Nakabalik ka agad si Francisco sa pinagdausan ng pagbabasbas. Isang marangyang pananghalian ang inihanda para sa mga panauhin na kilalang mga tao sa lipunan. Naroon at nakaupo sa magkabilang dulo si Francisco at ang alkalde. Nasa gawing kanan ni Francisco si Felicidad at nasa gawing kaliwa naman ang eskribano. Naroon sa magkabilang hanay sina Gobernador Gregorio, alperes, ang kapitan, mga prayle, mga kawani at ilang mga kadalagahan. Masaya at masigla ang lahat. Noon ay nangangalahati na ang tanghalian ng biglang dumating ang mensahero na may dalang telegrama kay Gobernador Gregorio. Binasa ni Gobernador Gregorio ang telegrama.
Sumiglang bigla si Gobernador Gregorio at may pagmamalaking sinabi: "Mga ginoo, ang kanyang kamahalan ang Kapitan Heneral ay darating at sa aking bahay tutuloy."
Pagkasabi niyon ay nagmamadaling umalis si Gobernador Gregorio at naiwan tuloy ang kanyang sumbrero. Samantalang nagkakatinginan ang nga prayle na malinaw na ang ibig sabihin: "Isang p
Patuloy ang pagluha ni Felicidad at di alintana ang pag-alo ng kanyang ali at ni Luningning. Ipinagbabawal ng kanyang ama ang pakikipag usap kay Francisco hanggang hindi pa ito inaalisan ng excomunion ng mga prayle.Samantalang abalang-abala naman si Gobernador Gregorio sa pag-aayos ng kanilang tahanan para maging marapat sa pagdating ng Kapitan Heneral ngunit siya naman ay ipinatatawag sa kumbento.Noon ay naghahalinhinan sa pag-alo si Tiya Flora at Luningning kay Felicidad. Upang maibsan ang nararamdaman ni Felicidad, sinabi ni Tiya Flora sa kanya na susulatan nila ang Santo Papa at maglilimos ng malaking halaga. Si Padre Ignacio ay nawalan lang ng malay at hindi siya namatay. "Huwag kang mag-alala," alo ni Luningning, "ako ang bahala para kayo ay magkausap ni Francisco."Bumalik kaagad sa bahay si Gobernador Gregorio. Napansin ni Tiya Flora ang kalungkutan ni Gobernador Gregorio. Si Gobernador Gregorio ay nanahimik, nagbubuntunghininga. Pinilit ni Tiya Flora
Gustong makausap ng Kapitan Heneral si Francisco. "Napakagaan ng aking kalooban sa binatang iyon," ang sabi niya. "Ipinahahanap na po siya, Kapitan Heneral. Nariyan po sa labas ang isang binatang taga-Maynila na humihingi ng pahintulot na kayo ay makausap. Ang sabi po namin na kayo ay walang panahon ngunit sinagot po niya kami na kayo ay laging may panahong magbigay ng katarungan." Napatakang bumaling ang Kapitan Heneral sa alkalde. "Kung hindi po ako nagkakamali," sabi nito ay "siya po ang binata na nakagalit ni Padre Ignacio sa sermon kaninang umaga. Gusto yata talagang guluhin ng prayleng iyon ang lalawigang ito sa pag-aakalang siya ang nag-uutos dito. Sige papasukin ang binatang iyan." Sa kabilang silid na kalapit ng bulwagang kinaroroonan ng Kapitan Heneral, naroon at naghihintay ang mga Kastilang kaumpok ng mga militar, may mga katungkulan sa bayan, mamamayan ng San Lorenzo at lahat ng mga prayle maliban kay Padre Ignacio. "Ipinagbibigay-a
Gabi na. Ang mga parol ay nasisindihan na sa mga bintana. Ang ikaapat na prusisyon ay lumabas sa simbahan na sinabayan ng dupikal ng mga kampana at ng mga paputok.Mula kina Gobernador Gregorio, ang Kapitan Heneral ay nanaog at naglakad na kasama ang dalawa niyang kagawad, si Gobernador Gregorio, ang alperes, ang alkalde at si Francisco. Nasa unahan ang mga guwardiya sibil at makapangyarihan sa bayan. Sa tapat ng bahay ni Gobernador Gregorio ay may kubol na siyang pinagdarausan ng pagbigkas ng loa o kaya ay papuri sa kabunyian ng banal na pintakasi.Sa ganang kay Francisco, hindi naman niya gustong manood ng prusisyon. Walang mabuti sa kanya kung hindi ang maiwan sa bahay kasama si Felicidad at ang mga dalagang kaibigan nito. Ngunit matatanggihan ba niya ang Kapitan Heneral na sumama sa kanilang grupo? Wala siyang nagawa kung hindi ang libangin na lamang ang kanyang sarili at umasang makikita rin niya ang katipan sa dulaan.Ang prusisyon ay makikita
Ang bahay ng alperes ay nakapinid habang dumaraan ang prusisyon. Si Doña Evelyn ay kilala bilang Paraluman ng Guwardiya Sibil. Ang hindi natin alam sa kanya ay kung napapansin din kaya niya ang nakamumuhing anyo ng kanyang noo na may mapipintog at malaking mga ugat na dinadaluyan ng di dugo kundi ng tika suka na mapait pa sa apdo. Na ito ay binagayan ng kulay talong na mga labi at tabakong nakasupalpal sa kanyang bibig.Ang maybahay ng Alperes o si Doña Evelyn ay nakaupo sa isang maluwang na silyang nakatunganga at mukhang inaantok. Ang kanyang kasuotan ay nakakainis tingnan.Hindi nagsimba ng umagang iyon si Doña Evelyn. Ito ay sa dahilang ayaw niyang lumabas ng bahay at magpakita sa tao. Pero ang totoong dahilan ay pinagbawalan siya ng alperes at ang pagbabawal na iyon ay may katumbas na mura. Ito ay may kasamang banta na sisipain siya kapag siya ay lumabas ng bahay. Ang totoo nito ay ikinahihiya niya ang kaniyang asawa. Idagdag pa na ang a
Noon ay mag-iikasampu na ng gabi. Ngunit meron pa rin ang manaka-nakang putok ng kuwitis. Sa kaitaasan ay makikita ang mga lobong papel na may maningning na kulay. Ito ang pinataas sa pamamagitan ng asoge. Subalit ang mga ilaw ay nasindihan. Mga pailaw na may sarisaring hugis at laki. Ito ay may hugis gulong ng sasakyan, may hugis ng bahay may parang kalabaw, may parang kastilyo at may parang malalaking bituin at araw. Talaga namang naglustay ng salapi ang San Lorenzo. Matapos ang putukan. Humugos ang mga tao sa liwasan upang dumalo sa pagtatanghal ng dula. Dito ay may sinususuhang luses de Bengala. Ito ang nagbibigay ng isang kagila-gilalas na kariktan sa masasayang grupo ng mga tao. Malaki ang entablado, nagliliwanag gawa ng libu-libong mga ilaw na nakapaligid at buhay na nakasabit sa bubong at nakaungos sa lupa. Ang orchestra ay nasa harap ng entablado. Na paminsan-minsang nagpaparinig ng mga simulang tugtugin. Sa likod naman nito'y nakaupo ang mga mayayaman
Hindi dalawin ng antok si Francisco. Balisa siya. Minabuti niya na pumasok sa kanyang gabinete. Gusto niyang malibang at maiwaksi ang malungkot na pangyayaring naganap sa buong magdamag.Pumasok ang utusan at ipinababatid sa binata ang pagdating ng isang tagabukid. "Patuluyin mo," ang sagot ni Francisco na hindi man lamang lumingon. Tumuloy si Claudio at nanatili sa pagkakatayong di umimik. Parang nagulat si Francisco nang mapansin si Claudio. "Ipagpaumanhin po ninyong pinaghihintay ko kayo. Mayroon po akong mahalagang ginagawang pagsubok.""Hindi ko po sana gustong kayo'y gambalain," sagot ng piloto. "Ngunit nagsadya po ako rito, una baka may ipagbibilin kayo sa lalawigan ng Batangas pagkat pupunta ako roon at ang pangalawa ay ipaalam ko sa inyo ang isang masamang balita." Tinitigan siya ni Francisco. "Si Felicidad po ay may sakit." "Anong sakit niya?" "Nilalagnat po, pero huwag kayong mabahala, hindi po naman malubha ang kanyang sakit.""Maraming s
Naghahari ang kalungkutan sa bahay ni Gobernador Gregorio dahil sa pagkakasakit ni Felicidad. Nakapinid ang mga durungawan, nakatiyad kung lumakad ang mga tao at sa kusina lamang maaaring makapag-usap nang malakas.Si Gobernador Gregorio at Tiya Flora ay nag-uusap. Ang paksa ng kanilang usapan ay tungkol sa Krus ng Tunasan at sa Krus ng Matahong at kung ano ang mas mapaghimala. Ang Krus ng Tunasan ay lumalaki datapwat ang Krus ng Matahong ay nagpapawis. Ang lahat ay nagpapawis at kaya mas mainam ang lumalaki, ang dahilan ni Tiya Flora.Tumango-tango si Gobernador Gregorio pero hindi kumbinsido sa sinabi ng pinsan. Tanong ni Gobernador Gregorio, "Nakakita ka ba ng kahoy na ginawa ng paa ng bangko na nagpawis. Kaya nga mabuti siguro para sa madaling paggaling ni Felicidad ay maglimos tayo sa dalawang krus at baka mag hinanakit pa sa kanila ang isa." Bigla siya ang may naalaala dapat nga palang iayos ang silid ng dalaga sapagkat darating ang manggagamot at may kasam
Walang pinansing sinuman si Padre Ignacio. Siya ay tuloy-tuloy na pumasok sa silid ni Felicidad. Nilapitan niya ang may sakit na dalaga. Halos maiyak si Padre Ignacio, basag ang tinig niya. "F-Felicidad, anak ko! Hindi ka mamamatay."Marahang iminulat ni Felicidad ang mga mata. Tiningnan nito si Padre Ignacio ng may pagtataka. Lalong tumingkad ang lungkot at kaba sa mukha ng Franciscano. Gayon man ang mga taong naroroon ay naging saksi sa tagpong iyon. Kilala nila ang katigasan ng damdamin ng paring ito. Alam nila ang pagkawalang-puso nito. Ngunit ngayon ay nangingilid ang luha sa mga mata. Sa wari'y hindi matagalan ang tinitimping damdamin at tumalikod si Padre Ignacio. Doon niya ibinukas ang lahat ng kanyang sama ng loob. Siya ay napaiyak. Lubhang napamahal sa kanya ang kanyang inaanak, iyon ang naisip na dahilan ng lahat.Nang medyo nahimasmasan na ang kanyang loob ay magalang na lumapit sa kanya si Doña Beatrice. Gusto niyang ipakilala si Lucas. Tiningnan ni