Five years later…
“It is lolo’s wake, why am I not allowed to see him for the last time?” Pwedeng pagsabitan ng kaldero sa haba ng nguso na maktol ng anak niya kay Arianna.
“Because you are Mommy and Lolo’s secret. Did you already forget that?” malumanay na niyuko niya ito dahil tumigil na ito sa paglalakad. Naka-cross arms ito at naka-pout. “Maliah, listen to me. You promised to be a good girl if I take you home with me.”
“But Mommy…” hindi umubra ang pagmamaldita kaya luha naman yata ang susubukan nito sa biglang pamamasa ng mga mata nito. “He’s my Lolo. I want to see him…”
“I understand how you feel, anak. But right now is not the right time for everyone to see you.”
Maliah smiled sadly.
“How about we video call and I’ll let you see him?” Arianna offered, hoping it would work.
“Then you will do it secretly too?”
She nodded. Wala siyang pagpipilian sa ngayon. She cannot reveal Maliah’s existence yet.
“Would you want that?”
“I guess…”
Natawa siya nang mahina. Tumayo siya at inaya na ang anak na mabuti naman at naglakad na rin ulit. Sa totoo lang, nakakaabala na sila sa ibang dumaraan.
Nasa airport sila at papalabas pa lang.
Arianna looked ahead. It had been five years since she left. At ngayon ang unang beses na babalik siya sa bansa. She had not expected to return this soon. But Samuel suddenly died of cardiac arrest.
Masakit sa kanya dahil hindi niya alam na may dinaramdam ang kanyang ama. During his visits and their regular video calls, wala naman siyang nakitang senyales na hindi maayos ang kalusugan nito. In fact, he was a very happy grandfather to Maliah.
Well, she didn’t expect Maliah herself. Sa katunayan, nasa Amerika na siya nang mapagtanto niyang buntis siya. And who could the father be except the man she met at the bar? Iyong lalaking wala na nang magising siya kinabukasan.
Iyong lalaking hindi man lang niya maalala ang mukha…
But looking at Maliah, who didn’t get a single feature from her, may slight na siyang ideya sa itsura ng ama nito. He sure must have a lovely pair of blue eyes. Kasi hindi naman blue ang mga mata niya at sigurado siyang hindi rin naipalit ang anak sa ospital pagkapanganak.
So, there could only be one reason why her daughter would have blue eyes. Maliah inherited it from her father.
But it had been so long. And she had no clear memory of the man.
“Mommy, do you know that man?” Muling tumigil sa paglalakad si Maliah at nang tingnan niya ay nakaturo sa kung kanino.
Sinundan niya ng tingin ang tinutukoy nito and saw a man wearing sunglasses facing their direction. Matangkad ito, at hindi maitatanggi ang agaw-pansin nitong kagwapuhan.
“Does he know us?”
Naupo siya sa harap ng anak at ibinaba ang kamay nitong nakaturo pa rin. “Don’t randomly point your finger at someone. It’s rude, Maliah. And Mommy doesn’t know him. Besides, he’s not looking at us.” How could Maliah tell anyway? May suot itong dark sunglasses. “Look, there are a lot of people here. He may be waiting for someone else, okay?”
“Okay!”
“Let’s go.” Muli niya itong inaya habang tinatawagan naman niya ang hotel service nila.
Nang balingan niya ulit ang anak, nahuli niya pa itong kumakaway sa lalaki kanina. The man waved back. Kahit medyo malayo na ito sa kanila, parang nakita niya itong ngumiti.
Hindi na lang niya pinagtuunan iyon ng pansin. Maliah was a natural charmer. Cute ang anak niya at friendly. Well, that guy was not the first one na randomly ay kinakawayan ng anak niya. Minsan pa nga, nakikipag-usap ito sa kung kani-kanino kahit pa paulit-ulit niya itong bilinan na ‘wag makipag-usap sa strangers.
Arianna worried na makidnap na lang ang anak niya sa kadaldalan nito at pagiging overly friendly.
Hindi na rin naman nagtagal at nasundo na sila ng hotel service. Sa hotel muna sila tutuloy. Well, uuwi siya sa bahay nila kapag dumating na ang yaya ni Maliah. Hindi niya ito naisabay ng flight dahil nag-atubili pa itong sumama.
“Aren’t you tired, anak? SMillerp ka muna while I unpack, okay?”
“Not tired, Mommy. I’m hungry…” nakanguso nitong sagot habang nakasalampak sa ibabaw ng kama.
“Mommy will order food. What would you like to have?”
Excited itong bumaba ng kama at inunahan pa siya sa telepono. Napailing na lang siya at hinayaan ito.
Kinabukasan pa nakapunta sa burol ng ama si Arianna. Hinintay pa kasi niya si Daisy na yaya ng anak. She was a Filipina too dahil iyon talaga ang choice niya as she believes na walang mas maaruga kundi Pinay.
“Arianna,” mahigpit siyang niyakap ni Dominic pagdating niya. “You’re here. You’re really here…” Namasa pa ng luha ang mga mata ng binata.
But Arianna just gently pushed him away. Hindi niya gusto ang pagpapanggap nito.
Limang taon na ang nakaraan pero sariwa pa rin sa alaala niya ang gabing nahuli niya ito at si Bianca sa kama. She never told him about it, kaya siguro hanggang ngayon, pa-victim pa rin ito. Well, in the eyes of many, she abandoned her fiance for five years.
Hindi siya nakipag-communicate sa lalaki, kahit na kay Bianca. But they were thick faced to continue living in her house even though it was apparent that she had changed the way she treated them.
But Samuel knew what happened. When she was at a loss with her sudden pregnancy, nakipagkita siya sa ama. He was disappointed, of course. But he was an excited grandfather even then. Na mas lamang nitong naipakita at naipadama sa kanya na balewala ang naging pagkakamali niya dahil anak siya nito at ang nasa sinapupunan niya ay apo nito, kaysa sa disappointment nitong hindi niya natupad ang pangako niyang mananatiling malinis hanggang sa maikasal siya.
About Dominic and Bianca’s betrayal, Samuel told her to leave the matter to him.
Five years later, he was lying in his coffin while the traitors remained at their house. Sigurado si Arianna na hindi binalewala ng kanyang ama ang ginawa ng dalawa sa kanya, but maybe, he just ran out of time to make them pay for hurting her. He did mention to her that he discovered something during their last call. Hindi man nito nasabi kung tungkol saan iyon, Arianna thought it was worth finding out.
“You must be tired, why don’t you rest first?” Sinundan siya ni Dominic nang lapitan niya ang ama.
“I’m good, don’t worry about me,” malamig niyang sagot.
“Arianna, I know it’s not the right time—”
“It’s not. So, please, if you don’t mind, I want some alone time with my dad.”
He appeared hurt, but he let her be anyway.
Nang makita niya ang ama, kusang nag-unahang pumatak ang mga luha niyang ngayon niya lang pinakawalan.
“Dad!!!” she cried.
‘Darling,Our little Rian is growing up so fast. Wish you were here and share this joy with us…’Arianna wasn’t successful in holding back her tears. Dahil isang oras na niyang iniiyakan ang sulat ng kanyang ama sa likod ng larawan ni Maliah. He wrote it for her mother, Celeste, who had gone ahead of them for almost two decades already. Celeste was the only one who called her Rian. Kahit ang kanyang ama ay bihira siyang tawagin sa nickname na iyon. Samuel preferred calling her by her full name instead. Kaya naman sobrang precious kay Arianna ang nickname niyang tanging ang namayapa niyang ina lang ang tumatawag sa kanya. It was the reason why she hated it when Ali called her Rian. For her, the man had no right… However he came up with that name to call her, was beyond her. Although she used that nickname when she was young, not even Bianca called her that way. Eh si Alistair, nakilala niya lang recently when ‘Rian’ was already a memory. ‘Five years is not recent, Arianna… ‘ her
Arianna couldn’t believe what Alistair told her.Why must fate play with her this way? How did the man she spent a night of mistake with five years ago be the same as the only man who could help her reclaim AL Jewels now? “Are you crying, mommy?” Mabilis niyang tinuyo ang kanyang mga luha sabay umiling nang nakangiti sa anak. “No, anak. Parang sisipunin lang si mommy.” Tiningnan lang siya ni Maliah nang nagdududa kaya mabilis niya ring dinugtungan ang sinabi. “Did I wake you up?” Tulog na kasi ito kanina nang tabihan niya ito.Maliah shook her head bago sumiksik sa kanya. “I dreamed of daddy,” sabi nito.Parang kinurot ang puso ni Arianna. Hindi mapaghanap ng ama ang anak niya. But since she saw Alistair at the airport, lagi na nitong bukambibig ang salitang daddy. And to think nagkawayan lang ang mga ito noon.Did she somehow feel they were connected? But wait… If Alistar knew about Maliah all along, then did that mean he was really waiting for them at the airport? He knew they
Five years earlier…“Have you found her yet?” kalmado kahit iritable nang tanong ni Ali kay Oliver na kanyang right hand man. “Not yet, Sir. All the CCTV footage didn’t catch a good recording of her.”“That’s impossible. That place has a lot of CCTVs!” “She purposely blocked her face from the cameras, Sir.”“Not even one clear shot?” Umaasa pa ring tanong niya.“I’m afraid there’s none, Sir. We searched thoroughly but she disappeared by the next block where there were no longer cameras installed.”“How about the taxis that came by that area?” “We investigated every car that we got a clear plate number in the CCTVs. But we didn’t find the girl.”Napabuntong hininga na lang si Ali. It seemed that the woman did not want to be found. At wala siyang magagawa ro’n. If only his eyesight didn’t betray him, he could at least remember her face. Pero tuluyan na ngang bumigay ang kanyang paningin. In fact he was slowly losing it even before she saw the woman being harassed by a bar regular. W
“Mr. Miller, what a coincidence!” This time, legit na coincidence lang na nakita ng dalaga ang bilyonaryo. She was supposed to be out on a romantic dinner date with Dominic. Pero ang magaling, thirty minutes nang late. Tumanggi kasi siya na magpasundo rito, kaya ang resulta, nauna siya sa restaurant.Nakita niya si Alistair sa mesang hindi kalayuan sa kanya na mukhang mag-isang kumakain ng dinner. Thinking she was wasting time waiting for a traitor, she decided to approach Alistair and tried to make use of her time well.“Are you alone?” she asked, sitting across him uninvited.“You just sat on my companion’s lap, Rian…”Napakunot noo siya saglit bago na-realize ang corny joke nito. Ali was suppressing a smile while chewing his food gracefully. Ayon na naman ang dimples nito na kusang lumilitaw kahit hindi nito sadyain.Arianna managed a smile. “Well, she didn’t say anything. I guess it’s fine with her.”“How did you know it’s a she?”“Well—”“I’m kidding.” He wiped his lips and lea
“Mommy, is he my daddy?” Nagulat si Arianna nang biglang sumulpot sa likuran niya si Maliah. Nakita nito sa laptop screen niya ang mukha ni Alistair. Nagbabasa kasi siya ng article tungkol dito at sa Exquisite. “No, anak,” sagot niya at hinayaan na itong sumiksik sa kandungan niya.“But I think he looks like me,” giit ng bata na inilapit pa ang mukha sa screen. Natawa siya. Sa katunayan, tumatawa pa siya nang matigilan siya. Why, Maliah was correct. She didn’t realize that until now that her daughter mentioned it. Bukod sa parehong asul ang mga mata ng mga ito, Maliah looked like a younger female version of Alistair. Mabilis niyang ipinilig ang ulo. No, nadala lang siya sa sinabi ni Maliah. “Why are you looking at his picture?” “Nope. I’m reading an article about him. See, this man is called Mr. Alistair Miller. He owns a big company of jewels,” sabi niya sa anak, dismissing her earlier thoughts about her daughter’s similarity with Alistair. Nagkataon lang iyon. Marami talagang
Three days later, the auction items were still delivered to Arianna’s office. Pero nainis lang siya nang makita ang mga iyon. “Robert, send them back to Mr. Miller,” aniya sa assistant.“Ms. Lucero, have you given up on your plans?” Sa halip na tumalima sa utos niya ay usisa pa ni Robert. He even sighed like he was disappointed in her.“There must be some other way,” sagot niya. “How is it going with the acquisition of the smaller shares?”Umiling ito. By that, alam niya na walang progress ang backup plan niya. She had initially assigned someone to come to the other minority shareholders to buy their shares on her behalf. Well, hindi iyon pangalan niya sa ngayon, because like Alistair said, they did not trust her. Nainis siya lalo nang maalala ang lalaki. That night, they didn’t part well. Okay lang iyon dahil hindi na niya ito hahabulin para kumbinsihin na tulungan siya. He had made it as clear as day that just like the other shareholders, he also had doubts about her abilities.