Share

Kabanata XLV: Ang mga Nagrerebelde

Ang liwanag ng buwan ay malamlam. Masisinsin at mayayabong ang sanga ng mga punong kahoy. Ngunit may isang lalaki na banayad at mahinahong lumalakad sa kagubatan. Sa kabila ng maraming sagabal ay nakarating din siya sa isang maliit na puwang na naliliwanagan ng buwan na noon ay bago pa lamang lumalaki. Dito ay may matatayog na batong buhay na sa tuktok ay tinutubuan ng mga kahoy ang nakapaligid sa naturang pook.

Sa wakas dumating din ang naturang lalaki. Biglang lumitaw ang isang lalaki buhat sa likod ng isang malaking batong buhay. Sabay hugot sa rebolber. "Sino ka?" Ang marahas na tanong ng lalaking nagkakasa ng sandatang hawak-hawak. "Kasamahan ba ninyo ang si Kapitan Pablo?" Ang tanong ng lalaki na di pinansin at ikinatakot ang gayong pagsino. "Si Kapitan Pablo ba ang iyong tinutukoy? Oo narito siya." "Maaari po bang pakisabi sa kanya na hinahanap siya ni Claudio," ang sabi ng lalaki, ang mahiwagang piloto. 

"Kayo po ba si Claudio?" ang my paggalang na tanong

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status