Meet Zarina Da Cerna, a living princess and aspiring actress like her deceased mother. Unfortunately her father gone broke to casino and indebted with billions to Rayne Madrigal. With that option, desperation overtook him and left him no choice, He sold her one and only daughter to Madrigal. Rayne was pleased upon seeing the girl with innocent face and capabilities. He took her to his place and become his personal maid and a secretary. He was a businessman and cold hearted man who use money and power to get what he wanted. She hated him to the bone and even curse him while he was asleep. She wanted to run and escape from the controlling hands of Rayne but she can't because even she hates him, she was attracted to him at the same time. Finding herself falling and even getting married to him. He wants only the validations of his father but his heart remained untouched. Then married life take toll on them and get divorce after but if they got another chance will they choose to be in arms of each other? or either way.
View MoreMonica
Sa mundo na ginagalawan sadyang may mga bagay at tao talaga na inakala mo’y alam mo at kilala mo na, pero hindi pa pala. Mga bagay na patuloy na ikinukubli sa dahilang ito ang mas nakabubuti at nararapat. Pero paano nga ba ito haharapin kong ang mga tao mismo sa iyong paligid na akala mo ay kakampi ay siya ring nagbabalat kayo?
******
Pumupungas pa ako habang pababa ng hagdan sa kadahilanang antok pa. Kahit nakaligo at nakabihis na ako ay hindi pa rin naalis ang antok ko. Hihikab sana ako ngunit nabitin ito nang may marinig akong galabog galing sa kusina. Dali-dali akong tumakbo papunta ng kusina, gayun din si papa na nakasabay ko pa sa pagpasok ng kusina.
"Ma?" Tanong ko sa babaeng nakatayo sa harap ng gas stove. Nagkalat ang mga shell ng itlog sa lababo at gayundin ang ilang kasangkapan pang luto.
"Dear? Anong nangyari?" tanong ni Papa kay Mama bago ito lapitan. Ako naman ay naupo na sa dining.
"Gusto ko sana ipagluto ng almusal si Monica eh." Napakamot si papa ng ulo dahil sa sinabi ni mama.
Ako naman ay nanlaki ang mata at hindi makapaniwala na napatingin kay Mama. "Ma, mahal mo ba ako?" tanong ko.
Isang matinding irap ang napala ko kay mama. Kinuha ni Papa ang sandok mula sa kanya. "Maupo ka na roon katabi si Monica. Ako na ang bahala sa almusal."
Napabuntong hininga naman si Mama at tumabi na sa akin.
"Ayan kasi. Ang kulit mo rin naman kasi Mama eh. Sabi na wag ka na mag try magluto eh." panloloko ko pa kay Mama. Kung kanina ay irap lang ang nakuha ko, ngayon ay isang malakas na pambabatok.
"Manahimik ka ha. Baka malimutan kong anak kita at matusta kita ngayon." sabi niya pero sa halip na matakot ay natawa pa ako sa kanya.
Matapos ang ilang sandali ay natapos na magluto si Papa ng scrambled egg at naglapag na s’ya ng toasted na tinapay sa harap namin ni Mama. Ako naman ay tumayo na upang kumuha ng baso at fresh juice sa ref.
"Hindi ka talaga pwede sa kusina, dear." sabi ni Papa.
"Sige, maaga n’yo ako asarin mag-ama." sabi ni Mama kaya nagkatinginan kami ni Papa at natawa na lang sa inasal ni Mama. Natigilan kami noong may dumaan na bola ng apoy sa gilid ni Papa.
"Tawa pa?" tila naasar na sambit ni Mama.
"Dear naman. Wala namang ganyanan." sabi ni Papa habang nag aalangan na tumingin kay Mama.
"Kaya nga, Ma. Unfair sa akin. Wala akong pansalag sa iyo."
"Monica, alam mo naman na hindi ka namin pwede turuan ng papa mo. Hindi natin alam ang maaring mangyari. Baka hindi mo makontrol ang kakayahan mo." sambit ni Mama habang nag aalala na nakatingin sa akin.
"Alam ko naman po yun Ma. Alam ko rin po ang pwedeng mangyari sa oras na gamitin ko iyon. Mataas ang tyansa na mas maging target pa tayo ng mga demons."
"Siguro, hindi pa ngayon ang pagkakataon na tuturuan ka namin. Pero panigurado, darating din tayo roon." dugtong pa ni papa sa sinabi ni mama.
Pinilit kong ngumiti sa kanila kahit sa totoo lang ay bahagya akong nagtatampo.
Minsan iniisip ko ay wala silang tiwala sa akin na makokontrol ko ang kakayahan ko bilang kalahating anghel at kalahating demon. Pero mas lamang pa rin ang pag iisip ko na ginagawa nila iyon para rin sa akin- para protektahan ako.
Dahil sa akin ay nahihirapan sila. Dahil isa akong kalahating anghel at kalahating demon ay may tinataglay daw akong pambihirang lakas. At ang kakayahan ko na iyon ay hinahangad ng mga taga-hell. Maari kasi nila akong magamit upang magkaroon ng malaking tyansa na manalo laban sa mga taga-langit. Ngunit hindi naman hinahayaan ng mama at papa ko na makuha ng mga taga-hell.
Kahit na Cherubim si papa at si mama naman ay isang archdemon, ay hindi pa rin maipagkakaila na malakas ang ibang taga-hell lalo na sa oras na sumugod sila sa oras na hindi namin inaasahan. May pagkakataon na isang prince of hell ang nakalaban nila para lang protektahan ako.
Nagtanong din ako noon kila mama kung bakit hindi nila ako ginawang full angel noong bata pa ako. Ngunit ang sabi nila ay maaaring hindi kayanin ng aking katawan ang magiging proseso nito. Kaya para na rin sa ikabubuti ko ay hinayaan na lang nila na maging half demon at half angel ako. Pero, para hindi ko magamit ang kakayahan ko ay may ibinigay sila sa akin na kwintas na nagse-seal ng kakayahan ko.
Nang matapos kumain ay nag toothbrush na ako at kinuha ang bag ko na naka ready na sa aming sala.
"Mama, Papa alis na po ako." pag papaalam ko kila mama bago lumabas ng pinto.
Sa paglalakad ko ay nakita ko ang isang babae na tila may inaantay sa kanto na kinatatayuan niya. Napangiti ako bago siya tuluyang lapitan.
"Good morning, bestie!" Nakangiting bati ko.
"Anong good sa morning, demonyita? Baka nakakalimutan mo, 6:15 ang usapan natin. Aba, 6:20 na kaya." Sabi niya at halos batukan na ako. Alam kong medyo bad trip na s’ya dahil demonyita na ang tawag nya sa akin
"Sorry naman na. Wag mo na akong tawaging demonyita. Baka may makarinig pa. Isipin pang masama ako." Natatawa kong sabi bago siya hilahin para maglakad.
"Tigilan mo ako. Tama lang ang demonyita. Ayun naman talaga pangalan mo ah. Si tita Demenise na mismo nagsabi. Hindi naman dapat Monica Dee pangalan mo. Dapat Dee Monica. Hindi lang pumayag si tito. Sige, sabihin mo na hindi totoo."
Napasimangot na lang ako dahil totoo iyon. Dee Monica dapat ang pangalan ko. At kung iisipin, pag binigkas ito ay parang magkasing tunog sa 'Demonyita' o kaya naman ay 'Demonyo ka'. Which is kabaliktaran naman ng pangalan ng bestfriend ko. Kung ako ang Demonyita, s’ya naman ay Angelica, parang pang anghel lang.
"Oh, 'di ba. Naku, kung hindi lang kita bestfriend malamang, nilayasan na kita." sabi niya at ngumiti na.
"Alam ko naman na hindi mo ako matitiis." Napa halakhak ako at kumapit sa braso niya.
Pagdating namin sa room ay dumeretso na kami sa upuan namin. Kauupo pa lang namin ay may lumapit na agad sa amin na kaklase namin na si Mae.
"Monica, Geca! Nakita n’yo ba kanina sa faculty yung dalawang transferee?" Tanong nito.
Nagkatinginan naman kami ni Geca.
"Wala naman kaming napansin noong dumaan kami kanina." sagot ko.
"Ang pagkakadinig ko kanina, dito sa section natin sila papasok. Naku, mukhang magkakaroon na ng gwapo sa HUMSS 12-A sa wakas." excited na saad ni Mae.
"Para mo namang sinabi na walang gwapo sa section natin." natatawa na depensa ni Geca.
"Naku! Wala naman talaga. Nakakasawa ang mga pagmumukha nila. Buti na lang talaga, may transfer na. Sige na, magre-review muna ako sa Creative Writing. Baka may pa-quiz na naman si Sir e’." sabi ni Mae bago umalis.
"Ikaw, bestie? Sa tingin mo ba gwapo talaga yung mga yun?" tanong ko.
"Hindi naman natin pwede i-judge agad na pangit o gwapo. Malalaman natin sa oras na makita natin." pakli niya kaya naman nagkibit balikat na lang ako.
Kinuha ko ang notebook ko sa bag ko at nagbasa na lang ng notes. Maya-maya ay dumating na ang adviser namin na si Sir Raguel. Kasama n’ya ang dalawang estudyante. Mukhang sila na nga ang sinasabi kanina ni Mae na transferee.
Halos pareho sila ng height. Sa tingin ko ay nasa 5'10 sila. Ang isa ay inosente ang dating. Maamo ang mukha nito at kapansin-pansin ang mga mata nito na kulay asul. Matangos din ang ilong nito at may pinkish na labi. Habang ang isa naman ay parang playboy ang dating. Unang-unang mapapansin sa kanya ay ang ngisi niya sa mapula niyang labi na tila may binabalak na kalokohan. Mapapansin din ang mata niya na tila nanghihigop. Katulad ng katabi niya, matangos rin ang kanyang ilong.
"I'm Mikael Archanghel. 18 years old. It's nice to meet you all." Pagpapakilala nung lalaki na may innocent look.
"I'm Nathan Sandoval. 18." Sabi naman noong isa at kumindat pa dahilan upang mapuno ng impit na tilian ang room.
Tumikhim naman si Sir Raguel upang mapatahimik ang klase.
"Maari na kayong umupo roon sa fourth row." Itinuro ni Sir ang side namin. Tumango naman silang dalawa bago maglakad papunta sa fourth row- sa likod ng row namin.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang dumaan si Nathan sa gilid ko.
"Hi Monica." sambit nito bago tuluyang umupo sa likod namin. Gusto ko man s’ya tanungin kung bakit niya ako nakilala, ay hindi ko na nagawa dahil nagsimula na ang klase ni Sir Raguel.
Natapos ang first two morning subjects at nagtataka pa rin ako. Nang lumingon naman ako sa likod para tanungin sana si Nathan para tanungin kung paano niya ako nakilala, ay wala na s’ya roon. Si Mikael lang ang mag-isa na nakaupo habang nakikinig ng music sa headphones n’ya.
"Bestie, kilala mo ba si Nathan?" tanong ko kay Geca.
"Hindi. Ikaw ba?" tanong niya pabalik.
"Hindi rin. Pero, paano niya nalaman ang pangalan ko?"
"Baka naman na meet mo na s’ya sa ibang lugar."
"Sigurado akong hindi ko pa s’ya nakikita o nakilala. Nakakapagtaka naman."
"Maganda sigurong gawin ay iwasan mo na lang hangga't maaari. Lalo na at hindi mo pala talaga kilala." payo ni Geca pero bakit parang may iba siyang alam na dahilan pero hindi niya sinasabi sa akin?
Akmang kakain na ako ng sandwich na baon ko nang may kumalabit sa akin mula sa likuran. Nang tingnan ko, ay si Mikael pala.
"Uh, hi?" alanganin na sabi niya habang nakangiti.
"Hi." bati ko naman pabalik at nginitian s’ya.
"Gusto ko kasi sana na makipagkaibigan sa lahat. Kaya lang medyo nahihiya pa ako. Kaya sa inyo muna sana. Kung ayos lang naman." sabi niya at napakamot pa sa batok niya. Halatang halata sa kanya na nahihiya pa s’ya. Nakakatuwa kung iisipin at isa pa, ang cute tignan.
"Oo naman. Monica Dee Saavedra. You can call me Monica." nakipag kamay sa kanya at ngumiti.
"Mikael Archanghel."
"Mikael, this is my best friend, Angelica Guardino." pagpapakilala ko kay Geca at hinarap si Mikael.
Ngumiti naman si Geca sa kanya at nakipag kamay din.
"Nice to meet you." simpleng sabi ni Geca
"Nice to meet you too. It feels so nice na kahit papaano ay may kakilala na ako." tugon ni Mikael sa’min habang nakangiti.
"Don't worry. For sure magiging kaibigan mo ang lahat. Mababait naman ang mga kaklase natin. Mukha lang mga baliw ‘yan." pagbibiro ko.
Natawa naman s’ya sa sinabi ko "Sana nga." Sambit niya.
"Pwede rin ba ako na makipagkaibigan?"
Natigilan naman ako at napalingon sa gilid ko. Nandoon na si Nathan at nakangiti. Well, I’m not even sure if that's a real smile or if it's a smirk.
"Oh, sure. The name is Monica." sagot ko na lang at nakipag kamay kahit na nag aalangan.
"Nathan."
Tumingin siya kay Geca at inalok ang kamay niya upang makipag kamay rin. Napatingin pa sa akin si Geca pero tinanguan ko na lang siya ng bahagya.
"Geca." maikling sabi niya bago tanggapin ang kamay ni Nathan.
Naupo naman na sa upuan niya si Nathan at tumingin kay Mikael.
"Ikaw? Pwede ba ako makipagkaibigan sa iyo?" Hindi ko alam kung ako lang ba o parang nang-aasar si Nathan.
"Oo naman." sagot naman ni Mikael at nakipag kamay din kay Nathan. Ngumiti sila sa isa't isa pero ramdam ko na may kakaiba.
"So, ano pala ang next subject natin?" Tanong ni Mikael.
"Introduction to the Philosophy of the Human Person." sagot ko.
"Tapos ang kasunod naman noon ay Understanding Culture, Society and Politics." dugtong pa ni Geca.
Napatango naman silang dalawa.
Dahil wala pa naman ang teacher namin sa Philosophy ay kinalabit ko si Geca.
"Ako lang ba o parang magkaaway ang dalawa sa likod natin?" Tanong ko.
Nagkibit balikat lang si Geca.
Muli akong lumingon sa likod at tinignan ang dalawa. Si Mikael ay nakaheadphones ulit habang nakatingin sa labas habang si Nathan naman ay nakadukdok sa table niya.
Napailing na lang ako dahil sa kung ano-ano na lang ang naiisip ko.
“Any plans?” sabi ni Zarina habang tinutulak niya ang wheelchair ni Rayne. “I’m blind at hindi ako makalakad para makapag-isip ng plans for this coming weekend,” sarkastikong sabi ni Rayne sa asawa. “Alam ko. Sumama na naman ang loob mo?” sabi ni Zarina. Umupo siya sa harap ni Rayne at hinaplos ang mukha nito. “No, I can’t do things on my own, Zarina,” muling sabi ni Rayne. “Hmm.. I’m sorry. Hindi lang ako makapaniwalang magkasama na tayo. Na nandito kana sa tabi ko at sa buhay namin ni Regina. Aalagaan kita, Babe,” paglalambing ni Zarina. Nakaupo sila sa may garden set at parehas silang nagpapaaraw ng mga oras na iyon. “Hindi ka nagsisisi na ganito na ako?” ng mga oras na iyon ay muling umagos ang luha ni Rayne. At pinunasan ni Zarina ang luha nito. “Hindi. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sa iyo noon at hanggang-ngayon. Natatandaan ko ang lahat ng nangyari. Lalo na noong---” hindi na naituloy pa ni Zarina ang sasabihin ng biglang kapain ni Rayne ang kaniyang labi. “Babe, ako
Rayne’s POVNgayon lang ako naramdam ng matinding takot hindi para sa sarili ko kundi sa buhay ng magina ko. Hindi ko sila kayang protekhan laban kay Aurora. Ilang beses na akong muntikang mamatay at hindi ko alam kung bakit ako nanatiling buhay magpahanggang-ngayon. Noong bata pa ako miyembro ako ng isang grupo ng loan shark. Gulo at pananakit ang hatid namin sa ibang tao. At ng makita ang aking potensyal ay kinaha ako ng isang organisasyon para maging boy nila sa loob pero nangarap ako para sa nanay ko at isang araw hihigitan ko ang ama kong iniwan kami para sa babae niya. Umakyat ako sa pinakamataas na posisyon hanggang maging kanang kamay ako ng organisasyon. Gumaling sa paggamit ng ibat-ibang klase ng armas at nakasama sa lahat ng misyon pero muli ko ulit iniwan dahil sa ama kong biglang pumasok sa buhay namin. Nagbayad ako ng malaki para makaalis sa organisasyon at nangakong makikipagtulungan ngunit traydor ang oras. Bumaliktad ang lahat at sa unang pagkakataon ay kinailangan k
DUMATING sila sa unit ni Rayne ngunit walang bakas na nagpunta ito roon. Ang ayos ng unit ay nanatili sa ganoon simula ng umalis siya sa poder nito. Binuksan niya ang bawat ilaw roon. Binisita niya ang bawat sulok ‘non lalo na ang kanyang kuwarto.Naupo siya sa maliit niyang kama. At inalala ang unang beses niyang magising sa kuwartong ito. Gayundin ang gabi na nais na niyang tapusin ang kanyang buhay dahil sa sinisi pa siya ni Rayne sa nangyari. Hindi niya napigilan ang mapaluha at yakapin ang kanilang anak.“A-Anak bumalik na tayo kila Tita Sally mo, wala dito ang Daddy mo…” sabi niya sa anak.“Eh nasaan po ba talaga si Daddy? Sa bahay nila or sa sinasabi ni Anty Sally na rancho..baka naroon po si Daddy?” sabi ni Regina. Hindi parin sumusuko si Regina dahil sa kagustuhan nitong makita ang kaniyang ama.Nagsimulang makaramdam ng pagkainis si Zarina. “Uuwi na tayo. Regina! Mukhang ayaw na muna ni Daddy mo na makita tayo…hindi tayo maaaring magtagal dito at puntahan siya sa lugar na gu
Zarina POV His lies and his love para sa amin ng anak niya ang nangibabaw at importante sa kanya. Hindi ko na tiis na hindi siya yakapin at bulungan.“Come back to me, when its over. Maghihintay kami ni Regina,” sabi ko at tuluyan na nga kaming umalis ni Regina. Hindi ko alam kung paano niya ise-settle kay Aurora ang lahat. Pero naniniwala akong magiging ayos lang lahat. Isang tapik ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Oo, isang taon na ang nakararaan matapos ang pagsama namin kay Sergio. Halip na ibalik kami sa San Fabian ay hiniling ko sa kanyang dalhin kami sa isang lugar na makakapagsimula kami ni Regina. Dinala niya kami sa lugar na kung saan siya ipinanganak hindi ko lubusang kilala ang lalaking ito pero sa kanya kami ipinagkatiwala ni Rayne kaya binigay ko sa kanya ang tiwalang iyon. Nagulat nalang ako ng makita ang babaeng iyon na pinagselosan ko. Si Sally kasama ang kaniyang ina.Hindi nagkukuwento si Sergio tungkol sa nangyari ng araw na iyon. Hindi na rin siya bumisita
ZARINA POV Ang mga sinabi niya kagabi. Ang mga ipinagtapat niya at ang katotohanang ikinasal na siya. Oo kinasal kay Aurora. Inaasahan ko naman na ito, hindi ba?. Alam kong mag-aasawa siya balang-araw pero hindi ko inaasahang kukurot iyon sa puso ko. Galit dapat ang nararamdaman ko dahil sa kaniya nawala si Mommy Pie at babalik kami sa San Fabian para tuluyan ng putulin ang anumang koneksyon namin sa kanya. Ano ba ang balak niyang gawin? Papatayin niya ba ang babaeng iyon at tatapusin narin niya ang kanyang buhay? Iyon na ba ang naiisip niyang solusyon? Hindi parin siya nagbabago. Ang Rayne Madrigal na kilala ko noon at magpahanggang-ngayon ay nais parin ang mga solusyon na alam niyang lilikha ng pangit na katapusan. Pero hindi na ba talaga namin siya makikita ulit pagkatapos nito? Paulit-ulit kong tanong sa aking isip. Hanggang sa makita ko siyang nagluluto ng pagkain namin. Paano kaya kung hindi siya umalis ng gabing iyon? Kung hindi niya ako iniwan? Isang pamilya parin kaya kami?
“I think isa ako sa nais mong kalimutan. I’m sorry, Zarina sa mga nangyari sa buhay mo ng dahil sa akin,” sabi ni Rayne.“Ano ang totoong nangyayari? Kaya mo ba nais na maisama kami malayo sa San Fabian dahil alam mong mangyayari ito? Alam kong alam mo ang nangyayari!” sabi ni Zarina.“I want you and Regina safe… because---. I’m already married to Aurora!” sabi ni Rayne.Hindi niya nais na sabihin kay Zarina ang totoo pero hanggang kailan niya ito itatago.“To Aurora!” sabi ni Zarina.“Nagpakasal ako dahil kay Mama. Sinagip niya ang nalulugi naming kumpaniya at sa pagpapagamot ko. Nang malaman ko na nagkaanak tayo nais kong mabuo ang pamilyang minsan ko ng iniwan at sinira. Hindi ko akalaing aabot sa ganito. Nalaman niya na nagkaanak tayo. Gagawin niya ang lahat para mawala ka lang at si Regina. Hindi ako papayag na ganon ang mangyari..” salaysay ni Rayne.“So, si Aurora pala ang may kagagawan ng lahat. R-Rayne.. hindi na tayo mabubuo kahit pa iwanan mo na si Aurora. May sari-sarili
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments