LOGINForget about all the reasons why something may not work. You only need to find one good reason why it will.
-Yajnna20 - - - 'Pamela' "Mr.Jimenez?..." ulit ni Pam sa apelyedong nabanggit ni Jesica. Mataman niyang tinitigan ang lalaki, May kung anong kaba ang bumundol sa dibdib niya. kaya pala pamilyar sa kanya ito bigla na lang tumulo ang masaganang luha sa mga mata, nag uunahan sa pagbalik nang mga alaala nang nakàraàn na ibinaon niya sa limot. kasabay niya sa paglimot sa pinagmulan niya at ang mga taong naging bahagi nang masaya niyang mundo noon. "what the... and why are you crying?" umiiling si Pam binigyan siya nang nagtatakang tingin ni Brix hinila siya nito papasok sa elevator nang pigilan sila ni Jessica. "excuse me po sir, sandali lang pero bawal pong pumasok sa loob nang hotel si Ms.Corpus" saad ni Jessica na humarang sa daanan nila. "and who do you think you are?..." mapanganib na saad ni brix. "hotel premises po" "wala akong pakialam sa hotel premises niyo, kilala ko ang may ari nang hotel at kung ayaw mong mawalan nang trabaho umalis ka sa harap namin." seryosong saad ni brix at saka nila nilagpasan ang naka maang na si Jessica hila hila siya ni brix sa loob nang elevator tahimik silang pareho habang umaakyat pataas ang elevator. hindi pa rin makapaniwala si Pamela na ang dating hinihiling niyang makita ay nandito na ngayon at kasama pa niya talagang sadyang iba maglaro ang tadhana. pagkarating nila sa ikatlong palapag nang nasabing hotel ay hila hila pa rin siya sa walang imik na si brix, binitawan lang nito ang kamay niya nang makapasok sila sa inokupa nitong kwarto. pina upo siya nito sa may sofa saka nagtuloy sa kusina at may bitbit nang tubig na ipina inom sa kanya. magpapasalamat na sana siya nang biglang tumunog ang phone nitong nasa loob nang suot nitong short, walang salitang tumayo ito at sinagot ang tawag at basi sa expression nang mukha nito ay hindi maganda ang balitang dala na kung sino man ang nasa kabilang linya. nagulat pa siya nang bigla nitong sigawan ang kausap. ilang sandali pa ay may tinawagan ito at galit na pinapunta sa kinaroroonan nila isang hinihingal na lalaki ang walang kaabog abog na pumasok sa loob. "Call Atty. Simson papuntahin mo siya sa laguna at ihanda mo ang private plane lilipad ka first day in the morning tommorrow" utos ni brix sa lalaki. "ako lang ang uuwi? okey na ang lahat dito pwede na tayong sabay lumipad papuntang maynila." saad noong lalaki na sinusulat lahat nang iniutos ni brix. "may aasikasuhin pa ako dito at kaya ko na, basta ikaw nang bahala sa laguna kapag okey na dito ang lahat lilipad kaagad akong pabalik ng maynila." seryosong saad ni brix na sinulyapan siya kaya napabaling sa kanya ang atensyon nang lalaking kausap nito. "hey!...may kasama ka pala dito hindi mo man lang sinabi," tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya. "hi there beautiful lady, Im Kristoph... Kaibigan/personal secretary ni Yuan" saad nang nagpakilalang kristoph kay Pam na inilahad ang kamay. tatanggapin na sana niya ang pakikipag kamay nito nang tabigin ni brix ang kamay nito. "Siya si Pamela" walang kangiti ngiting saad ni brix nagulat pa si pam, hindi niya kasi inaasahan na nakilala siya nito at natatandaan pa siya nito. "whooah.... possesive man ha, by the way Hi Pamela Corpus, nice to finally meet you in person ikaw pala si Pam The long lost love of..." hindi na natapos sabihin ni kristoph ang sasabihin nito nang palihim na sinipa ito ni brix sa ilalim nang upuan na ikina ngisi nang lalaki. "oh siya mauna na ako nang makapag pahinga na ako at nang makarami kayo este makag pahinga na rin kayo" nakangising saad ni kristoph at naroon ang mapang asar na ngiti. "loko loko" saad ni brix na binato nang walang lamang folder ang kaibigan na mabilis pa sa ipo ipo na naka iwas at natatawang umalis. Nang sila na lamang dalawa ang naiwan ay nabalot nang katahimikan ang paligid at dahil walang balak magsalita ni brix kaya si Pam na ang nagbukas nang paksa at bumasag sa katahimikan nila. tumayo siya at iñayos ang sarili atsaka magalang na nagpaalam kay brix. "gabi na kasi kaya kailangan ko nang umuwi sir " idiniin pa ni Pam ang salitang Sir dito na pinag taasan lang siya nang kilay. "dito ka na magpahinga masyado nang delikadong umuwi at hindi na ligtas sa daan lalo na sa babaeng katulad mo." walang emosyong saad ni brix na hindi man lang tinapunan nang tingin si pam at patuloy lang sa pagkalikot sa laptop nito. "salamat na lang po sa malasakit niyo, pero sanay na po ako na mga ganitong oras ang uwi ko atsaka kailangan ko pong umuwi ngayon may trabaho pa kasi ako bukas sa alas 8:00 nang umaga." Binigyan siya ni brix nang mapanganib na tingin at muling ibinalik ang tingin sa laptop nito. Nang akmang bubuksan na ni Pam ang p***o ay nagulat siya nang marahas na tumayo si Brix at dahil sa agarang pagtayo nito ay natumba ang upuan na kanina lang inupuan nito. "Kapag sinabi kong hindi ka uuwi, hindi ka uuwi." bulyaw ni brix sa kanya at hindi maipaliwanag ni Pam ang nararamdaman niya takot nang mga sandaling iyon kaya hindi niya napigilan ang maluha. Namalayan na lang niya na yakap yakap na siya nang binata at masuyong hinahaplos ang likod niya. Ang kilala niya kasing brix noon na kahit galit at napipikon na ito sa kanya kailanman ay hindi siya sinigawan o binulyawan man lang. wag kang masyadong OA Pam malamang sa nakalipas na mga taon lahat nag babago anya ng isip ni Pam. Gumanti si pam nang yakap sa lalaki yakap na walang kasing higpit, yakap na puno nang pangungulila dito, yakap sa lalaki na ang mga alala niya dito ay ang naging sandata niya sa araw araw. lalo na kapag nahihirapan at napapagod na siya sa buhay niya, ang tanging kinakapitan niya na sana balang araw makikita niya rin itong muli. ang naging lakas niya para kayanin ang lahat at ipagpatuloy ang buhay. Hindi na namalayan ni Pam na nakatulog na siya sa mgà bisig ni brix. marahil sa pagod niyang katawan sa buong araw na pagtratrabaho, maging ang isip niya ay pagod sa mga bayarin na kailangan niyang bayaran at maging ang puso niya ay pagod na sa kakaintindi pagpapakumbaba at pagmamahal sa mga taong itinuturi niyang pamilya, pamilyang tanging mayroon lang siya na kahit kailan ay hindi sinuklian nang kabutihan o kahit konting pagmamahal ang lahat nang sakripisyo na ginawa niya para sa mga ito. -YajNna20PAMIsang araw nang linggo kasalukuyang nagkwekwentuhan sina lelay at Pam ikinuwento kasi ni lelay ang crush nito at tinutukso naman ito ni pam sa kinikilig na si lelay.At kahit hindi pa nakikita ni Pam ang nagugustuhan ni lelay na si Raffy at basi sa pagkaka kwento ni lelay dito ay may kaya ito sa buhay at may itsura kaya di rin niya maiwasang kiligin habang nakikinig sa mga kwento ni lelay.Nakakmiss maging teen ager iyong kilig na kilig ka habang nakikita mo ang crush mo magmula kasi nang lisanin niya ang maynila at natuon sa pagtratrabaho at pag aaral ang isip niya.Nagulat silang dalawa ni lelay at parehong natahimik nang may malakas na nagsara nang pinto at dumaan sa harap nila si brix at diri diritsong umakyat nang hindi man lang sila tinapunan nang tingin kaya nagtatakang nagkatinginan sina lelay at Pam."Anong nangyari don te?" Tanong ni lelay.?"Napukunot noo si Pam at napakamot sa ulo, dahil hindi din niya alam kung bakit ang aga aga ay naka busangot na si brix at kakauwi
- - -Dahil sa sunod sunod na panaginip ni pam na nagigising na lang ito sa gitna nang gabi nagsisigaw sa takot na labis na ikinabahala ni brix kaya nagpasya siya na palipatin ito sa kwarto niya na agad naman tumutol ang dalaga pero ipinaliwanag niya dito na baka hindi ito magising habang binabangongot ito na walang katabi sa pagtulog.at kasalukuyan na rin siyang naghahanap nang isang magaling na doktor na makakatulong sa dalaga.Maagang nagising si Pam napansin niyang wala na sa tabi niya si brix o kung tumabi nga ba ito sa kanya kagabi iyon ang hindi niya alam kasi sa sobrang antok niya kagabi ay hindi niya na namalayan kung natulog ba ito sa tabi niya.Agad siyang naghilamos at inayos ang sarili. Naabutan niya si manang at lelay na naghahanda nang almusal."Goodmorning... masayang bati niya sa mga ito na ginantihan din siya nang bati."May maitutulong po ba ako?magsasaing ka ba lelay? Akina ako na dyan sige na maghanda ka na sa pagpasok mo." Inagaw niya kay lelay ang lalagyan niya
Never let your past experiences harm your future. Your past can't be altered and your future doesn't deserve the punishment.- - -Nang umakyat si Pam sa silid na ginagamit niya ay bumungad sa kanya ang kadiliman nang silid na muli na namang nagpa kaba sa kanya bakit ba bumalik na naman ang takot niya sa dilim. kinakapa niya ang switch nang ilaw kaya bumaha ang liwanag sa paligid.Pagod na naupo siya sa kama paharap sa salamin na nakaharap sa kamang inuupuan niya, at pinagmasdan ang sariling repleksyon napangiti siya na may luha sa mga mata.kay tagal na nang huli niyang pagmasdan ang buong kabuuhan niya, at napagtanto niyang nag iba na nga siya na talagang naglaho na ang Pam na kilala ni brix noon mapait siyang napangiti.Napapikit siya at umusal nang munting panalangin."Alam ko po wala akong karapatan na humiling o humingi nang kahit ano man sa iyo dahil sa kasalanan ko. akala ko nakalimutan ko na iyon na bahagi na lamang iyon nang nakaraan ko, bakit po parang bangungut na bumabal
"Broken dreams are not the end of the road. They are the beginning of new dreams and a new direction in life. You just need to be strong enough to take the first step."- - -PamMagkahalong kaba at lungkot na masaya ang nararamdaman ni pam nang makarating sila sa bahay na tinitirhan ni brix ang tahanan na minsan ay naging malaking bahagi nang kanyang buhay.Para siyang itinirik na kandila na unti unting nauupos sa muling pagbalik sa ala ala nang kabataan niya.Hindi siya makalakad para siyang naenkanto na hindi maihakbang ang mga paa, nauna nang pumasok si brix kasunod nito ang driver na bitbit ang gamit nang amo.Inilibot niya ang paningin sa kabouhan nang bahay naroon parin ang malawak at malaking garden ni mama yoona o tama pa ba na tawagin niya itong mama o mam.Muling bumalik sa isip ni pam ang eksena sa garden noong nasa highschool pa lang siya na kasalukuyan silang naghahabulan ni yohanna nang aksidenteng mabangga niya si brix at natapon ang juice nito sa librong binabasa nito
"Be strong now because things will get better; it might be stormy now but it can't rain forever."- - - -'Pamela'......'Pam bilisan mo baka mahuli tayo ni kuya lagot tayong dalawa.' Mahinang bulong nang batang si Yohanna sa kaibigang si Pam.Umakyat kasi sila sa puno na malapit sa pader nang bahay ng mga Jimenez para maka punta sakabilang bakod sa bahay ng mga Salvacion kung saan naroon ang crush ni yohanna na si Francis..Mahigpit kasing ipinagbabawal ni brix ang pag akyat nila sa roon para makapunta sa bahay nina Francis, baka daw mahulog sila at mabalian pero ayon kay yohanna hindi naman daw iyon ang totoong dahilan kaya ayaw silang paakyatin doon ng kuya niya kasi mismong si brix doon din dumadaan kapag pupunta kina francis na kaibigan din nito at kaklase nilang dalawa.Ayon kay yohanna may gusto daw sa kanya si francis kaya offlimits sila sa kabilang bahay pati dw siya nadamay sa pagiging seloso ng kuya niya kagit crush ni yohanna si francis at may pagtingin din ang binata s
- - - -Nagising Pam sa hindi pamilyar na silid agad niyang pinasadahan nang tingin ang paligid nang naturang silid, at naroon sa isip ang katanungan kung nasaan siya nang maalala niya ang muli nilang pagkikita ni brix.Nang maalala ang lalaki ay agad siyang napabangon sa napakalambot na kama.Madilim pa sa labas nang silipin niya iyon mula sa bintana sa silid na kinaroroonan niya, at ayon sa mumurahing relo na nasa bisig niya ay alas kwatro palang nang madaling araw.Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at pinakinggan muna ang paligid ayaw niyang magising si brix kung saan man ito natulog ayaw niyang malaman nito ang pag alis niya.Tahimik ang nagsisilbing sala nang naturang hotel, nahagip nang mata niya ang namamaluktot sa isang may de kalakihang sofa ang pigura nang isang lalaki na sigurado siyang si brix.Dahan dahan siyng lumapit dito at pigil ang kamay para haplusin ang napaka amo nitong mukha.Hindi parin nabago ang itsura nito gwapo pa rin ito tulad noon, pero di tulad noon n







