Share

Chapter 3

Author: YajNna20
last update publish date: 2026-08-04 13:05:47

- - - -

Nagising Pam sa hindi pamilyar na silid agad niyang pinasadahan nang tingin ang paligid nang naturang silid, at naroon sa isip ang katanungan kung nasaan siya nang maalala niya ang muli nilang pagkikita ni brix.

Nang maalala ang lalaki ay agad siyang napabangon sa napakalambot na kama.

Madilim pa sa labas nang silipin niya iyon mula sa bintana sa silid na kinaroroonan niya, at ayon sa mumurahing relo na nasa bisig niya ay alas kwatro palang nang madaling araw.

Dahan dahan niyang binuksan ang p***o at pinakinggan muna ang paligid ayaw niyang magising si brix kung saan man ito natulog ayaw niyang malaman nito ang pag alis niya.

Tahimik ang nagsisilbing sala nang naturang hotel, nahagip nang mata niya ang namamaluktot sa isang may de kalakihang sofa ang pigura nang isang lalaki na sigurado siyang si brix.

Dahan dahan siyng lumapit dito at pigil ang kamay para haplusin ang napaka amo nitong mukha.

Hindi parin nabago ang itsura nito gwapo pa rin ito tulad noon, pero di tulad noon na patpatin at totoy na totoy pa ito noong huli niya itong makita.

ngayon ay may laman na ang katawan nito kung dati gwapo na ito ngayon naman ay kulang ang salitang gwapo para ilarawan ang lalaki.

Nang mapansin niyang giniginaw ito ay agad siyang pumasok sa silid na pinang galingan, at kinuha ang ginamit niya comforter at ibinalot sa lalaki at hininaan ang aircon.

Kahit hindi nito sabihin pero alam niya at nakikita niya na malayo na ang narating ni brix ngayon, sigurado siya hindi man sabihin nang lalaki.

siguro may sarili na itong negosyo at matagumpay na sa buhay dahil tyak kaya nina papa drix at mama yoona ang pag aralin ito sa magandang paaralan at kaya nila itong bigyan nang magandang buhay na ipinag kait nang tadhana sa kanya.

Biglang lumitaw sa balintataw niya ang masayang pamilya nito ang mommy at daddy nito at ang kasing kulit at matalik niyang kaibigan na si yohanna na nakakabatang kapatid nito.

Kumusta na kaya ang mga ito sobrang miss na din niya ang mga ito, di niya maiwasang masabik na baka isa sa mga araw na ito ay makakaharap din niya ang mga ito.

Pero gustuhin man niyang makita ang mga ito, pero ngayon pa lang ay kailangan niya nang umiwas sa mga ito.

ayaw niyang madamay ang mga ito sa kanya sapat nang muli niyang nakita si brix sa mahigit walong taon na hindi sila nagkita.

Muli niyang ibinalik ang paningin sa nahihimbing parin sa pagtulog na si brix at binigayan ito nang magaan na halik sa noo.

"Sobrang na miss kita, gustuhin ko mang makasama ka maka kwentuhan pero alam ko na ngayon pa lang dapat na kitang iwasan ayaw kong madamay ka sa gulong maaring dalhin nang pamilya ko sa iyo, kung noon kaya pa kitang abutin ngayon wala na ako ni sa kalingkingan nang kamay mo. paalam brix slamat at kahit matagal tayong hindi nagkita ay naalala mo pa rin ako. hanggang sa muli nating pagkikita kung iyon ay ipahihintulot pa nang tadhana at siguro sa mga panahong iyon ay may sarili ka nang pamilya." mahinang bulong ni Pam sa lalaking mahimbing pa rin ang tulog pinahid niya ang mga luha na nag uunahan sa pagpatak.

Muli niyang nilingon ang lalaki bago tuluyang lumabas sa silid nito.

Nakahinga nang malalim si Pam nang tuluyang makalabas sa naturang silid at nang makalabas siya sa naturang hotel na walang nakapansin sa kanya dahil siguro sa maaaga pa at tulog pa ang mga guest nang naka check in

Matagal bago nakasakay si pam kaya matagal din siyang naghintay na may dumaang tricycle.

Maliwanag na at sumisilip na ang araw nang makasakay siya

Agad siyang nagpahatid sa munting tahanan nila.

Naabutan niya ang tyuhin niya na binabato ang mga kalderong wala pang laman.

"Bw*sit na buhay to, wala man lang pagkain" sigaw nito na alam ni Pam na lasing na naman at kakauwi lang din siguro nito.

"Tyong magluluto muna ako" sabat niya sa tyuhin bago pa maubos nito sa pagbasag ang mga mumurahing pinggan nila na kakabili lang din niya.

Nanlilisik ang mga matang binalingan siya nito at di niya naiwasan ang kamay nitong dumapo sa pisngi niya.

Sapo ang pisngi ay pinigilan niya ang hwag umiyak.

"Wala ka na ngang silbi pati ba naman pagluluto di ka pa maasahan kagabi pa ako di nakakin dahil walang pagkain?" Galit na saad nang tyuhin ni pam at muling pinadapo ang isang kamay sa pisngi niya, na siyang ikina putok nang  labi niya dahil sa malakas na pagka sampal nito.

"Tyong may maluluto naman po dyan pwde niyo naman po sigurong utusan si  ate angge para ipagluto kayo" naluluhang saad ni Pam.

"Alam mong hindi marunong magluto ang ate mo at sasagot sagot ka pa dyan" pinulot nito ang sandok na kahoy at ipinagpapalo sa kanya.

"Tyong tama na po"iyak ni Pam na pilit sinasalag nang mga braso niya ang panghahampas nang tyuhin sa kanya.

Kinaladkad siya nang tyuhin palabas nang bahay nila at doon muli siyang hinampas sa hawak nitong kahoy na napulot nito sa gilid.

Nagmamakaawa pa rin si Pam sa tyuhin na itigil na nito ang ginagawang pananakit sa kanya.

"Iyan para magtanda ka babae ka" sigaw nito na hinahampas at sinisipa pa rin si Pam.

"Ano na naman iyan tay tigilan niya na nga iyan ang aga aga ang iingay niyo." Lumabas ang ate angge niya na halata sa mukha na kagigising lang.

"Itong babaeng to umaga na to umuwi siguro may lalaki na ito at kung makasagot sa akin akala mo kung sino."

"Ano naman kung may lalaki iyan paki mo ba dyan."

"Hwag kang maki alam angge kung ayaw mong pati ikaw ay maka tikim din sa akin, isa ka pa"

"Tss.. bahala na nga kayo dyan" iniwan sila nang ate angge niya muli naman siyang hinatay nang kahoy nang tyuhin niyang lasing.

Walang nagawa si pam kung hahaha hindi tanggapin ang bawat hamps nito sa kanya.

"Wala ka na ngang silbi malas ka pa sa buhay namin kung hindi ba naman tatanga tanga ang tyahin mo at kinuha ka pa eh preho lang naman kayo non mga walang silbi namatay nat lahat iniwan ka pang malas ka."

Muli naman siyang hinampas nito batid ni pam na balot na naman ang buo niyang katawan nang pasa at medyo nagdidilim na rin ang paningin niya.

"Tama na tiyong maawa naman kayo sa akin"

Prro bingi ang tyuhin niya sa pagmamakaawa niya patuloy pa rin sa pnanakit sa kanya.

Hinahanda niya ang sarili sa muli nitong paghampas sa kanya at ipinikit ang mga mata.

Pero laking gulat ni Pam nang bigla na lang bumulagta malapit sa kanya ang duguang ilong nang tyuhin at bago siya nawalan nang malay ay isang pigura nang lalaki ang nakita niyang pinagsusuntok ang tyuhin.

Bago siya nawalan nang malay ay may mga brasong nakapulopot sa katawan niya ramdam niya ang pagbuhat nito sa kanya.

Napaluha si pam sa sinapit niya kailan ba siya makakawala sa impyernong kinasasadlakan niya.

-YajNna20

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • "Marrying the CEO"   Chapter 8

    PAMIsang araw nang linggo kasalukuyang nagkwekwentuhan sina lelay at Pam ikinuwento kasi ni lelay ang crush nito at tinutukso naman ito ni pam sa kinikilig na si lelay.At kahit hindi pa nakikita ni Pam ang nagugustuhan ni lelay na si Raffy at basi sa pagkaka kwento ni lelay dito ay may kaya ito sa buhay at may itsura kaya di rin niya maiwasang kiligin habang nakikinig sa mga kwento ni lelay.Nakakmiss maging teen ager iyong kilig na kilig ka habang nakikita mo ang crush mo magmula kasi nang lisanin niya ang maynila at natuon sa pagtratrabaho at pag aaral ang isip niya.Nagulat silang dalawa ni lelay at parehong natahimik nang may malakas na nagsara nang pinto at dumaan sa harap nila si brix at diri diritsong umakyat nang hindi man lang sila tinapunan nang tingin kaya nagtatakang nagkatinginan sina lelay at Pam."Anong nangyari don te?" Tanong ni lelay.?"Napukunot noo si Pam at napakamot sa ulo, dahil hindi din niya alam kung bakit ang aga aga ay naka busangot na si brix at kakauwi

  • "Marrying the CEO"   Chapter 7

    - - -Dahil sa sunod sunod na panaginip ni pam na nagigising na lang ito sa gitna nang gabi nagsisigaw sa takot na labis na ikinabahala ni brix kaya nagpasya siya na palipatin ito sa kwarto niya na agad naman tumutol ang dalaga pero ipinaliwanag niya dito na baka hindi ito magising habang binabangongot ito na walang katabi sa pagtulog.at kasalukuyan na rin siyang naghahanap nang isang magaling na doktor na makakatulong sa dalaga.Maagang nagising si Pam napansin niyang wala na sa tabi niya si brix o kung tumabi nga ba ito sa kanya kagabi iyon ang hindi niya alam kasi sa sobrang antok niya kagabi ay hindi niya na namalayan kung natulog ba ito sa tabi niya.Agad siyang naghilamos at inayos ang sarili. Naabutan niya si manang at lelay na naghahanda nang almusal."Goodmorning... masayang bati niya sa mga ito na ginantihan din siya nang bati."May maitutulong po ba ako?magsasaing ka ba lelay? Akina ako na dyan sige na maghanda ka na sa pagpasok mo." Inagaw niya kay lelay ang lalagyan niya

  • "Marrying the CEO"    Chapter 6

    Never let your past experiences harm your future. Your past can't be altered and your future doesn't deserve the punishment.- - -Nang umakyat si Pam sa silid na ginagamit niya ay bumungad sa kanya ang kadiliman nang silid na muli na namang nagpa kaba sa kanya bakit ba bumalik na naman ang takot niya sa dilim. kinakapa niya ang switch nang ilaw kaya bumaha ang liwanag sa paligid.Pagod na naupo siya sa kama paharap sa salamin na nakaharap sa kamang inuupuan niya, at pinagmasdan ang sariling repleksyon napangiti siya na may luha sa mga mata.kay tagal na nang huli niyang pagmasdan ang buong kabuuhan niya, at napagtanto niyang nag iba na nga siya na talagang naglaho na ang Pam na kilala ni brix noon mapait siyang napangiti.Napapikit siya at umusal nang munting panalangin."Alam ko po wala akong karapatan na humiling o humingi nang kahit ano man sa iyo dahil sa kasalanan ko. akala ko nakalimutan ko na iyon na bahagi na lamang iyon nang nakaraan ko, bakit po parang bangungut na bumabal

  • "Marrying the CEO"   Chapter 5

    "Broken dreams are not the end of the road. They are the beginning of new dreams and a new direction in life. You just need to be strong enough to take the first step."- - -PamMagkahalong kaba at lungkot na masaya ang nararamdaman ni pam nang makarating sila sa bahay na tinitirhan ni brix ang tahanan na minsan ay naging malaking bahagi nang kanyang buhay.Para siyang itinirik na kandila na unti unting nauupos sa muling pagbalik sa ala ala nang kabataan niya.Hindi siya makalakad para siyang naenkanto na hindi maihakbang ang mga paa, nauna nang pumasok si brix kasunod nito ang driver na bitbit ang gamit nang amo.Inilibot niya ang paningin sa kabouhan nang bahay naroon parin ang malawak at malaking garden ni mama yoona o tama pa ba na tawagin niya itong mama o mam.Muling bumalik sa isip ni pam ang eksena sa garden noong nasa highschool pa lang siya na kasalukuyan silang naghahabulan ni yohanna nang aksidenteng mabangga niya si brix at natapon ang juice nito sa librong binabasa nito

  • "Marrying the CEO"   Chapter 4

    "Be strong now because things will get better; it might be stormy now but it can't rain forever."- - - -'Pamela'......'Pam bilisan mo baka mahuli tayo ni kuya lagot tayong dalawa.' Mahinang bulong nang batang si Yohanna sa kaibigang si Pam.Umakyat kasi sila sa puno na malapit sa pader nang bahay ng mga Jimenez para maka punta sakabilang bakod sa bahay ng mga Salvacion kung saan naroon ang crush ni yohanna na si Francis..Mahigpit kasing ipinagbabawal ni brix ang pag akyat nila sa roon para makapunta sa bahay nina Francis, baka daw mahulog sila at mabalian pero ayon kay yohanna hindi naman daw iyon ang totoong dahilan kaya ayaw silang paakyatin doon ng kuya niya kasi mismong si brix doon din dumadaan kapag pupunta kina francis na kaibigan din nito at kaklase nilang dalawa.Ayon kay yohanna may gusto daw sa kanya si francis kaya offlimits sila sa kabilang bahay pati dw siya nadamay sa pagiging seloso ng kuya niya kagit crush ni yohanna si francis at may pagtingin din ang binata s

  • "Marrying the CEO"   Chapter 3

    - - - -Nagising Pam sa hindi pamilyar na silid agad niyang pinasadahan nang tingin ang paligid nang naturang silid, at naroon sa isip ang katanungan kung nasaan siya nang maalala niya ang muli nilang pagkikita ni brix.Nang maalala ang lalaki ay agad siyang napabangon sa napakalambot na kama.Madilim pa sa labas nang silipin niya iyon mula sa bintana sa silid na kinaroroonan niya, at ayon sa mumurahing relo na nasa bisig niya ay alas kwatro palang nang madaling araw.Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at pinakinggan muna ang paligid ayaw niyang magising si brix kung saan man ito natulog ayaw niyang malaman nito ang pag alis niya.Tahimik ang nagsisilbing sala nang naturang hotel, nahagip nang mata niya ang namamaluktot sa isang may de kalakihang sofa ang pigura nang isang lalaki na sigurado siyang si brix.Dahan dahan siyng lumapit dito at pigil ang kamay para haplusin ang napaka amo nitong mukha.Hindi parin nabago ang itsura nito gwapo pa rin ito tulad noon, pero di tulad noon n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status