Share

Let's run away?

ZARINA POV

Ang mga sinabi niya kagabi. Ang mga ipinagtapat niya at ang katotohanang ikinasal na siya. Oo kinasal kay Aurora. Inaasahan ko naman na ito, hindi ba?. Alam kong mag-aasawa siya balang-araw pero hindi ko inaasahang kukurot iyon sa puso ko. Galit dapat ang nararamdaman ko dahil sa kaniya nawala si Mommy Pie at babalik kami sa San Fabian para tuluyan ng putulin ang anumang koneksyon namin sa kanya. Ano ba ang balak niyang gawin? Papatayin niya ba ang babaeng iyon at tatapusin narin niya ang kanyang buhay? Iyon na ba ang naiisip niyang solusyon? Hindi parin siya nagbabago. Ang Rayne Madrigal na kilala ko noon at magpahanggang-ngayon ay nais parin ang mga solusyon na alam niyang lilikha ng pangit na katapusan. Pero hindi na ba talaga namin siya makikita ulit pagkatapos nito? Paulit-ulit kong tanong sa aking isip. Hanggang sa makita ko siyang nagluluto ng pagkain namin. Paano kaya kung hindi siya umalis ng gabing iyon? Kung hindi niya ako iniwan? Isang pamilya parin kaya kami?
Lexie Onibas

The end is near. Salamat po ng marami..

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status