Share

[CHAPTER 5]

xx

(Allyza POV)

Maaga akong nagising para mag luto ng umagahan. Ace hasn't woken up yet, so I read the news on the ipad while waiting for him to wake up, so we can eat breakfast together.

"What a rumor." Tanging nasabi ko nang mabasa ang isang showbiz news. Hindi na talaga makuntento ang mga sikat na artista ngayon, pati muka pinipeke na.

I heard my stomach rumbling because of hunger, I looked at my wrist watch and it was past eight in the morning. Hindi naman ganitong oras gumising si Ace, hindi kaya may nangyari na sa kaniya?

I stood up and walked to the stairs.

"Saan po kayo pupunta madam?" tanong ni Mr. Tan

"I'm going to look if Ace is okay, I'm worried Mr. Tan, hindi naman kasi siya ganitong oras nagigising." I said and went up through the stairs.

Nasa harap na ako ng kwarto nito, kumatok ako ng dalawang beses ngunit walang sumasagot.

"Ace? Breakfast is ready, a-are you there?" hinihintay ko itong sumagot ngunit wala akong narinig mula sa loob ng kwarto. Kinakabahang pinihit ko ang pinto, maybe he's busy or just still sleeping?

When I'm already went inside on his room, I see him peacefully sleeping on his bed. Kinakabahan ako dahil baka magalit siya sa akin kapag nagising siya at makita akong nandito sa loob ng kwarto niya.

I swallowed hard when I saw his naked body, only his biceps to his feet were covered by a white blanket.

Biglang nang init ang muka ko dahil sa nakita, he's masculine chest, six packs of abs and his V line biceps. Goshh!! Ganito pala talaga ka hot ang asawa ko, now I know kung bakit maraming babae ang nag kakandarapa sa kaniya noon at hanggang ngayon, isa narin ako sa mga babaeng yun. Napalunok akong muli nang napatingin nanaman ako sa katawan niya.

'Damn! I can't resist his goodamn body!'

Anang isip ko. Umiling-iling ako para mawala ang iniisip at mahinang umupo sa gilid ng kama. Malalim ang pag hinga nito at alam kong mahimbing siyang natutulog.

I looked into his handsome face at napangiti, parang ang bait at di maka basag baso ito kapag natutulog. Sana lagi nalang siyang natutulog para matagal ko siyang natitigan ng ganito. Hahawakan ko sana ang muka niya ngunit gumalaw ito kaya naman agad akong tumayo at lumayo sa kama.

I need to leave this room immediately. Baka magalit nanaman siya sa akin. Bumuntong hininga ako at pinihit ang door knob.

"So... cold..." rinig kong ungos niya. Napakunot noo naman ako. Tumingin ako sa Aircon at kita kong hindi ito naka on, hindi naman masyadong malamig sa kwarto niya nang pumasok ako. Tumingin ulit ako sa kaniya at napataas ang kilay dahil ngayon ko lang narealize ang pamumula ng pisngi nito.

Hindi kaya may sakit siya?

Muli akong lumapit sa kinaroroonan nito, nanginginig ang kamay kong inilapat sa noo niya. I gasp at agad na nag panic.

"Shit he's sick!" napakagat labi ako at agad na lumabas ng kwarto.

I panic at agad na kumuha ng medicine kit at extrang kumot.

"Ano pong nangyari?" Tanong ni Mr. Tan nang makita akong nagpapanic habang papakayat nang hagdan.

"He's having a fever Mr. Tan, please bring me a warm water and a towel." Sabi ko at agad na tinungo ang kwarto ni Ace.

Inilapag ko ang dala kong gamot sa mesa at ikinumot ko sa kaniya ang dala kong makapal na kumot.

"Anong bang ginawa mo at bakit ka nagkasakit?" Tanong ko sa lalaking walang muwang na naka higa sa kama.

I heard a knock from the door.

"Madam, ito napo ang ipinapakuha niyo sa akin." boses ni Mr. Tan

Agad kong binuksan ang pinto at kinuha ang tubig at towalya kay Mr Tan.

"Salamat po,"

"If you need anything else madam tawagin mo lamang ako."

Tumango ako at isinara ang pinto.

Ibinasa ko ang maliit towalya at itinupi ito. Umupo ako sa gilid ng kama at mahinang inilagay ang towel sa noo niya.

Nagulat ako nang bigla nitong hinawakan ang kamay ko.

"Sofia...." sambit niya.

Kinakabahang tumingin ako sa kaniya, naka pikit parin ang mga mata nito. Nanaghinip ba siya?

Binitawan niya ang kamay ko at muli nanamang lumalim ang paghinga niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ito nagising.

Hinintay kong nawala ang lamig ng towel at agad nanamang ibinasa ng tubig. Inilagay ko nanaman ito sa noo niya. Kailangan niyang uminom ng gamot.

Napakagat labi ako dahil kailangan ko siyang painumin ng gamot.

Huminga ako ng malalim at mahina siyang ginising.

"Ace? Ace wake up, you need to take your medicine."

"Hmn..." ungos niya. Mas lalo akong nahirapan dahil parang ayaw niyang magising.

"Ace.. please wake up, kailangan mong uminom ng gamot."

Nagulat ako nang mahina nitong iminulat ang mga mata, umupo ito ngunit parang wala ito sa sarili.

Kinuha ko ang tubig sa mesa at gamot.

"Here, drink this."

Agad itong tumingin sa akin ngunit wala akong nakikitang galit sa mga mata niya. Agad niyang kinuha sa kamay ko ang gamot at tubig, agad niya naman itong ininom.

Hinintay kong magsalita ito ngunit wala siyang sinabi kahit ni isang salita, bagkus ay muli itong humiga at muli nanamang ipinikit ang mga mata.

Lumalim ang paghinga nito at tuluyan nanamang nakatulog. Naka hinga ako ng maluwag, akala ko magagalit siya sa akin.

Narinig ko nanaman ang pagkulo ng  tiyan ko, gutom na ako. Kailangan ko munang kumain at kailangan ko 'rin lutuan ng sopas si Ace. Kailangan niyang kumain at humigop ng mainit na sabaw.

PAGTAPOS kung magluto ng sopas ay agad akong naglagay sa maliit na mangkok. Pag pasok ko ng kwarto niya ay mahimbing parin itong natutulog, it's been 3 hours mula nang uminom siya ng gamot.

Kinuha ko ang towel sa noo nito at agad nanaman siyang ginising.

"Ace? You need to eat." Pag pukaw ko sa kaniya.

Nagising naman ito at inalalayan ko siyang maka upo, naka hubad parin pala siya kaya agad akong napalunok ng mahawakan ko ang likod at dibdib niya. Parang biglang uminit yata ang kamay ko?

Kinuha ko ang sopas at inihipan ito para hindi masyadong mainit.

"You need to eat first, here."

Ibinigay ko sa kaniya ang mangkok na may lamang sopas, hinintay ko siyang kainin iyon ngunit parang mahina ang mga kamay niya at hindi niya ito masyadong maigalaw.

"Okay let me feed you."

"No." Matigas na sabi nito. Bumuntong hininga ako at kinuha sa kaniya ang mangkok.

"Please.. let me feed you this time, look at you..... you didn't even have a strength." I said. Bigla naman itong napatahimik dahil sa sinabi ko.

Hinalo ko ang sopas at inihipan muna ang nasa kutsara bago inilapit sa bibig niya.

"Say ahh.."

"Stop it." Inilayo nito ang muka at ipinilig sa kabila.

"Ace, you need to eat. Kailangan mong gumaling, please makinig ka naman sa akin kahit ngayon lang." Pakiusap ko, rinig ko ang pag buntong hininga nito at isinubo ang sopas mula sa kutsara.

Napangiti ako dahil sa ginawa niya, atleast this time nakinig siya sa akin.

Nang maubos niya ang sopas ay agad kong ibinasa ulit ang towel at lumapit sa kaniya.

"Wag kang gagalaw, kailangan mong mapunasan para mabawasan ang lagnat mo."

"What? No! Don't you ever dare to touch me woman!" Mahinang ngunit may diing sabi nito.

"You don't have a choice Ace, just stay still and don't move." Agad kong pinunasan ang leeg at balikat niya, natatawa ako dahil nararamdaman kong nag sti-stiff ang katawan nito dahil sa lamig ng towel na pinupunas ko sa kaniya.

"Damnn... that's too cold." reklamo nito. Natawa nalamang ako, natapos kong punasan ang katawan niya at tanging muka nalang nito ang hindi pa.

Hinawakan ko ang muka niya at mahina itong pinunasan. Pinunasan ko din ang buhok niya at natawa ako dahil para siyang basang sisiw, I stiff when he grabs my wrist at inilayo sa muka niya. Napatingin ako sa mga mata niya at ganun din siya.

Napalunok ako nang napagtantong sobrang lapit pala ng muka naming dalawa, mas nakita ko ang mga mata niya ng malapitan, he's brown and attractive eyes... para akong hinihigop na hindi ko maintindihan.

Nakita kong napatingin ito sa labi ko at bumalik sa mga mata ko. What is he thinking? Hahalikan niya ba ako?

Bigla akong nag panic at agad na binawi ang kamay ko, agad akong tumayo at pilit na ngumiti.

"Y-you need to rest now. If you need anything-"

"I'm fine now," He immediately said.

Tumango ako at agad na tinungo ang pinto.

"Rest well." Tanging nasabi ko nalamang bago tuluyang lumabas ng silid. Doon nalamang ako naka hinga ng maluwag.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status