.

Kinabukasan, naramdaman kong hinalikan ni Rayver ang pisngi ko. Nagpanggap akong tulog kahit na matagal na akong gising. 

“Mami-miss kita, Vivian.” Huminto siya sandali. “Mahal na mahal kita. Alam mo ‘yan.”

Hindi ko binuksan ang mga mata ko. Hindi hanggang sa marinig ko ang pagsara ng p***o. Nanatili akong nakahiga. Hindi ako gumalaw, hindi ako bumangon. At sa halip na harapin ang mundo, nanatili ako roon hanggang magtanghali.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status