Share

Chapter 8

Nakarating kami sa Star City. Si Frost na ang pumila para sa tickets namin habang si Winter ay hindi humihiwalay sa akin. Isa isang inabot sa amin ni Frost ang mga ticket.

"Yey!! Let's ride naaa" excited na sigaw ni Winter at tumakbo.

"Winter" sabay naming sigaw ni Frost. Napatingin ako sa kanya pero agad na nag iwas ng tingin nang makitang naka angkla ang braso ni Aliyah sa kanya.

Hinabol ko si Winter para makalayo na din kila Frost. Nauna kaming pumasok ng bata. Tuwang tuwa ito maging ako ay tuwang tuwa sa nakikita ko.

"Tita Jez, let's buy headband para we're cute po" turo ni Winter sa mga parang mickey mouse na headband.

Tumango naman ako sa kanya. Namimili kami ng kulay ng headband ng maabutan kami nila Frost.

"Tita how do I look?" tanong ni Winter

"Pretty baby" sabi ko sa kanya.

"How abou Tita?" Nag pose ako sa harapan ni Winter.

"Gorgeous" napalingon ako kay Frost na siyang nagbigay ng komento.

"Love, how do I look?" napaiwas ako ng tingin nang biglang magsalita si Aliyah.

Love?
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status