Share

Marupoked
Marupoked
Author: Ukiyoto Publishing

Introduction

 

"Break na tayo."

 

Tatlong salita lamang 'yan ngunit nagawang pabagsakin ang mundo ko. Hindi ko alam. Hindi ko rin maintidihan. Marahil ay nagmahal lang talaga ako nang lubos. Wala naman sigurong hindi masasaktan kung sabihin sa 'yo ng taong mahal mo na makikipaghiwalay na siya. Ang masaklap doon, mahal mo pa siya.

"Ayoko na, pagod na 'ko."

Hindi ko rin alam kung saan ako nagkulang. Sa tingin ko naman, ginawa ko ang parte ko. Bigla na lamang dumating 'yung araw na naramdaman ko ang panlalamig niya. Tinanong ko naman siya kung bakit. Sinubukan ko naman siyang kausapin. Subalit sa huli, wala rin akong napala. Hindi ko pa rin naisalba ang pinahahalagahan kong relasyon. 

Napaisip tuloy ako, minahal niya kaya talaga ako?

O sinabi niya lang na mahal niya ako para maging kami at magkaroon siya ng pampalipas oras?

"Tama na, itigil na natin 'to."

Napakadali para sa kaniyang sabihin ang mga salitang 'yon. Hindi ko alam kung isang music lang ba ang tingin niya sa akin na once na magsawa ka na, pwede mo nang i-hinto at humanap ng ibang mas maganda. 

Bumaba ang tingin ko sa sarili ko, aminado ako. Lalo pa nang sinabi niyang, "May iba na akong gusto."

Ngunit kahit papaano, nagpapasalamat pa rin ako. Dahil kung hindi siya nakipaghiwalay, hindi ko mas makikilala ang sarili ko. Hindi ako magiging matatag. At mananatili pa rin akong katulad ng dati—marupok at mabilis mahulog.

Kaya naman nang isang araw ay laking gulat ko nang sinabi niyang..

"Magbalikan tayo, mahal pa rin pala kita."

Ngumisi na lamang ako. Ang kapal ng mukha ng taong ito. Kaya't tumingin ako sa kanya't tumugon.

"Pasensiya na, pero hindi na ako marupok. Marupok with an ed will do. Humanap ka na lang ng iba—'yung kayang-kaya mong paikutin gaya ng ginawa mo sa akin."

I am Josefina Erika B. Matienzo, a former Marupok and is now Marupoked.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status