Ang araw ng Linggo ay pangilin. Ang mga tao ay karaniwang nagsasadya sa sabungan sa Pilipinas. Samantalang sa España ay nagsasadya naman sa palaro ng mga toro. Ang larong sabong ay may isandaang taon na ngayong dinala sa lupaing ito. Ito'y pinaunlad upang pagkakitaan. Ito ay isa sa masamang hilig ng bayan na lalong masidhi kaysa paghitit ng apyan ng mga Intsik. Ang paglalaro ng sabong ay hindi naman ipinagbawal ng pamahalaan ngunit sila ay pinagbilinan na magsadya sa sabungan upang hanapin ang ilang kakilala.
Ang sabungan sa San Lorenzo ay walang iniwan sa mga sabungang nasa ibang bayan. Ito ay nahahati sa tatlong bahagi. Ang una ay ang pasukan. Ito ay may laki o sukat na dalawampung metro ang luwang. Sa isang panig nito ay may isang pinto at may isang babaeng naniningil sa pasukan. Ang isang bahagi ng pinagtipunan ng madla bago magtuloy sa pagdarausan ng sultada ay kilala sa tawag na ulutan. Dito ay makikita ang manok na tinali. Sa kabilang dako ang mga tahur, ang mga
Habang inilalaban ni Gobernador Gregorio ang kanyang lasak, si Doña Beatrice naman ay namamasyal sa bayan na ang layunin ay masdan kung paano namamahay at nagsasaka ang mga tamad na Indio. Panay ang pintas ni Doña Beatrice sa mga bahay ng mga Indio. "Hindi ko malaman kung paano sila nabubuhay dito? Kailangan ngang maging Indio. Mga walang pinag-aralan at mapagmalaki pa. Biruin mo nakakasalubong natin ay di man lamang nagpupugay." Iniutos ni Doña Beatrice sa asawa na paluin ang mga ito ng sumbrero at turuan ng urbanidad. Ngunit baka daw siya ay gantihan. Nagalit si Doña Beatrice sa asawa.Dumaan sila sa harap ng bahay ng alperes. Noon ay nakadungaw sa bintana si Doña Evelyn. Tulad ng kanyang nakagawian, siya'y nakapranela at nakatabako. Dahil mababa ang bahay kaya't nagkatinginan kaagad ang dalawang babae. Tinignan ni Doña Beatrice mula sa ulo hanggang sa paa si Doña Evelyn at matapos ngusuan ay dumura at lumingon sa kabila. Hin
Katulad ng sinabi ni Lucas, si Francisco ay dumating kinabukasan. Una niyang dinalaw ay ang tahanan ni Gobernador Gregorio upang kanyang makita si Felicidad at maibalita na hindi na siya excomunicado. Lubhang ikinagalak ni Tiya Flora ang balita sapagkat sadyang kinagigiliwan niya si Francisco at ayaw niya na makasal si Felicidad kay Lucas. Si Gobernador Gregorio ay wala noon sa bahay. Pinatuloy ni Tiya Flora si Francisco Alonzo at tinawag niya si Felicidad para ibalita nito na si Francisco ay hindi na excomunicado.Subalit si Francisco ay nagulat sa kanyang nakita. Noo'y nakita niya si Lucas na kalapit ni Felicidad sa balkon at nag-aayos ng punpon ng mga bulaklak at dahon ng mga baging samantalang sa lapag ay nagkalat ang mga rosas at sampaga. Si Felicidad ay namutla. Ito ay napasandig sa silyon at nilaro ang isang abanikong garing.Pagkakita ni Lucas kay Francisco ay namutla ito at pinamulaan naman ng pisngi si Felicidad. Gusto sanang tumayo ng dalaga ngunit dahil sa
Hindi pa lumulubog ang araw, si Francisco ay sakay na sa bangka ni Claudio na nasa baybayin ng lawa. Medyo ang binata ay di yata nasisiyahan."Ipagpaumanhin po ninyo ang aking kapangahasan na makipagtipan sa inyo. Ninais ko po kayong makausap ng sarilinan. Dito ay walang gagambala sa atin sa loob ng isang oras tayo ay makakabalik na.""Namamali kayo, kaibigang Claudio," ang sagot ni Francisco. "Kailangan ninyo akong maihatid sa bayang iyan na ang kampanaryo'y ating natatanaw dito. Sapagkat nakatagpo ko ang alperes na nagpupumilit na sumama sa akin. Dahil sa nalalaman ko na kayo ay kilala na niya kaya sinabi ko na ako ay pumunta sa ibang bayan.""Nagpapasalamat po ako sa inyong pag-aalala, subalit sana ay inyo na siyang inanyayahan na kayo'y samahan," ang tugon ni Claudio. "Pero paano kayo?" "Ako po'y hindi niya makikilala. Sapagkat sa minsang pagkakita sa akin ay di niya matatandaan ang aking pagmumukha.""Ano po ba ang sasabihin ninyo sa akin?" Tum
"Marahil ay may mga animnapung taon na ngayon, ang aking nunong lalaki ay nanirahan sa Maynila. Siya ay nag lingkod ng pagka-tenedor de libros sa bahay ng isang mangangalakal na Kastila." Ang nuno ni Claudio ay mag aanak ng isang lalaki. "Ngunit kung anong dahilan at ang pinagtatrabahuhan ng nuno ay nasunog. Sa isang iglap ay lumaganap ang apoy sa buong bahay. Ang halaga ng natupok ay malaki. Hinahanap ang may sala at ang aking nuno ay siyang isinakdal. Siya ay tumutol ngunit walang nangyari pagkat mahirap at hindi kayang bumayad ng mahusay na abogado. Siya ay hinatulang paluin at ilibot sa mga lansangan sa Maynila. Ang aking nuno ay itinakwil, maliban sa kanyang asawa. Siya ay ginapos sa isang kabayo at pinalo sa bawat panulukan ng lansangan sa harap ng maraming tao. Nawalan ng malay ang aking lolo sa tindi ng palo. Siya'y pinalaya matapos tampalasanin. Ang asawa niya na noon na nagdadalang tao ay humanap ng gawain o kaya'y namalimos sa bahay-bahay upang mapangalagaan ang may
Si Lucas sa walang-kibo at balisa ang kalooban. Sapagkat katatanggap lamang niya ng isang sulat buhat kay Doña Beatrice na nagsasabi ng ganito:Mahal kong Pinsan: Sa loob nang tatlong araw ay inaantay kong malaman sa iyo kung na patay ka na ng alperes o napatay mo na siya. Ayoko ng lumipas pa ang isang araw na di maparusahan ang hayop na iyon. Kung matapos ang taning na ito at di mo pa siya hinahamon sa pag lalaban ay sasabihin ko kay Don Gregorio na kailanman ay di ka makakasama sa kasiyahan ni Heneral Arsenio Martinez. Sasabihin ko kay Felicidad na pawang kasinungalingan ang lahat at di na kita bibigyan ni isang kuwalta. Kung kakalabanin mo siya ay ipinapangako ko sa iyo, ang lahat mong maibigan. Titingnan ko kung kakalabanin mo siya at kung hindi ay ipinapangako na di ka makahihingi sa akin ng paumanhin o makapagdadahilan.Ang pinsan mong nagmamahal. sa iyo nang buong puso.Beatrice de los Reyes de España,
Ang buwan ay natatabunan ng maulap na langit. Malamig ang ihip ng hangin na nagbabadya na nalalapit na ang Disyembre na siyang pumapalis sa dahong tuyo at alikabok sa makipot na daan patungo sa libingan.May tatlong anino ang marahang nagngungusap sa ilalim ng pinto. Ang paksa ng kanilang usapan si Francisco at si Claudio. Itinanong ng isa kung nakausap nito si Claudio. "Binanggit naman ng isa na si Don Francisco ang nagpadala sa aking asawa sa Maynila upang ipagamot kaya hindi ako makatanggi sumama sa kilusan. May isa na nagsabi na lulusob sa kumbento upang singilin ang mga kasamahan ng kura. Ang ilan ay nagsabi na sila naman ang lulusob sa kuwartel.Sa kadiliman ay kanilang na aninaw na may isang aninong dumarating na namamaybay sa bakod. Maya-maya ay humihinto at tumitingin sa kanyang likuran.Sinalubong ng tatlong anino ang naunang anino. "Maghiwa-hiwalay tayo sapagkat may sumusunod sa akin. Ang inyong mga sandata ay bukas na lamang ninyo tatanggapin. Sa gab
Kumalat sa buong bayan ang balitang maraming ilaw sa libingan ng sinundang gabi. Ang mga mang sa kapatiran ni San Antonio ay siyang nag balita ng mga nakitang nakasinding kandila. Kanilang inilarawan pati hugis at laki ng mga ito ngunit hindi naman nila matukoy ang bilang ng nasabing mga kandila. Ngunit kanilang tinataya na baka daw may dalawampu. Si Hermana Cynthia ang kasapi naman ng Cofradia ng Santisimo Rosario, bagamat malayo ang kanyang tahanan sa libingan ay nagsasabing sila naman daw ay nakarinig ng panaghoy at paghikbi.Nang umagang iyon, ang kura ay nagsermon na may kaugnayan sa purgatoryo. Si Don Julio ay may ilang araw ng maysakit, na panghihina ay matuling naglulubha. Dinadalaw siya ni Don Vito."Ang totoo ay hindi ko alam kung dapat ko kayong batiin sa pagkakatanggap sa inyong pagbibitiw ng katungkulan. Kayo ay nakikipagtunggali sa mga guwardiya sibil na di naman nararapat.""Sa panahon ng digmaan ang puno ay dapat manatili sa kanyang tayo."
Tumugtog ang mga batingaw. Ito ay hudyat na ng orasyon. Ang lahat ng tao nang marinig ang orasyon ay huminto sa kani-kanilang ginagawa at ang mga lalaki ay nag-alis ng sumbrero. Sa mga bahay-bahay naman ay maririnig ang malakas na pagdarasal ng Angelus (orasyon).Samantalang nang mga sandaling iyon ang kura ay nakasumbrerong humahangos na nagtungo sa bahay ng alperes. Nang makita si Padre Pedro ng mga nagsisipagdasal ay biglang lumapit upang humalik sa kamay. Hindi sasalang may mahalagang bagay ang gumiit sa kanyang isipan at sa gayon ay malimutan ang kanyang sariling kapakanan at ang simbahan.Mabilis na nakaakyat si Padre Pedro sa bahay ng alperes at makailang beses na tumawag. Lumabas naman ang Alperes na kunot ang noo kasunud-sunod naman ang asawang si Doña Beatrice."Padre kura! Ako'y talagang papunta sa inyo dahil sa inyong kambing. Hindi ko maitutulot na sirain sa tuwi-tuwina ang aking bakod kaya pag nagbalik ay babarilin ko." "Iyan ay kung m