Share

Kabanata XXIV: Sa Gubat

Maagang-maaga nakapag misa noon si Padre Pedro. Pagkatapos ng misa, binasa ang ilang sulat na dinatnan sa kumbento. Pero nang matapos mabasa ang sulat tila nawalan ng gana. Ni hindi napag-ukulang inumin ang nakahandang tsokolate hanggang tuluyang lumamig.

Hindi mapakali, nagpalakad-lakad sa maluwag na bulwagan na waring nag iisip ng malalim habang hawak ang nilamukos na sulat.

Sa di kawasa'y ipinahanda ang kanyang karwahe. Sumakay at pinag-utos sa kanyang kutsero na ihatid siya sa gubat na pinagdadausan ng piknik. Pagdating ni Padre Pedro sa lugar na hindi kayang pasukin ng karwahe ay inutos na lamang sa kanyang kutsero na ibalik ang kanyang sinasakyan at siya'y maglalakad na lamang. 

Malayu-layo na rin ang nalakad no Padre Pedro sa looh ng madilim at mabaging na gubat nang makarinig siya ng masayang halakhakan ng mga kababaihan na nagmula sa dakong batis. 

"Kung makakatagpo ako ng pugad ng gansa. . ." anang isang kaakit-akit at matamis na tinig

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status