Share

Chapter 2

Bwisit na bwisit ako sa paulit ulit na pagtunog ng cellphone ko. Nakapikit akong sinagot ang tumatawag.

"Whaaaattt??? Natutulog yung tao eh" ibinagsak ko ulit ang ulo ko sa unan.

"Mind your tone Ms. Mercado" napadilat ako nang mata nang makilala ang boses ni Sir Frost. Napaupo ako sa kama.

"Go...od mor....ning Sir" pautal utal kong sabi dito.

"Where are you?" tanong nito sa akin

"Nasa condo po" nagtataka kong tanong dahil day off ko ngayon.

"I'll pick you up in 30 minutes. Fix yourself" dire diretso nitong sabi

"Hep. Wait at bakit??" di ko talaga mapigilan ang bibig ko kapag nabibigla. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Sir Frost sa kabilang linya.

"I have a meeting and I need my secretary"

"Pero sir off ko ngayon" reklamo ko dito

"I'll triple your day just be with me" seryoso nitong sabi. Agad na lumapad ang ngiti ko pagkasabi niya ng triple pay.

"Okay, sir pick me up at 30. Oh do I need to be formal?" tanong ko dito.

"Just casual attire will do" sagot nito at binaba na ang tawag.

Hindi na ako masyadong nag ayos. Just a t shirt na naka tuck in sa isang trouser lang ang isinuot ko at sinuot ang favorite cap ko.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang si Sir Frost na ang tumatawag.

"Where are you? You're five minutes late" masungit nitong bungad. Napanguso ako nang maisip ang mukha nitong nakabusangot na naman.

"Coming sir" masigla kong sabi at nagmamadaling bumaba sa condo unit ko. Pagkalabas ko ay tila tumigil ang mundo ko nang makitang nakasandal si sir Frost sa motor niya at nilalaro ang susi nito.

Good morning nga!

"Jeezzzz" sigaw nito dahilan para matigil ang pagpapantasya ko sa kanya. Mabilis akong naglakad papunta sa kanya. Inabot nito ang helmet sa akin.

"Sir bakit dyan" takang tanong ko dito "wala ka bang kotse?"

"Ang daming reklamo late ka na nga eh" masungit na sabi nito sa akin. Bigla niyang inagaw ang helmet sa akin at siya na mismo ang nagsuot nito sa akin.

Napigil ko ang paghinga ko at napaiwas ng tingin nang mapagtanto ang lapit ng mukha niya sa akin.

Whuooo!! Aga aga pinagpapawisan na ako.

Inilahad ni Sir Frost ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman yun at inalalayan niya ako para sumakay sa kanya.

"Ready?" tanong nito habang ini start ang motor.

"Sir, saan ako kakapit?" tanong ko dito at naghanap ng pwedeng kapitan. Inayos ni Sir Frost ang side mirror. Ngayon ay ako na ang nakikita doon. Napabuntong hininga ito bago kunin ang dalawa kong kamay at iyakap niya sa beywang niya.

"Kumapit ka baka mahulog ka" sabi nito ng walang kahit anong emosyon ang mukha. Yumakap naman ako sa kanya "Higpitan mo Jezreel"

Nagkatinginan kami sa salamin at lets*ng puso to akala mo tinatambol sa lakas ng tibok. Napalunok ako bago higpitan ang yakap sa boss ko.

"Good girl" he said and my eyes widened ng makita kong ngumiti siya. Umiwas siya ng tingin sa salamin at hindi ko na rin mapigilan ang mapangiti.

Nakarating kami sa isang five star restaurant. Bumaba na ako at nahirapan akong tanggalin ang helmet kaya si Sir Frost na rin ang nagtanggal.

Nang matapos na ayusin ang motor niya ay nauna na akong maglakad sa kanya pero bigla nitong hinawakan ang palapulsuhan ko. Napatingin ako sa kanya dahil sa ginawa niya.

"Wait, let me fix your hair" para akong hihimatayin nang hawakan ni Sir Frost ang buhok kong nakalugay at sinuklay yun gamit ang daliri niya. Inilagay niya sa likod ng tenga ko ang iilang buhok na tumatakip sa mukha ko. Nakatitig ako sa gwapo niyang mukha habang siya ay seryosong inaayos ang buhok ko.

"There. Let's go" sabi nito at naunang maglakad sa akin. Napatingin ako sa malapad niyang likuran at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa ginawa nito.

Napahawak ako sa dibdib ko at dinama ang kakaibang kaba na hatid ni Sir Frost dito.

Hoyy! Crush lang Jez, hanggang crush lang!

Pagkapasok namin sa restaurant ay may nag approach agad sa aming waiter at dinala kami sa isang private room. Pinagbuksan ako ni Sir Frost ng pinto kaya naman hindi ko mapigilang kiligin pero agad na nawala yun nang makita kung sino ang nasa loob.

Aliyah Delos Santos, her ex long time girlfriend sitting beside a man.

Napatingin ako kay Sir Frost na tila hindi nagulat sa nakita. Dire diretso itong pumunta sa lamesa. Kinamayan niya ang lalaki at tinanguan si Aliyah.

Nilingon ako ni Sir Frost kaya naman nagmamadali akong pumunta sa tabi niya. Nanliit ako nang makita ang suot nang mga nasa harapan namin. Naka formal dress si Aliyah at naka make up. Naka corporate attire naman parehas si Sir Frost at ang kasama ni Aliyah.

"Jez, this is Mr. Quintos and I think you know Aliyah already" inilahad ko ang kamay ko kay Mr. Quintos at nginitian ito. Tinanggap naman nito ang kamay ko at ngumiti. I looked at Aliyah and smile at her pero nagulat ako nang titigan lang nito at ang suot ko.

"Let's eat first before we start our meeting. I hope you don't mind pero nag order na ako" sabi ni Mr. Quintos.

"It's alright" sabi ni Sir Frost.

Isa isang nilapag ang mga pagkain sa harapan namin. Nakakagutom at nakakatakam pero napanguso ako nang puro seafood ang nasa table. Allergic kasi ako dito.

Nagsimula na silang kumain habang nagkwe kwentuhan ng mga personal na buhay minsan ay sa business habang ako ay pinaglalaruan lang ang kawawang lobster sa plato ko.

Naramdaman kong may sumipa sa ilalim ng lamesa ko kaya napatingin ako kay Sir Frost. Poker face lang itong nakatitig sa akin.

"Any problem?" mahina nitong tanong sa akin. Tumango ako sa kanya. Bahagya akong lumapit para bumulong sa kanya. Nakakahiya naman na marinig pa ni Mr. Quintos.

"Allergic ako sa seafood eh" malungkot kong sabi dito. Tumango lang sa akin si Sir Frost bago tumayo at lumapit sa waiter. May sinabi ito at bumalik din sa pwesto nito.

Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa. Bahagyang lumaki ang mata nito sa ginawa ko. Napakagat ako sa labi ko dahil nakalimutan kong boss ko nga pala to.

"What?" iritable nitong tanong.

"Anong sinabi mo sa waiter?" curious kong tanong dito.

"Sir here's your request po" bago pa makasagot si Frost ay dumating na ang platong may laman na steak.

Kinuha yun ni Sir Frost at sinimulang hiwain. Napairap ako nang maisip na para sa kanya pala akala ko sa akin kaya naman bumalik na lang ako sa paglalaro sa lobster.

"Stop playing with that lobster Jezreel" sabi ni Sir Frost dahilan para mapatingin ako sa kanya. Tapos na niyang hiwain ang steak. Napangiti ako nang bigla nitong kunin ang plato ko at ipalit ang steak.

"Thank you boss" nakangiti kong sabi dito at nagsimulang kumain. Silang tatlo lang nag uusap basta ako busy sa pagkain.

Nang matapos kumain ay inalis na ang mga plato namin. Napatingin ako kay Sir Frost nang hawakan nito ang braso ko.

May sinenyas siya sa akin tungkol sa mukha ko. Sinunod ko naman siya at nagpunas sa parte na sinasabi niya. Pinapanood lang ako nito sa ginagawa ko nagulat ako nang bigla nitong kunin ang hawak kong table napkin at siya na mismo ang nagpunas ng stain sa may gilid ng labi ko.

"You eat like my niece Jez" komento nito sa akin bago ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya para patigilin siya sa ginagawa niya. Bakas ang gulat sa mata nito sa ginawa ko.

"You smile Sir Frost" namamangha kong sabi sa kanya pero mas napangiti ako nang irapan lang ako nito.

"Now, you act like your niece" natatawa kong sabi sa kanya.

Sabay kaming napalingon kay Mr. Quintos nang tumikhim ito.

"I'll just go to the restroom" paalam ni Mr. Quintos.

Nang makaalis ito ay napuno ng katahimikan ang lamesa. Napalingon ako kay Aliyah at kay Frost na ngayon ay nagtititigan. Walang gustong magpatalo sa tinginan nila. Biglang ngumiti si Aliyah bago tumingin sa akin.

"Still using the old tactics Aziel? Using other girls to make me jealous?" tinignan ako ni Aliyah at sinuyod ako mula ulo hanggang paa. "Kung kukuha ka naman ng babae sana kung hindi ako kayang higitan eh pantayan man lang sana" nang iinsulto nitong sabi.

Napataas ang kilay ko sa sinabi nito. Naitikom ko ang bibig ko bago tumingin kay Sir Frost na wala man lang sinabi at nakatingin lang kay Aliyah.

Nakaramdam ako ng inis dahil wala man lang itong sinabi para ipagtanggol ako. Ano? Hahayaan niya lang akong insultuhin ng ex niya o baka talaga namang pinagseselos niya lang ito.

Parang may karayom na tumusok sa puso ko nang maisip na ginagamit lang ako nito para pagselosin ang babaeng nasa harapan namin at ako tong si gaga kilig na kilig sa pinapakita nitong boss kong mas malamig pa sa yelo kung tratuhin ako sa opisina.

Napayuko na lang ako. Buong meeting ay tahimik lang ako, nagt take down notes at hindi nakikisali sa usapan nila. Nawalan ako bigla ng gana parang gusto ko na lang humiga buong maghapon.

Nang matapos ang meeting ay hinatid namin si Aliyah at si Mr. Quintos. Nang makaalis ay dire diretso akong naglakad palayo kay Frost.

"Jez" tawag nito sa akin pero hindi ko siya nilingon dahil bwisit ako sa kanya.

"Jezreel" sigaw nito.

Bahala kang mapaos dyan!

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang huminto sa harapan ko ang motor ni Frost. Napairap ako nang makita ang mukha niya.

Kahit gaano ka kagwapo nakakainis pa rin ang ginawa mo sa akin.

"San ka pupunta?" inis na tanong nito

"Uuwi" maiksi kong sagot sa kanya

"Ihahatid kita" sabi nito

"Hindi kailangan" sagot ko sa kanya nang hindi siya tinitignan at nilagpasan siya.

"May problema ba?" sigaw nito.

Napabuntong hininga ako bago ko siya nilingon.

"Nirerespeto kita Sir at mataas ang tingin ko sayo pero sana sa susunod wag mo na akong isali dyan sa mga pakulo mong pagpapaselos lalo na kung hindi mo naman ako kayang ipagtanggol kapag iniinsulto na ako" mabilis akong tumalikod sa kanya at bagsak ang mga balikat na naglakad palayo sa kanya.

Kakabwiset! First time kong maramdaman ang ganito. Ano ba kasing problema mong puso ka. Pahamak ka eh.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status