Share

Kabanata XXXII: Ang Panghugos

Isang lalaking may madilaw na kutis ang tumupad sa kanyang salita. Isang di pangkaraniwang makinarya o panghugos ang kanyang itinayo. Ito'y gagamitin sa pagbababa ng malaking tipak ng batong buhay bilang hudyat ng paglalagay ng unang bato sa ipinatatayong paaralan. Hindi karaniwang panghugos lamang na may kalo sa dulo ang ginawa ng taong ito tulad ng sinabi ng foreman na si Juan. Lumikha siya ng isang kahanga-hangang makinarya.

Iyon ay may taas na higit sa walong metro. Sinusuportahan ito ng apat na malalaking troso na pinagkabit-kabit sa tuktok sa pamamagitan ng mga malalaking pako. Bawat gilid ng makinarya ay may malalaki at matitibay na kable o lubid. Sa dulo ng mga malalaking kable ay nakabitin ang malaki't napakabigat na batong buhay na may uka sa gitna upang siyang maging pang-ibabaw na isa pang may ukang bato na naihugos na sa hukay. Sa guwang na ito, ilalagay ang isang kahang kristal na paglalagyan ng mga kasulatan, ng mga pahayagan, mga medalya, salapi, ginto at iba

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status